III - Snoue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Zyndel's Pov

"M-ma.. ma.. r-reee."

"Mare?! Anong nangyari sayo? Dadalhin kita sa hospital." Sabi ko na puno ng pangamba nang makita ang kalagayan ni Cyrine. Puno ito ng dugo at mga galos sa buong katawan, at hindi maitatanggi na may hindi talaga maganda ang nangyari sa bahay na ito.

"M-mare tara, ihahatid ka na namin." sabi ko at iniabot ang kamay ko rito ngunit nakatingin lamang ito sa akin ng diretso.

Pulang pula na mga mata.

May pagdurugo sa bandang ilong.

Nanginginig.

"AAAAAAACCCKKKKK!"

--

Hannie's Pov

"Ohhh Yer, a-ang sarap naman nito!"

"Sino ba sa amin ang mas magaling ng asawa mo?"

"I-ikaw Y-Yer, walang kwenta 'yong lalaki na iyon. Matapos siya magpakasasa at saka niya naman kami iniwan. O-ohhh!"

"Nagustuhan mo ba? Sayo ko palang pinaparanas 'yan."

"O-oo sobrang sarap, hindi mo naman kasi sinabi na ang husay mo pala pagdating sa pagluluto. Paborito ko pa naman itong Caldereta, lasang lasa na akala mo luto ni mama." saad ko habang kumakain ng tanghalian.

"Mabuti naman kung ganoon. Kaso parang ang tagal naman ata n'ong mga magdadala ng mga bangkay na iembalsamo, sinabing aalis nga ako mamayang alas-tres at may pupuntahan na birthday party." Sabi niya na ikinapagtaka. Oo nga no, never naman kasi talaga natagalan 'yong ospital although nasa kabilang bayan lang iyon.

"Ah sige kung wala pa sila, kahit ako nalang 'yong maghihintay para rin makaalis ka na."

"Ayos lang sayo?"

"Oo naman, basta bukas 'wag mo ako kalimutan dalhan nitong ulam."

--

Zevia's Pov

"Tumakbo na kayo, may mga nagwawalang pasyente!"

Huh?

"Ate ano po ba ang nangyayari?" tanong ko habang tinitingnan ang mga taong nagtatakbuhan palabas ng ospital. Kung kelan ba naman may bibisitahin ako saka pa nila naisipan gumawa ng prank, I wonder nasaan kaya 'yong mga hidden cameras.

"M-may nangangagat na baliw, umalis ka na kung gusto mo na mabuhay pa na matagal."

"Umalis ka na rito!" huling sinabi nito bago tuluyan na tumakbo. A-ano ba talagang meron sa ospital na ito.

Kailangan ko na puntahan si Snoue.

Sa kabila ng mga taong nagtatakbuhan palayo sa lugar ay hindi ko nito mapigilan ang aking paninindigan at kyuryusidad.

Kung hindi rin naman sa akin ay hindi mapupunta sa ganitong kalagayan si Snoue.

*Flashback

"Holt tumira ng tres, ringless 'yan!" sabi ng commentator habang nanonood kami ng liga sa campus.

"Ray-kawa! Ray-kawa! Ray-kawa! L-O-V-E, Ray-kawa!" sigaw ng mga malalanding babae ng campus na nagche-cheer kay Blaze sa pagpasok ng bola sa ring.

Blazese! Defense!" sigawan ng mga tao sa kabila ng laki ng lamang ng grupo nila Blaze.

"Robert.."

"Mukhang tinatambakan na 'yong team ni Leon ah, ilalabas ko na ba?" rinig ko na bulong-bulungan sa tabi ko.

"Sige pakawalan mo, malaki ang pusta ni Bossing. Hindi siya dapat matalo."

"Sige." sabi ng isa pang lalaki na nakaitim at umalis. Para silang mga matatangkad na spy sa mga napapanood kong mga palabas sa tv. Mukhang kailangan ko siyang sundan.

"Gutom ka na ba, Shamito? Hayaan mo at kakain ka na." sabi nito habang may inaayos sa likod ng eskwelahan. May binubuksan siya na isang malaking kulungan. Teka tao ba 'yong laman n'on?

"Ubusin mo sila." huling sambit nito at lumabas mula sa kulungan ang isang nakakatakot na nilalang na sa mga horror movies ko lang nakikita.

Naglalaway at may mga matutulis na kuko, nanlilisik ang mga mata at may kakaibang anyo.

Isang zombie!?

Mabilis akong tumakbo paalis ng mapansin ang paggalae nito patungo mismo sa kinaroroonan ko. Kailangan ko humingi ng tulong.

"Mare, hingal na hingal ka? Nagmilagro ka na naman sa banyo no?" sabi ni Snoue habang gulat na gulat na makita ako.

"M-ma-may z-zom-"

"Ano?! Ang weird mo mare, nga pala tabla na sila ng score. Look!" masayang tugon nito with matching talon talon pa na parang ewan.

"May zombie.." ani ko na ikinaseryoso ng paningin nito. "M-may zombie na papunta rito."

"Hindi 'yan magandang biro, Zeviann-"

"Mayroon na zombie at papunta siya rito! Hindi mo ba ako naiintindihan?!"

"F-fine, 'wag ka nalang sumigaw kasi masakit sa tainga no."

"Nasaan ba? Madadala mo ba 'yon dito, aber?" sabi nito kasabay ng biglaang kaguluhan ng mga tao.

"Holt, tumira ng tres!"

"AAAAAHHHHHHH!" tili ng isang babae sa biglang pag-atake ng zombie si isang manonood. Kinagat nito ang leeg ng babae at mabilis na umagod ang dugo nito pababa sa kaniyang buong katawan.

"Z-z-zombie."

"Zombading!"

"Mamamatay na tayo!"

"Tumakbo na kayo!"

"Bess umalis na tayo!" sigaw ko at agad naman nitong sinundan ang galaw ko, pinilit ko na maghawak jam ng kamay sa kabila ng kaguluhan ng maraming tao. Ngunit nawala siya sa akin.

"Snoue, Bess? Nasaan ka?!" sigaw ko ngunit walang siya na nagpapakita sa dami ng mga nagtatakbuhan sa paligid.

Hanggang sa..

"Snoue!!!" sigaw ko na ikinatingin nito kasabay ng zombie na agad na tumalon papunta sa kaniya.

''Guards! Alalayan ang mga estudyante papunta sa exit, ang iba ay kuputin ang mga nagwawalang mga halimaw na ito na gustong guluhin ang eskwelahan ko!" sabi ni Principal Ace mula sa kung saan kasama ng mga gwardya ng eskwelahan na binubuo ng sampung katao. May mga hawak itong mga bakal na batuta at agad na nakipagbuno sa zombie.

"Ikaw miss, umalis ka na at umuwi sa bahay ninyo! Kami na ang bahala rito at sisiguraduhin namin na wala ng mababakas ng gulo rito kinabukasan." sabi ni Ace at sinunod ko naman ito at dali daling sumama sa ibang estudyante palabas.

Ilang minuto pa ay nakauwi na ako at natulog ng hindi maalis sa aking isipan ang nangyari kanina.

*/End of flashback

"S-Snoue?" usal ko ng makita ang kalunos-lunos na itsura ng akong kaibigan, nakasuot ito ng damit pang morgue na may ilang mga punit dala ng mga kalmot mula sa mga matatalim nitong kuko.

"KABDHEKANAGENAN!" sabi nito na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.

"A..ako ito Snoue, si Zevia. Kaibigan mo." sabi ko habang dahan dahan na lumalapit sa kaniya. Alam kong may natitirang pang pag-iisip mula sa totoong Snoue. Hindi niya ako magagawang saktan.

"Ayos na, uuwi na tayo. Huminahon ka muna." sabi ko habang nakayuko ito at hinawakan sa ulo upang makasigurado na hindi ako nito magagalaw. Please, ayoko pa mamatay ngayon. Kahit mga sa Chapter 13 na para mahaba-haba 'yong exposure ko.

Ang akala ko ay naging maayos na ang lahat dahil sa pagiging kalmado nito hanggang sa hindi ko inaasahan na bigla itong tumulak sakin, ngunit dahil hawak ko siya sa ulo ay agad ko naiiiwas ito sa pag-atake na pwede nitong maging pinsala sa akin.

Nag-wala ito subalit lubhang matindi ang kapit ko sa buhok niya hanggang sa mapagpasiyahan ko na iuntog ito sa pader.

Isa.

Dalawa.

At mga maka-ilang ulit pa.

Balas sa pader at mga dugo nito at halos kumalat na rin sa buong sahig bago ko tuluyan itong binitawan at iniwan sa sahig na wala ng buhay.

"I told you hindi mo ako magagawang saktan, Bitch!" sabi ko at agad na lumabas ng ospital. Patagal ng patagal, palala ng palala ang mga pag-iisip ng mga tao like.. ako nalang ba ang normal dito?

--

Zyndel's Pov

"L-Lennon! T-tulungan mo ako!" sigaw ko habang tumatakbo palabas sa bahay nila Cyrine. Hindi yata naging katulad na rin siya ng mga halimaw na napapanood ko sa Tv.

Dapat ko na yata bawas bawasan ang pagpupuyat sa Minecraft.

"Anong nangyayari? Nasaan si Cyrine at bakit ka sumisigaw?" tanong ni Lennon habang kasalukuyan kong inila-lock ang bahay.

"K-kailangan na natin'g umalis, s-si C-Cyrine." wika na may pang-uutal. "Nagiiba na siya!"

"Ha?!"

"Nagiging zombie na si Cyrine sa hindi ko matukoy na kadahilanan." tugon ko ngunit patuloy parin ito sa pag-uusisa hanggang sa makarinig kami ng ingay sa taas ng bahay.

Naroon si Cyrine sa bintana at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kinaroroonan namin.

"Umalis na tayo!" sigaw ko at kasabay n'on ay ang paglundag ni Cyrine mula sa mataas na lugar.

"Tatawag ako sa 6911."

"Wala na 'yang magagawa." sabi ko isinarado ang gate ng bahay. "Ang gawin mo ngayon, ihanda mo ang sasakyan at magdrive ka paalis rito."

"Kailangan natin balaan ang iba pa."

Agad kaming nagtungo sa eskwelahan saktong alas-dos ng hapon at kasalukuyan na nasa klase ang mga estudyante. Tinungo ko ang gate nito at agad naman kaming hinarang ng Security Guard na si Mang Kioshin. Tunog anime diba? Extra lang din 'yan dito.

"Kailangan namin makapasok!"

"Late na kayo, hindi ba nasa Rules and Regulations naman 'yan? Bawal na magpapasok ng mga late around 1:30pm.

Yowo! Kung hindi pa kasi nag-Pov si Zevia hindi ako matatagalan eh.

Zevia: Wala ako sa mood para makipag-away.

"At dahil mabait akong Gwadya, papapasukin ko kayo.. sa isang kondisyon."

"A-ano naman?!"

"Twerk."

"Pinagtitripan mo ba kami pare, naliliitan ka yata sa abs ko?" sabat ni Lennon at nag-flex ng abs sa harap ng bigotilyong mama.

"Panis 'yang anim na pandesal mo sa higanteng monay ko." sagot nito at inilabas ang kaniyang tiyan. Tsk!

"Para kayong mga bata! Papapasukin mo nalang kami, may kakausapin lang naman kami!" sigaw ko na may kasama ng pagwawala.

"Wala akong pake kahit mag-rally pa kayo diyan."

"Ibaba ang presyo ng gasolina!"

"Pursigido talaga kayo makapasok ah." sabi nito at tumango kami pareho.

"Gagawin namin lahat basta papasukin mo lang kami." sabi ni Lennon at agad na nagsimulang tumalikod at parang tototohanin ang iniutos ng Gwardya.

"Music please." dagdag pa nito with a husky voice.

At nag-umpisa na ang yugyugan.

Up.

Down.

Up.

Down.

"Shet, hindi ako magsasawa panoorin ito buong maghapon." sabi ko sa isipan ko habang nag-rerecord sa aking phone.

"Oo na tama na, nakakaumay! Pumasok na kayo bago pa ako tuluyan masuka." sabi ni Mang Kioshin at binuksan ang pintuan.

"Call me." maikling sabi ni Lennon dito matapos may iabot na kung ano mula sa kaniyang kamay at agad na kaming pumuslit papuntang classroom.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro