x

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


TBPAP: X

Nasa last trimester pregnancy na ako, naging mas maingat na rin ako, lalo na si Jace. Nasa company leave siya until makarecover ako sa panganganak. Magiging mahirap rin ang panganganak ko lalo na at mas lalong naging masilan ang aking pagbubuntis nang umabot ako sa pangwalong buwan.

Mas lumala pa ang pagiging maingat ni Jace nang mahospital ako due to bleeding. Hindi naman ako na-i-stress dahil ang tahimik ng paligid ko. Lumipat na kami ni Jace bago iyon nangyari. Sa isang malaking bahay na may malawak na garden sa loob. Sa likod rin nito ay isang dagat. Naging dahilan lalo iyon kay Jace na mas ingatan kami. Hindi ko naman siya masisisi dahil nang mangyari iyon ay wala siya sa bahay, kaya sinisisi niya ang sarili n'ya dahil do'n.


"Where are going, love?" tanong niya, 'di pa nakuntento at tumayo sa sofa kung saan siya abalang may tinatype sa laptop niya.

Iginiya niya ako paupo sa sofa at lumuhod pa sa harap ko, magpantay lamang ang tingin namin. "Jace, d'yan lang ako sa garden maglalakad-lakad," mahinang sagot ko.


"Okay, sasamahan kita," sabi niya at isinara ang laptop niya. Hinawakan ko ang kamay niya, kung kaya napalingon siya sa akin.


"Hindi mo kailangan gawin 'to, Jace. Busy ka sa kompanya, may mga darating na investors at mas kailangan ka-"

"Love, aahin ko naman ang lahat ng pera at kung ano-ano pang mamahaling bagay kung sarili kong pamilya ay napapabayaan ko. Kung nasa kompanya ako, maiiwan lang rin ang isip ko dito. Nandoon naman si Miguel. Mas kailangan niyo ako ni baby ngayon, at kahit anong pilit mo na bumalik ako sa company, ay hindi ko gagawin 'yon, hanggang sa hindi ko nasisigurado na okay kayo ng anak natin," aniya.

Ipinatong ko naman ang kamay ko sa kamay niyang nasa aking hita at ngumiti. "Palaging kami ang inuuna mo, magtira ka para sa sarili mo, love," sabay haplos ko sa buhok niya.

"Kayo na ang buhay ko, sa inyo ko ibibigay ang lahat ng best ko. Kayo ni baby ang kailangan ko, at ibibigay ko ang lahat, kahit wala ng matira para sa akin, basta masaya lang kayo," hinalikan niya ang kamay ko at ang umbok ng aking tiyan.

Hear that baby? Mahal na mahal ka ni daddy. Wala ka pa sa mundo pero spoiled ka na sa pagmamahal niya.

Inalalayan niya akong magtungo sa garden at maglakad-lakad muna. Gusto ko kasi na naglalakad para kahit papaano ay hindi naman puro upo na lang ang ginagawa ko, at exercise na rin para sa 'min ni baby. Nang medyo nangalay na ako ay niyaya ko na si Jace na maupo muna sa bench sa ilalim ng puno. Nakaunan ang ulo ko sa kanyang balikat habang unti-unti nang nilalamon ng dilim ang araw. Napabaling naman ako kay Jace nang marinig ang pagsinghot niya.


"Are you crying, love?" tanong ko sa kanya sa mahinang paraan ngunit sakto na kanyang maririnig.

Nagpunas siya ng kanyang mata, pilit na ngumingiti, tinatago ang pag-iyak niya. "Jace?"

"Wala 'to."


"Wala? May problema ba? Sabihin mo naman sa akin, para makatulong ako o kahit may masasandalan ka," pamimilit ko sa kanya.


"Nalaman ko kay Miguel na may malaking offer ka from London pero tinurn down mo dahil buntis ka. I'm sorry, alam kong matagal mong hinintay at pinagarap na magkaroon ng offer mula do'n pero ngayon na meron na, hindi mo pa kinuha dahil samin ni baby," saad niya, malalim na huminga upang mapakalma niya ang sarili.

Pinaglaruan ko ang daliri sa kanyang kamay, "Love, desisyon ko naman 'yon, e. Mas mahalaga si baby kesa do'n, marami pang next time at sure ako na hindi pa ito ang huli. Pangarap ko rin na magkaroon ng pamilya kasama ka, Jace. At ito 'yong perfect time ni God para sa 'tin. Stop blaming yourself. I don't regret what decision I choose. And that decision is to be with you and to our little angel," sabi ko sa kanya. If this is the way to calm him and stop blaming himself for what I choose.


He was about to reply when he's phone rang so loud. Mabilis niyang kinuha iyon sa kanyang bulsa at sinagot ang tumatawag. Nakatingin lang ako sa pagkunot ng kanyang noo, pag-arko ng dalawa n'yang kilay, paggalaw ng kanyang labi, at pag-alon ng adams apple. Base pa lang sa kinikilos niya, alam kong may problema sa kompanya nila.

Hindi niya ni-loudspeaker kaya 'di ko marinig ang usapan nila ng katawagan niya. "Miguel, nandyan ka naman. Hindi ko pwedeng iwan si Thalara dito," pakikipagtalo niya kay Miguel. Pinsan niya ito at malapit silang dalawa sa isa't-isa.

Nang ibaba niya ang cellphone niya ay tumingin siya sa akin at pilit tinatago ang problemang narinig mula sa pinsan. I held his hand and gently pressed it, I smiled at him while looking at his deep emotionless eyes.

"Sige na, pumunta ka na do'n, love," ani ko.

"Thalara..."

"Jace, magiging okay lang kami ni baby dito. Ilang oras ka lang naman mawawala, e. Promise walang mangyayaring masama sa amin dito, nandito naman sina yaya para magbantay sa akin. Mas kailangan ka sa kompanya niyo ngayon. Please..." pamimilit ko sa kanya, kailangan siya ngayon ng kompanya nila at hindi naman pwedeng 'di ko gawan ng paraan para makapunta siya do'n.


Malalim siyang bumuntong-hininga. "Promise me, pagbalik ko safe kayo, hm? Babalik ako kaagad."

Ngumiti ako na may kasiguraduhan upang mabawasan ang pag-aalala n'ya para sa amin. Pumasok kami sa loob, umakyat ako sa silid namin upang magpahinga na lang at doon na siya hintayin. Hinalikan niya ako sa labi bago umalis, maging si baby ay may halik din. Ilang beses ko pa nga siyang sinabihan na huwag kaming masyadong isipin dahil baka madisgrasya siya pauwi o habang papunta.

Dalawang oras ang makalipas ng naisipan kong tumayo at kumuha ng libro upang magbasa na muna. Hindi pa ako nakakahakbang ng lima nang magsimulang umikot ang paningin ko, hindi ko na lamang iyon pinansin at inisip na baka sa biglang pagbangon ko iyon. Ngunit ng muli akong humakbang ay kasunod na nanikip ang dibdib ko, sumasabay na ito sa pagikot ng ulo ko. Nakaramdam rin ako ng panglalambot ng binti ko at braso.

"Manang!" sigaw ko at unti-unti nang nabubuwag sa nangyayari. "Manang!"

Bigla namang sumakit ang tiyan ko, ngayon hindi ko na alam kung alin ang mas masakit dahil sabay sabay na umaatake iyon sa katawan ko. Nanghihina at pinagpapawisan ako ng malamig. Mas nag-aalala ako sa baby ko kesa sa sarili ko na hindi ko maintindihan ang nangyayari. Maya-maya ay bumukas at narinig ko ang boses ni Rika, kasunod no'n ang pandidilim ng paningin ko at pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro