Chapter 40

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lumipas ang ilang lingo ay nag kakausap na kami ni Jairus. Pero parang ako lang naman ang kumakausap dahil katulad pa rin ng dati ay tahimik lang ito at nakikinig, pag may narinig na bagay na nakukuha ng kanyang atensyon ay nakikisabat pero madalas ay hindi.

Nasa mall kami ni Jairus at nag hahanap ng costume na pwede namin suotin para sa christmas party bukas.

"Ano sa tingin mo ang magandang suotin" nasa isa kaming boutique ng costume "Beauty and the beast kaya" tinignan ko sya nakakunot ang noo nya, it means ayaw nya "Princess Jasmine tapos ikaw si Aladin" huminga sya ng malalim

"Si shrek and Fiona?" napakagat ako sa labi ko dahil nakakunot pa rin ang noo nya

"Ken and si barbie?"

"Snow white tapos ikaw yung dwarf" tinignan nya ako ng masama

"Alam ko na?" ngumiti ako "Powerpuff girls ako si Bubble tapos ikaw si blossom"

"Nantritrip ka ba?"

"UY hindi a, sige ikaw na lang si buttercup"

"Tss uuwi na ako"

"Paano yung costume?"

"Tss" kinuha nya ang isang black na damit "Here" inabot nya sa akin ang leather na long sleeve na kulay itim na damit na may paimbaba na rin, alam nyo yun yung pag mag CR ka tapos nag wiwi ka need mo din ibaba ang pang itaas mo. May zipper naman ito sa gitna.

"Anong costume naman ito?" hindi sya sumagot at kinuha ang isa pang itim na damit bago umalis sinundan ko naman sya.

Nang nasa counter na kami ay kinuha nya ang hawak ko at binigay sa babae.

"Anong costume yun? Madami akong itim na damit sa bahay dapat hindi na tayo bumili"

"Wag kang maingay" napanguso

Ilang minuto pa ang tinagal namin sa boutique store bago kami sinukatan ng sapatos dahil kasama daw iyon sa binili namin ilang sandali pa ay inabot sa amin ang mga damit at ilang gamit nito, si Jairus naman nag bayad lahat, well hindi naman nya ako hiningian kaya hindi na ako umimik baka mag bago pa ang isip nya.

Nag libot pa kami sa mall, wala nag window shopping lang, ako lang din naman ang nag sasalita sa amin dahil walang pakielam ang kasama ko na palinga linga lang sa paligid.

Tumingin tingin naman din ako sa paligid pero wala akong nakikita kundi ang mga taong namamasyal lang din.

Ano nanaman kaya ang trip nitong taong ito.

"Kain na muna tayo bago umuwi" wika ko, pumasok kami sa isang restaurant at inabutan kami ng menu ng waiter.

Umurder ako ng appetizer, sumunod ang main dish, at dessert at ang drinks namin.

Habang si Jairus ay umurder na agad ng main dish at dessert at drinks. Tatanungin ko pa sana sya na bakit hindi sya umurder ng appetizer pero bigla na itong nag salita.

"Wait me here" wika ni Jairus bago umalis sa harap ko

Hindi ko naman sya natanong agad kung bakit ng bigla sya umalis sa harap ko.

Saan nanaman kaya sya lulusot.

Pero sa ganun na kilos ni Jairus mukhang alam na dahil ramdam ko din naman na may nasunod sa amin kanina pa.

Hindi ko lang talaga pinapansin.

Hinatid na ang appetizer na inorder ko bago ko ito lantakan. Tumunog naman ang cellphone ko, kinuha ko ito at nakita ang unknown message.

From : unknown
Spend more time with your parents, Gwyn Peyton

Nakarandam ako ng kaba dahil sa text na iyon. Bigla naman dumating si Jairus na kakaupo lang sa harap ko. Napatingin ako sa baba, glass lang kasi ang lamesa, nakita ko ang sapatos nito na may mantsa ng dugo.

"Are you ready for the main dish Mister and miss" tanong ng waiter

"Ah yeah" wika ko bago kunin ang plate ko

Nang umalis ang waiter ay tumingin ako kay Jairus na busy sa cellphone nya.

"Jairus" tawag ko nilagay nya ang cellphone nya sa bulsa nya at tumingin sa akin bago ngumiti, agad naman nawala ang ngiti nya

"What's wrong?" tanong nya "You look Pale"

"Where have you been?" tanong ko

Umiwas sya ng tingin "Dyan lang"

"May blood stain ka sa sapatos, may mga sumusunod kanina sa atin, ano ang nangyari"

"I don't have a choice but to kill them"

"Who are they?"

"You know them"

Nang dumating ang pagkain namim ay nag simula na ulit kami kumain, hindi naman na sumagot si Jairus at nag simula kumain. Parang nawalan tuloy ako ng gana kumain.

Wait yung text...

Agad ko naibaba ang kubyertos ko at kinuha ang cellphone ko bago tawagan si Kuya. Naka ilang ring pa ito bago sumagot.

"Nasaan ka?"

"Nasa bahay bakit?"

"Sila Mama at papa?"

"Nasa opisina si papa si mama kasama si manang sa likod, bakit?"

"Wala lang sige, bye" binaba ko ang cellphone ko

"What happen? Are you okay?"

"Oo" nag simula ulit ako kumain

Hindi na kami nag tagal pa ni Jairus sa mall, pagkatapos namin kumain ay nag pasya na kaming umuwi.

Habang nasa loob ng sasakyan naman ay tahimik kaming dalawa ni Jairus. Habang ang nag iisang ingay lang ay ang radyo ng sasakyan na syang kumakanta.

Puro ang kanta ng bandang Hale ang naririnig ko. Puro boses kasi ni Champ ang naririnig ko.

Tumingin ako sa labas. Na stock kami sa traffic pauwi sa cavite kaya hanggang ngayon nasa manila pa kami.

Madaming mga tao sa labas may ilan na pauwi galing trabaho may ilan naman na pumapara ng masasakyan, lalo na ngayon at isang lingo na lang bago mag pasko.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang sobrang pamilyar ni pati sa panaginip ko ay naririnig ko. Isa sa mga kanta ng Hale na here tonight.

Malakas akong bumuntong hininga, ang lakas maka senti ng kanta lalo na at umuulan sa labas.

"Made up my mind on this
Too late for me to hold you back

Maybe too short or dumb
To cry for you but I will anyway

Cause I need you here tonight
I need you here inside
And I need you here tonight
I really really need you here... Tonight"

Pag naririnig ko talaga ang kanta na yun ay isa lang ang nararamdaman ko. Sakit. Hindi ko alam kung bakit sakit nararamdaman ko.

Masyado malaki ang naging epekto ng kanta na yun sa akin simula ng kantahin ni Jairus yun.

"It's all my fault
To feel, feel this way for you this day

I know I'm and I will
Though it's wrong, so wrong, so wrong"

Nasabi ko na ba na gusto ko sya? Pero parang hindi na naman importante ang bagay na yun dahil alam ko naman na hindi magiging kami.

Pero sa tuwing naiisip ko na hindi magiging kami ay parang binibiyak ang puso ko.

Kung dati lang si Joms ang problema ko pero ngayon si Jairus na. Ayaw ko mawala si Jairus sa akin, parang sya na kasi ang half ng buhay ko, sa ilang taon ko sya kasama, sa ilang taon na yun ay nasanay ako sa presensya nya.

Ilang oras pa kami na ipit sa traffic kaya pag uwi ko ay halos 10:30 na ng gabi. Hindi na naman ako nakapag hapunan dahil busog pa ako kaya dumaretso sa kwarto ko, binigay ko naman kay manang ang damit para malabahan na habang ang gamit nito ay dinala ko sa kwarto ko.

Tinignan ko ang gamit nito. May belt sya na parang pa-pocket gun ang design tapos meron din na parang maliit na pocket gun basta ang daming gamit. Kinuha ko ang cellphone ko. Bago tawagan si Jairus

"Huy Jairus ano pala tawag dito sa costume ko?" tanong ko "Para masearch ko kung anong ayos ang gagawin sa sarili ko bukas"

"Black widow" maikling sagot nya habang may naririnig akong ilang kalabugan

"Huh?"

"Search mo--Shit" halos mapatayo ako ng may narinig akong may nabasag mula sa kabilang linya "Bryson what the fuck!" sigaw nya

"Sorry boss nadulas" boses naman ni Bryson

"Jairus ano ang nangyayari"

"Nothing, tomorrow I'll fetch you, bye"

"Hello... Hello" tinignan ko ang cellphone ko, nakaptay na.

Ano yung black widow.

Sabi nya search ko. Pinunta ko sa google ng cellphone bago nag search.

Si black widow ay isang karakter sa avengers.

Ang galing din pumili ni Jairus pero agad ko nanaman naalala na ano nga pala ang tawag sa kanya. Ang nakalagay kasi si hawk daw ang partner ni Black widow.

Pero sa nakita ko na gamit kanina ay nay pana ito. Agad ko naman hinanap ang karakter na may pana na karakter din sa avengers, si hawkeye.

Galing din nya pala pumili.

Excited na tuloy ako para bukas.

Nag linis ako ng sarili bago humiga at chinarge ang cellphone ko at ang powerback. Nag bura naman ako ng ilang hindi importante na bagay sa cellphone ko para may space bukas para pag nag picture kami.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro