iv

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: IV

Ilang beses na akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa silid kung saan hindi ako maaaring pumasok. May kung ano sa aking kaloob-looban na dapat akong pumasok sa loob at maaaring naroon ang kasagutan sa mga tanong ko. The more na gusto kong malaman ang totoo, mas lumalayo ako.

"Thala?" Napakislot ako sa gulat. Nilingon ko ito at si Rika pala. Ngumiti ako sa kanya. "Gusto mo magkape sa baba?"

Tumango lang ako sa kanya, sandali akong bumaling sa silid bago tuluyang bumaba kasama si Rika. "Rika, may tanong ako sa 'yo?" ani ko habang nasa kanyang likuran.

"Hmm?"

"Ilang taon mo ng kilala si Jace? Pa'no mo siya nakilala?" sunod-sunod kong tanong.

"Ummm, anong gusto mong kape?" pag-iiba n'ya ng usapan at aligagang umupo sa dining area.

"Nagtatanong ako na una, Rika," sabi ko.

"Ba-Bakit mo naman natanong 'yan?" nauutal n'yang tanong sa akin.


"Masama bang itanong ko 'yon? Gusto ko lang sanang malaman kung paano mo nakilala si Jace, wala naman sigurong masama do'n, 'di ba?" Mapagpanggap kong sagot sa kanya.

Alam ko na may alam si Rika tungkol sa nakaraan ni Jace at Lara. At alam ko na iniiputan nila ang ulo ko. "Hindi ba, Rika? Kung matagal ka ng kakilala ni Jace, maaaring nakilala mo si Lara?"

"Na-Nakilala ko si Jace no'ng nagising ka sa coma. 'Yong araw na pumirma ka sa marriage contract, do'n ko lang siya nakilala." Nakangiti n'yang sagot, ngunit kita ko sa mga mata n'ya ang kasinugalingan.


"Talaga?"


Tumango-tango siya. "G-Gagawa na ako ng kape natin," pagsingit niya. Tinangun ko lang siya.

Now I know, this people around me feeds me with lies. Kailangan kong makuha ang sagot sa mga tanong ko. Anong papel ko sa buhay nila Jace at Lara? Kapag 'di ko pa malaman ang sagot sa tanong ko baka tuluyan na akong mabaliw sa kahahanap ng katotohanan.


"Ito na ang kape mo, Thala," sabay abot nito sa hawak na baso ng kape. Tipid akong ngumiti sa kanya.


"Sure ka na bang pupunta ka sa event?" tanong nito pagkatapos simsimin ang kanyang kape.

Binalingan ko siya ng tingin. "Bakit may problema ba kung pupunta ako do'n?"

"Um, w-wala naman," aniya at muling nasa kanyang kape ang atensyon.


Nagbukas s'ya ng ibang topic at sinasabayan ko na lamang s'ya. Ngayong alam ko na iniiputan nila ako lalo na si Jace. Naghihiganti ba siya?

Naghintay muli ako na dumating si Jace ngunit nang pumatak na ang alas-diyes alam ko nang madaling araw na iyong uuwi. Magmula nang sinabi ko na pupunta ako sa event kasama s'ya, nagbago ang lahat. Bumalik siya sa pagiging cold-Jace na nakilala ko. Ngayong alam ko nang may mali, at pilit nila akong pinapakain ng kasinungalingan ay kailangan kong malaman ang totoo.


What did I ever do to deserve this?


Kinaumagahan, hindi ko nakita si Jace. Ang sabi nang mga katulong ay hindi siya umuwi kagabi. I feel relieved when I heard that Dawn is here. At least may makakausap ako.

"Tita Mommy, kanina pa po kita kauap e!" Napatingin ako sa batang nagsalita, nakanguso pa siya sa akin.


"O, I'm sorry, baby ko. Ano bang sabi mo?" agap ko kaagad.

"Sabi ko po, watch tayo ng movie. Pagod ka na po ba?" ani Dawn.

"No, baby. May iniisip lang si Tita Mommy kaya 'di kita nadinig. Nga pala, gusto mo ng cookies?"


Tumango-tango naman siya. Iniwan ko si Dawn sa sala at hinanda ang cookies n'ya. Sa kabila ng pagdududa ko sa lahat ng nakapaligid sa akin ay sobrang gaan ng nararamdaman ko para sa anak ni Jace at Lara. As if Dawn was part of me. Luksong-dugo kung tawagin nila.


Kahit gaano ko kagustong malaman ang totoo kong ugnayan sa magulang ni Dawn, merong parte sa akin na naaawa sa bata. Kung ano man ang ginawa ko sa kanila sa nakaraan, nasisigurado ko na sa aming lahat si Dawn ang mas masasaktan. Nawalan siya ng ina na maaaring ako naging dahilan.


"Daddy!" Umalingawngaw ang tinig ni Dawn mula sa sala. Bahgya akong sumilip at buhat-buhat na siya ng kanyang ama. May sinasabi si Jace sa bata at tawa naman ito nang tawa.


Lumabas ako sa kusina, bitbit ang cookies na hiningi ni Dawn. Napabaling ang dalawa sa akin. Matipid na ngumiti si Jace ng magtama ang tingin namin.

"Baby, here's your cookies," said ko sa bata.

Ibinaba siya ng kanyang ama at kaagad na tumakbo sa akin upang kunin ang plato na may lamang cookies. Bumalik si Dawn sa sala, naiwan naman kami ni Jace na awkward ang nangyayari.


"May gusto kang kainin?" pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa. Hindi n'ya ako magawang titigan ng mata sa mata.



"'Wag na. Galing lang ako sa bahay ng parents ko, kumain na ako doon." tipid niyang sagot.


"Okay." Nilagpasan ko na lang s'ya matapos makuha ang sagot sa tanong. Sinamahan ko na lang si Dawn na manood ng cartoons. Nawala siya sa paningin ko at napansin ang anino sa hagdan.


"Baby, dito ka lang muna, ha?" paalam ko sa bata.


"But why?" Naka-pout pa ito sa akin.

Malalim akong napabuntong-hininga. "Um, may kukunin lang si Tita Mommy sa taas, may nakalimutan kasi ako, e." Pagdadahilan ko.


Sumilay ang ngiti nito sa labi at mabilis na tumango-tango. Tumayo ako't sinundan si Jace sa taas. Naabutan ko pa ang pagsara ng kwarto nila ni Lara, kung kaya'y nasisigurado ko na naroon nga s'ya.


Lumapit ako roon, idinikit ang aking tainga ng bigla itong dumaosdos na bumukas ng kaunti, buong akala ko pa ay mahuhuli ako pero wala naman akong narinig na yabag patungo sa akin. Doon ako sumilip at nakita siyang nakaupo sa gilid ng kama at nakatitig sa parehong picture frame na palagi kong nakikita na hawak n'ya sa t'wing nagpupunta siya dito sa silid na 'to.


"Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng tao, ikaw pa ang tuluyang nawala sa 'min. Aaminin ko na minahal ko na si Thala pero naiwan pa din ako sa panahon kung saan ikaw ang paulit-ulit kong mamahalin, Lara. Mahal ko ang bagong pamilya na meron ako ngayon pero tulungan mo naman akong ibigay kay Thala ang pagmamahal na deserve din niya, Lara. Ang hirap maipit sa gulong 'to. Mahal na mahal kita pero natutunan ko na ding mahalin ang bagong pumalit sa 'yo," Jace mumbled painfully.

Lumipad ang palad ko sa aking bibig upang 'di makagawa ng kahit anong ingay mula sa aking mamunting paghikbi. Napapikit akong lihim na umiiyak. Dinig na dinig ko ang iyak ni Jace, ang sakit na pilit niyang tinatago. Gusto kong pumasok sa loob ng silid para yakapin siya at pakinggan ang lahat ng bigat na dinadala sa dibdib pero pinigilan ko ang sarili ko na h'wag, dahil 'di maaari.


I heard everything. Rinig na rinig ng dalawang tainga ko ang sinabi n'ya. Ngayon alam ko na pinipilit lamang ni Jace maging matapang kahit na sa kaloob-looban niya'y durog na durog na siya. Nawala si Lara sa buhay niya, pumalit ako. Jace's pain stab me. Hindi ko maintindihan dahil habang naririnig ko siyang umiiyak habang sinasabi iyon, parang may parte sa akin na nagsisisi at nasasaktan. Nadudurog ako sa bawat hikbi ni Jace, ngunit bakit?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro