xix

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: XIX

Everything feels so heavy. Ramdam ko ang kakaibang bigat sa aking dibdib dahil sa nangyayari. Napilig ko na ang ulo ko dahil tila tinatarak ako ng dahan-dahan. Thorns silently stabbed my heart. 'Yong kirot, hapdi, at sakit sa bawat pagtusok ng tinik na iyon sa akin ay higit pa sa bubog na nasagi akong sinugatan.


Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Napalingon ako sa silid kung nasaan ako, sobrang pamilyar nito para sa akin. Sa isa pang pagkakataon muli na namang naglaro ang mga senaryo na hindi malinaw, ngunit sa pagkakataon na 'to detalyado, ang problema malabo lang.


Kusang tumulo ang mga luha ko nang muling sumagi sa isipan ko ang sagutan namin ni Jace kagabi. Doon ko lang narealize na nandito ako sa silid... namin... dati. Ilang taon na ang nakaraan pero ang babaing tinutukoy niyang nawala sa kanya ay ang dating ako. Ako 'yong nawala sa kanya, ako 'yong mahal na mahal niya.


Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pinto. And there he is... the man who never gave up on me. Nawalan ako ng permanenteng alaala pero mas pinili niya akong h'wag iwan. Muli na namang nanikip ang aking dibdib habang nakatingin sa kanya. Wala akong mukhang maiharap sa kanya.


"Thala..." sambit niya sa mababang boses.


Hindi ko magawang maibuka ang aking bibig, umurong ang dila ko sa hindi ko inaasahan na pagkakataon. Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong malaman pa. Tanging si Jace lang ang may alam at alam ko na hinding=hindi siya gagawa ng kuwento para lang ipakain sa utak ko.



Umiwas ako ng tingin, piniling yumuko at hayaang magunahan na tumulo ang luha mula sa mata. Sising-sisi ako dahil sa nangyari sa nakaraan. Wala akong magawa upang maitama ang nangyari na. Nasaktan ko ng sobra ang mag-ama ko.


"Iiwan na muna kita, sasagutin ko lang 'to." Bakas sa boses nito ang pagpiyok tanda na kakagaling lang rin n'ya sa iyak.



Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko na narinig ang pagtunog ng cellphone niya. Hindi ko man lang magawang kumibo. Narinig ko ang yabag niya palabas ng silid. Pinilit ko na alalahanin ang lahat-lahat. Paulit-ulit ko na bigyang linaw ang lahat ng mga senaryo ng nakaraan na nasa isipan ko ngayon na naglalaro ng paulit-ulit.


Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto muli ng silid at pumasok si Dawn na humahagolhol ng iyak na tumatakbo sa akin. Mabilis niya akong niyakap, yakap na sobrang higpit. Hindi ako makagalaw, nanginginig ang dalawang kamay ko.


I was stunned. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari. Para akong nilalamig habang yakap ang aming anak. Anak ko si Dawn. Si Lara at ako, ay iisa lang. Malabo man ang senaryo, ngunit unti-unti nang sumasang-ayon ang katotohanan. Nasagot na ang lahat ng balakid sa aking isip.


Nang kumalas si Dawn ay nakangiti niya akong tinitigan sa mata. Dahan-dahang pinadasahan ang aking mukha gamit ang kanyang kamay. Sinakop niya iyon. Nangingilid ang mga luha ng anak ko sa kanyang mata. Maging ang kanyang labi ay nagsimula na ring manginig.



"M--Mommy... M-Mommy ko!" naluluha niyang sabi.



"Yes, baby, this is me. Ang mommy mo. Oh god!" Napasinghap ako at niyakap siya ng mahigpit. Tama nga ako, sa lahat ng nangyari sa amin, may isa talaga ang mas masasaktan, at 'yon ay si Dawn.



"Mommy, na-miss po kita ng sobra. Palagi ka pong kinukwento ni Daddy sa akin. Mommy, magkasama tayo palagi pero sabi ni Daddy na 'wag akong maingay na kayo ang tunay kong Mommy dahil hindi niyo po kami maalala na. Mommy, maalala mo man po kami o hindi, hindi ka po namin iiwan ni Daddy. Kahit ano pong mangyari, sasamahan ka po namin ni Daddy na mag-heal." Nakangiti niyang sabi sa akin, hawak pa rin ang mukha ko.



I pinched her tip of nose and smile. "I'm sorry if Mommy can't remember everything, baby. Babawi ako, ha? HIndi man ngayon, pero pangako ko 'yan."



Lumabas muli si Dawn nang pumasok si Jace. Sobrang bigat ng presensya namin sa isa't-isa. Ramdam ko ang matagal niyag kinimkim na sakit sa dibdib.


"I'm sorry, Thala. 'Yon lang ang naisip ko na paraan para 'di ka mas lalong mapahamak. Mabuti 'yong wala kang alam, tanging present lang ang matatandaan mo. Hindi ko alam kung deserve ko pa ang pagkakataon na mapatawad mo ako pero humihingi ako ng tawad. No'ng malaman ko na may permanent memory lose ka dahil sa malaking impact na nangyari sa utak mo, gumuho 'yong mundo ko. Naisip ko na paano na kami, si Dawn, ang anak namin. Mas maaapektuhan siya 'pag nalaman niyang ang mommy niya ay 'di na siya maaalala pa. Alam mo ng marinig ko sa doctor na wala na talagang possibility na babalik pa ang alaala mo, gumuho ang mundo ko, Thala. Kailangan ko na magsinungaling na nag-e-exist si Lara para hindi matrigger ang pinsala na nadulot ng aksidente sa 'yo," mahabang paliwanag niya,kasabya pa no'n ang pagpatak ang kanyang luha sa mata.


Nanatili akong nakaupo sa kama. Hindi ko magawang magsalita. Tikom ang bibig sa hindi ko alam na dahilan. Marami akong tanong, sasabihin, at sumbat. Si Marco ang puno't dulo nito lahat.


"Nasa kulungan na si Marco. Pagkatapos na maaksidente ka ay kumilos ako upang malaman ang totoo sa likod nang nangyari sa 'yong aksidente. Nawawala ang dashcam, at last night, nahanap na nila ni Miguel. Pinagbabayaran na nya lahat ng kasalanan niya sa 'yo at sa mga ninakawan niya ng pera sa modelling company niyo dati," dagdag niya.



"Jace, bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko, sa nangyari... bakit nandito ka pa rin?" pag-iiba ko sa usapan.


"Thala, saan mo na naman ba ito gustong dalhin?" tanong niya sa kalmadong boses.


Tumayo ako at sinalubong ang titig niya. "I hurt you! Why did you still choose to stay and live with me? I, Thalara, hurt you, Jace!" medyo tumaas na ang boses ko nang bitawan ko iyon.



Hindi siya kumibo, bagkus nag-iwas siya ng tingin. "Jace, sinktan kita. Sinira ko 'yong tiwala mo sa akin. Sinayang ko 'yong pagmamahal mo. Why didn't you get even, huh? Bakit hindi mo ako saktan? Saktan mo rin ako, Jace. Maghiganti ka sa akin!"



Tumaas na ang boses ko ngunit siya kalmado lang sa sitwasyon. Nanatili ang tingin niya sa labas ng bintana, naksandal ang isang kamay niya do'n bilang pambalanse.



"Hindi naman ako nagkulang, Thala, 'di ba?" mabigat niyang tanong.


Mariin akong umiling. "Walang kulang sa 'yo, Jace. Sobra kang magmahal. Dumating pa sa punto na nakalimutan mo ang sarili mo na tirhan. Binuhos mo para sa akin at sa anak natin. Jace, alam kong ubos ka na, bakit hindi mo 'ko iwan, saktan, o 'di kaya... lokohin mo 'ko. Iparamdam mo na sinira ko ang binigay mo sa akin. Bakit, Jace? Bakit ako pa rin sa kabila ng lahat-lahat?"




"Kung hindi mo naalala, sinabi ko sa 'yo bago ka maaksidente na isinuko ko kay God lahat. Hanggang ngayon, Thala, I surrender everything to him. Ipinagkatiwala ko ang pagmamahalan natin sa kanya. I let him be the center of our relationship. Kaya kahit pasuko na tayo, siya 'yong naging lakas ko na ipaglaban ang meron tayo," malambing niyang sagot.


"I broke you, Jace. HIndi ko alam na hindi na pala ikaw ang nasaskatan ko, kundi pati ang anak natin. Siya ang mas nagdudusa sa nangyari."


"Ang mahalaga magsisimula ulit tayo," aniya.


"Please, don't be afraid to broke my heart, Jace. Huwag kang matakot na masaktan ako. Kagaya ng sabi mo, walang perfect. Nagkakamali tayong lahat. Valid na masaktan tayo. May pakiramdam tayo. Please, don't be afraid..."


Tumitig siya sa mga mata ko. "It's not in my vocabulary to broke you. Masyado kitang mahal," wika niya.



Pagak akong natawa, pinunasan ang luha sa aking mukha. "Panahon na rin siguro para pakawalan kita," nakapikit ko na sabi.


"Thala?" his voice was shocked!



"Mahal na mahal kita, pero, Jace, tama na ang pagiging alipin mo sa nararamdaman mo para sa akin. We have to parted our ways, so that we could realize the worth of love. Gusto ko hanapin ulit natin ang mga sarili natin, Jace. HIndi na kasi tayo ito, e. Nagbago na ang lahat. Binago na tayo ng sakit. Kailangan na muna nating pakawalan ang isa't-isa."



"What do you mean, Thala?"


"Mag-file tayo ng annulment, Jace. Alam ko na mahihirapan si Dawn sa broken family pero ipaiintindi natin iyon sa anak natin. Kahit wala na tayo magiging best parents tayo sa anak natin," sagot ko sa kanya. Mas lalong nagunahan ang mga luha sa aking mata na lumandas sa aking pisngi.


Tumango-tango siya sa sinabi ko. He was sobbing with a smile plastered on his charming face. Nothing changed. I still love him.

"If it's the best decision in order for the two of us to grow up. And realize more lesson's in life that we could apply in our next journey as Dawn's parents, then, I'm willing to let you go. Naniniwala ako na, kung mahal mo dapat handa kang pakawalan, dahil kung kayo talaga, kahit saang panahon pa 'yan, pagtatagpuin tayo. Dahil kung mahal mo hahayaan niyong bitiwan ang isa't-isa para 'pag okay na at sang-ayon na ang panahon para sa inyo ay may pag-asa pa." Lumapit siya sa akin, niyakap ako ng mahigpit


Tumugon ako at hinayaan na umiyak sa kanyang balikat. Sobrang higpit ng yakap niya at wala akong pakialam do'n. I hear his sobs. Ito na ang yakap na matagal kong inasam na maramdaman sa kanya. Lahat ng bumabagabag sa akin ay tuluyang natunaw. Having a man that will understand you, is such as a blessing. Irerespeto ang desisyon mo at pakikinggan niyo ang isa't-isa sa panahon na walang tiwala ang nakapaligid sa inyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro