Chapter 39

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Gwyn Reese POV

Katulad ng plano namin ng dalawang bakla ay alas onse ng gabi ay inayos ko ang sarili ko.

Hindi ako naniniwala kay Jairus pero kailangan ko pa rin makasigurado.

Kanina pa nakaalis sila kuya kaya nag handa ako.

Hinarang pa ako ng mga bantay namin at hindi daw ako pwede lumabas at utos daw iyon ng tatay ko. Nginiwian ko pa sila, pumasok ako sa loob ng bahay at dumaretso sa likod, akala nyo a.

Pumunta ako sa lugar kung saan kami mag kikita ng mga kaibigan ko. Pumasok ako sa loob at doon nakita ang mga kaibigan ko pero hindi lang ang dalawang bakla ang nandoon, nandoon na din si Zarah at si Joms.

"Bawal pa kayo lumabas ng ospital diba?" tanong ko

"Baka need mo ng back up" nginiwiaan ko si Joms

Wala naman din ako magagawa at nandito na sila. Pinaliwanag ko ang mga gagawin namin, si Lenox at kay Khaye, pinapaiwan ko ang dalawa dahil hindi pa sila masyadong galing pero mag iiwan kami ng Earpiece para kung baka sakali na kailanganin namin ng backup.

Nilapag ko ang naman ang bag na dala ko na puro baril at binigyan sila.

Nag pusod ako ng buhok ko gamit ang matalim na bagay ay tinusok ko ng pa eks ang bagay na iyon sa aking buhok.

"We're here" wika ni Bakla

"The plan" wika ko. Nagpark si Khaye.

Nasa isang parking kami ng isang hotel kung saan gaganapin ang transaksyon. Sa pinaka taas ng parking kami nag park, bumaba kami kung saan gaganapin ang transaksyon.

Pumasok kami sa sasakyan sa medyo malayo na hinanda ni Lenox para makita namin ng tuluyan ang mga ginagawa nila.

"Ano na ang nangyayari?" tanong ni Joms sa earpiece

"Wala pa pero madaming mga unggoy" aawit ni Khaye

Nilibot ko ang paningin ko nakita ko doon ang tatlong lider.

Fernando Felix

Ronald Jagger

Eduardo Esteban

Tinignan ko lang sila kuya kausap ang tatlong matandang lalake. Tumawa ang isa.

"12:15" wika ko lumabas naman si Khaye sa sasakyan bago pumuwesto

Tinignan ko si Kuya na namula at bakas dito ang galit. Puro DAV ang kasama ni Kuya, may tiwala naman ako sa mga DAV pero hindi sapat ang mga tauhan na dala nya.

"Lenox 12:18"

"Akala ko sa 12:30 pa"

"Just go" lumabas ito sa sasakyan at pumuwesto na din

Hinanda ko ang Mk. 12 SPR binuksan ko ng konti ang bintana ng sasakyan ko.

Ilang sandali pa ay nag simula ang putukan "Lenox Khaye go" wika ko

Sumilip ako sa largabista ng baril bago pinaputukan ang ilang kalaban na nasa harap ni Kuya. Hinanap ni Kuya kung saan nangaling ang putok pero hinila na sya ni Lenox.

"Zarah Joms ready" wika ko habang isa isa pinaputukan ang kalaban.

Hinanap ko ang tatlong matanda pero hindi ko na sila nakita pa, dapat pala inuna ko na isa sa kanila.

Dumating ang sasakyan nila Zarah at doon nila sinakay si Kuya na may tama na pala ng baril, Sumilip sa bubong ng sasakyan si Joms at sunod sunod na pinag babaril ang mga lalake.

Napasilip ako sa likod ko ng may naramdaman na tao doon.

"Gwyn" tawag ni Khaye sa earpiece

Agad ko pinaputukan ang lalake.

Ilang sandali ay may dumating na isang motor sakay ang isang lalake na naka puros itim.

Kinuha ko ang pistol ko lumabas ako ng sasakyan at pinaputukan ang ilang lalake na parating.

Ang lalakeng kakadating lang ay agad ako tinulungan.

Jairus.

Sya agad ang naisip ko dahil kahit may tabing ang kanyang mukha ay pamilyar nitong tindig at sa pamilyar na galaw nya.

"Khaye mauna na kayo"

"Huh hindi ka namin iiwan"

"Don't worry may kasama ako"

"Sino?" tanong ni Joms

"Just go"

Kinuha ko ang isang flashbang at binato ito sa mga lalake. Gumawa ito ng makapal na usok bago sumabog.

Nang maubusam ako ng bala ay nag tago ako sa sasakyan bago nag palit ng magazine.

Lumabas ulit ako ng sa pinag tataguan ko.

Nasa gilid ko na pala si Jairus, tumingin ito sa akin at tumungo. Tumungo din ako sa kanya. Sa pamamagitan ng ganun ay parang nag kaintidihan kami.

Sabay namin pinaputukan ang mga lalake, nag katalikuran kami ni Jairus habang ginagawa yun. Nang maubusan ako ng bala ay kinuha ko ang dalawang kutsilyo na nasa buhok ko bago sumugod.

Umiiwas ako sa tuwing alam ko na babarilin nila ako. Binato ko ang kutsilyo sa lalake at tumama ito sa kanyang noo.

Napayuko ako at sinipa ang paa ng kaharap ko bago ito matuba at sinaksak ko sa leeg.

Sumampa ako sa sasakyan at kaysa tumalon para maabot ang leeg ng kalaban ko bago ko ito binalian ng leeg.

"Let's go" wika ni Jairus

Patakbo akong lumapit sa Sasakyan at Pumasok sa loob. Nasa drivers seat si Jairus at ako naman ay nasa passenger seat.

"Lets go " wika nito bago mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Halos masuka naman ako dahil sa paikot ikot nito at sa bilis ng maneho nya.

Nilabas ko ang ilang granada at binato sa mga sumusunod sa amin.

Ilang minuto pa ay nakalabas na kami ni Jairus sa parking.

Halos mapasandal ako ng masigurado na wala na ang sumusunod sa amin.

"Gwyn" Napahawak ako sa earpiece ko

"I'm okay"

"Sino kasama mo?" tumingin ako kay Jairus

"Wag mo na tanungin pauwi na rin ako" sagot ko

Tumingin ako kay Jairus tinanggal nya ang tabing nya sa mukha.

Lalo sya gumawapo dahil sa magulo nyang buhok. Napailing ako. Sa ganitong sitwasyon Gwyn napansin mo pa ang itsura nya.

Tinanggal ko ang earpice at tinapon sa labas.

"Wag mo na ako ihatid sa bahay, baka mapahamak ka pa pag nalaman na ikaw ang tumulong sa akin"

"Nang tulungan kita alam kong mapapahamak ako"

Hindi na ako sumagot pa kay Jairus dahil sobrang pagod ako at ang sakit ng katawan ko.

Nang ipark ni Jairus ang sasakyan sa isang lugar at iniwan na namin ito at sumakay sa mustang ni Jairus.

Naalala ko naman yung kiss dito mismo sa loob. Jusko naman.

Pumikit lang ako at sumandal sa upuan.

Dumilat ako ng tumugtog ang radyo ng sasakyan, klasikong tugtugin.

"Salamat nga pala"

"For what?"

"For helping me" sagot ko "Siguro kung hindi mo sinabi ay napahamak na nang tuluyan si kuya"

Hindi sya sumagot. Napangiti ako. Siguro naman mapag kakatiwalaan si Jairus. Matagal ko na syang kilala at nimaski kailan hindi nya ako nagawang saktan. Maaaring sa salita pero sa physical hindi naman.

"Hoy alam mo ba si Lenox may boyfriend na, tapos si Khaye tsaka si pres, si emory, umamin kay khaye hahahha" kwento ko hindi naman sya nag salita napanuso ako "Sorry nga pala kung this past few days ay hindi kita masyado kinakausap, hindi ko kasi alam kung..."

"Kung?"

"Kung ano... Ahm... Kung tama pa ba na kausapin kita, kung tama pa ba na pakisamahan kita, alam mo yun, ang dark organization ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa amin"

"I have reason why I joined there"

"Then what?"

"I'm sorry but I can't say it to you right now"

"Do you trust me?" tinigil nya ang sasakyan at humarap sa akin

"I trust you Gwyn, just... This is not the right time for you to know everything" umiwas ako ng tingin

Medyo malapit na kami sa bahay tinanggal ko ang seat belt at binuksan ang pinto ng sasakyan "Dito na lang ako baka may makakita pa sayo" ngumiti ako "Salamat" lumabas ako ng sasakyan at nag lakad palayo

Medyo nakaramdam ako ng medyo gaan sa loob ko ng makausap ko ulit si Jairus pero may part sa akin na medyo nalungkot dahil hindi ko pa nga talaga sya lubos na kilala.

Pag pasok ko sa bahay ay naabutan ko sila Khaye at Lenox kausap sila mama at papa.

Pinagalitan naman ako ni mama at sinabi na wag ako kikilos ng ganun dahil masyadong delikado.

Ayos naman si kuya dahil gasgas lang daw ang natamo nya. Nang umakyat naman si mama para tignan si Kuya ay kinausap kaming tatlo ni papa.

Tinanong kami nito kung ano ang plano namin. Sinabi ko ang plano ko na pag pasok sa D. O sinabi ni papa na masyado delikado.

Masyado daw magaling sa pakikipag laban ang mga lider na iyon at hindi lang basta basta ang mga pagkatao nila.

Dapat daw bago ka pumasok o sumali doon ay may ipag mamalaki ka sa kanila. Dapat kaya mo sila sabayan sa lahat dahil kung hindi mo sila sasabayan o mapapantayan ay ikaw ang kawawa.

Katulad ko daw ay madami rin na gusto pumatay maski isa sa kanila para makapasok sa organisasyon, kaya sa oras na makapasok ka ay malaki ang tiyansa na malagay sa panganib ang buhay mo.

"Kung sinusubukan nila pabagsakin ang inferno at Peyton pero hindi nila magawa yun hindi ba mas makapangyarihan tayo sa kanila, Hades" wika ni Lenox

"The Dark Organization is more knowledgeable in business but the DAVs are more knowledgeable in the field of combat" mahinahon na wika ni papa

"Tss mas maalam ang mga DAV sa labanan e bakit natamaan si kuya"

"Dahil nangiilam kayo" sagot ni papa "Your brother is not stupid like you, Reese, alam nyang mangyayari ang lahat ng iyon, next time wag ka basta basta kumikilos, Reese" nag katinginan kaming tatlo "I have business to do, I have to go"

Sumandal ako sa kinakaupuan ko, kung alam ni Kuya na mangyayari yun bakit pa sila tumuloy.

"Straight forward si Hades" wika ni Khaye "Your brother is not stupid like you, Reese" wika nya habang ginagaya ang boses ng tatay ko

"Psh, nasaan na sila Zarah?"

"Bumalik na sa ospital" sagot ni Khaye

"Sino pala nag sabi sayo na set up ang mangyayari kay Mr. Rohan" tanong ni Lenox

Tumingin ako sa dalawa. Sasabihin ko ba sa kanila? "Ramdam ko lang" pinasingkitan ako ng mata ni Khaye "Kung ayaw nyo maniwala edi wag"

"Sino ang kasama mo kanina?" -Lenox

"Kasama?"

"Sabi mo may kasama ka?" -Khaye

"May sinabi ba ako?" tumingin ako kay khaye "May pinapatrabaho nga pala ako sa inyo diba?" nag katinginan na sila "Si Zarah palang ang nakagawa ng pinapautos ko" kinuha ko ang baril at nilinisan ito

"About sa pinapabuo mong mga tauhan Gwyn, ayos na triple na ang bilang ng mga tauhan, nang malaman nila na may lider na ulit ang Peyton ay may mga bumalik, gumawa na din kami ni Zarah ng kasunduan sa bawat tauhan na hindi na nila pwede gawin ang ginagawa nilang pag iwan sa Peyton " wika ni Lenox

"Sa Azazel ng Inferno Gwyn ang nakuha ko lang na information ay ang dating Azazel na si Aurora Smith, sya ang ikalawang henerasyon na azazel, anak sya ng dating azazel na si Don Henry"

"Aurora? Babae?"

"Hindi nag karoon ng anak na lalake si Don Henry" paliwanag ni Khaye "Sa ngayon wala akong mahanap dahil masyadong confidential at imposibleng makakuha agad agad ng inpormasyon sa inferno, hindi ko nasabi agad sayo kasi hindi pa buo ang mga nakuha ko"

"Pang ilang henerasyon na ba ng azazel ang meron ngayon"

"Ikalawang henerasyon si Aurora, may apat na henerasyon na ang meron"

"Kilalanin nyo ang asawa ni Aurora at kung nag karoon ito ng mga anak"

"Gusto mo pa rin ituloy ang pag hahanap ng inpormasyon about sa kanila?"

"Oo, at gusto ko walang ibang makalaam nito, Lenox khaye mag tulungan kayo about dyan" tumayo ako at umakyat sa kwarto ko

Malakas ang pakiramdam ko sa azazel na yun. Kailangan ko lang ng kumpirmasyon sa bagay na yun, may kutob na ako tungkol sa kanya.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro