Chapter 34

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

9:30 na ng gabi at nag iihaw na lang kami ng mga marshmallow. Nag hapunan na din kami kanina kaya nag kwekwentuhan na lang kami. Siempre nangunguna dyan ang mga bakla at si Caleb na natural ng maingay talaga.

Pagkatapos namin mag usap kanina ni Jairus ay iniwan ko na sya para hindi na humaba ang usapin namin.

Hindi na rin muna kami nag kibuan hanggang ngayon.

Masayang nag tatawan ang lahat hanggang sa nag pasya ang iba na pumasok na sa loob para matulog. Nauna na din ako pumasok ang iba naman ay nanatili sa labas at doon na daw sa tent matutulog. Well ang mga boys ang naiwan para sa tent na daw matulog.

Ako si Sofy, Zarah at ang dalawang bakla ang nasa loob ng van. Nasa taas ng double deck si Zarah habang ako ay nasa baba si Sofy naman ay nasa ulunan namin kung saan may double deck at taas nito ay si baklang Khaye at sa gilid kung nasaan si Dian at nasa taas din nito si Lenox. Isa o dalawang tao naman ang pwedeng matulog sa lapag kung saan may pwedeng hilain na kama. Pero ang apat na lalake ay doon na daw matutulog sa tent para may mag bantay sa labas.

Kanina pa ako paikot ikot sa kama ko dahil hindi ako makatulong. Tumayo ako at lumabas ng kwarto bago nag salin ng tubig sa baso.

Gising pa kaya sila sa labas. Tumingin ako sa orasan saktong alas tres na ng madaling araw.

Lumabas ako ng van. Kakapatay lang ng siga nito dahil may usok pa. Konti na lang din ang tao na nasa labas.

Narinig ko ang ilang kaluskusan sa gilid. Dahan dahan akong lumapit sa pinangalingan ng kaluskos.

Ramdam ko ang ilang mabilis na galaw. Tanging liwanag lang ng malaking buwan ang meron. Lumapit ako sa mapunong bahagi ng lugar para tignan sana ang mga nangyayari nang may marinig ko naman ang pagkasa ng baril.

Bago pa ako makalingon ay may humila na sa akin at sinandal ako sa puno. Narinig ko naman ang pag tama ng isang bagay sa puno bago mag hunihan at lumipad ang mga ibon palayo.

Hinawakan ako nito sa bibig at nag sign na wag ako maingay. Si Jairus.

"Jairus are you okay?" bulong ng lalake sa gilid namin "Gwyn? What are you doing here?"

"Joms kayo ano ginagawa nyo dito?" balik na tanong ko

"We have no time" wika ni Jairus "Take care of her"

Sumilip si Jairus bago umalis sa harap ko.

"Let's go" hinila na ako ni Joms palayo doon at hinatid sa van

"Joms" bungad ni Caleb nasa labas na din si Khaye at Lenox

"Puntahan mo si Jairus doon" wika ni Joms

Tumungo ng mababaw si Caleb bago patakbong umalis.

"Ano ang nangyayari?" tanong ko

"Someone's here to kill you"

"What me? Why?"

"Same reason, they want to kill you and own the peyton"

"We are not safe here anymore" Wika ni Lenox

"Let's wait for Jairus to arrive" tumingin si Joms sa akin "Lenox Khaye protect her"

"Tara na sa loob Gwyn mas ligtas doon" wika ni Khaye

"Joms mag iingat kayo"

"We will" sagot nya bago umalis

Pumasok na kami sa loob ng van. Halos pamabalik balik ako ng lakad dahil sa kaba.

Sana bumalik sila dito ng ligtas.

Binigay ni Khaye ang cellphone sa akin at pinakita ang naka note.

"Umupo ka at baka magising ang dalawang bakla sa loob" naka sulat sa isang note sa phone

"Nasaan si Zarah?" binigay ko ang cellphone

"Bantay sa loob"

Binalik ko ang cellphone sa kanila.

Mula naman sa labas ay nakita ko ang isang ilaw na patay sindi, hindi sya masyado maliwanag kaya hindi sya pasinin.

Signal light.

"Khaye Lenox ayusin nyo yung labas"

"Huh?" sabay nilang tanong

"Ayusin nyo lahat ng gamit sa labas aalis na tayo" pumasok ako sa loob ng kwarto at kinuha ang maleta ko.

Nag katinginan pa kami ni Zarah at binigyan ako ang ng 'What happen?' look. Umiling lang ako.

Pasimple kong kinuha ang baril ko sa pinaka sulok ng maleta ko sa loob. Kinuha ko din ang silencer at ang maliit kong flashlight.

Lumabas ako ng kwarto at hinarang ang kurtina. Nilagay ko ang silencer ang baril ko bago pumunta sa driver seat.

Sinubukan ko talasan ang paningin ko para makita ang mga tao.

Sa isang tabi ay nakita ko ang pamilyar na likod at sa gilid nito ay isang hindi pamilyar. Binaril ko agad ang taong iyon. Hinanap naman ni Joms kung sino ang gumawa nun kaya binuhay ko ang flashlight at nag signal.

Sa hindi naman kalayuan ay may nakita akong signal. Patay sindi na ilaw nakatutok ito sa akin.

Dalawang beses ito nag patay sindi
Isang beses na medyo matagal kung patayin at isang beses din na parang dumaan lang.

In

Tatlong beses nag patay sindi
Dalawang beses na patay Sindi
Isang medyo ilaw na medyo matagal bago patayin at dalawang beses na patay sindi At isang beses.

Side

Inside?

(Morse code Pala ang tawag sa ganito guys, kung gusto nyo matuto ay tingin lang kayo sa YouTube)

Hindi ako nag patinag sa signal na yun. Hindi ko magagawa na manahimik na lang dito habang sila ay nakikipag patayan para protektahan ako.

Ilang sandali pa ay hindi ko na maramdaman ang gulo sa paligid at nakita sila Joms at Jairus na papalapit. Binuksan ni Jairus ang drivers seat.

"Move" umurong ako at umupo sa passenger seat.

Pumasok naman si Joms sa pintuan kasama sila Khaye dala ang ibang gamit.

Nag katinginan sila ni Jairus at Joms. Nag sign language si Joms na 'DAV is coming'

Ilang minuto pa ay dumating na sila Caleb at Bryson bago nag simulang mag drive si Jairus paalis sa lugar.

Pumasok na naman sila Khaye at Lenox sa kwarto habang si Joms ay humiga sa sofa at si Bryson at Caleb ay nag latag sa sahig.

Ano yun parang walang nangyari.

"Sleep now Gwyn" wika ni Jairus habang nag dridrive

"Ano yun parang walang nangyari" bulong ko

"Just sleep I'll watch over you here"

Ngumuso ako "Then let's guard each other" wika ko

Hindi ako matutulog kung hindi rin sya matutulog.

Tinupad ko ang sinabi ko na mag babantayan kami. Kahit naman madilim ay nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang ito ay umaandar.

Kahit papaano naman ay may care ako sa kanya kahit nalaman ko na isa sya sa lider ng Dark Organization, kahit papaano sya pa rin naman ang tinuring kong kaibigan. Kaya kahit papaano rin ay hindi ko kayang mapahamak sya.

Nabawasan ang tiwala ko sa kanya pero siguro dala lang yun ng pag kalihim nya sa akin.

Sa ilocos norte sa Pagudpud daw kami pupunta. Hindi naman masyado matagal ang biyahe dahil gabi at walang masyadong traffic kaya pag dating namin doon ay naabutan pa namin ang pag taas ng haring araw sa daan.

Nang makarating kami ay nag latag ulit ang mga boys ng tent at nag simula ulit mag asikaso ng ilang bagay.

Medyo nag taka naman ang dalawang babae kasi hindi daw nito napansin na umaandar ang van at nasa Pagudpud na kami pag gising nila.

Nakaramdam naman ako ng antok kaya pagkatapos namin mag umagahan ay pumasok ako sa loob ng van bago maligo at matulog pagkatapos.

Jairus Gail POV

Nasa ilocos norte na kami at nag punta ang lahat at nag bayad para sa island hopping namin mamaya nag paiwan ako dahil walang kasama si Gwyn na natutulog sa loob ng van.

"Uy" Nilingon ko sya palabas ng van, nag kusot ito ng mata at lumabas ng van "Nasaan sila" uminat ito bago umupo sa upuan sa harap ko

"Are you hungry?"

"Oo e" tumayo sya pero inunahan ko sya

"Just seat" kumuha ako ng kanin sa kaldero at nag salin sa katan na may plastic, nag lagay din ako ng iba't ibang ulam na alam kong maugustuhan nya. 

Kamatis, itlog na maalat, inihaw na talong, at ilang seafood tulad ng hipon at alimango.

Kumuha din ako ng plastic na gloves at disposable spoon and fork.

"Wow ang dami naman nito" wika nya

Nilapag ko ito sa lamesa at pinanood syang kumain.

"Nashaan pala shila"

"Don't talk when your mouth is full"

"Full hindi pa nga puno"

"Tss, nag bayad para sa island hopping mamaya"

"Ha?!" sigaw nito kaya nag Talsikan ang ilang laman ng bibig nya

"Yuck"

"Yuck ka dyan" uminom sya ng tubig "Bakit hindi nyo ako ginising, gusto ko pa naman mag ikot ikot dito"

"Nag bayad lang sila"

Nag simula ulit sya kumain "Lahat sila?"

Hindi na ako sumagot sa kanya.

Ang daldal nya talaga kahit kailan.

"Grabe ang ganda dito noh" panimula ulit nya "Alam mo ba na ngayon lang ako nakarating dito, madalas kasi sa bahay lang ako, well pwede naman ako gumala pero wala kasi akong kasama, minsan naman kung mag aya sila Zarah ay tinatamad ako"

Huminga lang ako ng malalim. Ang ingay nya.

Ayaw ko sa babaeng maingay pero sya lang at ang kaingayan nya lang ang natatagalan ko.

"Next time naman gusto ko pumunta sa Batanes, para daw kasing new Zealand doon may part kasi doon na puro lupain lang sa MT iraya daw yun, basta doon ko gusto pumunta"

Nakatingin ako sa malayo pero ang pandinig ko ay nasa kanya.

"Ang ganda dito noh, hindi masyado mainit, alam mo din ba na gusto ko ang dagat, bukod sa dagat gusto ko ang nature, ang night, stars, moon, Sunset at pag rainy season gusto ko din pala pag gabi" patuloy nya pa rin, alam ko na naman ang lahat ng bagay na yun pero hindi ko alam ang dahilan nya "Gusto ko ang dagat specially pag Sunset at pag may moon, alam mo yun 'When the Sun or the moon kiss the ocean', gusto ko din ang stars sa gabi kasi sabi nila kahit gaano pa kadilim ang buhay may star na mag papaliwanag sayo, gusto ko din ang rainy season dahil pag umuulan na rerelax ako, wag nga lang kukulog, gusto ko din minsan ng nature at music specially ang mga klasikong tugtugin" tumingin ako sa kanya

Malayo ang tingin nya. Ngayon alam ko na kung bakit ang daming glow in the dark na mga bituin sa kwarto nya. Alam ko na kung bakit may malaking balkonahe ang kwarto nya, alam ko na kung bakit may lampara syang may buwan.

"And that's the way I can escape from my reality and chaos, and hopefully next time I have the courage to face my real world" tumingin sya sa Akin

And now I know kung bakit-pag gusto nya mapag isa ay pumupunta Sya sa mga forest o kahit saang mapuno na lugar, tulad na play ground sa village, yung panahon na nakita ko sya doon umiinom.

Noong panahon na lagi ko sya nakikita na nakadungaw mula sa balkonahe nya tuwing gabi, mga panahon na nakasilip sya sa mula sa bintana tuwing maulan.

Mga panahon na hindi ko sya mahanap at nakita ko sya sa isa sa mga dagat sa cavite.

Natatawa na lang ako sa aking sarili dahil akala ko noon malakas lang ang trip nya sa buhay yun pala ay may dahilan sya.

Matagal na kaming mag kaibigan kaya akala ko alam ko na ang lahat ng sa kanya.

"Ikaw ba?" tanong nya "Alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, pero ikaw, ang buong pag katao mo, alam ko ang buong pangalan mo, pero ang buong pag katao mo hindi pa" napangunot ako ang noo ko dahil doble ang ibig sabihin nya na yun

"What do you mean?"

Ngumiti sya "You know that I know everything"

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya "And?"

"Ikaw at ang lalakeng nakabanga ko noong isang gabi ay iisa, tama ba ako? You are one of the leader of dark organization, right? and the leader of Desdemona" medyo lumapit sya sa akin na nasa harap ko lang "Tell me, are you one of our allies or the enemies?"

♥To be continued♥

A/N

Guys kung gusto nyo matuto ng morse code manood lang kayo sa YouTube or download kayo ng app.

Thank you nga din pala sa walang sawang pag babasa ng aking kwento. Hindi man ito sumikat pero gusto ko lang maging malaya ang imahinasyon ko.

Naniniwala din kasi ako guys na na tulad ko, ang buong character ay may karapatang maging malaya, hindi man sa totoong mundo, pero sa kanilang mundo. Kaya maraming salamat sa mga sumuporta guys ^o^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro