xv

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: XV


"Thalara is back!" narinig kong sabi ng mga producers nang pumasok ako sa loob ng shooting area.


Lumapit kaagad si Rika sa akin na may malapad na ngiti. "How are you, Thala? Ilang taon kang nawala, masaya ako at nandito ka na ulit!"



"Ito maganda pa rin." Sabay flip hair ko sa kanyang harap.


Umirap naman siya sa akin. "Alam ko namang maganda ka pero 'wag mo namang solohin. Magtira ka para sa akin!"



Natawa naman ako sa sinabi niya. Nagsimula na ang shooting para sa first perfume brand na sa akin ibinigay. Tomorrow may shoot ako for fashion, nagiging hectic na rin ang schedule ko kaya nasisigurado ko na mahahati ang oras ko para sa pamilya.



"Nice shoot. Wala ka talagang palya, pagdating sa commercial, runway, at endorsements, you slay!" komplimento nila sa akin.




Isang mahabang shoot ang ginawa namin kanina. HIndi naman ako pinabayaan ni Marco. He bought me lunch, snacks, at ngayon ay kakatapos lang namin mag-dinner. Nahihiya naman akong tumanggi. Siya na din ang nag-uwi sa akin sa bahay. Papapasukin ko sana siya ngunit mariin siyang tumanggi dahil may dadaanan pa daw siya.



Pumasok ako sa loob ng bahay, naabutan si Jace na natutulog sa sofa. Napadako naman ang tingin ko wall clock, pasado alas-onse na pala ng gabi. Nakangiti ako na lumapit sa mahimbing na natutulog na si Jace. I gently caressed his cheeks with my fingers.


Napalayo naman ako ng kaunti. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, kaagad na sumilay sa kanyang labi ang ngiti nang makita ako. Kaagad naman niyang hinila ang kamay ko kung kaya ay napaibabaw ako sa kanya.

"Maaga ka bang umuwi from the office?" tanong ko sa kanya.


"Wala na kasi akong ginagawa sa office kanina kaya naisip ko ng umuwi. Akala ko mauuna ka sa akin, late ka pala," sagot niya sa bagong gising na boses.



Tipid akong ngumiti sa kanya. "Hindi mo na sana ako hinintay," sabi ko.



"It's okay. Kahit anong sabihin mo naman e gagawin ko pa rin ito. Nga pala nasabi sa akin ni Miguel na balak na niyang yayain si Rika na magpakasal. Gusto niya i-surprise bukas, pwede mo bang dalhin si Rika sa lugar?"



"Oo naman. Saan ba ang proposal place?"



"I-text ko sa 'yo bukas. Thanks, love..."



Ikakasal na si Rika pero paano naman tayo, Jace? Wala ka pa rin bang balak?



"Ah, Jace..." sambit ko.

Namumungay ang kanyang mga mata nang magtama ang aming titig. "Hmm?"


"Um, wala. Tara na sa kwarto," sabi ko na lamang. Biglang umurong ang sasabihin ko sa kanya.



We've been together for years. At hanggang ngayon, nasa stage pa rin kami na girlfriend at boyfriend. Partners sa pagaalaga sa anak namin. Gusto ko naman na bukod kay Dawn ay dalhin ko na rin ang apelyido niya, pero parang ako lang 'tong nag-e-expect.


Hindi pa siya handang mag-settle, ramdam ko 'yon, o may iba pang dahilan. Siguro mas itutuon ko na muna ang atensyon ko sa modelling. Kinabukasan ay sinabi ko kay Rika ang address, dinahilan ko na lang na gusto siyang makita ni Dawn, at hindi ako sumama dahil masasaktan lang ako sa inggit.



"Kanina ka pa tulala diyan, Thala," napa-angat akonng tingin sa boses. Nakasandal si Marco sa pinto ng dressing room ko. "Problema?"



Tipid akong ngumiti, umayos ako ng upo, at malalim na bumuntong-hininga. "Wala. May iniisip lang ako. Big offers came. Maraming opportunity ang dumadating. New pages of my book of life has open and I want to explore, more."



"What do you mean by that?"



"Wala naman. Naninibago siguro ako? Dati kasi bago ako nawala, hindi ganito karami ang offer's ko. Mabilang nga lang dati ang offer ko, pero ngayon parang nauubos ang oras ko sa modelling."


"Kung hihingin mo ang opinyon ko, masasabi ko na talagang mauubos ang oras mo pero nasa 'iyo na naman iyan kung paano mo siguro hahatiin ang oras mo sa pamilya at sa career mo. Pero ito sa akin lang, siguro mas better kung mag-focus ka sa career mo, nasabi mo nga wala pang signs kung may balak bang dalhin ni Jace ang relasyon niyo sa next level." Aniya.




"Salamat, Marco, ha? Manager to adviser na rin ang trabaho mo tuloy," saad ko lamang.




"Ano ka ba, Thala, alam mo naman na kahit anong problema e nandiyan ako para samahan ka." May ngiti sa kanyang labi nang sabihin iyon.



"Thanks."


Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko. "Hindi ka na iba sa akin, Thala. Hindi man naging tayo, pinangako ko naman na 'di ako mawawala sa tabi mo," aniya.




Dumaan ang araw, naging linggo, hanggang buwan, naging mas malapit na rin kami ni Marco. Siya lang kasi ang kasama ko at komportable akong kausap sa mga bagay-bagay sa buhay ko. Nasa honeymoon naman si Rika at Miguel kaya wala akong makausap dito maliban kay Marco.


Nasa business trip si Jace, at sa susunod na buwan pa ang dating, si Dawn naman ay dinala ng magulang ko sa Switzerland para magbakasyon. Maraming kumalat na rumor's tungkol sa akin at ni Marco, lalo na't palagi kaming nakikitang magkasama. From my endorsement tapings, modelling shoots, etcetera.



Minsan na lang kami magkatime ni Jace na mag-usap. Palagi kasing hindi tugma ang daylight time namin, tumatawag siya minsan ng gabi na dito at umaga naman sa kanila. O 'di kaya'y kung ako naman ang tatawag ang baliktad. Minsan busy siya, nasa meeting o 'di kaya ay walang time para masagot ang tawag ko.



I was supposed to call him but Marco said maybe Jace is busy. Miss ko na siya. Buwan na ang lumipas ngunit sadyang ayaw kaming bigyan ng tadhana na makapag-usap. Kung magkaroon man ako ng oras palaging sumisingit si Marco, at nakikipagkwentuhan sa akin.



Mag-isa akong umuuwi sa bahay. Marami akong gustong itanong may Jace lalo na't nauugnay siya ngayon sa isang sikat na business woman at model rin sa ibang bansa. Marami rin akong nakikitang mga pictures nila na magkasama, from magazines, to online news.


Rumor's nga na sila na daw at magpapakasal na. Walang statement si Jace na medyo nasaktan ako, dapat ako 'yon. Hindi ko pa alam kung kailan siya uuwi. Ang pag-uwi niya no'ng nakaraang buwan ay 'di natuloy dahil biglaan raw nagpull out ang isa sa investors nila kaya kailangan maayos ang gusot.



Habang nag-scroll ako ay nakita ko muli ang bagong article tungkol sa kanila ng rumored girlfriend niya, magkasama muli sila. Ipinagsantabi ko 'yon dahil alam ko naman na samin pa rin siya uuwi. Nagtext ako sa kanya ng "I miss you, love" kahit alam kung 'di niya iyon rereplyan.



Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha mula sa aking mata. Kaagad ko naman iyong pinunasan. Sana hindi totoo ang mga rumor's, Jace. I hope I don't build a man for another woman. He is the love of my life.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro