Chapter 41

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Someone POV

"Bro sigurado ka ba dito?" tanong ng kasama ko

"Oo at isa pa utos ni Boss" sagot ko

"Psh bakit naman dito pa natin gagawin"

"Bro hindi naman sila mamatay dito" hinalo ko ang isang likido at nilagay sa isang bote.

"Handa na ang palabas" wika nya

"Handa na din ang tao na mag papanggap"

Tinignan ko ang ang ilang mga estudyante. Sana lang hindi sya madamay.

Gwyn Reese POV

Katulad ng itsura ni Black widow ay kinulot ko ang buong buhok ko na mahaba.

Nasa bahay naman si Khaye at sya ang nag lagay ng kolorete sa akin.

Ready na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag Papicture kay khaye imbis na baril naman ang hawak ko ay isang LED tube.

Nang makuhaan ako ng picture ni Khaye ay nag paalam ito na mag bibihis.

Inupload ko ang picture ko sa social media.

Tumapat ako sa salamin at tinignan ang aking sarili. Ganda ko talaga.

Tinignan ko ang cellphone ko ng mag vibrate ito.

"Hello saan ka na?"

"On the way" wika ni Jairus sa kabilang linya

"Sige wait kita dito"

"Yeah"

Pinatay ko ang cellphone ko. Hindi na siguro ako mag dadala ng gamit. Nilagay ko ang ilang pwede ko dalhin like cellphone ko sa bulsa ang powerbank sa isang parang bag belt kasama ang ang wire nito.

Tinignan ko si Bakla na kakapasok lang sa loob ng kwarto ko.

"Sino ka naman dyan bakla ka?" tanong ko kay baklang khaye ng pumasok sya sa kwarto ko.

"Si mantis ng infinity war"

"Wow bakla na pala si Mantis" asar ko

"Tse ang ganda ko kaya" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa "Well lamang ka lang ng paligo kaysa sa akin. Oh paano una na ako nakita na ako nila Mrs. Manle at nag paalam sa kanila na mauuna na ako, umakyat lang ako para mag paalam" humalik sya sa pisngi ko "Kita na lang sa university"

"Sige ingat ka" wika ko.

Nang makalabas si Khaye ay yumuko ako at kinuha ang ilang gamit na pwede kong gamitin.

Simula ng ipamana sa akin ang peyton pati ang ibang negosyo ay hindi na ako nawawalan ng handgun na dala.

Lagi naman ito nakasuksok sa hita ko. Well hindi ko pa naman nasusubukan na ipasok sa loob ng school ang baril. Kaya ang kadalasan na dala ko bukod sa baril ay isang balisong ang dala ko.

Nilagay ko ang dalawang balisong sa tagong bahagi ng gamit ko sa katawan.

Let's the party begin

***

6:30 nasa university na kami ni Jairus. Katulad ng inaasahan ko ay si hawkeye nga ang costume nya, may lalagyanan ng pana ang nasa likod nya kasama ang pana.

Pasando ang damit ni Hawkeye pero kay Jairus ay may mangas.

Para tuloy kaming nasa Halloween party.

Ang daming iba't ibang costume may nakita pa nga akong naka spongebob at patrick, may naka santa pa nga.

Nakita namin ni Jairus ang ilang kaibigan namin na nasa iisang lamesa. Well kasama namin din naman sila Dian, si Sofy at ang kaibigan nito na si Alison.

Pero bago pa kami makapunta sa aming lamesa ay may humarang sa amin at kinuhaan kami ng litrato.

"Wait lang hindi pa kami ready" nilabas ko ang led tube ko at pumuwesto "Act ka rin Jairus na kunwari may pinapana"

Pero imbis na tumingin sya ay nag cross arm lang sya at tumingin sa malayo.

Nang ibigay ang picture sa amin ay napanguso ako.

"Ano ba yan Jairus ang kill joy mo talaga"

"Tss" kinuha nya ang picture at umalis sa harap ko at lumapit sa lamesa ng mga kaibigan namin

Nakita ko naman ang mga costume ng mga kaibigan namin.

Para tuloy kaming bida sa infinity war.

"Ow black widow" turo ni baklang Lenox sa akin

"Sino naman kayo dyan?" umupo ako sa tabi ni Zarah na nasa tabi ko din naman si Jairus

"I'm Wanda, this is vision" turo nya kay Bryson "Black panther" turo nya kay Caleb "And yeah obviously si captain America" turo nya kilala Sofy at Joms na same ang suot "Si Nebula" turo nya kay Dian na maarteng hinawi ang buhok patalikod "And gamora" turo naman nya kay alison na kaibigan ni Sofy

Kinuhaan naman ulit kaming lahat ng litrato at binigyan kami ng copy. Ang cute namin para talaga kaming character sa infinity war.

Ilang sandali pa ay nag simula na ang party. May malakas na tugtog may mga nag sasayawan, may mga palaro naman, dahil hindi kami kill joy ay sumali kami.

May mga nakilala naman ako na ilang kabatch namin. Puro tawanan hiyawan ang gabi namin.

Nauhaw ako kaya nag salin ako ng lemonade sa baso ko. Kumuha na din ako sa buffet ng pagkain at dinala sa lamesa ko.

Wala ang iba kong kaibigan at nag paparty na.

Kumain ako at pinag masdan ang paligid. Puro tawanan ang iba.

Napangiti ako ng makita si Khaye na kinukilit ni Emory. Nasa malayo naman sila Lenox at ang boyfriend nitong si Luis. Habang si Bryson at Khaye ayun nakikipag laro ng trip to Jerusalem sa gitna habang ginugulo sya ni Emory, si Caleb ay wala di ko makita. Si Dian, Sofy at si Alison ay nag uusap. Hindi ko naman makita sila Joms at Jairus.

Nasaan na yun sila?

Pero hindi na ako nag abalang tumayo at hanapin sila dahil gutom talaga ako.

Kinuha ko ang lemonade at ininom. Nang maubos ang pagkain ko ay pumunta ulit ako sa harap para kumuha ng maiinom pero ubos na daw at nag refill ulit.

Nilapag ko ang baso ko sa lamesa. Tumugtog naman ang tugtugin na pang disco.

Nag hiyawan ang lahat. Pumunta na din ako sa gitna at nakasali sa kanila na makitalon.

Nag patay sindi na din ang ilaw na parang disco din talaga.

Nakikisabay ako sa talunan, hiyawan ng nandoon.

Tinignan ko ang mga inumin na dumating na ulit, agad naman lumapit ang iba para uminom.

Napalingon ako sa isang tao na bumangga sa akin.

"Sorry" wika ko agad naman sya tumungo at umalis.

Para syang nag mamadali. Agad naman na may sumunod sa kanya.

Baka mag Jowa lang sila na nag away. Haist love nga naman.

Ang mabilis na kanta ay biglang nag slow-mo, nag reklamo ang iba dahil sa biglang pag palit ng kanta.

Umalis na ako sa gitna at hinanap ang mga kaibigan ko. Pero ni anino nila ay hindi ko makita. Lumapit ako sa lamesa ng makita ang tatlo, Dian, Sofy at si Alison.

"Nasaan sila?" tanong ko

"I can't find them nga din e" sagot ni Dian

Sinubukan ko libutin ang buong lugar pero hindi ko talaga sila makita. Tumingin ako sa tatlo. Nag uusap si Alison at Dian habang si Sofy ay nakatingin sa akin. Binigyan nya ako ng pag aalalang tingin. Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Kanina ko pa sinusubukan tawagan si Joms pero di sya sumasagot" wika nya sa tabi ko

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan din sila tawagan. Una kong tinawagan si Khaye sumunod si Lenox at Zarah.

"Hindi rin sumasagot sila Zarah" sagot ko, tinawagan ko din naman sila Caleb, Bryson at pang huli si Jairus "Hindi rin nasagot sila Bryson"

"Gwyn, I'm worried, what if something bad happens to them"

"Why? What happen Sofia Girl?" tanong ni Dian

"Nothing" sagot ni Sofy

"Excuse me" wika ko bago umalis

May pakiramdam ako na may nangyaring hindi maganda. Nilibot ko ang buong lugar pero hindi ko talaga sila makita.

Nakasalubong ko si Emory na kasama ni Khaye kanina pero ang sabi nito hindi nya alam.

Nakasalubong ko din naman si Luis pero ang sabi nya kasama si Khaye at nag mamadali. Tinanong ko pa kung saan papunta sabi sa likod daw ng stage. Agad ako nag paalam kay Luis at pumunta sa likod ng stage.

Bukod sa ilang gamit ay wala na ako nakita.

Halos takbuhin ko naman palabas ng may narinig akong tilian. Napahawak ako sa bibig ko ng makita ang isang tao na nakasabit at dilat ang mata. Sya yung babae na nakabangga ko kanina.

Hindi pa kami nakakarecover na isa isa nahimatay ang mga estudyante. Ano ang nangyayari. Halos mag takbuhan at mag kagulo ang lahat.

Ang kaninang puro tawanan at masasayang hiyawan ay naging hiyawan ng mga takot.

"Gwyn" Nilingon ko ang humawak sa braso ko, napatingin naman sya sa kaninang tinitignan namin, nangunot ang noo ni Jairus at napatingin sa paligid "We need to get out of here"

"Why? Nasaan sila Khaye" tumingin sya sa likod ko, tumingin din ako sa likod at doon mag kasama si Khaye at Lenox

"Jairus yung lemonade" napatingin ako sa gilid ko ng may mag salita "May lason ang lemonade"

"What?!" gulat kong tanong "Uminom ako nun"

"The second batch of the lemonade have poison" sagot ni Jairus

Dumating na rin ang ilang guards at mga faculty teacher at pinapalayo kami para makadaan ang mga bumubuhat sa mga estudyanteng nahimatay.

Ilang saglit pa ay may narinig na kaming mga siren ng Police Cab.

Ilang saglit pa ay pinauwi na kami ng mga teacher.

Nasa loob na ako ng sasakyan ni Jairus at iniisip ang nangyari. Hindi na bago sa akin yon na makakita ng patay pero bakit at paanong nangyari yun.

Tumingin ako kay Jairus na tahimik na nag drive.

"Jairus" wika ko

"We see a suspicious person, we also found out that there was a bomb in the area, so I called Caleb and Lenox to deactivate the bomb, Khaye and Bryson were watching the CCTV area when we saw another unknown person mixing lemonade. he put something in the drink" wika ni Jairus "Joms and I were going to chase him when someone shouted I was worried about you so I went to you right away"

"Sino ang may gawa nun sa babae?"

"The man put something in the drink himself. The woman saw him putting something in the drink, she was planning to sue but the man preceded her, one thing we are sure of, that man is not a student here"

"Paano nakapasok ang lalaki na yun sa school?"

"We don’t know, but one thing is for sure. Someone helped him to get in"

"Sino?"

"We're here" tinignan ko ang labas ng sasakyan, nasa tapat na kami ng bahay, halos nasa labas din sila Mama at papa pati na rin si Kuya na paalis na sana.

Lumabas ako ng sasakyan ni Jairus "Mom, dad"

"Oh my hija" niyakap ako ni mama bago Bitawan ulit "Are you okay?"

"Good evening Mr. And Mrs. Manle" wika ni Jairus na naka baba na pala sa sasakyan nya

"Good evening hijo, how are you hindi ba kayo nasaktan" tanong ni mama

"Mom we're okay" sagot ko

"Tumawag sa akin si Tatum" wika ni papa

"Pupuntahan sana kita, Reese" wika ni Kuya bago tumingin kay Jairus

"Go to your now, Reese" wika ni papa

Tumingin pa ako kay papa na nakatingin na din kay Jairus na parang nag tatanong. Tumingin ako kay Jairus, ngumiti lang sya sa akin.

"See you" wika ni Jairus

"Giezel ipasok mo na Gwyn sa loob" utos ni papa.

Agad naman ako Inaya ni mama pumasok.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro