xvii

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: XVII

Pagkatapos ng ginawa ni Marco ay umabot na ito sa buong headlines. Hindi ko alam kung may balak ba siyang ayusin ito, nagpost na nga ako ng picture kasama ang pamilya ko pero mas pinabulaanan niyang dati pa iyon at peke lang.


Mas nagalit ako sa kanya. Hindi niya naisip na mas malaking epekto ito sa akin, sa amin ni Jace. Buong tiwala ko ang binigay ko sa kanya pero sinira niya iyon. Sinubukan kong maipaliwanag kay Jace through text pero walang reply. Alam ko na sa nga oras na iyon ay alam na niya ang nangyayari. All over the news na nga kaya ano pa ang e-expect ko? May magbabago, kung magsasalita si Marco.



Maya-maya pa ay naghuhumerentado nang tumutunog ang cellphone ko. Mabilis akong naglakad patungo sa mesa kung nasaan iyon nakapatong. Kabado ako lalo na ng mabasa ko ang pangalan ng caller.

Love💗💓

Nilakasan ko ang loob ko dahil sa lahat ng away namin ni Jace palagi siyang kalmado, pero paano pa siya kakalma sa nalaman. Kahit ako mawawalan ng pasensya, nagtiwala ka e. Sinayang pa ng pinagkatiwalaan mo.


"L-Love..." sagot ko sa tawag, kasabay no'n ang pagtulo ng luha sa aking mata.


Wala pa siyang sinasabi pero sobrang sakit na sa dibdib. Siguro naging dulot na rin sa sobrang pangungulila ko sa kanila, lalo na sa kanya.

"I-I'm sorry," Jace mumbled.


Lumipad ang palad ko sa aking bibig dahil sa binitawan niyang salita. Bakit siya ang nag-s-sorry? Humagolhol na ako ng iyak.

"Bakit ka nag-s-sorry? Ako 'yong may kasalanan, e. I broke your trust. And I'm sorry, love, I'm sorry..."


"Thala, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. I'm speechless. Napapatanong na lang ako kung nagkulang ba ako, may problem ba. Dapat ba hindi alo pumayag na umalis at pumayag sa desisyon mo. Gulong-gulo ako." Ramdam ko ang bigat sa bawat pahayag niya. "Ilang beses akong tumawag pero 'di mo sinasagot. Naisip ko baka busy ka, at hindi mo napapansin. Thala, naintindihan ko kung ayaw mo na. Pagod ka na. At mas pipiliin mo na umalis."


Nagtataka naman ako sa sinabi niya. "Tumawag?! Wala akong natatanggap na tawag mula sa 'yo, Jace?" Kwestiyunable ko pang sabi sa kanya.

Ilang beses akong naghihintay nga ng tawag mula sa kanya. Gulong-gulo ako sa nangyayari. "Jace, wala kang tawag. Akala ko nga totoo 'yong rumor's na may iba ka na diyan. Alam mo bang ang hirap paniwalain 'yong sarili ko na hindi 'yon totoo. Kasi ako lang ang mahal mo," dagdag ko pa.


"Thalara, tumawag ako sa 'yo. The last time I call you, Marco answered it. Ang sabi niya, busy ka. No'ng huli sinabi niya sa akin na hindi ka na umuuwi sa bahay natin dahil sa kanya ka na umuuwi," sagot ni Jace.


"Ano?" Gulat ko na lamang na sagot.

Nagawang sabihin iyon ni Marco. Kaya siguro sa tuwing nasa shoot ako ay naaabutan ko na kinakalikot niya ang cellphone ko. Wala namang problema sa akin dahil baka may tinitignan lang siya.


"Maniwala ka, kung tumawag ka bakit ko naman sasagutin? Jace, wala akong natatanggap na tawag," halos magmakaawa na ako sa kanya.


Dahil kahit ilang beses kong tignan ang call history ko ay wala siyang tawag. "Hindi mo naman kailangan magsinungaling, Thala, sabi ko 'di ba, maiintindihan ko. I'm sorry. Alam ko na matagal mo nang hinihintay na maikasal tayo pero hindi ako gumagawa ng way para magpropose. Iniisip ko ang future natin, e. Ayokong mag-settle na lang basta dahil mahal ko kayo. I want a better future for you and Dawn."



"Jace, wala talaga. Maniwala ka naman."


"Hindi ko alam, Thala. Let's have a space first." Kasabay no'n ang pagputol niya sa tawag.

Pinindot ko muli ang numero niya at dinaial. Ngunit ring lang ang natatanggap ko. Bumuhos na ang mga luha ko. I feel so frustrated and devastated. I feel empty. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Para akong sinaksak sa likuran ko.


Gabi na, ilang bote nang alak ang nainom ko. Ngunit 'di ko ramdam ang kalasingan ko, mas nangingibabaw ang sakit. Kanina ko pa tinatawagan ulit si Jace pero kagaya ng kanina ay puro ring lang ang dumadating.


Tumawag naman si Miguel sa akin kanina, magkasama raw sila ni Jace. Nakiusap nga ako na sana makausap ko pero sabi jiya tumatanggi si Jace. Nasabi rin ni Miguel na bigyan na muna ng time na maayos dahil kung ngayon raw baka mas hindi lang kami magkaintindihan.


Sobrang excited ko nang magring sa cellphone ko dahil sa pagaakala na si Jace iyon ngunit si Marco. Hindi ko iyon pinansin at nagbukas muli ng panibagong bote ng alak. Wala akong pakialam kung malalasing ako sa sakit. Uminom ako para mabawasan ang sakit pero parang 'di sapat ang alak dahil mas nangingibabaw ang kirot.


Sa hindi ko mabilang na beses ay muling tumunog ang cellphone ko. Pinulot ko iyon, at galit na sinagot ang tawag.

"Puwede ba, Marco, tigilan mo muna ako!" sigaw ko.

"Thalara, si Rika 'to. Tumatawag ba sa 'yo ang gago?" anang niya sa galit na boses.


Mas lalo akong humagolhol. "Rika..."

"Shh... tahan na, ha? Magiging okay ang lahat. Nandito si Jace sa bahay namin, sinabihan namin ni Miguel na ayusin ang gusot na 'to. Sa ngayon bigyan niyo muna ng chance ang isa't-isa. Nandito ako, ha? Mag-usap tayo. Teka nga, umiinom ka ba? Thalara, nasa'n ka?" malumay niyan ng saad.


"Sino bang magiging karamay ko dito? Wala, Rika. Alam mo ba na sobrang bigat. Kasi nang umalis kayo, hindi ko alam na pinaliligiran na pala ako ng mga manggamit. Nagtiwala ako, sinira 'yon. Alam mo, hindi ko na alam kung sino pang totoo sa paligid ko ngayon. It feel so empty," pahayag ko, muli na namang lumandas ang mga luha sa aking pisngi.


"Thala, wala man ako sa tabi mo ngayon pero hindi naman ako mawawala. Mag-usap tayo hanggang sa mailabas mo lahat 'yan. Thalara, hanggang kaya mo, umiwas ka na kay Marco. Hindi natin alam kung bakit hindi nakakarating sa 'yo ang tawag ni Jace pero magingat ka, ha? 'Pag alam namin ni Miguel na kaya niyo nang maayos, uuwi ako diyan. Bahala kong maiwan si Miguel dito. Uuwi ako diyan, bukas mismo. Please, Thalara, umiwas ka na kay Marco."


Hindi ko magawang sumagot, bagkus tanging iyak at hagolhol lamang ang tugon ko. Ramdam ko ang pagsikip ng paghinga ko dahil na din sa kanina pa ako umiiyak. Hindi pinutol ni Rika ang tawag at kinakausap ako kahit na hindi ko siya sinasagot sa mga pinagsasasabi niya sa akin. Mas lamang kasi ang sakit kesa sa kalasingan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro