Chapter 33

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Gwyn Reese POV

Kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa ginawa ni Jairus. Pumunta ito kaninang umaga pero ang sinabi ko lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko.

Pero totoo naman.

Hindi talaga maganda pakiramdam ko. Feel ko tuloy anytime lalagnatin ako.

Pero ang isang malaking tanong

Bakit o ano dahilan nya para gawin nya yun?

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Alas nuwebe na ng gabi, buong araw ko din hindi binuksan ang cellphone ko, wala din akong balak sumama sa outing bukas.

Wala ng tao sa baba ng mansyon tanging ilang tauhan lang, wala din si kuya at umuwi sa bahay nya para asikasuhin ang Peyton Company bukas.

Nasa Kitchen na ako bago kumuha ng pitsel at nag salin ng tubig sa baso. Umupo ako sa bar counter at ininom ang tubig.

"Yow girl" Nilingon ko ang tumapik sa akin

"What are you doing here?"

Tumingin sya sa paligid "Well" inabot nya sa aking ang brown envelope "Hindi ka sumasagot sa email ko at nakapatay ang cellphone mo, kaya sumadya na ako dito, may pinagawa din si Mr. Rohan sa akin kaya nakapasok ako dito, don't worry din hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol dito"

Kinuha at Binuksan ko ang brown envelope at tinignan ang laman nito "Dark Organization leaders, Desdemona. information" basa ko

"Ngayon ko lang nagbigay dahil kanina ko lang nakumpirma ang lahat" paliwanag nya "May sampung miyembro ang Dark organization, pero may pinakamataas sa kanila yun ang pinaka boss ng organisasyon, eleven members kung bibilangin"

Dark Organization
Boss of bosses : Unknown
Bosses :
Charlie Sawyer
Alexander Uy
Fidel De Leon
Eduardo Esteban
Lennon Leondale
Fernando Felix
Ronald Jagger
Arthur Axel Mayo
Ronnilyn Ray Sampaga
Jairus Gail Emerson

"Si Jairus?"

"Ayaw ko din sana maniwala pero ayon sa research ko, si Jairus ang bagong miembro ng organisasyon"

"Pero paano at bakit?"

"Sila Caleb at Bryson, isa sila sa miembro ng organisasyon na binuo ni Jairus o Desdemona kung tawagin at base sa pag sisiyasat ko pang lima sila sa mga listahan sa nangunguna sa underground transaction, Alpha ang tawag nila sa leader ng Desdemona, which is si Jairus"

"Wait so ibig sabihin, isa si Jairus sa gustong mawala ang inferno at ang Peyton. Dahil miembro na sya ng D.O.(Dark organization) "

"Impossible at possible yun"

Napatulala ako, ibig sabihin nun, kalaban na namin si Jairus.

"Wag ka mag alala Gwyn, isa pa hindi pa kumpleto ang impormasyon tungkol kay Jairus, kaya hindi natin masabi kung kalaban ba sya o hindi, bagong salta pa lang din sya doon"

"Sa ngayon Zarah wala muna makakaalam nito"

"Kahit si Mr. Rohan?"

"Kahit sya"

"Masusunod Ms. Gwyn"

Bakit hindi ko agad napansin ang lahat ng iyon kay Jairus. Kung isa na sya sa D. O, kalaban na din namin sya. Pero paano o ano gagawin ko.

Hindi na nag tagal pa si Zarah sa bahay at umalis na, sinabihan pa ako nito na sumama bukas at mag roroad trip lang daw kami para makapunta sa iba't-ibang lugar.

Pag alis ni Zarah ay umakyat ako sa kwarto ko at binasa ang tungkol sa D. O. May mga rules at regulation din ito.

Para maging parte o maging isang miembro ka ng Dark organization ay kailangan mo pumatay maski isang leader na naroon kung sino ang mapatay mo maaaring ikaw ang papalit doon.

Hindi lang sila basta basta leader, mga batikan na ito sa pakikipag laban, kumbaga matibay ang bawat tao at hindi mo agad sila mapapabaksak.

Sa oras naman na maging isa ka na sa kanila ay hindi ka pwede pumatay pa ng lider na miembro din ng dark organization.

Hangarin ng isa, hangarin ng lahat ang nakalagay pa dito. So ibig sabihin ay hangarin na rin ni Jairus na pabagsakin kami.

Ang Desdemona naman naman ay pinamumunuan ni Jairus. Alpha ang tawag sa kanya.

Sa Desdemona ay binubuo ng Hacker, Bomb creator at marami pang iba na katulad lang din na nakikita sa ibang mafia group.

Isa sa mga Hacker ay si Bryson Winston at marami pang iba pero si Bryson ang pinaka namumuno dito. Katulad ni Bryson. Si Caleb o Caliber Johnson pinaka leader ng syang taga gawa ng Bomba.

Binasa ko ang ilang impormasyon tungkol sa dark organization at ilang impormasyon tungkol sa mga lider na ito.

Tumingin ako sa oras at pasado alas tres na ng madaling araw.

Kinuha ko ang lighter ko sa drawer na tinago ko na ginagamit ko sa pag sunog ng ilang kumpidensyal na inpormasyon para walang makitang ebidensya.

Sinunog ko ang mga papel bago tinapon sa basura bago tinapon ang abo nito sa basura.

Humiga ako sa kama.

'Kung ganun kailangan ko mag ingat' bulong ko sa isip

Pero may parte sa akin na parang umaasa na hindi nya akong kayang saktan.

Pero hindi parte na sya ng dark organization, nanganganib kami dahil sa organisasyon na yun. Kaya kahit kaibigan at kababata ko sya, kailangan ko pa rin mag ingat sa kanya.

Tumayo ako at inayos ang gamit na gagamitin ko sa pag alis namin bukas.

Kailangan ko mabantayan ang kilos nya.

***

"Oh akala namin hindi ka sasama" tanong ni Khaye

Nandito kami sa isang pavilion kung saan dito daw mag kikita kita.

"Wala naman sya magagawa na sundo ko na sya hahaha" sagot ni Zarah

Isang sasakyan lang daw ang gagamitin namin.

"Hello sister's" Nilingon namin ang babae nag salita. Si Diana. Halos mapangiwi ako sa suot nya.

Halos kita ang kaluluwa nya, naka spaghetti strap sya na V-neck at halos kita ang pisngi ng dibdib nya, habang naman ang short nya ay literal na short talaga. Bagay naman sa kanya pero masyado syang revealing.

Bukod naman sa mga kaibigan ko ay nandito na din sila Bryson at Caleb, tanging sila Joms, sofy at si Jairus na lang daw ang wala.

Isang malaking camper van daw ang gagamitin namin at ang mga boys daw ang naka tokang mag drive.

Sabay sabay kaming lumingon ng may bumusina na sasakyan. Isang malaking itim na van. Huminto ito sa gilid namin at bumaba ang nag dridrve. Bigla naman akong kinabahan ng makita si Jairus.

Walang emosyon ang tingin nya pero diretso itong nakatingin sa akin. Umiwas ako, bumaba na din si Joms at Sofy na sakay ng van. Hindi din daw makakasama ang kaibigan nito dahil hindi daw pinayagan.

Bigla tuloy ako nag panic dahil hindi ako nakapag paalam na aalis ako. Pero bahala na tatawag naman ang mga yun pag hinanap nila ako.

"Let's go" wika ni Jairus

Pumasok na ako sa loob dala ang ibang bagahe ko, well isang maleta lang ang dala ko at isang bag.

8 katao daw ang kayang matulog sa bed, naka double deck sya, 3 double deck meron may bed naman na pwedeng hilain sa ilalim ng dalawang kama na pwede rin tulugan. Dahil sampu kami ay ang sabi ni Joms ay pwede gawing higaan ang drivers seat at passenger seat.

Nag dala naman din daw sila ng 4 na tent para incase. Sa loob ng camper van ay may sarili itong CR, pwede daw maligo doon.

Malaki ang camper van mala condo type ang datingan.

"First destination natin sa Pangasinan" wika ni Khaye habang hawak ang isang mapa.

May pinindot naman si Joms sa harap bago nag simulang mag drive.

"Okay buti na lang nag dala ako nito" nilabas ni Caleb ang uno card nya, umupo naman kami sa sahig.

Pinindot naman ni Joms ang speaker at nag pa tugtog. Nasa harap si Sofy at si Joms ang naatasan mag drive ngayon.

Umupo ako sa sahig at sumali sa laro.

"Ang matalo ay puro truth lang ang isasagot, kahit ilang tanong pwede" paliwanag ni Caleb.

Nag balasa si Caleb ng card at nag bigay ng tag 7 na baraha sa amin.

Ang laro sa uno card ay color by color number by number. Once na mag baba ang isang player ng plus 2 o 4 ay doon na mag sisimula kukuha ng baraha. Kung ilang plus ganun din kadami. Ang unang maubos na baraha ay tangal na sa laro ang huli naman na matapos ay syang talo.

Si Caleb, Bryson, Jairus, Dian, khaye, lenox Zarah at ako ang ikot ng baraha. Nasa lapag kami nakaupo sa kwarto.

Nag baba si Caleb ng singko na dilaw mula sa baraha nya. Sumunod si Bryson, habag sa nag sunod sunod na.

Sa unang laro ay natalo si Zarah at agad naman nag tanong si Bryson.

"Ano lagay nyo ng boyfriend mo?" tanong ni Bryson

Nag katinginan kami nila Lenox at Khaye. Katulad ni Bryson ay hinihintay din namin ang sagot ni Zarah.

"Break na kami" sagot ni Zarah "Nung isang araw pa"

"Ito girl incase lang na may manligaw sayo ngayon ano gagawin mo?" tanong ni Dian

"Siguro hindi muna, naniniwala kasi ako sa 3 months rule, kaya kung may manligaw sa akin hindi muna ang sagot ko" sagot ni Zarah

Wala na naman tanong ang iba at nag simula ulit ang laro. Nag simula ang ikot kay Zarah sumunod sunod ako, paikot.

Sa second round ng laro ay natalo si Bryson.

"Ngayong alam mo na ba Break na sila, may balak ka na ba ligawan si Zarah?" diretsong tanong ni Caleb

Napa side smile ako dahil tama nga ang hinala ko na may gusto ito kay Zarah.

"Parang gago naman ito" wika ni Bryson, natawa kami ng dalawang bakla dahil namula si Bryson.

"Hahaha sagot" patuloy ni Caleb

"Siguro after 3 months" nag tilian naman ang dalawang bakla kasama si Dian

Nag simula ang laro namin at puro tawanan lang kami, well except kay Jairus na pinag sakluban ng langit at lupa.

"Ano ang relasyon nyo ni Dian?" tanong ni Lenox, napatuwid ako ng upo

"Tss"

"Ano?" tanong ni Khaye

Tumingin sa akin si Jairus, umiwas ako ng tingin.

"Sige iba na lang" wika ni Caleb "about you and Gwyn, Do you see Gwyn to be your lover or to be your best friend forever?"

Napalunok ako sa tanong ni Caleb, grabe straight to the point din ang lalakeng ito.

"A friend" napatingin ako sa kanya ng sumagot sya

Hinawi ko ang buhok ko sa likod ko. Friend? E ano yung kiss?

"How about you Gwyn" tanong ni Caleb

"Bakit ako"

"Ikaw na lang ang hindi pa natatanong kaya pag bigyan mo na kami hahahaha" napaka talaga nito masyado tsimoso "Do you see Jairus to be your lover or to be your forever best friend"

"Friend" diretso kong sagot

"Walang mag best friend na opposite sex, duh" Sagot ni Dian

"E paano kami ni baklang khaye? Ibig sabihin ba nun lover ang tingin namin kila Zarah" tanong ni Lenox

"Baka tomboy ang tingin sa atin ni Dian bakla ka hahahaha" -Khaye

"Kung ikaw may pagnanasa sa kaibigan mong lalake, Dian, pwes si Gwyn wala" sagot ni Zarah

Umiling lang ako sa kanila. Tumayo ako "Gisingin nyo na lang ako pag nandoon na tayo" dumaretso ako sa kama bago humiga at nag taklob ng kumot

Kailangan ko muna ipag santabi ang feeling ko kay Jairus dahil sa nalaman ko sa kanya.

Oo matagal ko na syang kilala pero may side pa rin sa akin na parang nawalan ng tiwala kay Jairus, alam nya at nasabi ko lahat ng sikreto ko sa kanya, mali ang nagawa ko at hindi lang buong Peyton ang nasa panganib ngayon pati na rin ang buong inferno dahil lahat ng iyon ay nasabi ko kay Jairus.

Walang akong balak na matulog pero sa pag pikit ko ay nag tuloy tuloy ang tulog ko.

***

Nagising ako dahil sa tawanan at sigawan ng mga kaibigan ko. Tumayo ako at lumabas ng van.

Papalubog na ang araw, nasa isa kaming dagat marami din ang mga naka tent pero hindi naman marami ang tao na nadoon.

Naka latag na din ang apat na tent nag sisindi naman sila Jairus ng bonfire habang si Joms ay nag tutuhog ng hotdog.

Ang dalawang lalake naman ay inaayos ang tent para hindi ito liparin ng hangin.

Habang ang iba naman ay inaayos ang ilang gamit.

"Gwyn" tawag ni Joms

Lumabas at lumapit ako sa kanya at tinulungan sya sa ginagawa nya "Kanina pa ba tayo dito?"

"Hindi naman" sagot nya

"I'm done" wika ni Jairus sa likod namin

"Oh sige aayusin ko muna yung ibang pagkain, kayo muna dito ni Gwyn" umalis si Joms at iniwan kami ni Jairus

Si Joms pala ang nakatoka sa mga pagkain na iihawin, si Caleb sa mga meat para sa samgyup, si Bryson sa mga inumin, si Jairus well ito sa sasakyan, ang dalawang bakla naman sa ibang gamit na gagamitin, si Zarah sa Rice kaya kanina may dala itong isang sako ng bigas, si Dian, Sofy at ako naman ang naka toka sa ilang gagamitin namin pag gabi tulad ng mga ilaw at kaya nag dala kami ng solar light pati na rin kahoy na ginagamit namin sa bonfire ngayon.

"Gwyn" Nilingon ko si Jairus

"Bakit"

"About last Saturday night"

Napatigil ako "Ahm... About doon... Let's forget about that, Jairus"

"I didn't mean to do that, that is why I'm sorry"

"It's okay, it's just nothing" wika ko

Kinuha ko ang ilang hotdog na may stick na at pumunta sa gilid para iwasan na sya.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro