CHAPTER 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

EIYAH P.O.V.

Agad akong nakarating sa bahay nang mapansin kong merong sasakyan sa loob ng gate, may bisita siguro sila, pag bukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng taas kilay ng pinsan kong tukmol. Tinarayan ko sya bago ko sya lampasan. Bakit ba kase nandito yang tukmol na yan, bakit dina lang kase don tumira sa probinsya tutal isa rin syang bully. Hindi naman sa nagiging selfish ako pero kase nakakaasar yan eh, laging di kami magkasundo.

"Ganyan ba ang pag welcome sa gwapo mong pinsan?" tanong nya.

"Ede welcome." sarkastika kong sabi at derederetsong umakyat sa taas, narinig ko pa sy na tinawag ako pero diko na yun pinansin, padabog kong sinara ang pinto ng kwarto ko at nag bihis, pagkatapos kung mag bihis ay agad kong binuksan ang laptop ko at pag bukas ko ay sabog agad ang notification ko dahil sa mga basher ko,may nag post pa ng picture naming apat nila Next, malamang kanina lang yun,at ang mas naka sakit sakin ay yung caption nung pic "THE UGLY MALANDI ONE" at maraming comment like,

"Ang landi naman nyan!"

Panget na nga malandi pa!"

"Omg nilalandi nya bebe ko!"

"Ewh di sila bagay ng mga bebe ko,panget nya!"

At marami pa iba, bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa non si Tita, agad kong sinara ng laptop ko.

"Oh Eiyah bat ka umiiyak?" takang tanong ni Tita agad ko namang hinawakan ang mukha ko, my god may luha, mabilis ko yung pinunasan.

"Ah wala po na miss ko lang po sila mommy." palusot ko.

"Oh sya bumaba kana don at nang maka pag dinner na tayo at isa pa andyan pala si Shan." sabi nya.

"Oo nga po, nakita ko na po sya" tinarayan pa nga ako eh, pero syempre sa isip ko lang yan sinabi.

"Oh tara na." sabay na kaming bumaba ni Tita papunta sa dinning area at nandon na sila Shan at Tito, umupo na rin kami ni Tita at nagsimulang kumain.

"Eiyah dito na nga pala mag aaral si Keyshan, na enroll na rin sya kanina, at kung pwede lang ha sumabay kana sa kotse nya kapag papasok ka at wag mona gagamitin yang bike mo ilang beses kana dyang na aksedente eh" sermon ni Tito.

"Tito, nakakahiya naman po diba na baba sa isang bmw or Ferrari ang kagaya kong panget diba?" sarkastika kong sabi.

"Tama ka dyan." natatawang sabi ni Shan.

"Shan." magkapanabay na sabi nila Tito at Tita.

"Ikaw naman kase bakit hindi ka mag ayus ng sarili mo?"si Tita.

"Diko na po kailangang baguhin ang sarili ko para lang tanggpin ng iba, kung di nila ako tanggapin bahala na sila." sabi ko.

"Tch pano nga may tatanggap sa'yo eh ang panget mo" natatawang sabi ni Shan.

"Alam ko yan dimo na kailangang ipaalala, kung ayaw nilang tanggapin ako ede wag."

"Panget mo kase." dagdag nya.

"Ayaw moko makita pwes tanggalin mo yang mata mo." pagtataray ko.

"Tsk." tanging usal nya at sumubo.

"Kayo bang dalawa ek kelan magkakasundo?" biglan­­g tanong ni Tito.

"Hindi na ho, dahil araw sya gabi ako, pano kami magkakasundo ni hindi nga kami magkakatagpo."sabi ko.

"Hay naku bahala na nga kayo." Si Tita.

Maaga akong gumising at nag asikaso, maaga na namang umalis sila Tita at Tito para sa business nila, nakasalubong ko si Shan na kalalabas lang ng kwarto nya.

"Good morning panget." masayang bati nya.

"Tch, not a good morning." pagtataray­ ko at naunang bumaba ng hagdan.

"Woi panget, sabay tayo papunta ng school ha." sabi nya habang sumusunod sakin.

"Bahala ka sa buhay mo,mag isa ka." sabi ko.

"Sige na paget sabay na tayo." pagmamaka-awa­ nya.

"Sabi ng ayaw ko nga!, may bike ako okay."s igaw ko sa kanya.

"Grabe ka naman." malungkot nyang sabi.

"Hoyy lalaki ka wag moko inisin ha." pagtataray ko at dinuro-duro sya.

"Sorry na, oo na alam ko namang hanggang ngayon galit ka pa rin sakin," malungkot nyang sabi at nag paunang pumunta sa hapag kainan. Tsk, di moko makukuha sa paganyan ganyan ko KEYSHAN CASTRO.Sino ba naman kase ang matutuwa sa ginagawa nya.

Sabay kaming dalawa na kumain hanggang sa matapos ang matapos na akong mag ayus ay lumabas na ako ng bahay,ngunit pag punta ko ng garahe ay diko nakita ang bike ko.

"Oh asan ang bike mo,sabi na kaseng sabay na tayo eh." naka ngiting impaktong pinsan ko.

"Woi lalaki ka, where is my bike?" mataray kong tanong sa kanya.

"Wag kana nga kase mag bike,sumabay ka na lang sakin." sabi nya.

"Sorry but I don't trust you, so Where is my bike!!?" sigaw ko sa kanya.

"Tch bahala ka nga,ako na nga tong lumalapit sa'yo, ikaw na naman toh layo ng layo," naka simangot nyang sabi. "Your bike is in the basement!" sagot nya bago ipaharurut ang kotse nya. kinuha ko naman yung bike ko.

Nasa parking lot na ako ng school ng may biglang bumunggong kotse sa bike ko, hindi as in malakas yung tama lang na matumba ako.

"Ikaw na naman, bat ba pakalat kalat ka?" inis na tanong ni kriss.

"Excuse me, hindi po ako pakalat kalat lang nandito po ako sa parking lot para i park ang bike ko!" Inis kong sabi at may biglang sumapak kay kriss. "What the hell!" sigaw ni kriss.

"Bakit mo binunggo ang pinsan ko ha!?" galit na tanong ni Shan at tinulungan akong tumayo.

"Oh my god! How dare you, kilala mo ba tong sinapak mo?" maarteng sulpot ni kyena at agad na nilapitan si kriss para tulungang tumayo.

"Hindi, sorry ha, kailangan bang kilalanin ko sya!?" sarkastikong sabi ni Shan.

"Bastard." sigaw ni kyena.

"Kayo kung ayaw nyong mabangga, tumabi-tabi­ kayo." galit na sabi kriss bago kami iwan.

"HA.HA.HA. tingnan mo nga naman ang buhay, nag sama ka pa ng pinsan mo, ang kaso, parang di naman kayo mag pinsan, tingnan mo, itsura pa lang ang layo na." tumatawang si kyena bago kami layasan. Agad kong hinarap si Shan.

"Bakit ka pa kase nangialam?" pag tataray ko sa kanya at iniwan sya.

"Eiyah gusto ko lang naman na tumulong-" I cut him.

"Eh yun na nga eh, hindi ka naka tulong!" sigaw ko, pumasok na ako sa gate ng biglang mag tilian ang mga estudyante.

"Oh my God!"

"Shitt ang gwapo!"

"Thank you lord!"

"Kaninong anak yan,mag papa arrange marriage agad ako!"

"Dumarami na ang papa dito ah!"

"Bat ba ang daming gwapo!"

Bulungan ng mga estudyante, pinagpatu­loy ko lang ang paglalakad ko, pero diko inaasahan ang gagawin ni Shan, inakbayan nya ako kaya nag simula na namang nag bulungan ang mga estudyante.

"Ano bang ginagawa mo?" inis kong tanong kay Shan at pilot tinatanggal ang kamay nya sa balikat ko.

"Samahan moko sa dean's office please!" pagmamaka-aw­a nya at nag puppy eyes pa.

"Para san naman?" mataray kong tanong.

"Ahm sabi kase ni mom, punta daw muna ako don para malaman ko kung anong room ako hehehe, At isa pa bawal kang tumanggi." sabi nya.

"Oo na sasama na ako." inis na sabi ko, kahit papaano naman na miss ko sya.

"Yuck kadiri, bat nya inakbayan yang babae na yan!"

"Mag jowa ba sila?"

" Di sila bagay!"

Bulungan ng iba.

"Bat dimo sinasabi na binubully ka dito." inis na tanong ni Shan.

"Para san pa kung sasabihin ko,  eh almost 4 years na yung nangyayari since grade 7." patay malisya kong sabi.

"What?" gulat nyang tanong, "what the hell Eiyah, 4 years pianaabot mo pa ng 4 year's, shitt sabi na kase kay daddy na dapat dito na ako nag aral eh, tutal mag ka batch naman tayo." iritang sabi nya.

"Tch!" tanging sagot ko. Alam ko namang gusto nyang bumawe pero syempre diko parin makaka limutan ung mga ginagawa nya.

______________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro