Chapter 50 : The truth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Halos pagtapos na ang event namin at marami na rin ang mga nakasayaw ko kaya sobrang sakit na rin ng paa ko.

"Gwyn pwede ba tayong sumayaw?" aya ni Joms. Halos mas kinilig pa ang dalawa kong kaibigan kaysa sa akin

"Sure" tinanggap ko ang kamay nya at pumunta sa gitna

(Play : Binibini song)

Mabagal ang sayaw namin ni Joms. Hinanap ko naman uli ang feeling ko noon sa kanya.

Wala na nga talaga.

Well ito na siguro ang time para sabihin ko na gusto ko sya noon. Para kahit papaano ay lumaya din ang feeling ko noon sa kanya. Well katulad nga ni Tyron. Gusto ko mag thank you sa pag kumpleto nya ng highschool life ko.

Huminga ako ng malalim at nag hahanap ng konting tiempo.

Ito na nga. Final na ito. Wala na naman. Mag papasalamat lang talaga ako.

"Joms" panimula ko sa medyo malakas na boses ko, tinignan nya naman ako "I want to tell you something" huminga ako ng malalim "I want to say thank you for giving me a memorable memories in my highschool life. You are one of my inspiration why I keep going to school everyday"

"Gwyn"

"Joms let me finish" wika ko ng putulin nya ang sinasabi ko kanina "So... You always make me kilig. Kahit sa simpleng galaw mo, pinapa kilig mo ako nung mga panahon na pumapayag ka na isayaw mo ako pag sinasabihan ka na ni Zarah sa Tuwing prom natin. Pinapakilig mo ako when you show na may care ka sa akin. Pinapikig mo ako sa mga song na kinakanta mo. Kahit alam kong hindi para sa akin. Just thank you because of you, you make my highschool days special. I want to say also that I like you, I admire you and I have secretly in love with you" tinignan ko sya sa Mata nya "But that is before. I'm happy dahil nag kabalikan kayo ni Sofy and I'm sorry because I think that I am the reason kung bakit kayo nag humiwalay ng mga past girlfriends mo. Because I always wish that hope na mag break kayo" napatawa naman ako at ganun din sya "Believe it or not. I'm happy because you have Sofia now, I'm happy becasue I can see you how happy to be with her. Well I'm telling this becasue I want to thank you. Because you are one of my inspiration you are the one who complete my highschool life"

Ngumiti din sya sa akin at nilalagay ang mga kawalang buhok ko sa likod ng aking tenga "Well thank you for liking me. I know, I see, and I feel it. I know that you like me. I see that you like me. And I feel it."

"But how?" tanong ko

"Well I don't want to assume. But it because of your friends I know that you like me"

"Did they say it?"

"No, but I heard it" natatawang wika nya "I see that you like me because of how you react when I'm with you" napatungo ako "I feel that you like me, becasue you make me feel that you like me. You are not a good liar, Gwyn. Specially for your feelings, you make me, us, feel the feeling that you felt. Well thank you because you use me as one of your inspiration, thank you for admiring me, thank you. Hope you will find the man who treasure you. Well siguro nga nakita mo na yung lalake e" hinawakan nya ang kamay ko "But Gwyn just remember. Whatever happens I and we are always here."

"Thank you" ngumiti ako

Pakiramdam ko naman ay gumaan ng ng kahit papaano ang pakiramdam ko. Kahit papano ay nasabi ko rin na gusto ko sya. Nag sayaw pa kami at nag pasalamat sa mga memories na na share namin nitong highschool. Nang matapos kami sa pag kanta ay lumapit naman ako kay Jairus.

(Play again : Prom, Hindi ako sure kung sila bullet Dumas ang kumata di lang ako sure, napanood ko sila sa rappler na jamming e)

Ewan ko pero feel ko parang bumilis ang galaw sa paligid ko habang palakad sa kanaya na parang sobrang layo nya. Nang makalapit ako sa kanya ay tinapat ko sya. Napatingin naman sya sa akin.

Feel ko tuloy ako ang lalake sa amin.

Heto na. Huminga ako ng malalim. Ngumiti ako at tinignan sya ng mabuti. Nilahad ko ang kamay ko.

"Tara sayaw tayo" wika ko. Nilahad ko ang kamay ko. Umiling naman sya at kinuha ang kamay ko bago kami pumunta sa gitna.

Nag simula kaming sumayaw ng mabagal. Napapatungo ako at napapakagat sa labi ko.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, tingin sa baba ang ginawa gawa ko. Hindi ko kayang tignan sya. Pero feel ko kailangan. Dahan dahan akong tumingin at ganun na lang din ang gulat ko ng nakatingin sya sa akin.

"Jairus" wika ko. Ito na. Aamin na ako. "I like you" halatang nagulat sya sa sinabi ko, huminga ulit ako ng malalim "Let me finish Jairus" panguna ko ng mag sasalita sana sya "Jairus, thank you for being there when I need someone to talk too, thank you for listening, thank you because you make me special. You make feel that I deserve to be love."

"Gwyn please stop"

"No Jairus, I want to say this. I want you to know how I felt. Thank you for coming in my life. At first Jairus, I don't know, kung ano ang nararamdaman kong ito. But in the past months I knew that I love you. I love you not because you always there by my side, i love you because I love you. I'm not expecting you to love me back. Jairus you always have part in my life and in my heart. You make me happy, you make complete" huminga ako ng malalim "I love you, Jairus"

"Gwyn I..." salita ni Jairus

"Don't worry alam kong mawawala din ito. You don't have to say anything" ngumiti ako "But I hope na hindi mag bago ang tingin mo sa akin bilang isang kaibigan"

Huminga lang si Jairus at umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Nag sayaw pa kami hanggang matapos ang kanta. Hindi na kami nag kibuan o hindi ko na sya tinatapuan ng tingin

May part sa akin na parang nag sisisi ako dahil umamin ako sa kanya. May part naman na gumaan ang loob ko dahil kahit papaano ay nasabi ko ang nararamdaman ko.

Halos tangihan ko na ang mga lalakeng umaaya ng sayaw sa akin dahil bukod sa pagod na ako ay tinatamad na ako sumayaw pa.

"Pre nakita mo ba si Jairus" rinig kong tanong ni Bryson

"Umalis na kanina pa bakit?"

"Umalis na?" singit ko sa usapan nila

"Oo Gwyn kanina pa, pero don't worry hinabiling ka nya sa akin ako na ang nag hahatid sayo pa uwi"

So ganun lang yun? Pagkatapos ko umamin mawawala sya. Aba hindi yun pwede. Tumayo ako.

"Oh uuwi ka na ba?" tanong ni Caleb

"Ah hindi pa mag ccr lang ako" wika ko.

Kinuha ko ang dala kong pouch at pumasok nga sa cr. Nilabas ko ang cellphone ko at sinubukan syang tawagan ng hindi sya sumagot sa tawag ko ay nag voice call na lang ako para masabi ko sa kanya lahat ng rants ko.

"Ang daya mo, Jairus, after ko umamin lalayasan mo ako, kahit ba sinabihan mo si Caleb na sya na lang ang mag hatid sa akin, pero responsibilidad mo na iuwi ako dahil ikaw ang nag sundo sa akin sa bahay. How dare you? Hindi naman ako nag dedemand na i love back mo ako pero sana kahit man lang ihatid mo ako sa bahay" Pinindot ko ang send at nilagay ulit ang cellphone ko sa pouch

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda naman ako pero bakit hindi man lang ako ma crush back ng taong gusto ko.

"Aish edi wag hindi lang naman ikaw ang lalake" wika ko bago lumabas ng CR

Pag labas ko naman ay may nakasalubong akong isang tao nag kabanggaan kami kaya sa inis ko ay nasigawan ko sya.

"Hindi kasi natingin sa dinadaanan!" wika ko tatalikuran ko na sana sya ng mag salita ulit sya

"The same attitude like your grandfathers" nilingon ko sya, medyo madilim sa gawi nya kaya hindi ko maaninag kung sino sya.

"What did you say?"

"Im sorry" wika nito bago umalis

"Tss bitch"

Nag lakad na rin ako pabalik sa lamesa namin. Tinignan naman ako ng mga kaibigan ko at hindi ko sila pinansin.

Nag announce na naman ng prom princess at prince kasama na doon ang king and Queen of star of the night. Si Bryson at Zarah ang nag prom queen and king at ako ang nag star of the night at dahil wala 'kuno' si Jairus ay si Joms ang naging king of the night.

Katulad nga ng sinabi ni Caleb ay sya ang nag hatid sa akin pauwi ng bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay nag half Bath lang ako bago nag bihis ng pantulog at humiga sa higaan ko.

Nakatulala nanaman ako sa kisame at hindi nanaman ako makatulog. Umikot ikot ako sa kama ko at nag hahanap ng komportableng posisyon upang makatulog pero hindi ako makahanap. Tumayo ako at binuksan ang balkonahe ko.

Tinignan ko naman cellphone ko ng mag vibrate ito.

From : Zarah
Still awake Gwyn?

Huminga ako ng malalim nag rereply na sana ako ng tumawag ito sa GC namin mag kakaibigan.

"Thank God" wika ni Zarah

"I have news Gwyn" wika naman ni Lenox

"We knew everything" -Khaye

"About?"

"Azazel" Lenox

"Where are you guys?"

"Kagagaling lang namin ni Baklang khaye at doon nalaman namin ang lahat"

"Pupuntahan ko kayo sandali"

"No nandito na kami sa labas ng bahay nyo" tumayo ako at sinilip sila mula sa balkonahe ng kwarto ko

"Umakyat kayo dito at wag kayo mag papahuli, ayaw ko na malaman ito ng tatay ko, naiintindihan nyo"

"Copy" binaba ko ang tawag at nilock ang kwarto ko

Isa isa naman sila pumasok mula sa balkonahe ko. Natawa ako dahil ang cool nilang tatlo at mukhang propesyonal na sa larangan ng mga ganito.

Umupo kami sa sahig.

"Who is the Azazel?" agad na tanong ko

"Si Don Henry" Zarah

"Aish I know" wika ko "What I mean is Sino yung dapat na uupong azazel ngayon"

"Si Aurora Smith ang ikalawang azazel pero dahil nung mga panahon na iyon ay hindi pa pwede mamuno ang mga babae kaya maagang nag asawa si Aurora napangasawa nito ang isa sa pinaka sikat na drugmaker na si Evarius Gabriel Emerson" paliwanag ni Khaye

"Pero dahil noong mga panahon na iyon ay ayaw ni Don henry sa asawa ni Aurora. Pero huli na ang lahat, nag bunga ang pag mamahalan ng dalawa." Lenox

"Wait Evarius? Emerson?"

"He's Jairus grandfathef Father" Zarah

"So it means si Jairus ay ang dapat na Azazel"

"Yes" Wika ni Zarah "But Jairus didn't accept being an azazel"

"Why?"

"Nung nalaman ni Evarius na may plano si Don na pag hiwalayan silang dalawa ni Aurora ay gumawa ng paraan si Evarius. Nilagay nya sa isang chip ang iba't ibang formula ng drugs at doon nya ipinasok ang chip sa anak nito, kay Evarius the second ang tatay ni Jairus" Lenox

"Bakit ayaw tanggapin ni Jairus ang pwesto bilang azazel?"

"Becasue he know that papa killed his father" napalingon kami sa pinto ko ng may nag salita, si kuya at naka pajama din tulad ko at gulo gulo ang buhok, halatang kakabangon lang sa higaan "Bakit nandito kayo?" tumayo ang tatlo kong kaibigan at mababa na tumungo

"Pinapunta ko sila dito" sagot ko, pumasok si Kuya at sinara ang pinto "Mukhang interesting ang topic nyo" tinignan ako ni Kuya "What?"

"Paano mo nabuksan ang pinto?"

"So next info girls" wika ni Kuya na hindi pinansin ang tanong ko. Nag katinginan naman sila at tumingin sa akin, tumungo lang ako bago sila umupo ulit

"Madaming nag kainterest sa formula na iyon. Hanggang sa namatay si Evarius sr. at nalaman ng ibang organisasyon na ang formula ay nasa katawan mismo ng tatay ni Jairus nakalagay. Maraming gusto pumatay sa tatay ni Jairus" Zarah

"That is why azazel ask a favor to hades" singit ni Kuya "He ask that instead na ibang tao ang papatayin sa kanya, ang Hades na lang"

"So pinatay ni papa ang tatay ni Jairus?"

"Yes"

"Kwento ni Jairus ay nakatakip ang mga mukha nila, " wika ko

"Yeah pero pinakita ang cctv na iyon" sagot ni Lenox

"Matalino si Jairus at alam ko na matagal na niyang alam ang tungkol doon" wika ni Kuya

"One more thing" wika naman ni Lenox "The threats, Jairus send that to you"

"What threats?" tanong ni Kuya

"Here Mr. Rohan" abot ni Zarah kay kuya ng mga papel

"Si Jairus din ang nasa likod ng set up thingy na transaksyon kuno noong gabi na pinuntahan natin si Mr. Rohan" Khaye

"Alam din namin na si Jairus ang kasama mo that night" Lenox

"Yung pumasok sa bahay, sa bahay ni Jairus ay ang ilang tauhan din nya" sagot ni Kuya

"But why?"

"Gusto nya na mag tiwala ka sa kanya" sagot ni Kuya.

"Yung chip nasaan na?" tanong ko

"We don't know, maybe hawak ng Hades" sagot ni Lenox

"Hindi din ito basta basta madedecode ng kung sino man ang kumuha, kung kaya gusto nila tayo patayin dahil akala nila nasa atin ang chip, pero baka nga o tinatago lang talaga ni papa, bukod kay Evarius at sa azazel ang Hades lang ang nakakaalam kung paano ma decode ang chip" wika ni kuya

"Ang Hades lang so it means alam mo kung paano ma decode?" tanong ko

"Yes Ofcourse ang dali lang naman"

"Paano natin mahahanap ang chips?" tanong ko

Tumayo sya "Wag nyo na problemahin ang chips" Tumalikod sya at mag lakad palabas ng kwarto

Naiwan naman kaming puro tanong.

"Baka tinatago nga lang" wika ni Zarah

"What is your plan, Gwyn?" tanong ni Khaye

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro