IV - Cryine's Burger

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Zyndel's Pov

"Yuri, si Cyrine!"

"Miss Zyndel, you're late na sa klase ko at wala kang karapatan na sumigaw dahil nakakaistorbo ka sa ibang nag-kaklase." Sabi ni Sir Nataniel habang kasalukuyan na nagsusulat sa blackboard.

"P-pasensya na po Sir, emergency lang. Sorry din po I'm late." Paumanhin ko at agad na nagtungo sa upuan ko malapit kay Yuri.

"M-mare, s..si Cyrine."

"Oh anyare?"

"N..naging zombie na siya."

"Ano?"

"Hindi ko alam, b-basta nakita nalang namin na nag-iba na siya.

"P-paano?"

"Basta, sumama ka nalang sa amin sa bahay nila," sabi ko. "Ang alam ko ay nakulong namin siya sa kanila at imposible naman yatang makaalis siya do'n."

After 2 hours.

"Nasaan ba s'ya?"

"Dito ko lamang 'yun iniwan e.."

"Sandali subukan ko umikot sa bahay."

"Mag-iingat ka, Lennon."

Cyrine, saan ka ba nagpunta?

"Andito siya!" Sigaw ni Lennon at agad kaming pumunta sa likurang bahay upang makita ito.

"Mare.."

"Cyrine?" Sabi namin ng makita itong kasalukuyan na kumakain ng laman mula sa isang ligaw na mabalahibong hayop.

"Sabi ko naman sayo hindi ba?" Saad ko bago bumuntong-hininga. "Ano na ang balak natin sa kaniya ngayon?"

"Dalhin natin sa ospital?" Sabat ni Lennon.

"Pero baka kung ano ang isipin sa kaniya ng mga tao, isipin ninyo. Kaibigan ko pa rin si Cyrine at hindi ko hahayaan na mapahamak siya sa kamay ng iba."

"Tila yatang gutom na gutom siya." Sabi ko at nagkatinginan kami pare-pareho sa isa't-isa.

"Ay ang sarap naman nitong fried chicken ng Mang InaRald!" Bulalas ni Lennon matapos kami umorder ng makakain.

"Mas magana kumain si Cyrine ngayon o', look."  Sabi ko at sinang-ayunan naman ito ng lahat.

"Masarap ba, mare?"

"HAKDOGKASINIAIA." Tugon ni Cyrine na hindi namin naintindihan kaya hinayaan nalang namin. Mukhang nag-eenjoy naman siya e.

"Kapapasok lamang na balita, ilang pasyente mula sa isang ospital 'di umano ay nagkaroon ng kaguluhan dahil daw sa ilang mga buhay na bangkay nga ano, 'yung mga tinatawag nila na zombie." Saad ng reporter mula sa telebisyon sa bahay nila Cyrine. "Pinapayuhan ang mga na lumikas oras na ito ay makumpirma ng aming team."

"Zombie daw, Cyrine? Hahaha."

"Teka paubos na pala 'tong manok."

"Ayos lang 'yan, maggagabi na rin naman. Uuwi na tayo maya maya." Sabi ni Yuri habang inaayos ang sarili.

"HRWNLANIS!"

"Paano naman pala si Cyrine, sino magbabantay sa kaniya?" Tanong ko.

"Hindi naman siguro siya makakalabas kung isasara natin ng mabuti ang bahay." Tugon ni Yuri na sinang-ayunan naming lahat.

"So mare, magpapakabait ka rito ah. 'Pag libre bukas baka maisama namin si Xeon dito para magkita kayo, alam ko naman na miss na miss mo na rin siya."

"Ang cute niya maging zombie no?"

"Oo, hahaha yowo. Parang sa mga napapanood ko na horror movies pero hindi gaano nakakatakot kasi kaibigan naman natin siya."

"Umalis na tayo at maglalaro pa ako mg Minecraft sa bahay."

Ilang saglit pa ay tuluyan na kaming lumabas at iniwan ang bahay na si Cyrine na lamang ang nakatira. I wonder saan kaya napunta sila Tita para mag-isa si Cyrine.

Yuri's Pov

Hala 'yung kwintas ko.

Binigay pa naman sa akin ni Ray iyon tapos mawawala ko lang, kailangan ko pa tuloy hanapin 'yun.

Baka naiwan ko sa bahay nila Cyrine.

*Flashback

"I..I brought something just for you, here." Sambit ni Ray habang naglalakad kami sa corridor. Napatigil ako sa paglalakad at agad nakaramdam ng bahagyang kaba.

Mula sa kaniyang bulsa ay inilabas nya ang isang magandang pendant necklace na may kulay lila na disenyo.

"Can you wear it for me?" Tanong nito na ikinapanlaki ng mga mata ko.

"H-ha?!" Maikling tugon na siya lamang aking ibinigkas mula sa labi ko sa gulat.

"Alam ko, hindi ito kasing espesyal gaya ng mga nasa pelikula na romance at drama pero gusto ko lang naman kahit papaano ay may bagay na maibigay para sayo sa pagsama sa akin.." Saad nito at inalis sa lalagyan ang kwintas at isinuot ito sa akin. "You're so beautiful, Yuri."

Wala na finish na, may nanalo na.

"H-hindi ko alam kung paano mapapalitan it-"

"Wala kang dapat ipalit dahil hindi ako naghahangad ng anuman, ang hiling ko lang sana ay.."

"Huwag ka nalang mawawala sa tabi ko kahit anong mangyari." Bigkas nito na lubhang ikinatunaw ng puso ko.

"Ehem!" Sabi ng boses ng babae sa tapat ng classroom ko.

"Dito pa talaga kayo nagliligawan ha, Mr. Holt I hope na sana sa galing mo sa pagpapasagot ng mga babae sana naman ay ganoon ka rin kagaling sa paggawa ng mga requirements mo para sa akin.." Sabi ni Ma'am Rhizzana habang nakahalukipkip ang mga kamay nito. "At sana lang hindi ka pumares do'n sa Petro na iyon na sobrang babaero noong aming kapanahunan."

"O-opo, Ma'am." Sambit ni Ray at pagkatapos ay nagpaalam na rin ito sa akin. Wait?! Sinabi ba ni Ma'am na Holt kanina?

"Mga kabataan ngayon, mga masyado nang mapupusok. Hayst." Huling sinabi ni Ma'am na ikinatawa ng buong klase.

*End of flashback

Inuna kong pinuntahan ang likurang bahagi ng labas ng bahay ngunit hindi ko ito mahanap kaya agad naman ako pumasok sa bahay upang hanapin ito sa mga lugar na maaaring nahulog ito.

Sa gilid ng telebisyon.

Sa taas ng aparador.

Sa mga sabitan.

Sa loob ng bowl ng banyo.

Maski sa ilalim ng bahay, wala.

Hanggang sa simula na akong kabahan at mapaupo nalang sa sofa nang may maramdaman ako na tumutusok sa bandang pwetan ko. Ugh.

Nandito ang kwintas, nakasingit pala.

Inabot na ako ng 6 pm bago lumabas sa bahay at umuwi na.

"Ang bobo mo 'wag ka na maglaro, magjabol ka na lang maghapon!"

"Bakit mo sinasabihan sarili mo? Ulol!" Sigaw ng kapatid ko mula sa loob ng bahay. Marahil ay nakikipag-away na naman sa mga kalaro nito.

"Hoy, anong kaguluhan 'to?!" Bungad ko pagkalapit dito at nakita ko ang inis sa mga mata nito.

"May mayabang na nakikipag Pvp sa akin, ang angas eh akala niya siya na ang pinakamalakas." Sagot nito. "Namatay lang naman ako dahil sa zombie puro trashtalk na ang sinabi."

Zombie?

Wait may nakalimutan ba ako kanina do'n sa bahay nila Cyrine?

"Kumain ka na ba? Puro ka laro, mamaya pag bumagsak iyang grades mo." Sabi ko habang nag-aayos ng mga plato sa hapag-kainan.

"Hindi pa nga eh, nag-iwan lang si mama diyan ng mga lutuin daw at pinapasabi na ikaw na ang bahala para sa ulam."

*Kinabukasan

"Mare! Si Cyrine, nawawala!" Sigaw ni Zyndel habang nasa harapan ng bahay namin.

''Ha?! Kailan at papaano?"

"Hindi namin alam kung anong oras mismo pero pagdating namin do'n ay nakita ko nalang na bukas ang harapang bahagi ng bahay na tila ba may kung sinumang nagtaka na pumasok." Saad niya at inalala ang mga nangyari bago ako lumabas ng bahay.

Hala!

Nakalimutan ko bang isara ng mabuti?!

Patay!

"Tara kailangan na natin umalis, baka mahuli pa tayo bago tuluyan na may ibang mapahamak."

"Pero saan ako sasakay? Alangan naman na maglakad ako." Pagtutol ko.

"Lumabas ka muna diyan sa lungga mo at may ipapakita ako sa iyo." Sabi niya na agad ko rin naman sinunod matapos kong mag-ayos ng aking sarili. Kakagising ko lang tapos binulahaw na ako ng maingay kong kumare na 'to.

"So ano na, saan ako sasakay ngayon? Mukhang hindi naman pwede na umangkas ako sa sasakyan ni Lennon kasi baka hindi tayo magkasya."

"Kaya nga sa akin ka sasakay, good morning." Sabi ng lalaki mula sa likod na agad ko naman itong nilingon at napalundag nalang ako sa gulat ang naging reaksyon ko nang makita ito.

"R-Ray?" Pagtataka kong tanong. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ah tinawagan kasi ako nila Zyn dahil kailangan ninyo raw ang tulong ko kaya nagmadali na akong pumunta, wala man lang bang kiss diyan o ano man?" Sabi nito at niyakap ko ito ng mahigpit. Naniniguro lang na hindi na ako tulog pa para managinip.

"S..So, pupuntahan na ba natin si Cyrine o uunahin ninyo pa muna ang oras ninyo para magharutan?" Sabi ni Zyndel na ikinatawa namin pareho at dumiretso na kami sa bahay nila Cyrine ng mabilis.

"Kayo humanap sa gawi na iyan at kami naman ni Yuri ang bahala sa kabila." Sabi ni Ray. "Maaga pa naman at hindi pa gaanong maglalabasan ang mga tao sa ganitong oras, mainam na maghiwa-hiwalay tayo para mas mapabilis ang paghahanap."

"Sige." Ang tanging naging tugon ni Lennon at agad na kaming naghiwalay ng ruta sa paghahanap.

"Sa palagay ko ay hindi pa iyon gaano nakakalayo, hindi ko lang inaasahan na magiging totoo pala ang mga zombie."

"Pero hindi ba nakita mo naman ang nangyari sa liga? Madami raw ang nakagat at mga kasalukuyan na pinipigil na makahawa sa mga tao sa ospital." Sabi ko habang nakayakap dito ng mahigpit.

"Oo kailangan natin suyurin ng mabuti ang bawal kanto para makasigurado na mahahanap natin siya para hindi na rin makapinsanla ng karamihan."

"'Ayun siya!" Sigaw ko at agad na itinuro ang kinaroroonan ni Cyrine, nasa intersection ito at nasa kalagitnaan ng kalsada sa kabila ng mga sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo. "Cyrine!"

Ngunit sa kahit anong sigaw ko ay hindi parin sapat ang layo namin para marinig niya ako.

"Bilisan mo pa!"

Sunod sunod na busina na lang ang umalingawngaw sa buong highway na sa sobrang lakas ay hindi ko namalayan ang malakas na pagbunggo ng isang truck sa isa pang truck kung saan pumagitna si Cyrine.

"Mare!" Sigaw ko at dali-dali na bumaba ng sasakyan matapos kaming makalapit.

"HWIMABHEMAT!"

"Mare, kumapit ka sa akin! Iaalis kiya diyan!" Sigaw ko ngunit pinigilan ako ni Ray.

"Huwag mo siyang lapitan, masyadong delikado!" Sabi nito habang kasalukuyan na lumiliyab ang apoy mula sa mga sasakyan na nagsalpukan.

"Umalis na kayo diyan!"

"Tumawag kayo ng bumbero!"

"'Yung sinaing ko sunog na pala!"

"Humingi kayo ng saklolo!"

"Sasabog na 'yong truck!"

"Hindi, kaibigan ko siya!" Sigaw ko ngunit wala na akong nagawa nang bigla itong sumabog at napalibutan ng apoy. "CYRINE!!!"

--

Zyndel's Pov

"Sa tingin mo magiging ayos lang sila Yuri?"

"Naniniwala ako na gagawin ni Ray ang lahat para protektahan siya, hindi niya hahayaan na may mangyari na masama kay Yuri."

Sana nga tama ka Lennon.

Sana walang anuman ang mangyari sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro