xviii

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: XVIII

Mabigat ang aking mga mata nang magising ako sa pagkakatulog mula sa kalasingan. Nagkalat sa aking harapan ang mga basag na bote at may laman pa ang iba. Isa-isa kong niligpit iyon, sa sobrang sakit ng lahat kahapon 'di ko man lang namalayan na nakaidlip na ako. Napatingin ako sa cellphone ko na may mga missed calls ni Marco, may mga text rin pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.

Siya ang may kasalanan kung bakit nagkandaletche-letche kami ni Jace. Okay lang ang lahat bago siya pumasok sa buhay namin. Tulala ako sa balkonahe ng kwarto namin. Napayakap na lamang ako sa aking sarili habang pinapahid ang mga lumalandas na luha sa aking pisngi. Sa lahat nang napagdaanan namin ni Jace, ito na ang pinakamabigat sa lahat. Masama pa rin ang loob niya sa nangyari.


Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Jace. Pumasok akong muli sa silid, natagpuan si Jace na nakatayo sa harapan ko. Kumurap-kurap pa ako upang makasigurado na siya nga na totoo siyang nasa harapan ko. Nang masigurado ko ay kaagad akong humakbang at niyaka siya ng mahigpit. Ilang buwan kaming nagkawalay, lahat ng bigat sa aking dibdib ay naibsan ng maramdaman ko ang yakap niya niya. Siya lang ang kailangan ko sa lahat ng sakit ng mundo para sa akin.

Nakaramdam naman ako ng triple pang bigat ng hindi siya tumugon sa yakap ko. Kumalas ako, tinitigan siya sa mga mata. Malamig ang kanyang ekspresyon at hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa kanyang isipan. Hinawakan ko ang kaliwang kamay n'ya, kaagad naman niyang hinigit iyon at nilagpasan ako. Lumabas siya sa balkonahe, sumunod naman ako, nasa kanyang likuran niya ako habang pinapanood siyang nakatitig sa malayo.


"Love..." mahinang sambit ko.


Lumapit ako sa kanya, niyakap siya mula sa kanyang likuran. Lumandas muli ang mga luha sa aking pisngi, wala na akong pakialam kung mabasa ko ang suot niya. Gusto ko lang maayos ito, ayokong matapos kami sa gan'to na lamang.



"I trust you, love. I give all my trust to you. I believe that no matter where our path take us, you won't do anything that could ruin our relationship. Wala namang problema sa akin e. Saktan mo 'ko, durugin mo ako, lokohin mo 'ko, at iwan, Thala, kahit gawin mo lahat iyon, kakayanin ko. Pero si Dawn, ang anak natin, Thala, ayokong siya ang magdusa sa mga naging desisyon natin bilang magulang n'ya. Ayoko na maramdaman niyang nagkulang tayo."


"Jace, wala akong masabi kundi ang salitang 'sorry'. Ayoko ring masaktan si Dawn, Jace. Anak natin siya. Maayos pa natin 'to, 'di ba?" Nanginginig na ang labi ko habang binibitawan ang mga salitang iyon.


"Hindi ko alam, Thala. Hindi ko alam. Blankong blanko ako. Pareho tayong nasaktan. I'm sorry kung hanggang ngayon ay 'di ko mabigay sa 'yo ang dapat matagal ng natupad, ang pakasalan kita. Ikaw ang pangarap ko para sa future pero hindi pa ako handa na i-settle ang lahat, lalo na ang relasyon natin. Hindi ako natatakot pero sa henerasyon na marami ng naghihiwalay..." huminto siya at humarap sa akin, "ayokong tayo ang isa din sa kanila. Pero dahil sa nangyari sa atin, ewan ko ba, Thala, ano'ng nangyari sa 'tin?'


Para akong nauupos na kandilang nakatitig sa kanyang mga mata, pilit na binabasa ang laman ng kanyang isipan. Pinilit ko na tatagan ang lahat. Kayanin ang magiging kahihinatnan ng relasyon namin ngayong araw na 'to. Alam mo 'yong pakiramdam na para kang isang mababasaging bagay na pinilit ipagkasya sa isang lalagyan? Gano'n ang nararamdaman ko ngayon, hindi na sapat ang luha ko para mailabas ang lahat ng sakit. Wala siyang sinasabi na maghiwalay kami pero pakiramdam ko gano'n na ang lahat.


"Jace... hindi ka naman nakikipaghiwalay 'di ba? Aayusin natin 'to," I was down on my knees, begging.


He lift me up. "Wala akong rason para pakawalan ka. I can't even imagine losing you even once. I planned my future with you. Thala, tapatan moo ako. Please, answer me honestly," tears started to fell down to his cheeks. "Ako pa rin ba diyan? O nananatili ka na lang dahil may anak tayo? Kasi ako, mahal na mahal kita, at 'yong meron ako ngayon, walang saysay kung 'di ko kayo kasama sa plano ko."


Kagat ko ang aking ibabang labi, napapakislot na ako sa hikbing pinipigilan ko. Lumakad siya palapit sa akin. This time he hug me as if this is the last time that we will see each other. "D'yos ko, alam ni Lord kung gaano kita kamahal. Kung gaano kita hindi kayang isuko na lang. Jace, oo, tulad ng ibang babae ay pangarap ko din na maikasal. At sa 'yo ko 'yon nakikita, ikaw 'yon. Hindi mahalaga sa akin na ikasal tayo kaagad, kasi hindi naman iyon magiging sukatan kung gaano mo kamahal ang isang tao 'di ba? No'ng mag-isa ako dito, doon ko na-realize na may singsing man o wala, mas mahalaga na may communication kayo ng mahal mo. Na kahit LDR, o ano pa ang status niyo sa buhay, kung gugustuhin may paraan palagi."



"I surrender everything to God, Thala. Kahapon pumunta ako ng church imbes na magpakalunod ako sa alak. Alam mo kung bakit? Habang magkausap tayo kahapon, dinasal ko na sana bigyan niyang linaw ang lahat. At 'yon natagpuan ko ang sarili ko na sa simbahan, nakaluhod, taimtim na dinadasal na maayos natin 'to. Sinabi ko sa kanya na linawin niya ang isipan ko, para makapagdesisyon ako ng hindi ko pagsisisihan. Kaya ito ako ngayon, nandito sa harap mo. Tulungan mo ako. Ibigay natin kay God ang lahat. Ilalaban natin 'to, ha?" Jace said and leaned me a forehead kiss.



Ipinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang lahat. Halo-halo ang pakiramdam ko, namin. Tama nga si Jace. Pasuko na kami pareho pero nagtiwala siya sa taas na gagabayan kami sa pagsubok na ito. Na sa kabila ng lahat ng pagdadaanan namin, siya ang kakapitan namin 'pag alam naming isinusuko na namin ang isa't-isa.



Nakangiti kong pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Jace. Pagod na pagod siya galing sa byahe kaya malalim ang kanyang tulog. Napalingon naman ako sa cellphone ko na biglang nagring. Inabot ko ito at nabasa ang pangalan ni Marco. Malalim akong bumuntong-hininga upang humugot ng lakas ng loob. Panahon na rin siguro upang makausap ko siya at tigilan na kami.



"Thala, mabuti at sinagot mo," sabi niya sa kabilang linya.


"Marco, tigilan mo na ako. Kung ano man 'yang plano mo para sirain kami ni Jace ay hindi ka magtatagumpay. Mahal namin ang isa't-isa. Mahal ko ang mag-ama ko. Please, Marco, palayain mo na ako diyan sa puso mo," malumay kong sabi.


"Nasa labas ako, Thala. Aaminin ko na sa media na walang tayo, pwede mo ba akong samahan, lilinisin ko ang ginawa kong gulo," aniya.


Napatayo naman ako at sinilip siya sa balkonahe. Kumaway pa siya sa akin. Muli akong bumuntong-hininga, last na 'to na pagbibigyan ko siya. Bukas wala ng Marco. Dinampian ko muna ng halik sa noo si Jace bago lumabas ng silid at nagtungo sa sasakyan ni Marco. Pumasok ako sa front seat. Nakangiti siya ng salubungin ako.


"Thank you, Thala."


Tumango lamang ako. Inistart na niya ang engine ng kotse. Habang nasa byahe kami ay napapansin ko na ba na ang rota na tinatahak ng sasakyan. Palabas na ito ng siyudad. "Marco, itigil mo ang kotse, bababa ako!" singhal ko sa kanya.


"Ha?"


"H'wag mo akong pinagloloko. Ano'ng plano mo?" asik ko.



"Thala, ilalayo kita kay Jace. Tayo naman kasi dapat ang magkasama ngayon, kung hindi siya umepal sa atin dati. Ako ang mahal mo, 'di ba?"



"Marco, hanggang kapatid lang ang turing ko sa 'yo. Wala nang hihigit pa do'n. 'Di mo ba naiintindihan?" galit ko nang sabi sa kanya.


He's crazy.



"No. I won't let that happen!" saad niya sa matigas na ingles.



"Marco..."


Mas lalong bumilis ang takbo ng kanyang sasakyan. Kinakabahan na ako dahil baka maaksidente kami. "Marco, ano ba?!" sigaw ko sa kanya.



"Kung hindi mo lang rin naman masusuklian ang pagmamahal ko, mabuti nang pati si Jace ay mawalan na rin!" Nagngi-ngit ngit sa galit niyang sabi.


He was driving recklessly. At kahit anong oras ay maaksidente kami. I grabbed my phone and dialed my emergency contact. Jace.


"Thala, nasa'n ka?" bungad kaagad nito.


"Jace... Jace, help me! Tulungan mo ako, nababaliw na si Marco. Jace, help!" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kay Jace.


"Nasa'n ka?"


"Palabas kami ng siyudad, sa-" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng biglang agawin ni Marco ang cellphone.



"Thalara Alonzo is mine. ALL MINE, JACE! AKIN SIYA!" Malakas nitong sigaw kay Jace bago tinapon ang cellphone ko sa labas.


Napasinghap naman ako ng makita ang pagsulpot ng malaking 8 wheeler truck sa aming harapan. "Marco, watch out!" sigaw ko sa kanya.


HIndi kaagad nakaiwas si Marco kaya nahagip kami ng truck at malakas na bumunggo doon. Nawalan ako ng malay at maya-maya pa'y narinig ko ang pagbukas ng kotse ni Marco, hindi ko maaninag ang pangyayari ngunit lumabas siya at iniwan ako sa loob na nanghihina. Matindi ang kirot sa aking ulo. HIndi ko maigalaw ang buong katawan ko. Hanggang sa makarinig ako ng tunog ng siren ng pulis at ambulansya, may mga nag-usap rin na mga tao sa paligid. And everything collapsed.



Nagising na lamang ako na may katabing lalaki, bakas sa mukha nito ang pagaalala. Nagpakilala siyang si Jace Liam Evasquez. Dumating rin ang nagpakilalang magulang ko, sinabi nilang si Jace ang napili nilang i-fix marriage sa akin. Pumirma ako ng marriage contract sa loob ng hospital pa. Nakilala ko rin ang anak niya si Dawn Hope Evasquez. At ang bestfriend ko raw na si Rika at ang asawa nitong si Miguel. Nagtanong ako sa kanila at sinabi nilang sa sobrang kalasingan ko ay nawalan ako ng kontrol at nabunggo ako ng truck, masuwerte nga ako dahil buhay pa raw ako. Medyo confuse ako pero dahil sila ang mas nakakalam ay 'yon ang pinaniwalaan ko. Ako si Thalara Alonzo--Evasquez, asawa ni Jace Liam Evasquez, may anak ito sa namayapa niyang asawa na si Lara. May bestfriend akong si Rika na asawa ng pinsan ni Jace, si Miguel.


Mga detalye na pinaniwalaan ko hanggang sa makalabas at makarecover ako mula sa aksidente. Kahit na may bumabagabag sa akin ay isinantabi ko iyon at naniwala sa sinabi nila. Wala akong laban, e. Nagising ako isang umaga na para akong bagong silang na sanggol. Pilit ko muling binubuo ang nawala sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro