Chapter 31 : The Concert - Back to me

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Rayden Jomar 'Joms' POV

Ibang banda na ang kumakanta sa stage. Halos hindi ko na din makita ang iba kong kasama kanina.

"Uy, Joms" tinignan ko ang tumawag sa akin

"Yow Gwyn"

"Nakita mo ba sila Zarah?"

"Hindi, hinahanap ko nga din sila Jairus"

"Nasaan na kaya sila" tinitigan ko si Gwyn

Maganda sya, mabait halos nasa kanya na lang lahat. Hindi sya mahirap pasiyahin at mahalin.

Hindi sya mahirap pangitiin at pag sya ay ngumiti o tumawa ay mahahawa ka dahil sa ganda ng mga ngiti nya.

Hindi sya mahirap mahalin dahil halos nasa kanya na ang lahat.

Gusto ko sya.

Pero hindi bilang lover kundi bilang kaibigan. Nang malaman ko ang tungkol kay Jairus noon ay hindi ako nag dalawang isip na palayuin sya kay Jairus at hindi ko napigilan na sabihin kay Jairus na layuan nya si Gwyn.

Naging mahalaga sa akin si Gwyn hindi lang dahil anak sya ng Hades at mas mataas sya sa akin bilang lider ng Peyton. Kundi dahil napalapit na saya sa akin.

"Huy" napakurap ako "Si Sofy nasa likod" bulong nya, tumingin ako sa likod, si Sofy nga habang naka tingin sa stage "Lapitan mo na" tumingin ako kay Gwyn

"What?" tanong ko

"You can go"

"But how about you?"

"It's okay" ngumiti sya "Well ako na lang aalis" tinapik nya ang balikat ko "Take care"

Nang makaalis na si Gwyn ay tumingin ako kay Sofia. Nakatingin din ito sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Hey" bati ko

"Hey" bati nya pabalik

Huminga ako ng malalim "Can we talk?"

"Why?"

"I just want to talk to you"

"Joms"

"Please"

Huminga sya ng malalim bago nag lakad palayo. Sumunod ako sa kanya.

Hindi kami masyado lumayo pero rinig pa rin namin ang kanta mula sa stage.

Tumingala sya sa kalangitan habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

Namiss ko yung ganito.

Tumingala din ako sa kalangitan. Maraming bituin at malaki ang buwan.

Mula naman dito kung nasaan kami naroon ay naririnig ang tugtugin sa stage.

♪ ♬ "Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering of what have I done wrong
Maybe I'm just
Missing you all along
When will you be coming home
Back to me" ♪ ♬ kanta ng bokalista

"Ano ang sasabihin mo?" tanong ni Sofia

Napatingin ako sa kanya "Sofia I just want to say sorry"

"For what?"

"For leaving you"

She smiled "I understand and I told you it's okay, wala na sa akin yun"

"But Sofia"

Tumayo sya at tumingin sya sa akin "Look... natanggap ko na, tanggap ko na lahat Joms"

Tumayo din ako para mag pantay kami "Listen to me first Sofia"

"I don't want to, ayaw ko na makinig kasi baka..." tumigil sya saglit bago ulit mag salita "...Baka hindi ko na mapigilan at baka mahulog lang ulit ako sayo, hayaan mo na ako, konti na lang Joms, konti na lang makakalimutan na kita" tumalikod sya pero hinawakan ko sya

"I want you back Sofia" pumunta ako sa harap nya at tumingin ako sa mata nya "Please back to me"

"Back to you? Joms you are the who give up first, you breaking up with me, I'm ready to listen and I'm waiting for your explanation, but the next thing I knew... You giving up on me"

♪ ♬ "Sleepless nights
Cause you're not here by my side
Cold as ice
I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home" ♪ ♬

"How many nights that I talk to my self and thinking that what I've done? I almost give everything because I love you, how many nights that I'm waiting for you to come back to me, but you didn't"

"I'm almost waiting for you too, to come in my house and begging to stay"

"Damn, Joms, I'm a girl, what do you expect me to do, do you want me to come back to you?"

"I want you back, because I still love you"

"Ngayong alam mo na ayos na ako. Ngayong alam mong tanggap ko na kaysa mo sasabihin yan"

"Because I don't want you to get hurt, kaya ko nagawa na iwan ka, I don't want you to get involved to my chaotic world"

"Pero naisip mo ba yan yung mga araw na niligawan mo ako? Naisip mo ba yan yung mga araw na pinaniwala mo ako kung gaano mo kamahal. The day that I said yes to you, the day that I accept your love and the day that I get involve to your life"

"Then let's fix this"

"What? Shit" napahawak sya sa sentido nya "Sa tingin mo ganun kadali yun? In just one tap, okay na? Isang ngiti, isang pakilig ulit, isang salita mo lang, sa tingin mo babalik agad, sa tingin mo aayos agad"

"Then let's start again, I'm willing to start again"

"But what about Gwyn huh?"

"I can't see my future to be with her, but I know she can understand, Sofia, I know from the very start na alam kong mali ang ginawa kong pag alis, but I don't want you to get hurt because I love you, I explain everything to you, if I'm going to marry a woman, I'll make sure that it's you, you're my world, my light, my home, I want you to come back to me and I'm willing to start over, I'm willing to give up everything just to be with you, I'm willing to forget everything, I'm willing to sacrifice everything to make you happy, I just want you to trust me"

"I want you to come back to me too, but this is not the right time, Joms"

"This is the right time Sofia, just tell me what to do and I'm willing to do that to you" lumapit ako sa kanya at pinusan ang luha na tumutulo sa mata nya "I love you please back to me" Nilapit ko ang mukha ko at tumungo sa kanya para mag pantay kami "I love you" wika ko bago sya bigyan ng halik

Pumikit ako bago ko maramdaman ang pag ganti nya din ng halik sa akin.

Handa ko gawin ang lahat para sa kanya, ipag lalaban ko sya kahit ano ang mangyari, kahit ang buong mundo pa ang kalaban ko hindi ako susuko para ipaglaban sya.

Dumilat ako at tumigil sa halik. Dinikit ko ang noo ko sa kanya at tumingin sa mga mata nya.

Ang tagal kong hindi nakita ang maganda nyang mata.

Ngayon handa na ako, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Dahil kung meron mang babae na makakasama ko habang buhay ay gusto ko sya na yun.

Kahit umulit o mabuhay ako sa mga susunod na taon, sya at sya pa rin ng pipiliin ko.

Kahit madaming mga bituin ang nasa paligid, sya at sya ang susungkitin ko.

Hindi ako masasawang mahalin sya.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro