Chapter 52

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kakatapos lang ng graduation namin at nag karoon ng konting salo salo sa aming bahay.

"I didn't expect that you have honor this year" wika ni Kuya

Katulad nga ng goal ko ngayon ay kahit papaano ay mag karoon ng honor o makapasok man lang sa honor. Si Jairus ang naging valedictorian ng buong strand namin pero hindi ito sumipot kaya ang nag salita ay ang salutatorian.

Mamaya na din ang graduation ball namin pero nag hahanda na ako.

Kinuha ko ang braclet na bigay ni Jairus at sinuot ko ito.

Ako lang naman din ang nag ayos ng sarili ko. Light make up at naka messy bun ang buhok ko habang suot ang black dress na may slit sa gilid at naka stilettos na high heels.

Simpleng dress lang sana ang susuotin ko pero dahil si mama ang may gusto na mag suot ako ng ganito ay hindi na ako umangal pa.

"Aalis po ako" wika ko

"Ang aga pa" wika ni mama

"May dadaanan pa po kasi ako" ngumiti ako at humalik sa pisngi ng magulang ko "Bye MA, PA, kuya"

"Take care young lady" wika ni papa

"Always old man" natatawang umiling sa akin si papa sa sinabi ko

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ko. Katulad nga ng sinabi ko ay may dadaanan pa ako.

Dumaan ako sa hide out ng Peyton para puntahan ang lalakeng nahuli daw nila Zarah na isa sa mga nag lagay ng lason noong christmas party at isa daw sa namumuno ng pag atake para ako ay patayin noong nag dagat kami.

Pag pasok ko ay agad na tumungo ang mga tauhan sa akin at nag bigay galang. Suot ang walang emosyon na mukha ay hindi ko sila pinansin.

Pumasok ako sa isang kwarto at doon naabutan ang tatlo kong kaibigan. Tinignan ko ang lalake. Halos hindi na ito makilala dahil sa puro pasa nito sa katawan. Naka topless naman sya habang ang mga kamay ay nakatali pa itaas.

"Matigas ang isang to Ms. Gwyn" wika ni Khaye

"Sino nag utos sayo na patayin ako?" wika ko

"Bakit ko naman sasabihin" agad naman sinubok ni Lenox ang dibdib ng lalake.

Grabe kahit pala bekky sya ang lakas nya sumuntok dahil halos bumuga ang lalake ng dugo.

"Ayaw mo talaga mag salita" wika ni Khaye

Umupo ako sa isang upuan kung saan nakapatong ang iba't-ibang mga armas, kinuha ko ang isang balisong at pinapaikot ikot ito sa daliri ko "Paano mo gusto mamatay?" tanong ko "Yung dahan dahan..." tinignan ko ang lalake at nag smirk "...o yung biglaan"

"Wala akong sasabihin sa inyo mas mabuti na lang na patayin nyo ako-argh hayop ka Peyton" daing nito ng batuhin ko sya ng balisong at tumama ito sa dagiliran nya

"Isang tanong, isang sagot pag hindi ka pa nag salita sa ulo mo na tatama ito" kinuha ko ang isa pang balisong

"Ganun pa rin naman kahit mag salita ako o hindi papatayin nyo pa rin ako" wika nito habang namimilipit sa sakit

"Pero iba ako, marunong ako Tumupad sa usapan, mag Sabi ka lang ng totoo, hahaba pa ang buhay mo" wika ko

"Hindi ako mag sasalita kahit ano ang mangyari"

Tumayo ako at nilagyan ng isang bala ang revolver "Alam mo sabi nila maari mong matago ang sakit, pero ang takot hindi" tinutok ko ang revolver sa kanya "Ano ang hula mo dito? Nasaan kaya ang bala" Napapikit sya ng idikit ko ang nguso ng revolver sa sensitdo nya, kinilabit ko ang trigger pero hindi ito pumutok.

"Opps" wika ko "Wala" tinutok ko ang baril sa isang tauhan bago kinalabit ang trigger pero hindi pa rin pumutok "Check nga natin kung nandito pa ang bullet" binuksan ko ang cylinder at pinakita ang nag iisang bala bago binalik sa dati at tinutok kay Zarah ang baril bago kinalabit ang trigger pero hindi pumutok, tinutok ko ang baril sa lalake "So ano sa tingin mo, puputok na kaya ito sayo"

"Tangina aaminin na ako" wika nito

Madali lang naman pala kausap.

"Nakakausap ko lang sila pero hindi ko kilala sa mukha, pero sigurado ako isa sya sa leader ng Dark organization" lumapit ako at tinignan sya sa mata nya

Tumayo ako ng tuwid at inayos ang sarili ko "Let's go"

"Ano gagawin natin dito?" tanong ni Khaye

"Linisan, gamutin, bihisan, at pakainin nyo, pero huwag nyo papakawalan" wika ko

"Gwyn" tawag ni Zarah "I mean Miss Gwyn" humarap ako sa kanya "Here" abot nya sa akin ng S&W shield na baril "Kailangan mo ito, may pocket gun din dito, ikabit mo sa binti mo incase"

"No need" tinuro ko ang ulo ko at pinakita ang dalawang matulis na bagay na syang nakakabit sa buhok ko, tinusok ko ito sa buhok ko na pa cross "let's go, baka malate pa tayo" aya ko

Nag lakad ako palabas ng hide out at pumasok sa kotse ko bago paandarin ito papunta sa venue kung saan gaganapin ang ball. 

Pag pasok ko ay pumuwesto lang ako sa sulok. Ginala ko ang paningin ko. Nakita ko si Joms at Sofia na papalapit sa akin.

"Yo" bati ni Joms tumungo lang ako

Ilang sandali pa ay sunod sunod na dumating ang mga kaibigan ko.  Kasama si Dian at Lenox.

Katulad ni Jairus ay hindi rin umattend ng graduation ceremony sila Caleb at Bryson.

"O hanggang dito wala pa rin sila Jairus" maarte pa ring wika ni Dian

"Obvious ba girl" wika ni Lenox

"Psh pati tuloy si Caleb wala" Napangusong wika ni Dian

Napa iling lang ako. Nakatingin lang ako sa paligid namin at tinitignan ang mga tao na nag sasaya at nag sasayaw sa gitna. May ilan pa ngang nag dala ng uniform at pinapirmahan.

"Hey" lumingon ako sa nag salita sa gilid, si Tyron "Can we dance?" tumayo ako at hinawakan ang kamay nya na naka lahad

Pumunta kami sa gitna at nag sayaw. Hindi ko naman ito tinatapunan ng tingin dahil patuloy pa rin ako sa pag hanap kahit sa anino man lang ni Jairus.

"Mamaya rin darating yun" wika ni Tyron

Napatingin ako sa kanya "What?"

"Hinahanap mo si Jairus diba? Malay mo baka mamaya nandyan na rin yun"

Tumungo tungo lang ako. Mabagal ang sayaw namin at tumagal siguro kami ng ilang minuto sa dance floor hanggang sa ihatid nya ulit ako sa pwesto namin.

Nag serve na rin naman ang waiter ng pagkain namin kaya kumain na rin kami. After ko kumain ay nag punta ako ng powder room para mag retouch.

Nag lagay ako ng lips stick at nag foundation lang ng konti inayos ko naman ng konti ang suot ko at ang pag kakapasok ng balisong sa buhok ko.

Lumabas na rin ako ng powder room at pumunta sa pwesto namin. At doon nakita ko sila Caleb at Bryson. Umupo ako sa tabi ni Zarah.

"So bakit nga kayo hindi umattend ng ceremony kanina" maarteng tanong ni Dian

May nasabi ka ding maganda Dian.

"May inasikaso lang kami, alam mo na businessman kami hahaha" sagot ni Bryson

"Tatlo kayong wala, tatlo kayo na may inasikaso?" tanong pa rin ni Dian "Where's Jairus nga lang ba?"

"Hey" halos napa straight ako ng upo dahil sa pamilyar na boses. Umupo si Jairus sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Tumingin sya sa akin. "Hey how are you?"

"I'm okay how about you?" tanong ko pabalik

"Good" para tuloy na may dumaan na angel sa lamesa namin ng isang nakakabinging katahimikan.

Alam kaya ng mga kaibigan ni Jairus yung mga pinag Sasabi ko sa voice call o pinakinggan man lang ba ni Jairus ang voice call na iyon.

"Caleb hindi mo man lang ba ako yayain na sumayaw" wika ni Dian

"Hahaha lets go then" tumayo si Caleb at inalalayan si Dian

"Zarah can we dance?" aya ni Bryson

"Sure" Sagot ni Zarah
Isa isa naman nawala ang mga kaibigan namin at nag sayaw lang sila sa gitna.

Naiwan naman kami ni Jairus sa lamesa. Hindi ako kumibo at hindi rin ako tumingin sa kanya pero ramdam ko ang matalim nyang tingin sa akin.

"Hi Gwyn" napatingin ako sa gilid ko ng may bumati sa akin "Ahm pwede ba kita..." hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng mapatingin ito sa gilid

"Sayaw? Sure" tumayo ako

"Ay hindi na pala"

"Huh?"

"Pasenya na" Tumalikod ito at lumapit sa mga kaibigan nya, narinig ko pa itong tinanong ng kaibigan nya bago sya sumagot "Gusto ko pang mabuhay tol" sagot ng lalake

Psh mukha bang papatayin ko sya.

Napatingin naman ako sa gilid ng may narinig akong umurong na upuan, nakatayo na si Jairus

"Aalis ka na?" tanong ko kay Jairus

"Yeah" Tumalikod ito at nag lakad

"Wait" pigil ko, huminto naman ito "May gusto akong sabihin Jairus"

"I'm not interested"

"Just listen to me, please" Tumungin sya sa akin bago tumalikod at nag lakad ulit palayo

Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa labas ng venue kung saan may dagat at isang malaking buwan na nahalik sa mismong tubig.

"Spill it" wika nya habang nag sindi ng sigarilyo

"Jairus" tawag ko "Yung about sa pagkamatay ni tito Evarius, humingi ng pabor si tito kay papa na patayin sya ni papa, dahil alam nya na papatayin sya ng ibang grupo at kukunin ang chips sa kanya, ginawa ni papa yun dahil inutos ni Tito"

"Are you done?"

"Jairus?

"Well I need to go" Tumalikod ito

Agad ako pumunta sa harap nya "Alam mo naman yun diba?" huminga ako ng malalim bago nag salita ulit "Alam mo naman din na gusto kita diba?"

Hindi nya pa rin ako pinansin nag simula ulit ito mag lakad kaya hinabol ko sya at hinarap akin.

"Jairus ano ba!" sigaw ko na sa kanya

"Gwyn Reese" tawag nya sa buong pangalan Ko "Still, your father killed my father and starting for this day" lumunok sya bago salita ulit "I don't want to see you, I don't want to be with you anymore" umiwas ulit sya sa akin

"Jairus" tawag ko " I don't have cape like the other super hero, but I'm always here to help you. I'm ready to brought smile to your lips and even I don't have a chance to be with you, I will keep loving you and I will never tired to love you, But from now let me love you until this feeling faded. Let me wait for you, when it means waiting forever, let me, with or without a chance, let me wait for you until this feeling fade out. I'm still loving you. Even you are the person I love who will never be mine, but let me love you." wika ko sa sulat na binigay nya sa akin.

Sa ilang araw ay lagi ko binabasa ang sulat nya hanggang sa makabisado ko na. Tumingin sya diretso sa mata ko.

"Jairus, I don't want your feelings to fade out, I don't want you to wait for me" wika ko "Jairus, I'm in love with you and I know you love me too, I don't believe that you are one of the reason for the threats, for everything"

"Do you think I can love the daughter who killed my father? Do you think that I can love you?" Umiling sya "I can't love you" tinignan nya ako sa mata "Let's pretend that we don't know each, let's pretend that we become friends, I don't want to get involve to your life anymore" Tumalikod sya, pero lalapitan ko na sana sya ng mag salita sya "Don't you dare follow me, I can kill you with my own hand and without mercy, I don't care about the friendship that we have"

"Jai-" halos mapaatras ako ng paharap nya akong tinutukan ng baril, ngayon ko lang ulit nakita ang mga galit nyang tingin. Halos mapatalon ako ng Barilin nya ang lupang kinakatayuan ko, gulat akong napatingin sa kanya.

Tumalikod sya at nag lakad bago sumakay sa sasakyan nya.

"Gwyn" tinig ng isa kong kaibigan "Are you okay?"

"Lets go" wika ni Bryson "We have to go Ms. Manle. Mr. Gonzalo" tumungo pa sila Caleb at Bryson sa amin bago umalis

"What happened Gwyn girl" tanong ni Dian

"I need to go home" nag lakad ako at pumasok na sa loob ng sasakyan ko bago patakbuhin ito

Mabilis ko ito pinatakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko ngayon.

Madaming mga tanong sa isip ko ngayon. Kung bakit nag ka ganon si Jairus? Kaya nya ba talaga ako saktan? Bakit bigla sya nag bago?

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro