Chapter 35

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Gwyn Reese POV

Naikwento ko kay Jairus ang pag kagusto ko sa ilang bagay. Gusto ko makilala nya pa ako ng lubusan, gusto ko mag tanong sya sa akin ng patungkol sa akin at sa pamilya ko nang sa ganun ay malaman ko din ang tungkol sa kanya. Pero mukha wala syang balak mag kwento tungkol sa kanya kayo ako na mismo ang nag tanong.

"Ikaw ba?" tanong ko "Alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, pero ikaw. ang buong pag katao mo. alam ko ang buong pangalan mo, pero ang buong pag katao mo hindi pa" napangunot sya ng tangin sa akin

"What do you mean?"

Ngumiti ako "You know that I know everything"

"And?"

So alam nya na alam ko na ang tungkol sa kanya.

"Ikaw at ang lalakeng nakabanga ko noong isang gabi ay iisa, tama ba ako? You are one of the leader of dark organization, right? And the leader of Desdemona" medyo lumapit ako sa kanya "Tell me, are you one of our allies or the enemy?" panandalian syang tumigil "Well if you don't want to answer my question, I'm the one who find the answer" Sagot ko na Lang

"Buti naman gising ka na señora" Nilingon ko ang lalakeng nag salita, si Khaye, ngumiti ako

"Mamayang 1 daw ang alis ng bangka natin" wika naman ni Bryson

Umupo ang dalawang bakla sa gilid ko. Bago nag lagay din ng plastic gloves at kinain ang pagkain ko.

May mga kanya kanyang mundo na ang lahat. Kasama ni Dian si Jairus habang si Jairus ay halatang irita kay Dian, si sofy at Joms ay nasa pangpang at kumukuha ng litrato ang dalawang bakla naman kasama sila Caleb na nag susugal.

Habang ako at si Zarah ay nandito lang rin sa pangpang na nakaupo.

"Mukhang mali ang pag kakakilala natin kila Jairus" napatingin ako kay Zarah "Hindi sila kalaban"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Sa ginawa nila kagabi Gwyn, hindi sila maituturing na kalaban"

"Pero hindi rin natin sila matatawag na kakampi, hindi ba?" huminga ako ng malalim "Nabawasan ang tiwala ko kay Jairus dahil sa pag sikreto nya"

"Hindi pa ba sapat ang ginawa nila kagabi para bumalik ng buo ang tiwala mo kay Jairus"

"Zarah, look. Hindi sasapat yung dahilan na yun, hanggang delikado ang buong Peyton at ang inferno, at hanggat alam kong isa si Jairus sa lider na gusto kaming pabagsakin, matuturing syang kaaway. Pamilya ko ang binangga, Zarah, sorry to say pero handa akong kalimutan ang lahat ng meron kami ni Jairus para sa pamilya ko"

Narinig ko pa ang buntong hininga ni Zarah. Totoo naman. Pero wag sana dumating sa punto na kailangan ko sya saktan para ipagtanggol ang pamilya ko.

Dumating ang ala una at nag handa na kami para sa island hopping namin.

Hindi ko naman napansin ang boys dahil pumunta daw doon sa bangkero na syang mag drive ng yate.

Nakapag palit na din ng damit mga kasama ko, mga naka two piece ang mga girls habang ako ay naka rashguard.

Hindi naman kasi ako sanay na mag suot ng medyo reviling na damit. Well depende sa okasyon naman.

"Ano trip mo?" tanong ni Khaye

"Bakit?"

"Hindi naman bawal ang suot mo pero..." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa "Mukha kang manang"

Tinignan ko sya ng masama "Tss"

"Ako na bahala" hinala ako ni Zarah papasok ulit ng van

Nag halungkat ito sa maletang dala nya at nag labas ng isang swimsuit. "Ayan bago pa yan, may price tag pa nga hahaha"

Umiling ako "I will never wear that thing"

"Aish bagay sayo to, look, may dibdib ka kaya, ipag malaki mo"

"So sinasabi mo na malaki ang dibdib ko?"

"Well Hindi masyado pero may sinasabi naman"

"Tss no" pag mamatigas ko

Hindi ako mag susuot ng ganyan, lalo na at sabi nya na may dibdib ako, well you know what I mean. Ah Basta ayaw ko. Feel ko mababastos ako.

***

"See ang sexy mo mala Pia Wurtzbach ang datingan mo"

Hindi ko alam kung paano gagawin dahil sa huli ay napapayag ako ni Zarah na mag suot ng ganito. Two piece sana ang ipapasuot sa akin pero pinili ko na suotin ang pang itaas lang nito habang short ang pang ibaba.

Nilugay ko naman ang mahaba kong buhok para incase may pang takip ako sa dibdib ko.

"Hoy mga babae tara na nandito ang mga papa, shet ang popogi nila" rinig kong wika ni Lenox

"Tara na" aangal pa sana ako ng biglang nag madaling lumabas si Zarah

Bahala na nga Jusko.

Hinawi ko ang Kurtina ng bintana ng pintuan ng van at sinilip ko sila. Huminga ako ng malalim bago lumabas.

Zarah Capistrano POV

Iniwan ko na si Gwyn sa loob ng van at lumabas na ako. Binigyan naman aki ng dalawang bakla ng 'Where is she' look, ngumuso lang ako sa pintuan ng van bago ito bumukas.

Tumingin naman ako kay Jairus na napatingin sa pintuan ng van nang bumukas ito.

Umihip ang malakas na hangin dahilan para mag Liparan ang mahaba at kulot na buhok ni Gwyn.

Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi inaalis ni Jairus ang tingin kay Gwyn.

Alam kong may epekto si Gwyn kay Jairus.

Alam ko na din ang lahat lahat ng tungkol kay Jairus pero hindi ko sinabi kay Gwyn.

Ang tanging alam lang ni Gwyn na parte si Jairus ng Dark organization at leader din ng mafia group.

Bukod sa akin ay si Bryson lang din ang nakakaalam ng mga galaw ng Peyton alam ko din ang lahat ng galaw ng Desdemona--organisasyon na binuo ni Jairus.

Nag pasya kami ni Bryson na gumawa ng paraan para hindi tuluyan mag kalayo sila Gwyn at Jairus. 

Nang sabihin ni Bryson ang lahat ng bagay tungkol kay Jairus ay hindi ako makapaniwala.

Pero ang tanging sinabi lang nito na 'Mag tiwala kayo sa amin, mahalaga rin ang inferno para kay Jairus'

Pinag patuloy ni Jairus ang naiwan na negosyo ng tatay nya ng mamatay ito, hindi sinabi sa akin ni Bryson kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ni Jairus. Kalaunan ay bumuo naman din si Jairus ng bagong grupo at pinag sama ang grupo na binuo ng tatay nya at ang grupo na binuo nya at tinawag itong Desdemona.

Pumasok si Jairus sa Dark Organization dahil sa tatay nya na pinatay daw ng makapangyarihang grupo noon.

Hindi man sabihin ni Bryson pero parang konektado ito kila Gwyn. Para malaman namin lahat ay nakipag tulungan ako kay Bryson para makakuha ng inpormasyon sa grupo nila at pati na rin sa D. O.

Kailangan namin pag lapitin ang dalawa para hindi matuloy ang gulo, dahil kung maaaring matuloy ito para na din nag karoon ng world war 3.

Gwyn Reese POV

Nasa gitna kami ng dagat sa di kalayuan ng pangpang ay nag snorkeling kami, sila lang pala.

Gusto ko ang dagat pero takot ako sa mga iba't ibang klase ng nilalang sa ilalim ng dagat.

Naalala ko kasi ang mga pinapanood kong may shark. Baka makain din ako. Aba ayaw ko pa. Masyado pa akong bata at virgin pa ako, hindi pa ako pwede mamatay.

"Tara na kasi" aya ni Lenox sa baba

"Sige na miss para makita mo ang ilalim ng dagat" pilit din ng bangkero

"Sorry talaga ayoko, baka may malaking shark at kainin ako ng buhay"

"Don't worry Gwyn I'm here" wika naman ni Jairus

"Ayieeeee" wika naman nilang lahat

"What about me baby?" arte naman ni Dian

Napataas ang kilay ko. Kainin sana sya ng mga isda.

"Sige na nga" payag ko masyado kasi mapilit e

Kinuha ko ang goggles at sinuot ito, pero bago pa ako makatalon ay tinulak na ako ng bangkero.

Agad naman ako lumutang dahil sa lifevest na suot ko. Pero bago pa ako makalutang ng tuluyan ay may humila sa akin paitas. Agad naman ako napayakap dito.

Kahit naka goggles ako ay kita ko pa rin ng malinaw ang taong humila sa akin paitaas.

Agad naman ako napabitaw sa kanya.

"Ang ganda sa ilalim Gwyn tignan mo" wika ng kaibigan ko

Nag babato naman ang bangkero ng pagkain sa dagat dahilan para mag silapitan ang mga isda.

Sumilip ako sa ilalim.

Ang ganda nga, puro coral reef ang nasa ilalim at ang daming isda. Nakita ko pa si Nemo at dorry.

Pisti nandito lang pala sila. Nag karoon pa tuloy sila ng palabas.

"Guys tara picture tayo" lumapit si Sofy sa bangkero "Papicture naman po kami, sir" binigay ni Sofy ang maliit nitong camera sa bangkero at lumapit sa amin.

Tinanggal namin ang goggles namin at ngumiti.

"One more pa po" request ni Sofy.  Nag iba naman ako ng ngiti.

Nag tagal pa kami ng ilang minuto sa dagat bago namin naisipan na bumalik sa pangpang.

Madami na naman kami napuntahan na isla kaya.

***

8:30 PM na at kakakain lang namin ng hapunan, uuwi na kami bukas ng hapon sa maynila kaya nag eenjoy na kami ngayon.

Habang nasa tapat ng bonfire ay nag kakantahan kami.

Kinakantahan ni Bryson si Zarah,  isang kanta ni Daniel padilla na simpleng tulad mo.

Kahit tuloy madilim ay makikita ang pag pula ng pisngi ni Zarah, hindi tuloy napigilan na asarin ang dalawa, siempre nangunguna sa pang aasar ang isang kaibigan ni Jairus na si Caleb.

3 months rule pa halata naman na gusto nya din si Bryson.

Napatingin ako kay Jairus at ngumiwi ng makita na naka ngiti ito habang may sinasabi si Dian.

Bihira ko lang makita na naka ngiti sya pero ngayon naka ngiti sya dahil sa babaeng linta.

Narinig ko naman ang ipit na tawa ng mga kaibigan ko sa gilid ko.

Mula sa kanta ni Daniel Padilla ay tumugtog naman ang kanta na the one that got away.

Nakikinig lang ako habang sumasabay sa kanta. Napatingin ako kay Jairus na naka tingin sa akin.

Hindi masyado maganda ang mensahe ng kanta na ito.

Marami na akong napanood na music video na sobrang sakit about sa kanta na ito. May namamatay may nag hihiwalay dahil kailangan. May umaalis at di na nakakabalik, pero kung makabalik man ay huli na ang lahat. 

Pero sa lahat ng masasakit na video about sa kanta. Ano kaya doon ang istorya namin ni Jairus.

Pero sana hindi mauwi na kailangan namin lumayo sa isa't-isa o kailangan ko sya labanan para sa pamilya ko. 

Dahil hindi ko kaya yun.

Mahirap. Sobrang hirap pumili sa dalawa. Ang pamilya mo o ang taong naging malaking parte ng buhay mo at hindi ka iniwan kahit anong mangyari.

Pero siempre mas matimbang ang pamilya, kaya kung sana wag kami humantong sa sitwasyon na kailangan ko mamili.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro