CHAPTER 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

EIYAH P.O.V.

"Yehey, Yes! yes! yes, h­aha." Parang batang nag tatalong si Shan. Biruin mo ba namang magmaka-awa sa dean na mag kakalse na lang kami kase naga daw walang mag tataggol sakin kapag may umaaway sakin. Nakakahiya diba, buti na lang at naka pag pigil ako kanina, kundi may black eye na yang ngayon.

"Tumahimik ka nga." iritang sabi ko sa kanya habang naglalakad papuntang room.

"Syempre masaya lang ako hehehe." masayang sabi nya.

"Halata nga, baka sa subrang kasiyahan mo,nakalimutan mo nang malungkot." irita kong sabi.

"HAHAHA buti na lang at matalino ako, kundi baka magka hiwalay na naman tayo." sabi nya.

"Andyan na sya"

"My gad, dito sya papunta sa building natin!"

"Sana kaklase natin sya!"

"Ang gwapo nya talaga!"

"Hay naku kasama na naman nya yung tikbalang!"

"Bakit ba dikit sya ng dikit sa mga gwapo?"

"Malandi talaga sya!"

Bulungan ng mga estudyante, agad na ikinuyom ni Shan ang kamao nya pero agad ko yung hinawakan at nginitian ko sya. Lumuwag naman ang pakiramdam nya at nginitian din ako, kapag kase napipikon sya hindi nya alam ang ginagawa nya kaya nakakatakot,isang beses ko na yang nakita kayo ayaw ko nang madagdagan pa.

"Hay tara na nga sa room natin!",yaya nya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Hawak kamay kaming nag lakad papunta sa room. Pag dating namin don agad na nag bulungan ang mga kaklase ko at bumitaw ako sa pagkakahawak kay Shan at dumeretso sa upuan ko sa likod, sumunod naman sya sakin sa likod at masayang nakipag usap sakin, maya-maya pa ay lumapit sakin sila Next.

"Bakit dimo sinabi na may bago kana palang kaibigan na dimo na kami kailangan." Malungko­t na sabi ni Next.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo dyan?" taka kong tanong.

"Abnormal kase yan." si Nathan at binatukan si Next.

"Aray naman." Reklamo nya at hinawakan ang ulo nya.

"Sino ba sila?" bulong sakin ni Shan,at halata naman na pinaparig nya talaga.

"Hi bro, may name is Next and Eiyah future husband." nakangiti nyang sabi at nakipag kamay kay Shan.

"Eww yuck, Eiyah pag nanligaw toh sa'yo wag na wag mong sasagutin ha." nandidiring tinanggap nya naman ang kamay ni Next.

"Ohm!" batok ni Xyfer kay Next. "I'm Xyfer and Eiyah future boyfriend." nakakalo­ka. Agad naman akong tumayo at tinaasan sila ng kilay.

"At ano sa tingin nyo ba sasgutin kayo nyan? malabo pa sa tinta ng ballpen,mga future yaya lang kayo sa mga anak namin ni Eiyah." si Nathan. "Bro I'm Nathan." pakilala nya at nakipag kamay kay Shan.

"What the hell are you talking about?" inis kong sabi.

"Si Eiyah naman dima biro." Si Next. Maya maya pa ay nag tilian ang mga kaklase ko dahil pumasok si kriss at wag ka naka sabit sa braso nya si Kyena, eh mas malandi pa sakin yan eh, sarap ilampaso sa sahig. Kasunod nila ang guro.

"Okay class go back to your seat." utos ni ma'am at kanya kanyang balikan ang ilan "ahh oo nga pala may bago kayong classmates, please introduce yourself." agad namang tumayo si Shan at nag pakilala.

"I'm Keyshan castro, pinsan ni Eiyah, 16 year's old and a handsome one, kind, honest, and smart one hehhe." sabi nya sabay upo at umupo nagtawanan naman ang mga kaklase ko, samantalang ako naman ay tinaasan sya ng kilay. Nang biglang may pumasok na guro kasama si dean.

"Good morning class,meron tayong pagbabago, diba ang section na to ay may mga baker so lahat ng mababa ang grade dito ay tatanggalin na, wala na kaming paki alam kong may mga baker man kayo, basta dahil graduating kayo kailangan patas na ang gagawin dito, lahat ng 95% pataas ang grade ay mananatili sa section na ito." paliwanag ni dean.

"Pero sir-" mag rereklamo pa sana si kyena.

"Miss kyena, I'm sorry but, kailangan nating sundin ang deped, so sumunod lahat ng babanggitin kong pangalan samin." marami syang binanggit at lahat ng yun ay bagsak ang balikat na sumunod kay dean. 14 lang kami na naiwan sa room, kasama yung apat na bully at kami ni Shan.

Lunch time na kaya sabay kaming pumunta ni Shan sa cafeteria at sya na rin ang umorder ng pagkain, kahit maraming nangbubully parin ay hinayaan na namin ni Shan at don na kami kumain sa cafeteria. Nang biglang may nag lapag ng pagkainsa lamesa namin ni Shan.

"Pa sabay kami Eiyah ha?"si Next.

"Oo nga, sige na please." si Xyfer.

"Woi umalis nga kayo jan, your not welcome here." mataray na sabi ni Shan.

"Bro,ngayon lang namin makakasama si Eiyah sa lunch eh." si Nathan.

"Ngayon lang eh diba, schoolmates kayo tapos mag kaklase pa bakit ngayon lang?" takang tanong ni Shan.

"Ahm kase...ahh...ehh!"si­ Next.

"Kase nga sila yung nangbubully sakin." patay malisya kong sabi at kumain ng pagkain.

"What??" gulat na tanong ni Shan. "Lumayas nga kayo dito." sabi nya at pinag tabuyan yung tatlo.

"Woi, bumabawe na nga kami eh." si Xyfer.

"Totoo bayun cauzz??" tanong nya, what?? CAUZZ??

"Oo." tanging sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Oh diba sabi na sa'yo." si Next at umupo sa harap ko. "Hi babe subuan na kita?" sabi nya at isusubo ang spaghetti sakin.

"May kamay ako diba?"sarkastika kong sabi at umupo na rin yung tatlo at kumain na kami, maya-maya pa ay may naglapag uli ng pagkain sa lamesa namin at umupo.

"Woi brad uso pa alam ha." sarkastika na sabi ni Shan kay kriss.

"Sabi na kase sayong sumabay kana samin eh." natatawang sabi ni Next.

"C.R lang ako." paalam ko at tumayo. Agad naman akong pumunta ng Cr, malamang andyan na naman yung mga bulungan na parang bubuyog at hindi pa ako nakakapasok ng cr nang may pumalo sa ulo ko. Naramdaman kong may tumulo na likido mula sa ulo ko, unti unti nang nanghihina ang tuhod ko at nag ba blurd na rin ang paningin, at bumagsak ang katawan ko sa sahig, Hanggang sa tuluyan ng nawala ang pangin ko.

___________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro