ix

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: IX

"Jace, may gusto sana akong sabihin sa 'yo," sabi ko kay Jace habang pinagsisilbihan niya ako.

Araw nang sabado ngayon. Every weekend Jace stay at home. Siya ang nag-aalaga sa 'min ni baby. Ngayon pa nga lang ay spoiled na ang baby namin sa kanya. Inayos niya muna ang takas na buhok ko bago umupo sa 'king tabi.


"What is it? Something wrong? May problema ba tayo?" he asked.


Malalim muna akong bumuntong-hininga upang pigilan ang kaba. "Nag-usap kasi kami ni Rika, Jace, at tinanong niya kung babalik pa ba raw ako sa modelling after makapanganak. Ang sabi ko naman, gusto ko na kausapin ka muna bago ako gumawa ng desisyon. Baka kasi maging dahilan pa ng hindi natin pagkakaintindihan. Gusto ko rin malaman ang side mo," kabado kong sabi.


A half-smile plastered on his face. "Gusto mo ba?"


"Y-Yeah. Pero kung ayaw mo naman-"


"No, Thalara. Alam kong passion mo ito bago pa tayo magkakilala at hindi ko maaaring tanggalin na lang iyon dahil may anak na tayo o dahil sinabi ko na huwag. Pangarap mo ito, love, at nandito ako para suportahan ka. Hanggat alam ko na hindi ka masasaktan, susuportahan kita," pagsabat niya sa akin.


"Thank you, Jace. Thank you so much, love!" Isang mahigpit na yakap ang aking ginawad sa kanya. I kissed him to his tip of nose down to his lips.


"I love you more, love..."


Matamis akong ngumiti sa kanya. He's so very caring.


"Do you want me to feed you?"


"Huwag na, ginagawa mo naman akong baldado, e!" sagot ko.


Sabay kaming kumain. Buong akala ko ay aalis siya dahil nakabihis siya ng bumaba sa hagdan pero mali, dahil pinagbihis niya rin ako dahil mamimili raw kami ng gamit ni baby. Hindi pa naman binalak na magpa-ultrasound dahil na din gusto naming surprise iyon sa magulang naming dalawa.


"Sigurado ka bang hindi natin aalamin ang gender ng baby, love?" tanong kong muli kay Jace. Hindi siya pumasok sa kompanya ngayong araw dahil sa gusto niya raw kaming makasama ni baby. Sinasabihan ko nga siyang tatawag naman ako kung may problema pero siya itong makulit kaya pumayag na ako.


Hawak niya ang isa kong kamay habang ang kabila naman ay nasa manibela. "Love, surprise na lang natin," sagot niya.

"Okay, pero paano natin mabibili ang mga gamit ni baby kung 'di natin alam ang gender n'ya?" Napasimangot pa ako ng kaunti.


"Bibilhin natin ang dalawang klase."

"Jace, hindi ba gastos 'yon?" puna kong tanong.


Hininto niya ang sasakyan, humarap sa akin at ngumiti ng may paninigurado. "Ayokong tinitipid kayo ni baby, love. Ano namang silbi ng pera ko, kung 'di ko magawang mapasaya ang sarili kong pamilya. 'Tsaka kayo naman ang pinaglalaanan ko ng perang gagastusin e. Basta para sa inyo ni baby, handa akong gumatos kahit bilyon pa 'yan." He assured me.

Hinaplos ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko, tinitigan siya sa kanyang mata, at ngumiti. "Love. ang swerte pala namin ni baby sa 'yo, e," lumipat naman ang mga haplos ko sa aking tiyan. "Baby, narinig mo 'yon? Hindi ka pa lumalabas, spoiled ka na kay Daddy." Napapikit naman ako ng maramdaman ang pagsipa niya, dumagdag pa ang palad ni Jace na hinahaplos ang aking tiyan.


"Thalara, thank you..."

Napamulat ako kahit na nasasaktan sa pagsipa ni baby. "P-Para sa'n?" napakunot tuloy ang noo ko sa sinabi niya.

"Sa lahat. Simula no'ng college days natin hanggang ngayon. You stay. Sana 'di iyon magbago," aniya.

"Love, bakit naman magbabago ang lahat? Hindi ako aalis sa tabi mo, kahit sino pa ang dumating sa buhay ko, kayo ni baby pa rin ang pipiliin ko."


"Tara na nga sa mall at baka kung ano pang mangyari sa 'tin sa loob ng sasakyang 'to," sabay kindat pa niya.

Mabilis ko naman siyang sinamaan ng tingin. Lumulubo na nga 'tong tiyan ko, gusto pa yatang maka-score. Humalagpak naman siya ng tawa nang mapansin ang masama kong tingin sa kanya. Balak pa yatang gawing kambal ang anak namin.


Nang makarating kami sa mall ay inalalayan niya ako sa bawat madaraan namin. Halos maging center of attraction na kami dahil sa kaoahan niya sa akin. "Jace, hindi ako baldado!"

"I know. But, what if you slipped?" worried eyes plastered on his face.

Ito na naman po siya at nagiging oa boyfriend na naman.


"Jace, hindi mo hawak ang panahon at oras, gustuhin mo man o hindi.. mangyayari ang mangyayari ngayong araw na 'to. Stop being paranoid, it slowly kills you."

Malalim naman siyang huminga. "Fine. But I'll hold your hands." He demanded.


"Ikaw na nga bahala. Tara na sa loob at nagugutom na naman ako," sabi ko sa kanya.

All the time he was there being himself. Para siyang bubuyog na 'di mapakali, dahil habang namimili kami ng mga gamit ay iniwan ko siya sa part na puro baby boy ang mga gamit at nagtungo ako sa pangbabae. Hindi n'ya alam, at pinagmamasdan ko lang siya sa 'di kalayuan lalo nang mapansin niyang nawala ako sa tabi niya. Palinga-linga pa siya no'ng una, hanggang sa nagtatanong na ito sa staffs na naroon. Nagsimula na rin n'yang ikutin ang bawat stoll sa loob.

Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kanya. Para siyang nawawalang bata, 'yong iniiwan ng mama nila sa counter dahil may nakalimutang bilhin tapos turn na ng push cart nila kaya hindi na siya mapakali kahahanap sa mama niya. Dito ko mas napatunayan na hindi niya kami pababayaan ni baby. Natawa na lamang ako dahil may tinatawagan na siya sa cellphone, at hula ko si Miguel na iyon.


Lumabas na ako sa pinagtaguan ko at nagtungo sa likod niya. Naririnig ko pa ang malulutong n'yang mura sa kausap sa cellphone. "I don't care, Miguel, I need to find Thalara. Baka may mangyaring masama sa kanya!"

I hugged him from the back, and whispered, "I love you so much..."


Humarap siya sa akin at mabilis akong kinabig upang yakapin. "Pinag-alala mo ako, love. Alam mo bang kung ano-ano nang pumapasok sa utak ko? Huwag mo ng uulitin 'yon, please. Takot na takot ako..."


Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Masyado kang paranoid kasi, kaya naisip kong biruin ka. Hindi ko na uulitin iyon, mas napatunayan ko lang na mahal mo kami ni baby"

"Mahal ko kayo higit pa sa buhay ko," pagtatama niya.


Sabay na kaming namili ng gamit na pangbabae at panlalaki. Dumaan rin kami sa groceries. At umandar na naman si Jace sa pagiging oa niya, ayaw niyang may bitbitin ako, kaya ang resulta hindi siya magkanda-uga-uga sa mga bitbit na bags.

Kanina ko pa siyang pinipilit na ibigay sa akin ang magaan pero ayaw, kaya no choice naman ako sa kanya. Pagkarating namin sa bahay ay naghanda siya ng garden date sa ibaba ng apartment namin. Sobrang saya ko dahil sa lahat na yata ng hiniling kong hindi natupad, si Jace ang hindi ko inaasahang biglang matutupad. At alam kong magiging mabuti siyang daddy sa magiging anak namin. Nakita ko kung paano niya ako alagaan at iparamdam ang wife treatment. Hindi pa niya o kahit ako nabubuksan ang usapan sa kasal, may tiwala naman ako sa kanya. Ang mahalaga sa 'min ngayon ay si baby, na sana walang maging aberya sa paglabas niya sa mundong 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro