Chapter 42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lumipas ang ilang araw at hindi na ulit kami nag kita ni Jairus. May mga dumating naman na pulis kinabukasan after ng christmas party, nag imbistiga sila pero ang tanging sagot ko lang ay hindi ko alam at wala akong nakita.

Tatlong araw naman bago mag pasko ay nag pahatid ako sa mall para mamili ng pang regalo sa pamilya ko. Sinabihan ko naman ang driver na tatawag na lang ako pag mag papasundo na ako dahil baka matagalan ako.

Ito rin yung unang beses na bibigyan ko ng regalo ang magulang ko.

Binilihan ko din ng regalo ang mga kaibigan ko at ilang kakilala na nakasanayan ko naman bigyan.

Agad ko naman dinadala ang mga napamili ko sa costumer service para mapabalot ang lahat.

Napadaan naman ako sa isang store ng mga palamuti. Pumasok at tinignan ko ang ilang nandoon. Wala pa pala akong regalo para kay Jairus.

"Hi ma'am ano po hanap nila" tanong ng tindera

"Ah pang regalo din sana" sagot ko

"Para po ba sa fiance nyo, may bago po kaming labas na palamuti limited lang ho sya, sandali lang po"

"Ate" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang umalis sa harap ko, pag balik naman nito ay may dala na itong dalawang maliit at mahabang box

"Ito po" binuksan nya ang isa at pinakita nya sa akin ang isang keychain na may pendant na puso, binuksan naman nya ang isang kahon, may pendant naman itong cupid's arrow. Kinuha nya ito habang ang kamay nya ay may gloves bago pinag dikit nya ito.


"Wow ang ganda" mangha ko "Kaso ate hindi ko sya fiance"

"Po?" takang tanong nya at napatingin sa kamay ko "may Engagement ring po kasi kayo" napatingin ako sa daliri ko.

Hanggang ngayon pala suot ko ang singsing na binigay ni Joms nung birthday ko.

"Boyfriend nyo po ba? Pwede po itong pang regalo, bilin nyo na po limited lang po ito, kung may kapareha man po sya ay hindi kakasya ang pana sa pinaka puso, Magugustuhan po ito ng nobyo mo"

"Kaibigan ko kasi sya"

"Ganun po ba?"

"Pero bibilhin ko na rin"

"Talaga po, dito po tayo" nasa counter na kami at habang inaayos ang binili ko ay tinignan ko ang ilang palamuti na naka display sa counter "Ito po ma'am nag iisa lang po yan"

"Salamat" binayaran ko ito at binigyan ng tip ang babae.

Nang makalabas ako sa store ay nag lilibot pa ako. Medyo madami na din ang mamimili sa mall.

Kinuha ko ang mga napabalot ko ng regalo at nilagay sa Cart na tulak tulak ko.

Bumili ako ng pagkain at nag lalakad ako habang kinakain ang pagkain na binili ko.

"Gwyn" napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin, pag lingon ko ay nakita ko si Dian

"Dian hey"

"Hello sissy" lumapit sya sa akin at nakipag beso sa akin "How are you?"

"Fine how about you?"

"Still pretty pa naman, last minute shopping para sa christmas gift"

"Actually three days pa ang christmas kaya hindi matatawag na last minute"

"Ow you're so funny talaga" pinalo nya ang braso ko "Ang dami naman nyan"

"Ah yeah for my family and for my friends na din"

"Meron ba ako dyan"

"Wala"

"Aw"

"Kidding of course meron, ipapadala ko na lang sa house mo"

"Sa house na lang ni Jairus tutal naman nandoon din kami ng family ko"

"Bakit?"

"Anong bakit, of course nandoon ang fath-hey there you are" napatingin ako sa likod ng ibahin ni Dian ang sinasabi nya at tumingin sa likod ko "I'm with Gail"

"Hey" bati ni Jairus

"H-hey" bati ko pabalik

"Sino ang kasama mo?" tanong nya

"Ako lang, actually pa uwi na rin ako, Susunduin ako ng manong"

"Sumabay ka na sa amin" wika ni Dian

"Hindi na mukhang makakaistorbo ako sa lakad nyo" sinubukan ko mag tunog na pag tatawa pero Mukhang nabigo ako "Na text ko na din kasi yung mag susundo sa akin" pag sisinungaling ko sabay iwas ng tingin

"Ganun" tumingin ako kay Dian, tumingin naman ito kay Jairus na malayo ang tingin "Let's go Jairus Gail" hinawakan ni Dian ang braso ni Jairus "See you Gwyn"

Tinignan ko sila na umalis na. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Jairus. Ano ang nangyari doon?

Nag tagal pa ako ng isang oras sa mall hanggang sa naisipan ko na tawagan si Manong Eduardo, driver namin, na sunduin na ako sa mall.

Sinabi naman nito na hindi ako masusundo dahil may lakad daw sila ni mama, nakausap ko naman si mama na may susundo daw sa akin. 

Wala naman na ako magagawa.

Nasa open space parking na ako ng mall at hinihintay ang susundo sa akin.

*Arf arf*

"Ow pup" umupo at tinignan ang tuta, isa siyang aspin "Nasaan ang mama mo?" tinap ko ang ulo nya "Gusto mo ba sumama sa akin?"

"Baka sumagot yan" napatayo ako ng may nag salita

"Jairus" Nilingon ko ang gilid nya "Nasaan si Dian?"

"Nahatid ko na sya"

"Bakit nandito ka"

"To fetch you"

"May susundo sa akin"

"I know, nakita ko si Mrs. Manle at nasabihan ako"

*Arf arf*

Napatingin kami sa baba ng may tumahol.

"What's that?"

"Aso ang tawag dyan, dog sa english"

"Tss"

Binuhat ko ang aso "Daan muna tayo sa vet" wika ko

"Dadalhin mo talaga yan"

"Kawawa naman"

"Hindi ba magagalit si Mrs. Manle"

"Hindi naman bahay ko tatambay ito"

"Saan?"

"Sa bahay nyo"

"What?!"

Ngumuso ako at hinihila hila ang laylayan ng damit nya "Alam mo naman na ayaw ni mama sa aso, pero kawawa naman kung iiwan natin sya, mukhang wala syang mama, kaya sige na"

"Fine"

Halos mapatalon ako sa saya "Hoy wala ng bawian yan a, don't worry susustentuhan ko sya" tinignan ko sya "Sige nasaan na yung sasakyan mo, dalhin mo na yan tapos pasok mo na sa sasakyan mo para madala na din natin sya sa vet"

"Gagawin mo pa akong alalay mo" hindi na ako sumagot at nag lakad na palayo habang hawak ang aso, hinanap ko naman ang sasakyan nya.

Nang makaalis kami sa mall ay nag hanap kami ng vet clinic, buti na lang at may bukas pang clinic ngayon.

Tinignan ito ng doctor, healthy naman daw sya. By next month daw pwede na sya bakunahan. Nalaman ko din na babae pala sya.

Pinangalanan ko syang Reese para kapangalan ko. Binilihan ko din sya ng unan at pansamantalang bahay at ibang gamit nya.

"Baby wag ka malikot doon a, soon ka muna sa bahay nya, hayaan mo kakausapin ko ang lola mo para makuha ka ni nanay doon a" kausap ko sa aso "Pero wag ka makulit doon maiksi lang ang pasenya ni Jairus"

"Tss"

"Jairus alagaan mo sya ha" gumagaralgal ang boses ko dahil feel ko naiiyak ako "Ikaw muna ang tatay nya"

Nilingon nya ako bago binalik ang tingin sa daan "Pft what was that face?"

"Feel ko kasi malalayo sya sa akin kahit nasa kabilang bahay lang sya"

"Don't worry I will take care of her"

"Aba dapat lang" humarap ako sa kanya "Simula ngayon ako na ang mama nya, ituring mo syang pamangkin"

"Pamangkin?"

"Sige, inaanak mo na lang sya" wika ko hindi naman sya sumagot "Ayaw mo pa rin, sige ikaw na ngayon ang tatay nya, tapos ako ang nanay hahahaha" umiling naman sya "Wag mo sana sya iiwan Jairus" wika ko

"Don't worry isasama ko sya kahit saan"

"Pati sa school?"

"Tss"

"Basta wag mo sya papabayaan" paalala ko

Puro paalala lang ako kay Jairus ng mga gagawin kay Reese at sinabi ko na pag nakausap ko si mama ay kukunin ko din sya.

Napuno tuloy ang buong biyahe namin ng puro paalala about sa tuta. 

Feel ko tuloy matagal ko ulit sya di makikita.

Ayaw kasi ng nanay ko sa balahibo ng aso, pero bahala na pipilitin ko talaga si mama para makauwi rin si Reese sa bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay nag patulong ako sa ilang kasambahay na ilagay ang mga regalo sa baba ng christmas tree.

Hindi na naman nakapasok si Jairus sa bahay dahil kailangan na nya umuwi dahil ngayon din daw ang uwi ni Jaime galing state.

Bago naman sya umalis ay sinabihan ko ulit sya tungkol kay Reese, sa aso.

Tinignan ko naman ang sasakyan na palayo bago pumasok sa loob.

Inayos ko pa ang ibang regalo bago umakyat sa taas. Nilabas ko naman sa bag ko na maliit ang dalawang box kung saan nakalagay ang pang regalo ko kay Jairus.

Binuksan ko ito at nilagay sa lamesa, sa study table. Umupo ako sa upuan at tinignan ang dalawang keychain.

Magugustuhan ka kaya nya?

Kinuha ko ito at pinag dikit ang dalawa.

Kaysa ko naman nakita ang nakasulat, may nakasulat palang I love sa puso at you sa pinaka arrow.

Siguro sa akin na lang heart para hindi nya makita ang nakasulat, ang weird kasi kung mag bibigay ako sa kanya ng ganito tapos wala kaming label.

Like duh mag friends lang kami then may ganito.

Binalik ko na ito sa lalagyanan nya at tinabi sa drawer.

Kinuha ko naman ang isang papel at nag sulat doon.

♥To be continued♥

I dedicate this chapter to Audra_gaylez. This is the way of saying thank you to her to supporting my story from the very start. You can follow her guys.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro