u n c n s r d 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

u n c n s r d 32

"Ito na ata ang ultimate road trip sa Pinas."


Ilang beses nang nagva-vibrate ang cellphone ko pero hindi ko pa rin tinitingnan. Ilang beses na ngang napapatingin sa akin ang katabi kong si K, titingin sa bulsa ko, sa mukha ko - tapos babalik sa gawain niyang tumitig lang sa harapan. Nahiya na nga ako kaya inalis ko ang phone sa bulsa at tumitig sa screen.

Tumatawag si Mark.

Kani-kanina, si Adam.

Nauna si Jethro.

Si Sandy, tinadtad ako ng text.

Hanggang gabi, tumatawag sila.

"Hindi mo sasagutin?" tanong sa akin ni K habang nakatingin sa kawalan.

"Ang alin 'yon?" Lumingon sa amin si Amari na nakaupo sa tabi ng kabilang bintana, pinapagitnaan namin si K.

Umiling ako. Kinancel ang call. Pinatay ang phone. Diretso lang ang mukha ni K. Walang kahit anong reaksyon.

"Napaka chismosa talaga ng isang 'to," sabi ng nasa likuran na si Jax. Malakas ang trip nitong si Jax at madalas pansin kong madalas niyang kulitin si Amari sa ilang minuto namin dito sa FX ni Deus. Ilang beses nang nangangalabit ng ulo, nangungurot o nanghahawak ng tainga.

"Ano ba! Get your filthy finger off me!"

"Amari," sabi ni Deus at nilingon kami. "Bastos. PG lang tayo rito, oy."

Nagtawanan kami pero ang pinaka natawa ay si Jax na ilang minuto pa bago natapos sa pagtawa. Tapos pinagtripan na naman si Amari.

"Jax, stop it!"

"Umi-english si ategirl," natatawang sabi ni Pja na nakaupo sa likuran ko, katapad ni Jax.

"IKR, para mukhang sosyalin at yayamanin."

"Sus, buti pa 'tong si Unica, chill-chill lang kahit pwede na niyang bilhin kaluluwa nating lahat," sabi ni Deus na palipat-lipat ang tingin kay Unica at kanila Amari. Halos mabali na ang leeg dahil nasa harapan siya.

"Posera kasi 'yang si Amari," sabi ni Unica habang nakangisi na nagda-drive.

Akala ko noong umpisa, mahihirapan akong makasali sa trip nila. Intact na silang magkakaibigan at tanging nakakausap ko lang ay sina Herq, Deus,Unica at minsan si Amari. Pero hindi mahirap pakisamahan ang mga 'to.

Pati pamilyar na sa akin sina K, Bob at Pja.

Si K, naaalala ko siya sa mga skateboard session nila Unica. Biker. Hindi ko pa siya nakakausap noong nagkikita kami dati dahil sobrang tahimik niya at hindi ko rin alam paano ko siya kakausapin. Akala ko nga galit siya sa akin pero tahimik lang pala talaga.

Kilala ko rin si Bob dahil lagi silang magkasama ni Herq. Madalas din niya akong bigyan ng brownies kapag nagkikita kami. Kung si K, biker. Siya, baker. Mukhang kasundong-kasundo ni Herq dahil para rin silang may sariling mundo sa likuran ng FX.

Habang si Pja - hinding-hindi ko malilimutan dahil sa buhok niya. Kulay blue. Matingkad na blue. May nose ring siya at malaking tunnel sa tigkabilang tainga. Mas nakakatakot siya kaysa kay Unica. Parang mangangain.

Pero mabait.

At si Jax. Pamilyar siya hindi dahil tropa siya nila Deus kundi dahil nakikita ko siya sa school. Schoolmate namin siya ni Unica. Kilala ko rin siya dahil madalas din niyang kasama 'yong lalaking kulot na kumag na tumatambay sa walls.

Nagtataka nga ako ba't siya kasama, eh. Parang hindi ito 'yong mga klase ng trip niya. . .na kung tutuusin, hindi rin ito ang mga klase ng trip ko.

Isinama kami nila Deus dahil nalaman nilang wala kaming patutunguhan. Nakita lang daw nila kami habang patawid at sinundan. Nagpresenta namang mag-drive si Unica ng FX.

"Kahit ngayon lang, please? Namimiss ko lang mag-drive!"

"Hindi mo 'to gamay, baka ibunggo mo lang 'to, eh," sabi ni Deus.

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

Nagpa-cute si Unica.

Mukhang tumalab kay Deus dahil pumayag siyang mag-drive si Unica.

Nang itanong kung saan sila pupunta, naglabas si Deus ng napaka laking mapa ng Pilipinas. Tinuro niya ang mga nakabilog doon sa mapa.

"Sa Matnog pinaka unang pupuntahan natin." Tinuro ni Deus 'yong pinaka dulo ng Luzon sa mapa. "Sasakay ng ferry para makarating ng Visayas, Allen port." Binagtas ng hintuturo niya ang daan patungo sa kabilang dulo ng Visayas. "Sasakay ulit ng ferry dito, papunta sa Mindanao. At dito," pagturo ni Deus sa isang lugar. "Dito tayo. Mt. Apo."

"Ilang oras na byahe 'yan?" tanong ni Unica, nakataas kilay. Mukhang wala lang sa kanya ang sinasabi ni Deus pero ako, napapatingin sa lahat. Seryoso ba silang gusto nilang pumunta ng Davao? Nang naka-kotse lang? Anong klaseng trip to?

"Tatlong araw raw ang pinaka mabilis. Kaso titigil-tigil tayo para mas roadtrip. Tsaka hindi ko kakayanin nang matagalan baka mag-collapse ako sa pagda-drive," natatawang sabi ni Deus.

"Ito na ata ang ultimate road trip sa Pinas."

"Semi lang," sabi ni Amari. "Hindi tayo galing sa Northern Luzon kaya semi ultimate road trip lang, you know."

Wala na akong ibang masabi kundi, "cool," sabay tanong ng, "aakyat kayo ng Mt. Apo?"

Ngumisi si Deus. "'No, aakyat tayo ng Mt. Apo. Hindi ka pwedeng hindi sumama dito, iniwan mo na nga kami sa Buscalan n'on nila 'Nics, eh!"

Ilang beses akong tumingin sa hawak ni Deus dahil base sa napaka laking mapa ng Pilipinas na hawak niya, mahaba-habang roadtrip 'to. Pagsisisihan ko ba 'to?

"Si Vane pareee," sabi ni Bob na nakaupo sa likuran, katabi ni Jax. "Wala na rito sa Pinas, anoooo?"

"Nasa New York," sagot ni Jax.

Sumipol si Pja. "Yaman."

Tumawa si Unica. "Heartbroken na naman ba?"

"Ewan ko sa lalaking 'yon. Mayaman kaya papunta-punta na lang sa states."

Alam kong kilala ni Unica si kulot na kumog, close nga sila, eh. Alam ko ring tropa ni Jax 'yong kulot. Pero. . . sila Deus? "Kilala niyo si ku-Vane?" tanong ko.

"Si Kulot? Oo naman, 'No. Sumasama minsan 'yon sa mga lakad, eh, di ba 'Nics?" siko ni Deus kay Unica.

Tiningnan ko si Unica na napangisi. Ano ba talagang mayroon kanila ni kulot na kumag? Magkaibigan lang ba talaga? Akala ko ba may Mari Sol-natigil ako. Napabuntong hininga. Akala ko nga ba may Mari Solei?

"Namimiss ko na kamo siyaaa," sabi ni Bob. "Sarap pa naman nun kausap pag nauusukan naaa."

"Nagiging deep," sabi ni Pja na natatawa. "Nahahawa kay Herq."

Bakit ba close 'yong kulot na kumag na 'yon sa mga kaibigan ni Unica? Bakit hindi na lang siya makisama sa sarili niyang kaibigan? Mag-bar. Mambabae sa mga sosyal na lugar?

"Ohhh, wait. Kulot? Vane - Si Eddard Vane ba pinag-uusapan natin?" biglang sabi ni Amari. Nang walang sumagot, tinuloy niya ang sasabihin. "Ay, nako. Ayaw ko d'on. Masyadong conyo."

Oo, tama, Amari. Conyo. Tumango-tango ako.

Napatingin sa akin si K kaya natigil ako sa pagtango. Ngumisi siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Wala rin namang sinabi si Vane na gusto ka niya, 'Ri," sabi ni Jax sabay tawanan namin at nagtuloy ang pag-aaway ng dalawa.

"Madalas talaga hindi natin pinapakinggan ang katotohanan dahil hindi ito matanggap ng ating kaluluwa," biglang singit ni Herq.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Kahit si Deus na nasa harap, lumingon. Kahit si Unica na nakatuon ang atensyon sa kalsada, napasulyap.

"Tantanan mo, Herq. Wala tayo sa spoken poetry," sabat ni Deus, natatawa.

Nagtawanan ulit.

"Madalas kung sino pang akala mong makakaintindi sa 'yo, sila pa ang pagtatawanan ka."

"Hayup na 'yan."

Tawanan.

"Madalas kung sino pang tinuturing mong mga kaibigan ay sila pang tinuturing kang hayop."

"OMG Herq, I love you talaga pero please shut up. Naki-cringe ako!" natatawang sabi ni Amari.

"Madalas gusto k-"

Tinakpan ng unan ni Pja ang mukha ni Herq kaya natigil siya sa pagsasalita na tinawanan nila Jax at Bob.

"Pinatahimik ko na," sabi ni Pja. "You're welcome, guys."

"Kingina, Pja!" biglang sabi ni Herq sa likuran kaya agad akong napangisi. "Wala kang libreng poetry piece mula sa akin, inang yan. Kanino bang unan 'yan, ang alat!"

"Kay Bob!" turo ni Jax.

"Akooo?" malumanay na sabi ni Bob. "Bakit mo nasabing akooo?"

"Gago, may pangalan mo," sabi ni Pja, tinuro ang gitna. Sa may heart na drawing. "Ayan oh, Bob."

"Ooooohh," sabi niya. "Ongaaa 'no."

"Sabog you talaga," sabi ni Amari.

Sumabat si Deus. "Literal!"

Nagtawanan ulit sa loob.

Wala pang ilang oras, tumigil kami sa isang mall. Dahil ilang oras ang byahe namin papuntang Matnog, minabuti nilang bumili ng beer. Gusto kong humindi - bawal, huwag, dahil delikado 'yon - pero sila Jax lang daw ang iinom. Hindi sila Unica at Deus na nagdadrive.

Pumapasok din naman sa utak ko na sana hindi na lang nagda-drive si Unica para nakakausap ko siya. Marami akong itatanong sa kanya at marami siyang isasagot sa akin! Marami siyang utang! Hindi biro ang mawalan ng buhok sa katawan, ah?

Sa katamaran ng iba, ako, si Unica at Deus ang nagpuntang groceries para mabili ang mga kinakailangan. Mabilis lang ang pagkuha namin ng mga bibilhin nang mag-text si Jax na pabili pa ng extrang dalawa beer.

Ako na ang nagpresentang kukuha para sa pila na lang sila Deus at Unica.

Nang kukuha na ako ng bote ng beer, napalingon halos lahat sa pinanggalingan ng malalakas na ingay ng pagkalaglag at basag. Ang isa, naging dalawa - ang dalawa, naging apat - hanggang sa bumigay na mismo ang lalagyan na stante at nagbagsakan na 'yong mga bote. Hindi ko ininda ang gulat. Agad akong sumugod at hinatak palayo 'yong babaeng nasa tabi ng naglaglagang bote.

"Miss, okay ka lang?" tanong ko, hinatak ko siya para mas lumayo.

"Ha?" Gulat na gulat 'yong babae - o siguro dahil na rin medyo bilugan ang mata niya - na singkit - kaya mukha siyang takot din. "Ah, yeah. Oo, thanks."

Pinigilan ko ang pagbagsak ng iba pang bote dahil sa bumibigay na stante hanggang sa dumating 'yong mga nagtatrabaho sa grocery. Kaunti na lang ang tao dahil gabi na at halos lahat ay nasa cashier na. Kahit 'yong babaeng muntik nang matamaan, nakapampabahay na nga lang.

"Uy, thank you, ha," sabi ng babae.

"Ah, okay lang po. Ingat na lang."

Napatingin ako sa phone kong tumunog.


DeusKoPo

ANO NA NAKAKUHA KA NA BA?


Agad akong napangiti. Si Unica 'to.

Magpapaalam na sana ako sa babae nang tingnan niya ako na para bang may kung anong mali sa akin.

"Pamilyar ka."

Nailang tuloy ako sa titig niya. Nagkatitigan kami saglit kaya nakita ko agad ang nunal niya sa kaliwang pisngi bago ako nag-iwas ng tingin. May itsura. Cute. At mukhang. . .pamilyar nga. Nakita ko na ba siya? Sino 'tong babae? Taga school? Kapitbahay? Babae ni Gio?

Biglang nag-click sa utak ko. 18th birthday ni Mari Solei!

"Ikaw si Ate-"

"You're Ari's suitor!"

Natahimik ako. Si Ate Raf. Ito si Ate Raf - kaibigan ni Mari Solei - Aris, may kakambal siya. Saf? Sef? Na pinsan ni Mau? O nung Mao? Kaibigan ni Aris! Oo, tama. At ako? Sino ako? Manliligaw nga ba ni Aris?

"Ikaw si Chino! Yes, tama! Hi!" Kumaway siya. Biglang naging friendly ang aura niya. "Anong ginagawa mo rito? Gabing-gabi na, ah?"

"Ah, eh."

Napatingin ako sa phone ko dahil sa isa pang text.


DeusKoPo

NAMUMUKADKAD NA KAMI DITO SA CASHIER ANYARE NA NAGLASING KA NA BA JAN


Napangisi ako lalo.

"Ah, sorry-"

Nanlaki ang mata ni Ate Raf at ngumiti. "Uy, sige. Mukhang madaling-madali ka na. Say hi to Ari for me, ha."

Paano ko gagawin 'yon kung aalis ako? Malayo sa kabihasnan?

Ngumiti ako. Nagreply ako sa number ni Deus na sandali lang. Kinuha ang inumin na pinapakuha nila. Ngunit bago ako makaalis sa aisle, napatingin ako sa isang lalaking naglalakad. Agad kong naisip, mukhang modelo. Tangkad, e. Mukha ring mahilig sa damit dahil gabing gabi na, maayos pa rin ang itsura. Lumapit siya doon kay Ate Raf.

"Have I seen you before?"

Pinigilan ko ang tawa ko. Sobrang gasgas naman ng pick-up line na yon. At talagang sa groceries pa? Nagkatinginan kami nung lalaki kaya mas pinigilan ko ang sarili matawa. Pero natigilan din talaga ako at biglang kinabahan nang mapansin kong pamilyar 'yong lalaking kumausap kay ate Raf. Yong tindig. Yong boses. Yung alagang-alagang bigote at balbas. Yong sinadyang magulong buhok para papogi. At gabing-gabi na, lakas pa rin ng pabango sa katawan, amoy na amoy ko.

Kilala ko 'to, eh.

Sino ba to?

Sino ba siya?

Napatingin ulit sa akin 'yong lalaki. Sumama na ang tingin niya at-nakng, kilala ko na!

Kuya 'to ni Unica!

Ito 'yong parang Instagram adik niyang kuya!

Agad akong lumayo. Nagmadali ako sa pagpunta sa cashier kung saan naghihintay sa akin sila Deus at Unica. Agad akong sinalubong ni Unica pagkakita niya sa akin.

"Ang tagal mo naman?"

Pinagmasdan ko lang ang pagkuha sa akin ni Unica ng mga bote. Kumuha rin sila ng isang kaha ng sigarilyo sa gilid. Habang naghihintay ng pagbabayad, palingon-lingon ako sa paligid. Mukhang napansin 'yon ni Deus.

"Anong problema, 'tol?" Lumapit siya sa akin, bumulong. "May ninakaw ka ba? Akin na, itag-"

"Ha?" nagulat ako. "W-Wala akong ninakaw."

Napatingin sa amin 'yong ibang taong nakarinig ng sinabi ko. Napangiwi ako. Tinaas ang kamay para sabihing hindi ako nagnakaw. Natawa si Deus.

"Oh, eh, ba't parang takot na takot ka?"

Lumingon-lingon ako. Wala 'yong kuya niya. . . pero sigurado ako. Totoong kuya ni Unica 'yon. Nandito lang 'yon na kinakausap 'yong si Ate Raf.

"Uh, Unica."

"Oh?"

"'Di ba may kuya kang parang model?"

Natawa si Deus. "Pre, sino sa dalawa. Parang model kaya 'yong dalawang yon." Pinatong ni Deus 'yong kamay niya sa ulo ni Unica. "Ito lang naman isang 'to ang hindi model."

"Excuse me? Mukha kaya akong mod-"

"Sus. Di ka naman nagmomodel para sa akin, eh."

"Bayaran mo mun-"

"Nandito 'yong isa mong kuya," pagtigil ko sa pag-uusap nila. Nawala ang ngiti nilang dalawa. Tinanggal ni Unica ang kamay ni Deus na nakapatong sa ulo niya. "Nasa grocery store. Nakita ko mismo."

"Fuck." Biglang nagtago si Unica at lumapit sa akin. "Andito na naman siya? Wala bang trabaho 'yon kung saan-saang mall nagpupu-"

"Hindi 'yong nakita natin kanina," sabi ko na pinagtakahan din ni Deus. "Yong isa pa."

"Tangina namang buhay 'to. Anong problema ng mga 'yon at naggagagala sila sa mall?"

Tiningnan lang kami ni Deus habang patuloy sa pag-punch yong babae sa pinamili namin. "Ano nang plano?"

"Ate," tawag ni Unica sa cashier. "Ate, pabilisan naman, oh."

Pansin kong kating-kati na si Unica. Gustong-gusto na umalis. Gusto ko siyang takpan ulit tulad ng ginawa ko kanina para sa isa niyang kuya pero nandito si Deus. Ang weirdo kung gagawin ko 'yon sa harap niya. Iniisip ko na sana si Deus na lang ang gumawa n'on para kay Unica para mapanatag ako.

Gusto kong umuwi si Unica, huwag nang lumayo - pero ayaw ko ring makita siya at mahuli at hindi na siya makita pa kung sakali. Mas gugustuhin kong sabay na lang kaming umalis.

"Wala naman akong nakikitang mga bodyguards," sabi ni Deus, pasilip-silip.

"Kung si Kuya Ulysses 'yan, siguradong walang bodyguards. Tinatakbuhan niya mga 'yon, eh."

"It runs in the blood pala talaga, ano?"

"Shut up."

Napalingon kami sa cashier dahil parang may sira. Hindi ma-punch 'yong kaha ng sigarilyo. Mas lalong nag-panic si Unica.

"Huwag na lang natin bilhin kung ayaw ma-punch," suggestion ko para mapabilis.

Tiningnan naman ako nang masama nila Deus at Unica na para bang may sinabi akong sobrang mali. Nagtaas ako ng dalawang kamay.

"Okay, okay - sorry." Nginitian ko si ate cashier. "Take your time lang po. Kailangan namin 'yan mabili."

Hindi naman kami mapakali.

"Mauna na kayo," sabi ni Deus sa amin. "Ako na lang dito."

"Mabuti pa nga!"

Agad tumakbo si Unica palayo. Nilingon ko si Deus na tumango lang sa akin at pinaalis na rin. Sinundan ko si Unica. Palingon-lingon kami hanggang makalabas papunta sa parking lot na parang mga wanted na huhulihin ng mga pulis. Pagkarating namin sa FX, naka-lock ang pinto. Katok nang katok si Unica na kulang na lang sirain niya ang pinto para makapasok siya.

"Asan sila?!" tanong ni Unica pagkabukas ni Jax ng pintuan. Siya na lang ang nandoon. Amoy na amoy din sa loob ang usok na sigurado akong hindi galing sa sigarilyo. "Shit ka, Jax. Hindi mo man lang pinaalis amoy ng juts?!"

"Aaahh, sorry," natatawa niyang sabi kahit walang nakakatawa. "Nasa mcdo sila. Nagugutom."

"Fuck." Napahawak si Unica sa noo. "Nagawa pa nilang kumain."

Habang nagpapanic si Unica, pumasok siya sa pinaka dulo at naupo sa tabi ni Jax para kuhanin ang phone niya sa bag. Tinatawagan niya 'yong mga umalis. Nahiga siya sa takot na baka makita siya sa bintana dahil binuksan ko lahat para paypayan palabas ang usok sa loob ng kotse.

Dumating si Deus nang nagtataka kung nasaan na ang mga tao.

Makalipas ng ilang minuto, dumating sila Pja, K, Amari at Herq, may hawak-hawak na mga takeout sa Mcdo.

"Tara na, tara na!" pagmamadali ni Unica. "Deus, take the wheel. Nagpa-panic ako."

"Alright."

"Hmmm?" pagtataka ni Amari habang kumakain ng french fries. Binigyan niya ako ng fries. Humindi ako kahit pinipilit niya. Nang kukuhanin ko sana, isinibo niya sa akin 'yong fries. "Sarap?" Ngiti niyang sabi habang ngumunguya ako. Napangiti na lang ako. "What happened kay 'Nics?"

"May tinataguan?"

"Bodyguards na naman?"

Base sa reaksyon nila, mukhang sanay na sila sa ganitong pangyayari. Napailing sila Amari Pja - at, nanlaki ang mata ko. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa legs ni Pja pero napa-double look talaga ako at napatitig.

"Teka, sensya na - tattoo pala 'yan?" bigla ko na lang natanong. Titig na titig ako sa kanang binti ni Pja. Nakikita ko na 'yong buong binti niya. Akala ko leggings, eh. May ganito si Cai na sobrang fit sa kanya at may design pero. . . tattoo 'yong kanya? Legit na tattoo?

"Full leg," sabi ni Pja at umikot pa siya para matingnan ko ang kabuuan. Nakng, grabe. Ang laki ng piece na tattoo na 'to. Grabe! Lumapit siya sa akin at tinaas ang paa, tumapak sa kotse. Nasa harap ko na 'yong binti niya. "Gusto mong hawakan?"

Nag-init bigla ang tainga ko pagkarinig ko n'on. Napalunok.

Hahawakan ko?

"A-Ano-"

"Manyakan na lang ba tayo dito ng katawan?" biglang singit ni Unica. "Hindi na tayo aalis? Malayo-layo pa ang Mindanao, baka sa sobrang bagal natin, Mindanao na lumapit papunta sa atin."

Tumawa si Amari. "Nagiging Tita of Manila talaga 'tong si Unica kapag nadedehado."

"Oy, 'Ja! Huwag mo namang dumihan 'yong kotse!" sigaw ni Deus na tinawanan ni Pja.

"Tekaaa, ang ingay niyooo. Nasaan si Boooob?" natatawang sabi ni Jax.

"Wala ba siya d'yan?" tanong ni Pja. Nilingon niya si Herq. "Akala ko ba bumalik na?"

Ngumiti si Herq at umiling. "Kailan pa nga ba nagkatotoo ang ating mga akala?"

"Kingina naman, Herq!" react ni Pja.

Tumatawang bumalik si Herq at K sa Mcdo. Makalipas ng ilang minuto, dumating sila kasama si Bob na nag-iinat at humihikab. Hindi ko maiwasang mapangiti sa halos silhouette outline nila galing sa Mcdo. Kitang-kita ang pagkakaiba nila dahil parang nagsasayaw ang paglalakad ni Bob, tapos 'yong dreads pa niyang nakatali pataas, kitang-kita. Habang si K na nasa kanan ni Bob, nakapamulsa lang sa jacket na suot at diretso lang. Pansin na pansin dahil pinaka matangkad sa tatlo. Si Herq sa kaliwa, naka-polo shirt na hanggang leeg ang nakabutones at diretso lang sa lakad. Ahh, bat ang angas nila tingnan?

"Saan ka galing?" tanong ni Deus.

"Natutulog pala," sabi ni K.

Ngumisi si Herq. "Haba na ng pila sa labas ng CR, tulog pala hinihintay."

"Pasensya na, mahmen. Antok na antok laanng." Natigil si Bob nang tumingin siya sa likod ni Amari. Kinusot pa niya 'yong mata niya at kumunot noo. "'Riiiii, binaril ka ba sa pweeeeet?"

"What?"

Tumatawa sa loob ng sasakyan si Jax.

"May dugo kaaaa."

"Oh, gods! Seriously?"

Tumingin si K. Tumango-tango.

"Shocks! Wala akong dalang napkin! 'Ja, samahan mo ako bili-"

"Mayroon ako," biglang sabi ni Deus na pinagtakahan ko. Hindi lang ako, pinagtakahan naming lahat nang kumuha siya sa bag niya ng napkin. Alam ko 'yon. With wings. Ganyan ang napkin na ginagamit nila Mama at Cai.

"Pareeee, bakit ka may napkiiinn?"

Nagkibit balikat si Deus.

Agad kumuha ng pamalit si Amari at umalis kasama si Pja.

Narinig ko naman mula sa loob ng sasakyan ang sinabi ni Unica. "Sige, sige. Mag-stay lang tayo rito. Dalaw na lang kayo sa lamay ko sa susunod."

Tumawa ulit si Jax sa likod, nababaliw na ata.

Pumasok na rin ako sa gitna, sa may bintana habang naghihintay. Si Deus ang nasa driver's seat at si Herq ang naupo sa shotgun. Tumabi si Bob kay Jax at habang wala pa si Pja at Amari, nakahiga lang si Unica doon sa likuran.

"Amoy na amoy kayo, Bob, Jax," sabi ni Unica.

"Gusto mo rin baaaa?" tanong ni Jax.

"Isa ka talaga sa mga huwaran kong kaibigan, eh no?"

"Oo naman, meeeen. Ako pa ba?"

Hindi pa kami nakakaalis sa parking, kumulog na. Nang umandar na ang sasakyan, nakakita na kami ng kidlat. Wala pang ilang segundo, bumuhas na ang napaka lakas na ulan. Malalaki ang patak, kumakatok sa bubungan ng FX.

"Mukhang delikado na sa daan," sabi ni Deus habang minamaniobra ang sasakyan. "Patila muna tayo ulan? Ang dilim na rin sa kalsada."

"Pag may nadaan tayong tutulugan. Gusto ko na rin maghapunan."

"Sa Sta. Rosa may Sogo Hotel."

"Ilang oras pa byahe?"

"Mga isang oras pa."

"Paano yong mga beer? Dadasalan pa ba natin?"

"Laro muna tayo please!" sabi ni Amari na nakasampa na sa upuan at nakatingin sa likuran, kanila Unica. Kumuha siya ng ilang yellowpaper at isang set ng makukulay na pen at binigyan kami ng tig iisa. "Two truths, one lie!"

"Anoooong kabaaaadingaaan 'yon, Amaaaariiii?" tanong ni Jax.

"Hindi 'to kabadingan, Jax, huwag mo itulad sa 'yo," sabi ni Amari at umirap kay Jax. Nagkaroon pa ng asaran bago tinuloy ni Amari ang sinasabi. "Basically, may turns tayo. Kailangan natin magsabi ng dalawang katotohanan at isang kasinungalingan. Tapos, sa mga papel, isusulat natin 'yong sa tingin nating kasinungalingan doon sa sinabi. No cheating! Kapag lahat nakahula ng lie, uubusin ng nagsabi yong isang beer. STRAIGHT. Kapag isa sa mga nanghula ang nagkamali, siya naman iinom ng straight na beer. Kapag maraming nagkamali, maraming iinom - basta dapat every round, mauubos ang isang bote ng beer."

"Wew," sabi ni Deus habang nagda-drive. "Patayan talaga gusto nitong si Amari."

Tumawa si Amari. "Hindi ka pwede Deus, ha. Sa 'yo nakasasalay ang buhay namin."

"Alam ko."

"Sasali ka, Herq," sabi ni Amari na nasa shot gun seat. "Walang KJ."

Tumango si Herq.

"Ikaw rin, Chino, ha?" Ang bait ng ngiti sa akin ni Amari. . .

. . . na agad napansin ni Jax. "Kaaaaarteehaaan."

Umirap si Amari. Kinulit siya ni Jax. Nag-ehem nang malakas si Unica.

"Game."

Nagmaiba taya kami para malaman kung sinong mauuna at sinong mahuhuli. Matapos ng ilang pagsasabi ng "madaya!", napagdesisyunan na kung sinong mauuna at sinong mahuhuli.

Herq - Jax - Bob - Ako - Unica - Pja - K - Amari

"Makikitawa at makikichismis na lang ako," natatawang sabi ni Deus.

Nagsimula si Herq, taimtim kaming nakinig. Naka-ready na rin ang mga pilas ng papel para masulat kung ano ang kasinungalingan sa mga sinabi niya.

"A. Isang babaeng naka-one night stand ko ang dahilan kung bakit nahumaling ako sa spoken words.

B. Ang tattoo ng pangalan ng babae sa likuran ko ay ang girl friend kong namatay sa cancer.

C. Mababasa sa braso ko ang linyang, mata sa langit, paa sa lupa na galing sa idolo kong pinoy artist."

Ang hirap mamili. . .parang lahat totoo. Nang mapansin kong nagsusulat na sila ng mga letter, napatingin ako kay K at sa papel niya. Agad pumikit. No cheating daw. Bahala na. Maliit ang pangalan ko sa papel. Sinulat ko rin ang letter A bilang kasinungalingan.

Nilagay namin ang tiniklop na papel sa tiniklop na yellowpaper para maging kahon.

"Ang kasinungalingan ay B," sabi ni Herq. "Ang naka-ink sa likuran ko ay pangalan ng babaeng kumupkop sa akin."

Nakng, mali ako. Binuksan isa-isa ni Amari ang mga papel at binasa ang mga pangalan namin at sagot. Lahat kami mali, si Bob lang ang tama.

Agad-agad ang pagsasalo-salo namin sa isang bote ng beer. Tungga-tungga. Pasa-pasahan. Ginamit ni Pja ang ngipin niya pangbukas ng bote.

Si Jax ang sumunod.

"A. Si Amari aaaang nagturo sa aaaakiiin ng. . . seeeeex."

Biglang nanlaki ang mata ni Amari at pinagpapapalo si Jax na tumatawa lang.

"Guilty," sabi ni Deus. "Oh, alam niyo nang totoo 'yong A."

"SEx as in Sinangag Express kaya!"

Tumango-tango si Unica, hawak ang ubos na bote. "Sige. Naniniwala kami."

Ngiting-ngiti si Jax habang tinutuloy ang sinasabi. "B. Aaaaang paboritooonngg posisyon ni Amaaaaari aaaay-"

"SHUT UP, JAX!"

Ako ang napangiwi sa sakit siguro ng pagsabunot ni Amari kay Jax. Halos matanggal na 'yong ulo ni Jax! Ilang beses nang nagsisisigaw si Amari na kung may makakarinig sa amin sa labas, siguradong may iniisip na silang may nangyayaring kakaiba sa loob ng kotse. Natatawa na rin kami sa nangyayari pero mas malakas ang tawa at hilo ni Jax.

"Mukhang mas lumakas ang tama dahil kaka-smoke lang," sabi ni Unica habang pinagmamasdan si Jax na halos matulog na sa balikat ni Bob.

"Moving forward!"

"Bob! Ikaw na."

Ngumiti nang malawak si Bob. "Ehem. Ehem. A. Ilang beses nang pumasok sa isip kong magpa-skinhead dahil nabibigatan na ako sa dreads ko.

B. Stoner man daw ako, hindi ako gumagamit ng mga may chemical. Laging halaman lang."

C. Nagturo sa akin mag-smoke ay yong mama ko, noong nine years old ako."

Gusto kong maging kasinungalingan ang C kaya 'yon ang pinili at sinulat ko sa papel. . .ngunit laking gulat ko na isang katotohanan ang letter C. Kasinungalingan ang letter A.

Tatlo ang nagkamali. Si K, ako at si Amari. Kami ang nag-ubos ng isang bote ng beer. Nagsisimula nang mag-init ang katawan ko dahil sa alak.

"OMG, Chino! Ikaw na!" sabik na sabi ni Amari. "Exciting!"

Napalunok at kinabahan ako nang tingnan nila akong lahat. Napatingin ako kay Unica nakangisi rin sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko.

Uh. . .ano nga bang sasabihin ko?

"A. Uh. . ."

"Uhh?" sabi ni Amari.

Tiningnan ako nang mataman ni K.

"Sige, 'tol. Kaya mo 'yan," natatawang sabi ni Deus.

Ano bang magandang sabihin?

"A. Nanonood ako ng porno once a week."

Nakita kong ngumisi si Unica. Ano pa ba?

"B. First kiss ko ang girl friend ko noong highschool na niligawan ko nang dalawang taon."

Tumaas naman ang kilay ni Unica.

"C. Nasasarapan ako sa SEx."

Nagtawanan sila sa huling sinabi ko. Kinakabahan ako habang nagsusulat na sila ng mga sagot nilang kasinungalingan habang si Unica, nakatingin sa akin. Pinagmamasdan ako. Para bang inaalam niya gamit ang titig kung ano ang kasinungalingan at dalawang katotohanan.

Pinagmasdan ko ang pagsusulat niya. Ano kayang iniisip niyang kasinungalingan ko?

Si Amari ang nagsabi. Lahat sila, letter B ang sagot.

"Bakit B lahat sagot niyo?" takang tanong ko.

"Baka dahil mukha kang tigang kaya kapani-paniwalang nanonood ka ng porno once every week," natatawang sabi ni Deus kahit hindi siya kasali sa pinaka laro "At alam naming Sinangag Express ang pinapahiwatig mo sa SEx. Kung hindi man. . . lahat naman ata nasasarapan sa sex."

Nagtawanan ang lahat.

"Ikaw rin ang tipo na mukhang nanliligaw talaga ng dalawang taon pero. . ."

"Nagka-girlfriend ka na ba?" tanong ni Pja.

"Uh-oo?"

"Nakwento mo sa akin yung girl friend. Pinagtripan niyo pero pinili ko pa rinyong B," sabi ni Unica. "Kasi mukhang wala ka pang first kiss. Tama ba ako?"

Naaalala pala niya yong kwento ko noon?

Lumawak ang ngiti ni Amari. "I volunteer!" tinaas pa niya kamay niya, parang inaabot ako kahit nakapagitna sa amin si K.

Kinuha ko ang bote na binuksan ni PJa at ininom ang beer. Straight. Pakiramdam ko nga nalulunod na ako. Sobrang init na rin ng pakiramdam ko at naiihi na.

Sumunod si Unica.

"A. Nagpepaint ako.

B. Wala akong tattoo sa katawan.

C. Marami akong body piercings."

"Kingina mo, Unica, anong kagaguhan 'yan!" natatawang sabi ni PJa. "Ayusin mo!"

"Maayos naman, ah!"

Nangingiti naman si Jax na natutulog sa balikat ni Bob. Nangingiti rin si K pero nakita kong sinulat niya sa papel ang letrang B bilang kasinungalingan.

"Hay nako, Nica. C'mon. Make it more juicy. Explicit. Dali!"

Bumuntonghininga si Unica. Nagtama ang tingin namin saka siya ngumisi at nagsalita.

"A. Nakipag-sex na ako. Isang buong araw. Ang tigil lang namin ay breakfast, lunch at dinner."

Tumawa sila habang napakunot ang noo ko roon.

Oh?

"B. Nasuspend ako noong gradeschool dahil napahawak ako ng ari ng lalaki kong kaklase."

OH?

"C. Nakasuntok na ako ng babae dahil akala niya inaagaw ko sa kanya 'yong kuya ko. Akala niya 'pokpok' ako ng kuya ko. Inang yon."

Bakit ba parang lahat ng sinabi niya, totoo?

Sumilip ako sa sinusulat ni K pero natapos siya agad kaya hindi ko nakita ang sagot niya. Anong kasinungalingan doon? Ano ang katotohanan?

Nilagay kong kasinungalingan ay letrang C.

Laking gulat ko na lahat ng humula ay tama sa letrang A.

"Tangina, sinong iba ang sagot?"

"Si Chino?" takang sagot ni Amari.

Kinuha ni Unica ang papel at binasa ang sagot ko. "Seryoso ka ba? Akala mo nakipag-sex ako ng isang buong araw?"

Kalahating araw lang ba? Ah, ano ba dapat kong sabihin.

"Sensya na."

Binato sa akin ni Unica 'yong maliit na papel na may sagot ko at pinainom sa akin 'yong isang bote ng beer. Straight. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos dahil pinatigil ko ang kotse at nagsususuka na ako saka ulit umandar.

"Malapit na tayo sa sogo, kaunting hintay na lang, 'No."

Tumango-tango ako habang pinapatay na ako ng sakit ng ulo. Binigyan din ako ng white flower ni Deus para amuyin. Lalo na't maingay pa rin sila habang naglalaro ng truth lie na 'yan.

Nakaisang suka pa ako ulit bago ako medyo nahimasmasan. Sumasakit ang ulo kong pumasok sa sogo. Ngiting-ngiti ako sa babaeng nasa counter at sa magsyotang kinakausap ng nasa counter.

"Hi," sabi ko sa kanila habang ngiting-ngiti.

Makikipag-usap pa sana ako pero may humatak na sa akin palayo. Papunta sa elevator. Si Unica. "Lumayo-layo sa dalawang 'yon baka magulat na lang kami, nakikipag threesome ka na."

Natawa ako. "Threesome. . ."

"May tama na naman ang tropa natin."

Tulog agad ako pagkahiga sa kama. Nagising na lang ako sa biglaang malakas na hilik ni Deus sa tabi ko. Lumingon ako sa paligid ng kwarto. Wala yong mga babae. Wala si Unica.

Binuksan ko ang phone ko. 4am.

Naligo muna ako para mahimasmasan. Habang nagsasabon, di ko maiwasang manibago. Parang hindi katawan ko ang hawak ko. Sa ibang balat. Masyadong. . . makinis. Nakaramdam ako ng gutom pagkatapos pero hinayaan ko na. Kakain naman kami mamaya. Kinuha ko ang phone ko saka nahiga at napakunot noo dahil nag-miss call si Unica ilang minuto lang nakakaraan.


To Babaeng Gangster

Nagmiss call ka? Gising ka pa?


Hindi siya nag-reply agad kaya akala ko namamalikmata ako o baka napindot lang niya. Mga sampung minuto pa ang lumipas bago ako nakakuha ng reply.


Babaeng Gangster

Nagising ka?

To Babaeng Gangster

Kakaligo ko lang. Di ko napansin 'yong tawag.


Limang minuto bago siya nag-reply.


Babaeng Gangster

Okay.


Limang minuto siya nag-reply. . .at sinabi lang niya ay 'okay'?! Anong klaseng reply 'yon?


To Babaeng Gangster

Ayos ka lang?

Babaeng Gangster

Ikaw dapat tinatanong n'yan. Muntik ka na makipag threesome sa magshota kanina.


Kinabahan ako saglit at saka natawa.


To Babaeng Gangster

Hindi naman natuloy di ba? ;)

Babaeng Gangster

Sino ka at anong ginawa mo sa totoong may-ari ng phone n'yan?


Natawa ako. Hindi na ako lasing. Alam kong wala na akong tama. Pero bakit ang gaan-gaan lang sa pakiramdam ng salitan ng text na to?


To Babaeng Gangster

Paano ang daya ng laro kanina.

Babaeng Gangster

Kasalanan mo yan eh.

To Babaeng Gangster

Malay ko ba.

Babaeng Gangster

Malay mo ba ang alin?


Napabalikwas ako ng higa dahil biglang pumatong ang binti ni Deus sa akin.


Babaeng Gangster

Na di ako nakipag-sex ng buong isang araw? :P

To Babaeng Gangster

Sensya na. Hindi ko lang din nakitang 'pokpok' ituturing sayo.

Babaeng Gangster

Lul. Excuse mo lang yon. Akala mo ba nakikipag-sex ako?


Tinanggal ko sa isip ang sinabi niya last time tungkol doon na sinama ko pa siya sa Sinangag Express para pakainin.


To Babaeng Gangster

Hindi naman...

Babaeng Gangster

Cute mo magtext e no. Sobrang obvious na unsure ka.


Napangisi ako. Pero nawala rin.


To Babaeng Gangster

Siguro hindi lang talaga kita kilala.

To Babaeng Gangster

Ayaw mo ipakilala sarili mo eh.


Tutok na tutok ako sa screen ko. Naghihintay ng text. Naghihintay ng ire-reply niya. Pero wala. Isang minuto. Lima. Sampu. Magkikinse minuto na ang lumipas nang mapatingin ako sa pintuan ng kwarto namin. Sumabay sa malakas na pagsinghot ni Herq sa kabilang kama.

Tumitig lang ako sa pinto.

Mahinang katok.

Napatingin ako sa phone ko. Tumatawag si Unica. Agad ko 'yong sinagot.

"Buksan mo pinto," sabi niya sa kabilang linya kaya agad akong bumangon sa kama. Pagkabukas ko ng pintuan, nakatayo siya sa harap ko. "Ready ka na?" tanong niya sa harap ko kahit magkausap pa rin kami sa phone.

"Mas makikilala na ba kita?" tanong ko.

"Depende," bulong niya sa phone na rinig ko sa earpiece. "Nakaisip ka na ba ng mga tamang itatanong?"

Napangiti ako. "Gusto mong kumain?"

"Tamang tanong 'yan," sabi niya habang nakangiti. "Basta libre mo."

"Aw." Kinuha ko agad ang tsinelas ko sa bag. "Magwiwithdraw muna ako."

"Walang ATM."

"Eh di walang libre."

Tumawa si Unica roon at siniko ako sa tagiliran. Pabiro akong nasaktan na inirapan lang niya. Sinara ko ang pintuan ng kwarto habang hawak pa rin ang phone.

"Simulan ko na magtanong?"

Hinawakan ni Unica ang braso ko at pinakiramdamam 'yon. "Sayang naman pagkakinis mo kung hindi ka magtatanong," natatawa niyang sabi.

Kinilabutan ako. . .kung may tataas pa bang balahibo sa katawan ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba 'yon sa hawak niya o sa mahina niyang tawa na rinig na rinig dahil na-magnify ng cellphone.

Binaba na namin ang phone habang naglalakad kami sa hallway.

"Anong paborito mong kulay?" unang tanong ko.

"Shades of brown and flesh. Ikaw?"

"Blue."

"Typical. Boring. Safe."

"Alam ko." Tumawa ako. Lumiko kami papuntang elevator saka ako tumingin sa kanya mula sa repleksyon ng salamin. Nakatingin lang din siya sa akin, nakangiti, handa na sumagot sa lahat ng tanong ko. "Kaya sunod kong tanong. . ."

"Ano?"

Bumukas ang elevator. Pumasok kami. Nagsara.

"Bakit mo nga ba ako kinausap nung umpisa pa lang, Unica?"


; x ;

Ito na ang simulaaaaaaa~ ish. Wait, anong simula? ANONG. SI. MU. LA????? insert evil laugh here.

Starting point: Metro Manila

Destination: Mt. Apo sa Davao

Ito ang road trip Philippine map natin at kasalukuyan silang nasa Sta. Rosa Laguna

Malayo-layo pa ang paglalakbay. Ano kaya mga mangyayari sa roadtrip nila lalo na't hindi naaayon ang lahat sa ating plano? Hmmm.

Pero syempre joke lang dahil pinapaasa ko lang kayo. . . . . or not. HAHAHA.

Unedited again. Word vomit again. Thank you for waiting and reading!

Asking for update in a respectable manner is okay. Great. I'll deal with. Magsasaya pa ako dahil may naghihintay pa rin ng updates ko. Demanding for update is not. Especially if you only messaged me and commented just to complain I don't update everyday. Kalma lang, beh. Gustuhin ko man, hindi talaga kinakaya. Free time is hard to find esp if you're working, doing lots of things and graduating while maintaining your sanity.

Maraming salamat! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro