13. A Symbol Solution

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Do not be tricked by what you see now, sometimes the most unimanginable thing is the truth!"

-Shinichi Kudo

-----

Chapter 13:
A Symbol Solution

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Naabutan ko pa lamang ang mga yapak niya nang huminto ito at pumihit pabalik.

"Sir Jerick, wala naman po bang nakitang umaaligid-ligid dito?" tanong niya na nakaharap sa lalaki.

"And most importantly, why are you seeking our help and not the police?" singit ko na lamang na napabalik din sa kanila.

Napatingin sa akin ang lalaki at saka nilapitan si Raine. "Kaibigan mo ba?" Narinig kong bulong niya sa kasamahan ko.

"Ah, opo," sagot ni Raine sabay bigay ng isang ngiti rito.

"Well, to answer your question, Mr...?"

"Nuñez. Zane Nuñez," wika ko rito.

"To answer your question, Mr. Nuñez, Raine here is a good friend of mine," sagot ni Sir Jerick. "Matagal na akong tinutulungan ng mga De Verra."

Nang masambit niya ang tungkol sa pamilya ni Raine ay pumasok sa isipan ko ang panibagong mga tanong tungkol sa aking kasamahan. Para bang kilalang-kilala na niya ako subalit hindi ko naman siya makila-kilala.

"At bakit siya ang tinawag ko? Dahil iyon sa kutob ko pa lamang ang mga ito – walang krimen, tanging ang kakaibang simbolong iyan," dagdag pa niya.

Nanahimik na lamang ako at hinayaan na lamang silang gawin kung ano ang nais nila. Bahala na sila basta ako, wala akong kinalaman.

Umupo si Sir Jerick sa kaniyang upuang umiikot at saka binuksan ang sarili niyang computer sa harapan ng mga cubicle. "Hindi lang iyan ang pinoproblema ko dahil ang nakita ko sa CCTV footage, kanina lamang iyan dumating dito."

Ipinakita niya sa amin ang nakuhanan ng CCTV. Doon ay wala nang tao sa loob ng silid. Ang tanging nakita ko lamang ay ang umiikot na security guard na kita sa iba't ibang security camera sa gusali.

Pagpasok nito sa silid na kasalukuyang kinatatayuan namin ay kita naming isinirado niya ang pintuan. Subalit bago pa man ito ma-lock ay nabalutan ng dilim ang buong paligid. Limang CCTV ang naroon sa silid at lahat sila ay nagdilim.

Handa na sana akong makita kung ano ang mangyayari nang isang kamay ang nagpunta sa keyboard saka pinindot ang Space na nagpatigil sa video. "Huwag kayong pipikit. Tingnan niyo kung anong mangyayari," wika ng may-ari ng kamay na iyon na si Sir Jerick.

"Bakit? Anong prob–" tanong ko sa aking sarili na agad namang natigil nang muli niyang pinagalaw ang video.

"Dalawang minutong nag-brownout," sambit ko pa.

"Power interruption," sabay na wika ng dalawa na naharap sa akin ang mga titig na para bang may nasabi akong mali.

"M-May nasabi po ba akong bawal dito?"

"Power interruption ang nangyari. Ang brownout ay kaunting pagbawas lang ng boltahe ng kuryente," pagpapaliwanag ni Sir Jerick.

"Ah, okay po." Dapat ay hindi na lang ako nagsalita.

Nagpatuloy lamang ang video at napansin ko ngang naroon na ang papel na may nakasulat na simbolo.

Sa muli ay may isang kamay na napadpad sa lamesa na sa pagkakataong iyon ay mouse naman ang hinawakan. Ibinalik niya sa dalawang minuto ang video.

12:05 a.m.

Bumalik sa alaala kong habang nakahiga ako sa kama sa loob ng apartment ay bigla na lamang  dumilim. Sa mga oras na iyon ay kinuha ko ang aking selpon at nagbasa na lang muli ng komiks para aliwin ang sarili.

Makalipas ang dalawang minuto ay wala na ang guwardya sa dati niyang kinatatayuan at nakatayo na ito sa may parteng ibaba ng gusali.

"Nasaan po yung guwardiya?" tanong ni Raine.

"Wait lang, Raine. Hindi ka pulis, hindi ba? Sa tingin mo ba ay ayos lang na basta-basta ka na lang mangingealam? Paano kung may masama palang kaganapan dito."

"Wala namang masama sa pagtatanong," sagot ni Sir Jerick sa akin.

Nang dahil sa siya na naman ang sumagot ay muli ko na lamang tinikom ang aking bibig.

"Anyways, she told me that she can't come today because she's leaving now for Hong Kong as an OFW," dagdag pa nito na nabaling na kay Raine ang atensiyon.

"Part-time lang pala siya rito," wika ni Raine sa sarili.

"Siya muna ang pumalit sa kapatid niyang security guard noong nagpagaling muna ito matapos maospital," sambit ni Sir Jerick.

"Ah... Akala ko po kasama ni Ma'am, na kapangalan ko pero may isang R lang sa pangalan, noong pumunta ito sa London," wika pa ni Raine habang nagmamasid-masid sa silid.

"Paano mo naman nasabi iyon? Dahil ba wala siya rito?" tanong ni Mr. Jerick.

"Nakita ko lang po na may keychain na nandiyan sa mesa mo na may pirma ni Ms. L," sagot niya. "At saka nakita ko lang po ang post niya sa website niya kanina na nakabalik na siya sa Pilipinas."

Kapwa kami napatingin ni Sir Jerick sa mesa at naroon nga ang sinasabi ni Raine. May maliit na keychain ng Big Ben na naroon na may kasamang pirma sa isang strawberry-designed na sticky note. Sa may gilid naman nito ay mayroong litrato ng isang lugar na mayroong nakasulat na 221B sa pintuan.

"Kung nagkakaroon ka na po ng atraksiyon sa kaniya ay huwag niyo na pong ituloy. Wala pa po siyang plano sa paghahanap ng kapareha," bigla na lamang sambit ng kasama ko.

Is she serious about that? Ano bang iniisip niya?

"Matalik ko lang siyang kaibigan," wika ng napatawang si Sir Jerick. "Natutuwa lang ako na binigyan niya ako ng souvenir galing sa lugar na pinapangarap kong puntahan nang hindi dahil sa pagtatrabaho."

Napangiti na lamang si Raine. "Nagbibiro lang po ako," wika nito. "Now, excuse me po. I'll just need to look for something."

Iniusog ni Sir Jerick ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtulak ng kaniyang upuan gamit ang paa. "Actually, that is precisely what I need," dagdag ng kasamahan kong nakatingin pa rin kay Jerick. Tumayo naman ito at saka ibinigay sa kaniya ang upuan.

Umupo lamang doon si Raine at saka iniurong nang bahagya ang upuan base sa posisyon nito kagabi gamit ang video sa CCTV.

Pagtingin ko na lamang sa likuran namin ay mayroong mga matang nakatutok sa amin. Nakaupo lamang siya roon habang nakapatong ang dalawang siko sa mesa at nakasandal naman sa magkahawak na kamay ang kaniyang ulo.

Habang wala akong ginagawa ay mas inaatake ako ng antok na unti-unti na akong sinisingil ng utang kong tulog kagabi. Upang mabuhay-buhayam man lamang ay naisipan ko na munang maglibot-libot.

May tatlong cubicle bago ang may simbolong computer. Kapag tiningnan sa apat na anggulo ay wala nang iba pang makakakita nito kung hindi lalapitan ang pwestong iyon. Nasa dulo ito at nasa may pinakagilid na parte ng silid sa kaliwa. Nakatapat din ito sa bintana.

May tatlong sticky note na naroon subalit mayroong isang may nakasulat na isang pamilyar na simbolong para bang kinakatawan ng tatlong linya. Isang linya pakaliwa at isa naman na linya ang kumabit dito pakanan. Sa taas ng parang bukas na tatsulok na ito ay isang maliit na patayong linya.

Malinis ang mesa nito at may mga papeles na nakaayos sa gilid ng lamesa.

"Naka-lock po ba ang mga bintana noong mga sandaling iyon?" Kahit na mahina ay rinig ko pa ang usapan ng dalawa. "Kailangan niyo na po talagang ayusin ang pagbabantay rito. Kapag nalaman ito ni Ms. L. baka bawiin niya po ang regalo niya sa iyo."

Tumayo na siya at sa wakas ay lumapit na rin sa kinatatayuan ko. "Hinawakan mo?" tanong niya.

"Wala akong hinawakan diyan, 'no!" depensa ko.

Mula sa kaniyang bulsa ay may kinuha siyang maliit na bagay na hugis bilog. Pagbukas niya rito ay mayroong isang maliit na magnifier lens na kasinglaki lang ng bagong sampung piso.

Itinapat niya ang lens sa computer screen. Maya-maya lamang ay tinigilan niya na ito.

"Wala namang kakaiba rito," sagot na lamang niya. "Kailangan na po naming umuwi, Sir."

"O sige. Salamat sa kaunting oras," sagot ni Sir Jerick.

Naglakad kaming muli papunta sa elevator. Sumama sa amin si Mr. Jerick hanggang sa makarating kami sa may labasan. Puro lang sila kuwentuhan tungkol sa mga business na hindi ko naman malaman dahil ang gusto lang ng utak ko sa mga oras na iyon ay matulog at magpahinga.

"Sana wala naman talagang nangyari o mangyayaring masama," wika ni Sir Jerick habang binubuksan ang pinto para sa amin.

"Sana nga po pero huwag po kayong magpapakasigurado. Kahit sino sa inyo ay pwedeng maging suspek, kahit na kayo," pabulong na wika ni Raine sa pabirong tono.

"Sa oras na madagdagan pa ang mga kahina-hinala rito ay sasabihan na lang kita," dagdag pa ni Sir Jerick.

࿐ ࿔*:・゚

Matapos nga ang munting pagkaligaw ay nakabalik na kami sa apartment. Gusto ko man sana siyang kausapin habang nasa loob ng sasakyan pauwi para hindi ako masyadong makaramdam ng antok subalit kita kong para bang malalim na naman ang iniisip niya.

Pagdating namin ay nagpalit na ako ng damit upang makapagluto na. Sa loob ng refrigerator ay naroon pa ang manok na ipinamili ni Ate kay Tita.

"Uy, ice cream!" Mula sa freezer ay nakita ko ang isang container na pinaglalagyan ng ice cream na may lasang tsokolate. Handa na sana akong humingi kay Raine kahit ano pa ang sabihin niya subalit pagbukas ko rito ay ang tira lang pala ng adobo kagabi ang laman nito.

"Initin mo na lang iyan. Yan ang kakainin natin mamaya kasi hindi ka bumili ng grocery." Mula sa kaniyang kuwarto ay lumabas si Raine na nakapagpalit na rin.

Seryoso ba siya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro