Chapter 49

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Halos nag pag practice na lang ng cottilion ang ginagawa namin. Sa susunod na linggo ay aasikasuhin naman ang clearance namin at pag aayos ng mga kulang namin na requirements, sa oras naman na maayos na ang lahat ay pwede na kami makapag practice para sa graduation.

Bukas na rin ang senior ball namin. Kaya pinag pahinga kami nang tatlong araw para makapag ayos. Halos lahat naman din kasi ng estudyante ay kasali sa cottilion. Gaganapin ang ball sa isa sa mga hotel na pag mamay ari ng pamilya ko.

Tumayo ako at tinignan ang ball gown na susuotin ko bukas ng gabi, napangiti ako, sya ang makakapareho ko sa cottilion, sya ang magiging first dance ko.

Tinignan ko naman ang bracelet na bigay nya noong nakaraang pasko. Nasa box pa ito at hindi ko pa natatanggal sa pinaka bahay nya.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Kinuha ko ito at umupo sa kama ko. Naka video call kami.

"Eyo" wika ni Khaye

"Shock mga bakla excited na ako tomorrow" wika ni Lenox

"Ikaw lang ba? aba ako din, halos pinapaulit ulit ko nga ang kanta para sa cotillion sabay sayaw" wika ni Zarah "Hmm hmm hmm" sayaw ni sarah habang pa-hmm na kinakanta ang kanta para sa cotillion.

"Mga bakla kayo enjoyin na natin ito, pero sana hindi pa ito ang last natin" -Khaye

"Uy sandali" umupo si Zarah at hinarap ulit kami "Paano nga pala Inaya ni Jairus, Gwyn?"

"Omg as in omg girl, Inaya ka nya? dati lang ikaw ang nang aaya sa kanya" -Lenox

"Actually ako pa rin ang nag aya sa kanya. Well kaysa naman mag mukha akong tanga na walang mag aya kaya ako na ang nangunguna na ayain sya, aba kaysa naman makahanap sya ng ibang partner diba, at least naka oo na sya sa akin"

"Asus secure na secure, bakod na bakod mo na si Jairus a" asar ni Khaye

"Musta na ba ang heart mo kay Joms?  Sya pa rin ba o may parte na si Jairus sa heart mo?" -Lenox

"Hindi naman sya nawawalan ng parte sa heart, he's always in my heart"

"Asus, anong level ng love na ba sya sayo?" Zarah

"Liking siempre. Pero sa ibang level anong level? Infatuation Romantic, Empty, companionate or consummate love" Khaye

"Alan mo bakla ramdam namin na hindi na si Joms, pero ano na ba status mo?" Lenox

"I admit that I love him but you know, I don't know what level of love na ba. But I promise girls, this time I will make sure na masasabi ko sa kanya ang feelings ko, pero sana hindi sya mag bago pag nasabi ko na"

"Hindi naman ganun ka bitter si Jairus pag nasabi mo na e. Tsaka haler meron din syang feelings sayo I swear to God kandado Susi" -Khaye

"Sana nga. Sana"

Nag usap pa kami ng ilang oras ng mga kaibigan ko tungkol kung paano sila inaya ng mga partner nila. Siempre si Khaye ayun si Emory ang partner. Tinawanan namin sya at inaasar. Si Bryson naman ay Inaya si Zarah at ayun tama nga ang hula ko na sila na. Habang si Lenox naman ay Inaya ni luis.

Nang mag sawa kami sa pag mumukha ng isa't-isa ay natulog na kami dahil need pa daw namin ng beauty rest.

Habang ako ay tulala sa kisame ng aking kwarto at napapangiti na lang. I'm planning to confess my feelings to him tomorrow. Sana lang sa pag amin ko hindi mabawasan ang friendship na meron kami.

Sana lang.

***

"Ang ganda talaga ng dalaga namin" wika ni mama ng makapasok na sya sa kwarto ko "Ikaw ang pinaka maganda kong anak"

"Ma of course ako lang naman ang anak mong babae"

"I know" inayos ni mama ang buhok ko "You are now a young lady, wala ka pa talagang boyfriend?"

"Ma"

"Si Jairus ba?"

"Of course not"

"Well Hindi kita pag babawalan na mag boyfriend" wika ni mama "But know your limitation" tinignan namin si papa na nasa pintuan na pala ng bukas kong kwarto "You are so gorgeous our princess"

"I know dad"

"Yeah well Jairus is here, he's waiting you down stairs" wika ni papa

"Let's go Hija" Mama

Jairus Gail POV

As I always do every prom I pick her up.

"Jairus" Mr. Manle calls me as it goes down "Please take care of my daughter"

"As always Mr. Manle"

I looked up as I saw the figure of the familiar woman.

Its Gwyn.

She was wearing a black ball gown and half of her hair was in a ponytail.

He smiled as he went down the stairs. I smiled at her too.

When she got down, she faced me. I stared at her face.

"Tara na?" she said

"Tara kunan ko kayo ng Picture" said Mrs. Manle, Gwyn hold my arm and smile at the camera

After Mrs. Manle took the picture we went straight to the car. I open the back seat, she smiled at me. I sat to her side.

I glanced at her from my side. She focused on her cellphone and smiled.

We immediately arrived at the hotel where the ball was held. I went down and turned around to open the door for Gwyn.

There are already quite a few students inside. We went to the table where we were seated. Some of our friends are here too.

Some waiters poured drinks into our glasses. I also roll some of my eyes to make sure nothing bad happens.

"Hello is there a cottilion dancers here?" the woman asked

"Ah yes" Zarah replied

"Come and get ready" we all stood up and we followed the woman

We stood outside the ball room.

"Let's take a picture" said Dian who is Caleb's partner "Kuya can you take us a picture please" he called the camera man

"Sure miss" we arranged and took a picture

Gwyn Reese POV

Naka pwesto na kami sa labas ng ball room at ilang minuto na lang ay sasayaw na kami.

Tinignan ko ang paligid ko ng may nararamdaman akong kakaiba.

Shit wag ngayon.

"Ayos ka lang ka girl?" tanong ni Lenox

Sasagot na sana ako ng mag salita ang event manager "Ladies and Gentlemen be ready, fall in line"

Lumapit ako kay Jairus at pumila na kami. Ilang sandali pa ay tumugtog ang musika na hudyat ng aming pag pasok.

Hawak ni Jairus ang kamay ko habang kami ay nag lalakad papasok. Nag salita ang speaker pero hindi ko na ito pinakinggan at tumingin lang kay Jairus.

(Play : Can I have this dance ng Highschool musical)

Third Person POV

Nakatingin si Gwyn at si Jairus sa isa't-isa nang tumugtog ang kanta. Nag bow sila sa isa't-isa bago mag simulang sumayaw. Nakatingin lang ang dalawa sa isa't-isa na parang silang dalawa lang ang tao.

Hawak ni Jairus ang bewang ni Gwyn at nasa balikat naman ang kamay ni Gwyn habang ang isa nilang kamay ay mag kahawak.

Tumalikod si Gwyn habang nasa likod nito si Jairus. Halos nagtaasan ang balahibo ni Gwyn ng maramdaman nya ang mga hawak ni Jairus sa kanyang hamay.

Masyadong intimate ang kanilang mga sayaw na parang may malaking ibig sabihin.

Inalalayan ni Jairus ang likod ni Gwyn ng may step na medyo pahiga.

Binuhat ni Jairus si Gwyn at inikot. Napangiti naman ang dalawa.

Patagilid nilang hinawakan ang pisngi ng isa't-isa.

May parte naman na gagawa sila ng bilog at doon mag papalitan ng mga kapartner.

Nakabuo ng bilog ang mag kakaibigan at doon nag palitan ng mga partner paikot.

Napangiti si Gwyn ng mapunta ito sa mga kaibigan din nilang mga lalake. Lalo naman Napangiti si Gwyn na mapunta sya kay Joms.

"You look so gorgeous" wika ni Joms

"Thank you, you look so handsome" umikot ulit kami at bumalik ulit ako kay Jairus

Paikot, siyang bumalik kay Jairus. Binuhat ulit ng mga lalake ang mga babae paikot bago ibinaba at dinikit ang mga noo nila sa isa't-isa.

Napapikit si Jairus at ganun din si Gwyn. Dinadama nila ang presensya ng isa't-isa na parang mag kakalayo sila.

Nagulat naman ang binata ng yakapin sya ng dalaga. Mahigpit ang yakap nito. Bumitaw si Gwyn at ngumiti kay Jairus. Katulad ng pagkagulat ng binata ay nagulat din ang dalaga ng halikan nito ang noo nito. Bago pinag dikit ulit ang mga noo.

Natapos ang kanta at sayaw nila nang mag kadikit ang mga noo. Pumalakpak ang lahat. Lumayo si Gwyn at ngumiti kay Jairus.

Gwyn Reese POV

Nang matapos ang kanta ay bumalik na sila sa kani kanilang mga lamesa at umupo sa upuan.

Nag simula na din mag puntahan ang mga estudyanteng kasali at sumayaw sa gitna.

Nakaupo lang ako at pinag mamasdan ang nga taong nag sasayaw sa gitna.

"Hello po kuya Jairus" napatingin ako sa babae na lumapit kay Jairus, Mukhang hindi namin sya ka batch, well hindi naman lahat ng grade 12 ay kilala ko "I have a friend po, can you ask her to dance with you?" tumayo si Jairus

"Sure where is she?" tanong ni Jairus bago sundan ang babae.

Sinundan namin ng tingin si Jairus at pumunta sa lamesa ng mga babae. Nag tilian naman ang mga babae na nandoon. Tumayo ang babae at inabot din ang kamay ni Jairus na naka lahat bago sila pumunta sa gitna. Nag katinginan kami ng nga kaibigan ko.

Parang dati lang gawain namim yan at si Joms ang target at si Zarah ang mag Sasabi kay Joms na isayaw ako. Nag tawanan kaming apat at tinignan naman kami ng kasama namin sa lamesa. 

"Grabe Deja vu hahaha" wika ni Zarah

"Haist may isang pangarap nanaman ng isang babae ang Tinupad ni Jairus" wika ni Khaye

Nag tawanan naman kami.

"Hello Gwyn" tinignan ko naman ang nag salita sa gilid ko, sya yung lalakeng nag bigay ng sulat sa akin nung nakaraan "Can we dance?"

"May isang pangarap din na tutuparin ni inang Gwyn" wika naman ni Lenox

Hindi ko ito pinansin "Sure" tumayo ako at pumunta kami sa gitna

Mabagal ang musika habang nag sasayaw kami. Nakatingin lang naman ako sa gilid ko.

"Ako nga pala si Tyron" pakilala nya

"Well I'm Gwyn"

"I know" natatawang wika nya

Hindi naman ako nag salita at ngumiti lang. Ilang sandali pa ay nag salita ulit sya.

"I want to take this opportunity to confess my feeling" napatingin ako sa kanya "Well I like you, since junior high"

"Ow" binuka ko bibig ko at nag hahanap ng maayos na salita "I Ahm..." huminga ako ng malalim "I'm sorry, but... I don't know what to say..."

"It's okay I know that you don't like me, I just want to make myself free for my feelings, I will accept the rejection"

"Look Tyron. Thank you for liking me, but I believe there is a person who's better that me, believe me"

"I know, I want to say thank you to completing my highschool life. You are one of the reason why I want to go to school everyday, you are my inspiration after all, that is why thank you" ngumiti sya sa akin "Ahm... Can I hug you. Just hug..."

"Sure" niyakap nya ako at gumanti ako ng yakap sa kanya.

Grabe all this year akala ko walang nag kakagusto sa akin. All this year akala ko hangin lang ako. Well may mga umamin naman noon pero ni isa walang nag attempt na manligaw.

Pero hindi naman ito manliligaw dahil na busted ko na hahaha.

Ah basta. Akala ko talaga wala lang ako at isa lang akong hangin sa university na ito.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro