Chapter 36

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

May tatlong lingo na ng matapos ang outing namin sa ilocos. Nag karoon naman na kami ng bond ng boys pati na rin si Sofy at kahit inis ako kay Dian ay napag tanto ko na medyo mabait naman pala sya.

Malandi lang talaga.

Nag simula na din ang klase namin para sa ikalawang semester ng taon. Di tulad noong unang semester, ngayon kailangan na namin mag seryoso dahil ilang buwan na lang ay mag tatapos na kami.

Ang Kinakabahala ko naman ay hangang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka pili ng school na papasukan o kung anong kurso ang kukunin ko.

Noong pag uwi ko naman galing outing ay inabala ko ang sarili ko sa kumpanya. Para pag aralan pa ng mas mabuti.

"Punyeta!" asik ko ng paulit ulit akong nag drawing ng blueprint para sa organization and management na subject.

Nakagawa na kami ng product na pwede namin ibenta ang kailangan lang namin gawin ay yung mismo disenyo ng pinaka tindahan namin.

After namin makagawa ng blueprint ay gagawa kami ng diorama, example ng pinaka store namin.

Ang napili naming business is Coffee shop.

"Tingin nga" hinila ni Zarah ang papel na napag guhitan ko na "Maganda naman a"

"Pero hindi sya ang best" nag simula ulit ako gumuhit

"Ayan ang mahirap sayo e, ayan na nga okay na nag hahanap ka pa ng mas hihigit pa"

"Wag ka na lang maingay, doon ka na nga"

Nag lagay ako ng earphone at nag pagtugtog na lang sa cellphone ko.

Nasa botanikal kami ng mga ka grupo ko sa management at gumagawa nga nito. Well ako ang nagawa ng blueprint ng pinaka store namin, habang sila ay nag uusap sa mga ingredient ng kape na magiging example namin para sa oras na mag report kami may sample kaming ipapakita.

Sa pagkalipas na lingo ay naging busy na talaga kami dahil dito na pumasok ang research namin at itong project namin sa organization and management.

Mag kakaroon din kami ng immersion sa darating na february.

Di na katulad last sem ay puro practical ang exam na kami sa darating na fourth grading.

Pag uwi ko ay nakita ko ang tatay ko na nasa sala ng mansion at nag babasa. Si Kuya naman ay nasa isang love seat habang nakatutok sa laptop habang ang gilid nito ay puro papel.

"Hija" bati ni papa bago tumayo at niyakap ako "How's your day?" tanong nito

"Ahmm... Great?" patanong na sagot ko

"Gwyn Reese hija" bati ni mama na kalalabas lang din ng kusina, niyakap ako nito "Kumain ka na?"

Hindi agad ako sumagot dahil nag tataka ako sa inasta ng magulang ko. Napatingin ako kay kuya na natatawang umiiling habang naka tutok sa laptop nya.

"Ahm..."

"Mag bihis ka na at baka pagod ka anak dadalhan kita ng merienda sa kwarto mo"

"Yeah thanks mom" tumungo ako sa kanila at umakyat sa kwarto.

Agad ko kinuha ang cellphone ko para sana sabihin kay Jairus na kumpleto ulit kami sa bahay, pero naalala ko na wag na pala.

Simula din ng outing ay hindi na kami masyado nag uusap ni Jairus, kasabay namin sila tuwing lunch or break time kasama ang dalawang babae, sila sofy at dian, pero hindi kami masyado nag papansinan.

Kami naman ni Joms ay maayos naman din, minsan ko na din sya nakasama sa isang transaksyon na ginawa ng Peyton. Sya ang kasama ko gumawa nun.

Desidedo na kami ni Joms na itigil ang kasal at ang pangunang hakbang namin ay ang patayo ulit ng peyton.

Pero ang hindi din nila alam na may balak akong pumasok sa Dark organization.

Balak ko maging isang lider din para maging ligtas ang ng tuluyan ang pamilya ko.

Papatay ka lang naman. Madali lang naman.

Pagkatapos ko mag palit ng pambahay ay humiga ako sa kama. Grabe sobrang nakakapagod ang araw na ito.

Puro sa school lang talaga ang ginawa namin, may mga reporting may activities, basta halos lahat gagalaw sayo at papaganahin mo. Pagod ako physical, pati na rin sa spiritual.

"Hija anak" napa upo ako sa pag kakahiga ng may pumasok, si mama, Nilapag ni mama ang tray sa lamesa at umupo sa harap ko "Anak"

Tumingin lang ako sa kanya. Alam ko na, may sasabihin sya sa akin.

"Ano ang plan mo for this college?"

"I still don't know mom"

"Here" binigay ni mama ang isang brown envelope sa akin, binuksan ko ito.

Isang pangalan ng paaralan sa europa at ilang course na meron sila

"Mom?" takha kong tanong

"I want you to study in europe, you can take any course that you want"

"Mom I want to stay here"

"Look Hija, it's great opportunity to you na makapag tapos sa magandang university"

"Ma, madaming magandang school dito sa pinas"

"Gwyn, hija, malaking oportunidad na makapag aral doon, one more thing, I want you to handle our underground business in italy. Matutulungan ka din ng iba nating kamag anak doon"

"But mom..."

"Please"

Huminga ako ng malalim hindi naman ako mananalo sa kanila ng magulang ko "Let me think about it"

Hinawakan ni mama ang ulo ko "Gusto ko na mapabuti kayo ng kuya mo, gusto namin ng papa nyo na makapag tapos kayo ng pag aaral sa magandang eskwelahan, believe me hija, makakabuti ito sayo" ngumiti lang ako "I love you Gwyn"

Halos bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang katagang iyon "I love you too mom" niyakap ko si mama

Nag kwentuhan kami ni mama habang kinakain ko ang meryenda na dala nya. Ngayon lang kami nag karoon ng ganitong pag kakataon na makapag usap.

Ang sarap pala sa pakiramdam na makausap mo ang nanay mo, ang sarap sa pakiramdam na kinamusta ka ng nanay mo.

Nang bumaba si mamapara mag handa ng hapunan ay nakangiti akong gawin ang ilang takdang aralin ko.

Gusto ko sana Ichika ang lahat kay Jairus tulad ng nakasanayan ko pero nag aalangan na ako mag sabi sa kanya.

Gusto ko din naman sana tawagan ang tatlo ko pang kaibigan pero baka busy sila.

Nag drawing lang ako ng blueprint at ilang design ng store namin. Naka dalawang papel na ako ng design ng store, kaysa na siguro ako mag drawing ng pinaka blueprint, yung pinaka loob nito pag naka pili na sila.

Masayang kaming nag hapunan kasama ang pamilya ko at nag pasya sila na sama sama kaming mag pasko at bagong taon.

Sinabihan pa ni papa na para mas masaya ay maaaring dalhin ng mga kasambahay at ilang taga bantay ang kanilang pamilya sa mansyon sa darating na pasko at bagong taon.

Ngayon lang nangyari sa akin ang ganitong kasaya na pag kakataon, sana hindi na matapos ang ganito at sana lagi na lang ganito.

Nalaman ko din na hanggang sa graduation ko ay mananatili sila dito sa bahay para matutukan ako para sa darating na college.

Malakas ang ulan sa labas. Habang naka patay ang lahat ng ilaw sa kwarto ay naka silip lang ako sa labas. Naka bukas ang pinto ng balkonahe at doon ako naka upo. May bubong naman kaya hindi pumapasok ang tilamsik ng ulan kaya kampante ako na umupo sa balkonahe kahit maulan.

Walang mga bituin o kahit buwan pero sapat na ang madilim na gabi at ang ulan para huminahon o para makapag pahinga ang buong ako.

Someone's POV

Mula sa sasakyan sa harap ng mansion ng mga Manle ay nakatingin lang ako sa dalagang Manle na naka upo sa balkonahe ng kanyang kwarto.

Malaki ang Atraso ng pamilya nyo sa akin. Unti unti ko kayong uubusin.

Sisiguraduhin ko na ako mismo ang susundo sa mga bangkay nyo.

Unti unti ko kayong papatayin, unti unti ko kayong sasaktan.

Pinaandar ko ang sasakyan ko palayo ng mansion ng mga Manle. Sinigurado ko talaga na makikita nya ang pag kabuhay ng sasakyan ko.

Nang makarating ako sa bahay ay umakyat agad ako ng aking silid at hindi binubuhay ang kahit na anong ilaw ng aking bahay.

Kinuha ko ang baril ko at pinaputukan ang nasa likod ko.

"Argh..." daing nya

"What are you doing here, young man, Mr. Rayden Jomar Gonzalo"

"What do you want from them?" namimilipit nitong tanong

"You, what do you want?"

"Who are you?"

"You are here in my house, then you ask me that question without knowing who am I" tumayo sya "Neophyte" tinutok ko ang baril ko sa kanyang ulo pero bago pa ako makagawa ng sumunod na hakbang ay may nag salita na mula sa di kalayuan.

"Put your guns down Mr" tinig ng babae

"It's that you Young lady, Ms. Gwyn Manle?"

"Oh you know me? Well hindi na ako mag tataka kung kilala mo ako, next time din sana hindi ka nag pahalata na nakikita kita" lumapit ito sa binatang Gonzalo bago inalalayan tumayo "Who are you?" tanong nito na nakatingin sa akin

"Novice" ngumiti lang ako at pinaputukan ang dalagang Manle na agad naman nya Iniwasan.

Mabilis sya kumilos katulad ng tatay nya. Pero katulad ng plano ko kanina. Pinindot ko ang isang pindutan bago mag liwanag ang buong bahay, agad ko naman naisuot ang maskara ko.

Nag labasan ang mga tauhan ko at agad sila pinalibutan. Walang emosyon ang dalaga na naka tingin sa akin. The aura of being a Manle and peyton.

Pero kung gaano ako kahanda sa bagay na ito ay ganun din sya. Biglang nag labasan ang ang ilang mga lalake at isang babae, sigurado ako na ang isang babae ay isang Capos pero hindi ako sigurado kung sino ang consiglier o Underboss, nasisigurado ako na tauhan din ang lahat Peyton.

Nag simula na lumaban ang ilan. Pati na rin ang binatang Gonzalo ay sumali sa laban kahit may tama ito ng baril.

Natutuwa ako habang sila ay pinapanood.

Mukhang masisiyahan ako sa pag haharap namin. Pero hindi pa ngayon.

"Let's go" aya ko "Teach them a lesson but don't kill them, they are all mine"

Pumasok ako sa sasakyan na agad pinaandar ng isa kong tauhan.

Gwyn Reese POV

"Naka takas ang matanda Gwyn" wika ni Lenox

"Kailangan na din natin makaalis dit-argh" napatingin ako kay Zarah ng dumaing ito, may tama sya ng baril

"Go to the car now" wika ko

"Paano ka?" wika ni Joms

"Gwyn!" napatingin ako sa tumawag sa akin

"Caleb?"

"You need to get out of here" wika naman ni Bryson sa gilid

"Let's go" kinuha ko ang kamay ni Joms at habang si Zarah ay inalalayan ni Bryson

Pumasok kami sa likod ng sasakyan habang si Lenox ang nag drive habang si Zarah ay nasa sasakyan ni Bryson.

"Don't sleep" wika ko kay Joms ng mapansin na pumipikit ito

Wala sana ako balak sundan ang lalake na yun pero ng makita ko ang sasakyan ni Joms na nakasunod ay sumunod na din ako. Agad ko naman tinawagan ang dalawa kong kaibigan para tulungan ako.

Dinala namin agad sila sa malapit na ospital na pag mamay-ari nila Zarah.

Nang ipinasok na sila sa emergency ay kaysa ko hinarap si Bryson.

"Ano ang ginagawa mo doon?" tanong ko

"Sinundan namin si Joms"

"Namin" bago pa sya makasagot ay may nag salita ma sa likod ko

"Gwyn" tinig ni Jairus "Are you okay?"

"I need to talk to you?" nag lakad ako palayo at pumunta sa likod ng ospital, hindi na masyado malakas ang ulan

Hinarap ko si Jairus na nag sindi ng sigarilyo.

Kailan pa sya natutong manigarilyo?

"Ano ang ginagawa nyo doon? Kilala mo yung lalake?"

"I was with Joms at home earlier, he called me and said he was following someone"

"Do you know that man?" lumunok sya, wala sya balak sabihin sa akin
Tumalikod ako at nag lakad ulit palayo. Sigurado akong kilala nya yung lalake.

Pag dating ko doon ay nandoon na ang magulang ko. Kasama ang nanay ni Zarah at ang magulang din ni Joms.
Ilang saglit pa ay dumating si Mrs. Emerson, mama ni Jairus at si Dean Tatum, step dad ni Jairus.

Nag usap usap lahat ng adult habang kami ay nasa isang sulok at hinihintay ang na lumabas ang doctor na gumagamot kila Zarah at Joms.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro