Chapter 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pag balik ko sa kwarto ay binuksan ko ang ilaw at dumaretso sa study table, kinuha ko ang isang folder sa loob ng plastic envelope. At ganun na lang ang gulat ko pag bukas ko ng folder ay nakita ko ang mga properties ng Peyton na naka pangalan sa akin.

Tuluyan na naipasa sa akin ang lahat.

Nag halong halong kaba, excitement at saya ang nararamdaman ko.

Binuksan ko din ang ilang folder puro name properties lang at ang ilang naman ay history ng Peyton.

May isa naman na cd.

Hindi ko alam kung para saan yung CD, gusto ko sana panoorin pero baka makinood din sila.

Kumuha ako ng damit ko para mag palit ng pambahay. Mag huhubad na sana ako ng maalala na may camera. Kinuha ko ang cellphone ko at pumasok sa loob ng CR bago nag hanap ng anything na camera, pero safe naman.

Kinuha ko ang damit ko at nag bihis sa loob ng CR.

Pag labas ko ng CR ay sinalampak ko ang katawan ko sa higaan ko.

***

Tumayo ako ng makarinig ako ng kalabugan sa baba.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa sala. Gulo gulo ang buong baba na parang dinaanan ng isang malakas na hangin, ang ilang vase ay basag, halos lahat ng tauhan namin ay naka handusay.

"Mom?" tawag ko "Dad? Kuya?"

Tinutok ko ang baril sa likod ko ng may maramdaman akong tao.

Wait bakit may hawak akong baril?

"Mom" agad ako lumapit sa kanya

"You need to leave this house" nahawakan ko naman sya ng muntikan siyang matumba.

Napahawak ako sa likod nya at naramdaman ang basa. Pag tingin ko sa kamay ko ay may dugo.

"Mom" tumulo ang luha ko kasabay ng pag bagsak nya sa sahig "Mom please..."

Napatingin ako sa malayo ng may nakita akong anino na papalapit. Tumayo ako at inangat ko ang kamay ko na may baril.

Pinunasan ko ang luha ko at dahan dahan lumapit sa anino. Pag labas nya ay tinutok ko ang baril ko sa kanya at ganun din sya.

Kilala ko ang tindig na yun.

"You killed my Father" yung boses na yun "And I have no choice but to kill your father as well" tinggal nya ang tabing sa mukha nya

"Jairus" hindi ko nilingon ang tumawag sa kanya pero kilala ko iyon

Si Joms

Tumabi sa akin si Joms na may nakatutok na rin na baril kay Jairus.

Tumulo ang luha ko dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito.

"Ibaba mo ang baril mo Jairus" wika ni Joms

"Why would I?" sagot ni Jairus at hindi naman nakasagot si Joms

Halos yumanig ang buong bahay namin ng sunod sunod na may sumabog, napansin ko na lang na natumba na si Joms sa gilid ko.

Pinaputukan ko si Jairus at halos kasabay nun ay pag bagsak ko din sa sahig.

Napahawak ako sa dibdib ko ng sumakit ito. Tumingin ako kay Jairus na nakahawak sa tagiliran nya habang nasa sahig na rin.

Tinaas nya ang baril nya at ganun din ako bago kami nag palitan ng putok ng baril at ang sumunod na nangyari ay pag salampak ko sa sahig at ganun din sya.

***

Naalimpungatan ako dahil sa hapdi sa aking braso. Napatingin ako sa isang anino. Napatayo ako mula sa pag kakahiga ko.

Kinuha ko ang baril ko sa ilalim ng unan ko. Pinaputukan ko ito at agad naman ito tumalon pababa mula sa balkonahe ng aking kwarto.

Napahawak ako sa braso ko ng naramdaman ko ang hapdi. Dumudugo ito.

"Gwyn hija" bumukas ang ilaw ng kwarto "What happened?" tanong ni Papa

"Someone inside my room" wika ko

"Gwyn your bleeding" kinuha ni mama ang medicine kit at ginamot ang sugat ko

May hiwa ako.

"Gwyn, Mom, dad" pumasok si Kuya

Tumakbo si papa palabas ng may narinig kaming putukan sa labas. Agad naman sumunod si kuya habang kami ni Mama ay naiwan sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko.

Alas DOS ng madaling araw na pala.

"Hindi ka na namin ginising kanina" mahinahon na wika ni mama.

Bakit parang hindi man lang sya nag papanic sa nangyayari ngayon, habang ako todo kaba na ang nararamdaman ko.

Ilang minuto pa ay pumasok na si kuya sa loob ng kwarto ko.

"What happened Rohan?" tanong ni mama

"Intruder" tumingin sa akin si kuya "Are you okay Gwyn?"

"Maybe"

Hindi na nag salita si Kuya ng may binindot ito sa cellphone nya, pumunta sya sa balkonahe at may kinausap doon.

Napatingin ako kay mama na inaayos ang ilang gamit ko.

Panaginip lang ang nangyari sa pag tatagpo namin nila Jairus pero bakit parang totoo ang lahat.

Napayakap ako sa nanay ko na kinagulat nya "I love you mom"

"I will always love you our princess"

Bumitaw ako at ngumiti sa nanay ko. Galit ako noon sa magulang ko pero natatakot pa rin ako mawala sila sa buhay ko.

Pag pasok ko kinabukasan ay agad ako tinanong ng dalawang bakla kung ano ang nangyari pero hindi ako sumagot.

Feel ko tuloy mahirap na mag tiwala ngayon.

Nag tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad at upmupo sa upuan ko. Bukas pa ang labas ni Zarah sa ospital. Habang si Joms daw ay kanina lang daw nagising.

Napatingin ako sa upuan nila Jairus. Tahimik lang ito at hindi pinapansin ang maingay nitong paligid.

Bakit ikaw Jairus? Ano ang kinalaman mo sa lahat? Bakit dalawang beses mo akong pinatay, ano ang ibig sabihin nun.

Parang nasa infinity war naman ng biglang mag takbuhan ang classmate ko sa kani-kanilang upuan ng may kumatok.

Niluwa naman nito si Dean Tatum at may sinabi sa harap.

Dahil malapit na daw ang christmas ay sa last week ng class namin bago mag christmas break ay may magaganap na christmas party, costume party kahit ano daw basta naka costume.

"Mag bra at panty ako, kahit ano naman daw ang costume hahaha" biro ni Khaye

Naging usapan tuloy ang about sa party na gaganapin, may mga narinig pa ako nag mag pair daw sila.

Wala pa naman akong alam sa costume costume na yan. Sa mga nakaraan na christmas party kasi sa loob lang kami ng room pero ang sabi ng Dean ay isahang party para sa lahat ng senior high.

Ano naman kaya ang susuotin ko?

Lunch time naman ay sabay sabay ulit kami kumain. Ganun pa rin kami ni Jairus walang imikan, katulad pa rin sya ng dati na tahimik lang habang ako ito walang imik habang kinakain ang pagkain ko.

Katulad din ng dati ay agad ko inubos ang pagkain ko at tumayo bago nag paalam na umalis.

Dumaretso ulit ako sa classroom at nag salpak ng earphone.

Nakakatrauma tuloy matulog at baka managinip nanaman ako ng kung ano ano.

Napatingin ako sa harap ng maramdamdaman na hindi ako nag iisa, si Jairus nag lakad ito habang diretsong nakatingin sa akin.

Bigla bumagal ang lakad nya yung mata nya na parang ngayon ko lang ulit nakita.

Pumunta sya sa harap ko at tumungo para makapag pantay kami ng tingin. Tinitigan nya ako sa mata.

Hindi ko alam pero para akong naistatwa sa kinakaupuan ko.

Tinitigan nya lang ako na parang kinakabisado ang bawat sulok ng aking mukha.

♪ ♬Cause I need you here tonight
I need you here inside
I need you here tonight
I really really need you here"♪ ♬

Tinanggal nya ang earphone kong isa "Kanina pa kita tinatawag"

Kinuha ko ang earphone sa kanya bago ako tumayo "What?"

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Why would I?" tanong ko, nilabanan ko ang tingin nya pero hindi ko din natagalan dahil magaling sya mag basa ng isip, ewan ko ba pero six sense na nya yata yun "May gagawin na transaksyon ang kuya mo, sabihin mo sya na mag ingat"

"Bakit?"

"Set up ang mangyayari"

"Paanong set up?"

"3 leaders, 4 groups ang nandoon isa doon ang dark organization, ang tatlong lider ay syang lider naman din na galing sa dark organization. Hindi lang basta transaksyon ang meron, may plano silang patayin si Rohan" tinignan ko lang sya, hindi ko alam kung maniniwala ba ako "Trust me" wika nito bago umalis at lumabas ulit ng classroom

Alam ko ang mga transaksyon sa lahat dahil simula ng malaman ko ang lahat ay hinahayaan na ako nila papa na malaman ang lahat.

Alam ko na ang transaksyon mamayang gabi, sinabi lang sa akin kagabi ni Kuya.

Pero sa sinabi ni Jairus dapat ba syang pag katiwalian.

Kinuha ko agad ang cellphone ko bago nag text sa dalawa kong kaibigan.

Pagkatapos ko mag text ay nilagay ko ang cellphone ko at bumalik sa pag momoment ko.

Someone POV

"Boss all set, tuloy ang transaksyon mamaya" wika ng isa

"Thats good" sagot ko "Make sure Gwyn is there"

"Masusunod boss"

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro