Chapter 32 : The Concert - Memorable Night

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Gwyn Reese POV

Para makapag usap sila Joms at Sofy ay iniwan ko na sila.

Totoong ayos lang sa akin. Hindi naman ako bitter kay Joms.

"Nasaan na ba yun sila?" tanong ko sa sarili ko habang tumitingin sa paligid "Nandito lang yun sila kanina, jusko naman"

Umupo ako sa isang bakanteng upuan na nasa unahan at tumingin sa stage. Lumilingon lingon ako at nag babakasakali na nasa paligid lang ang mga kaibigan ko. Nang tumugtog ang banda sa harap ay tumutok ako doon.

Pumikit ako at dinama ang kanta. Isang Cueshe song na pasensya na.

(Play nyo guys yung Pasensya na ng Cueshe)

"Psh" tumayo ako at nag simula ulit hanapin ang mga kaibigan ko

Pag hindi ko pa sila nakita uuwi na talaga ako.

Pumunta ako sa likod at iniikot ang tingin ko sa paligid. Pero imbis na ang mga kaibigan ko ang makita ko ay si Jairus.

"Galaw mo'y aking sinusundan, wag ka sana mawala, pag ikaw ay lumapit sa sobrang kaba"

"Uy" tawag ko ng makalapit ako sa kanya "Nakita mo sila Zarah?"

"She's with Bryson"

"Si Lenox?"

"With someone"

Someone?

"Si Khaye?"

"With Emory"

"E si Caleb?"

"Why are you looking for him?"

"Wala lang"

"Tss with his Girlfriend"

"May Girlfriend sya?" natatawa kong wika "May nag kamali hahaha"

Tipid na ngumiti si Jairus "Do you think so"

"I mean Pogi sya pero hindi lang talaga ako makapaniwala dahil alam mo kung gaano sya ka gago hahaha"

"Watch your words"

Ngumiwi ako "Tayo lang pala ang nandito"

"Where's Rayden?"

"Kasama ni Sofy"

"Hinayaan mo sya?"

"Na samahan si Sofy? Oo naman bakit hindi, si Sofy naman talaga hindi ako"

♪ ♬ "...kung may pagtingin ako sa iyo
Di mapigilan ang bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo, pasinin mo naman ako" ♪ ♬

Tumingin ako sa stage. Grabe nag papatama ba sila?

Kinakabahan tuloy ako.

Natapos ang kanta at sumunod ang hindi pamilyar na kanta pero cueshe din sya sa pag kakaalam ko.

♪ ♬ "Haunted by memories
I can't give up
Wish that I never let you go
And slip away
Had enough reasons
For you to stay" ♪ ♬

Natulala ako sa harap ng stage habang tumutugtog ang banda.

Enough ba ang dahilan ko para mag stay sya sa tabi ko. Madami na kaming memories ni Jairus at lahat ng iyon ay naaalala ko pa. Masaya man yun o hindi.

Nakatingin lang kami sa Stage at nakikinig sa mga kanta ng banda.

Jairus Gail POV

Nakikinig lang ako sa kanta ng banda. Pasensya na ang kinakanta nila. Gusto ko na sana umuwi dahil wala na naman ako gagawin dito.

Ngunit pag baling ko ay nakita ko si Gwyn, luminga linga ito na parang may hinahanap. Tinignan ko lang sya at ganun na lang ang gulat ko ng mag tama ang tingin namin.

Nakangiti syang lumapit sa akin, nakakabakla man pero pakiramdam ko bumagal ang galaw nya at bumilis ang galaw sa paligid.

Yung mga mata nya na kumikinang at ang mga nakakahawa nyang ngiti na palaging bumubuo ng araw ko.

"Uy" bati nya "Nakita mo sila Zarah?"

"She's with Bryson" sagot ko

"Si Lenox?"

"With someone"

"Si Khaye?"

"With Emory"

"E si Caleb?"

"Why are you looking for him?"

"Wala lang"

"Tss with his Girlfriend"

"May Girlfriend sya?" natawa sya napakagat ako ng labi ko para pigilan ang ngiti ko "May nag kamali hahaha"

Tipid akong ngumiti bago sumagot "Do you think so"

"I mean Pogi sya pero hindi lang talaga ako makapaniwala dahil alam mo kung gaano sya ka gago hahaha"

"Watch your words" saway ko palagi ko na syang napapansin na nag mumura

"Tayo lang pala ang nandito"

"Where's Rayden?" tanong ko kahit alam ko kung nasaan sya

"Kasama ni Sofy"

"Hinayaan mo sya?"

"Na samahan si Sofy? Oo naman bakit hindi, si Sofy naman talaga hindi ako"

Akala ko ba gusto nya si Joms? Bakit hinayaan nya na mag kasama ang dalawa.

♪ ♬ "Kaya pasensya na kung may pagtingin ako sa iyo
Di mapigilan ang bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo, pasinin mo naman ako" ♪ ♬

Tumingin sya sa stage habang ako ay hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Pero nag papasalamat ako na kasama ni Joms si Sofy, kahit ngayon lang ulit makasama ko sya, kahit ngayon lang ulit nasa tabi ko sya.

Sumunod ang isa pang kanta ng cueshe na back to me.

Hindi sya nawala sa akin pero gusto ko bumalik kami sa dati.

Marami akong nalaman pero hindi na rin sapat yun para layuan ko sya, dahil sa bawat araw unti unti akong nahuhulog sa kanya. Masyado na akong lunod sa kanya kaya hindi ko na alam kung paano makaka-ahon pa.

♪ ♬ "Haunted by memories
I can't give up
Wish that I never let you go
And slip away
Had enough reasons
For you to stay" ♪ ♬

Madami na syang nabigay na magandang ala-ala sa akin at kahit isa hindi ko makakalimutan maganda man o hindi. Kahit malaki ang rason ko na layuan ko sya at lumayo sya sa akin, palagi akong mag hahanap ng dahilan para manatili sa tabi nya.

Third person POV

Hindi mag kada ugaga si Gwyn ng lumabas ang paborito nitong banda. Ang Silent sanctuary.

Nag simula ang banda sa kantang 'Kundiman' na sinasabayan ng bawat tao na nanonood at nakikinig.

Halos yugyugin at paluin nito si Jairus sa sobrang saya. Napapangiti naman si Jairus dahil halos maluha si Gwyn.

♪ ♬ "Kundiman tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako lagi umalalay di ako lalayo" ♪ ♬

Napatingin silang dalawa sa isa't-isa. Ngumiti si Gwyn at ganun din si Jairus.

♪ ♬ "Dahil ang tanging panalangin ay ikaw" ♪ ♬

Umiwas ng tingin si Gwyn at tumingin ulit sa stage.

Kasabay na pag tingin ni Gwyn ay pag bungguan nila ni Jairus hanggang sa magitgit sila dahil sa mga nag tatalunan ng mga tao.

Napahawak si Jairus sa braso ni Gwyn ng muntikan na ito masubsob. Napatawa lang si Gwyn dahil doon. Ilang segundo pa ay sumasabay na din si Gwyn sa hiyawan at talunan ng tao nang tumugtog ang banda ng 'bumalik ka na sa kin'.

♪ ♬ "Sige na please wag na mainis bumalik ka na sa kin
Sige na please wag na mainis bumalik ka na sa kin
Sorry Mahal ikay nasaktan bumalik ka na sa akin" ♪ ♬

Nang huminto ang banda ay masaya itong bumati sa mga manonood.

"We love you Silent Sanctuary" sigaw ng ibang estudyante

"Sarkieeeeee" sigaw ni Gwyn, natawa naman si Jairus dahil sa inasta ni Gwyn "Jairus naiiyak ako shet, silent sanctuary"

"Hahahaha" tawa ni Jairus

Nag request ang ilang estudyante na ilang kantahin. Napapangiti naman ang ilang miyembro ng banda dahil halos minsan hindi nila maituloy ang pag salita nila dahil sa hiyawan ng estudyante.

Ilang kanta pa ang kinanta ng banda na syang sinasabayan ng mga tao.

"Owwww" ungol ng ibang manonood ng mag announce ang banda na last song na nila ang kanilang kakantahin.

Nang tumog ang keypad ay dumilim ng konti ang ilaw, nag labasan naman ng cellphone ang lahat ng manonood, para naman silang nga bituin sa isang madilim na gabi.

Nag taasan ang mga kamay ng iba habang mag kahawak. Kinuha ni Gwyn ang kamay ni Jairus bago tinaas at sumabay sa iba. Halos sabayan ng lahat ang kanta na iyon.

♪ ♬ "Tumingin sa aking mata
Mag tapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko" ♪ ♬

Tumingin si Gwyn kay Jairus na naka tingin lang sa stage. Binitawan ni Gwyn ang kamay ni Jairus na mapag tanto nya na hawak nya pala ito.

♪ ♬"Kailangan ba kitang iwasan
Sa tuwing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo lang"♪ ♬

Tumingin si Jairus kay Gwyn. Hindi pa nito kilala ang tunay na pag katao ni Jairus. Maaaring kilala nya ito sa pangalan pero hindi sa buong pag katao nito. Magaling mag tago si Jairus ngunit hindi ito marunong mag sinungaling pag si Gwyn na ang nag tanong.

"Gwyn I like you" sa pag sabi ni Jairus sa mga katagang iyon ay pag pukpok ng malakas na drum mula sa banda, kung kaya't hindi ito narinig ni Gwyn.

♪ ♬"Tumingin sa aking mata
Mag tapat ng nadarama
Di gusto ikaw'y mawala
Kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko"♪ ♬

Pero laking pasalamat na lang ni Jairus na hindi ito narinig ni Gwyn dahil maski sya hindi nya namalayan na nasabi nya iyon.

Pero masaya sya dahil kahit papaano ay nasabi nya ang katagang iyon.

Jairus Gail POV

"Grabe alam mo ba sa ilang taon ko sa school ito yung the best and my morable night sa Hayden, mantakin mo isa sa pinaka the best na banda ay nasa school" kwento ni Gwyn sa tabi ko

Alas Onse y trenta na ng gabi na natapos ang concert. Hindi ko pa sya naitatanong pero nag sabi pa nito na sasabay sya sa akin dahil gabi na.

"Tapos alam mo ba kanina habang nasa stage tayo yung mga friends ko may kanya kanyang love life, grabe siguro memorable din ang gabi nila"

"Yeah" maikling sagot ko

"Ikaw ba?"

"What?"

"Hindi ba naging memorable ito?"

"Hindi"

"Kung sabagay wala ka din love life hahahah" sumulyap ako sa kanya ng bigla syang tumigil sa pag gawa nya, binalik ko ang tingin sa daan at naramdaman ko ang pag galaw nya sa tabi ko "Si Diana pala"

"What about her?"

"Totoo bang nililigawan mo sya?"

Hindi ako sumagot sa kanya at seryoso lang ang tingin sa labas habang nag mamaneho.

Papasok na ako sa village namin at ilang minuto pa ay huminto na kami sa tapat ng bahay nila.

Tumingin ako at nakayuko lang sya.

Tulog na ba sya?

"Gwyn?"

Tumingin sya sa akin at nag babadya ang mga luha sa kanyang mata "Alam mo ba nag seselos ako sa kanya"

"Gwyn?"

"Ano ba yan bakit ako umiiyak" pinunasan nya ang luha nya

"Gwyn"

"Nag seselos ako kasi kaibigan mo ako, hindi mo man lang sinabi sa akin na ganun" pilit nya pinupunusan ang luha na tumutulo sa kanyang mata

Hinawakan ko ang mukha nya at pinunasan ang mga luha na tumutulo sa mata nya.

Tumingin ako sa mata nya. Isa sa mga ayaw ko yung nakikita syang umiiyak.

Nakatingin lang din sya sa akin.

Unti unti akong lumapit sa kanya at pumikit bago sya hinalikan. Ilang segundo lang ang tumagal nun ng maramdaman ko ang pag tulak nya sa akin

"Gwyn" wika ko

Hindi nya ako pinansin at nag madaling lumabas ng sasakyan at pumasok sa bahay nila.

Napasuntok ako sa manibela ng sasakyan ko.

"Bakit mo ginawa yun" bulong ko sa sarili ko

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro