𓆩ꨄ︎𓆪12. Rush Hour

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"The strong one doesn't win. The one that wins is strong."

-Shinichi Kudo

-----

Chapter 12:
Rush Hour

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Snacks para sa recess," sambit ko sa aking sarili habang nakatitig sa listahan. "Ano pa ba?"

"How about notebooks? Papers? Wala tayo sa supermarket kaya mamaya mo na yan isipin." Sa aking harapan ay sumulpot ang kasama kong may dala-dalang mangilan-ngilang notebook. Lumapit siya sa akin at saka inilagay sa dala-dala kong basket ang mga ito.

"Ah! Nag-iisip lang ako ng bibilhin PAGKATAPOS natin dito," palusot ko na lamang.

Masakit ang aking ulo at para bang medyo umiikot ang mundong ginagalawan ko. Bukod doon ay para bang madalas lumipad ang aking isip.

"Tara na. Magluluto pa tayo mamaya ng makakain," wika niya.

"Pero paano ang sa akin?"

"Kanina ka pa nakatayo riyan pero hindi ka pa nakakakuha?" Humarap siya sa akin at saka ko nakitang nakataas ang kaniyang kilay. "Snacks ba ang naiisip mo o dahil lang ba sa hindi ka naka-"

"Got them!" I immediately interrupted as I took some random notebooks from the shelves. "Bayaran na natin para makauwi na tayo. Saan ba ang counter?"

"That would be this way." Nagsimula muli siyang maglakad palayo at doon na nga kami nakarating sa lugar kung saan ito babayaran.

"Ito," wika ni Raine habang inaabot sa akin ang kaniyang isang daang piso. "Isabay mo na ang bayad ng sa akin."

Kahit na ako na nga ang may dala-dala ng basket na pinaglagyan ng pinagsamang gamit na bibilhin namin ay kinuha ko na lang ang pera niya. "Mamaya na lang kita babayaran."

Pagkabalik niya sa bulsa ng kaniyang pitaka ay tumayo lamang siya sa harapan ko hanggang sa kami na nga ang nasa harapan ng counter. Pagkatapos maibigay ng bayad ay ako na lang ang nagbuhat para naman hindi sa kaniya nakakahiya.

"Nasaan na ang number natin?" Handa na sana akong umuwi nang bigla na lamang siyang huminto sa harapan ko bago pa man ako makalayo mula sa counter.

"Number?"

"Baggage claim ticket? No. 5?" sagot niya sa akin.

"Ah! Oo nga pala!" Sa aking bulsa ay hinanap ko kung saan ko ito nilagay kanina. Kahit na nahihirapan ay tiningnan niya lang ako.

"Nawawala ano?"

Tanging ang pitaka ko lang ang naroon sa bulsa ko. Paglipat ko sa isa pa ay wala itong laman. "Pahawak nga." Ibinigay ko muna sa kaniya ang pinamili namin at doon lang nga siya tumulong sa wakas.

"Nawawala?" pag-ulit nito.

Binuksan ko ang aking pitaka subalit wala ito. Sa muli ay naramdaman kong muli ang pangamba sa aking dibdib – hindi man kasing-tindi ng kagabi subalit nagdulot pa rin ng malakas na pagtibok ng aking puso.

"Nandiyan ba sa iyo?" tanong ko, nagbabakasakaling naroon nga sa kaniya.

"Pahawak." Sa muli ay nabalik ulit sa akin ang aming mabigat na pinamili. Tiningnan niya ang dalawang bulsa sa kaniyang kulay mint green na trousers. "Wala rin sa akin."

Mas bumilis pa ang pagtibok ng aking puso, hindi na alam kung ano ang susunod na gagawin.

Naglakad pabalik si Raine sa pinanggalingan namin at sumunod din naman ako. "Doon ka sa kanan, dito naman ako sa kabila."

And so, the hunt began. Kung saan-saan kami naghanap subalit hindi na namin ito nahanap. Sa huli ay napabayad na lang ako ng limampung piso.

࿐ ࿔*:・゚

"Inaantok ka nga," wika niya pagkalabas namin sa supermarket. Habang naglalakad ay ako pa rin ang may hawak ng mga pinamili namin.

Magkahalong inis at panghihinayang ang namayani sa aking isipan. "Bakit naman kasi kape ang inorder mo kagabi?" dagdag pa niya na nagpadagdag pa sa iniisip ko. Sa mga oras na iyon ay napansin ko pa lamang na nauna na pala siya sa akin.

"Oo na–" Sa oras na nahabol ko siya at lumapag ang mga mata ko sa kaniya ay isang pamilyar na bagay ay pumukaw sa aking atensiyon. Agad kong kinapa ang mga bulsa ko at nalamang may nawawala sa akin. "Selpon ko ba yan?"

"Naiwan ko sa akin doon sa apartment. Naka-charge dahil lowbat," sagot niya na nakatingin sa screen.

"Paano mo naman nabuksan iyan?"

"Pinindot ko lang ang buton para magbukas ang screen–"

"Paano mo nalaman ang password ko?" I interrupted, eyes furrowed.

"Birthday mo ang password mo? Palitan mo nga–"

"Akin na nga iyan!" Agad kong inalis sa kaniyang kamay ang aking selpon at saka ibinalik iyon sa aking bulsa.

"Sana hindi na ito mawala. Naku naman!" wika ko sa aking sarili. "Nabawasan na naman ako ng allowance."

"May pupuntahan lang ako saglit. Samahan mo ako." Kinuha niya ang aking braso at saka niya ako hinila. Huminto siya sa gilid ng kalsada at isang traysikel ang pumara.

"Innotech po," wika niya sabay pasok sa loob.

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba nagmamadali kang umuwi dahil magluluto pa?" Tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ko habang nakatingin sa mga dinaanan naming lugar.

Nakaupo lamang siya roon hanggang sa huminto kami sa harapan ng isang napakalaking gusali.

"Bayad po. Salamat." Nauna akong bumaba at doon ko na nga mas nalapitan pa ang gusaling mayroong maraming palapag.

"Tara na." Sa muli ay naunahan na naman niya ako sa paglalakad. Wala naman akong nagawa kung hindi ay sundan na lamang siya.

"Sandali, paano ang bayad ko? Y-Yung sukli mo pala hindi ko pa nababalik!" Binilisan ko na lamang ang lakad ko subalit nauna na siya sa loob.

Isang gawa sa salamin na pintuan ang humarang sa pagitan naming dalawa. Patuloy lamang siyang naglakad subalit naiwan pa rin naman ako na dala-dala ang pinamili namin.

"Push," pagbasa ko sa nakasulat sa may pintuan.

Lumapit ako at saka ko rito ibinigay ang lakas ko. Tinulak ko ito nang tinulak subalit hindi pa rin sapat ang nabuksang siwang para makapasok ako.

"Mukhang hindi nakakain si Kuya, a." Sa aking harapan ay may isang babaeng nakasuot ng pang-business attire. Kinuha niya ang hawakan at saka ito binuksan para sa akin.

"Salamat po," wika ko na lamang.

Nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi noong naglakad na ako palayo. "Bakit pa ba ako sumama kung hindi niya naman ako hihintayin?" sambit ko sa aking sarili habang binibilisan ang paglalakad.

Pagkanan ko ay doon ko siya nakitang nakatayo at nakaharap sa akin. "Sa wakas!" sarkastiko niyang wika.

"Ang bilis mong maglakad. Ano bang ginagawa natin dito? Bakit kailangan pang nandito ako?"

"Kailangan kita para kunin ang atensiyon ng babae doon sa counter," wika niya sabay senyas gamit ang mata doon sa isang babaeng nakatayo nga sa counter sa may dulo ng pasilyo.

"Bakit ako pa?"

"Sige na," pakiusap nito. "Sabihin mo lang sa kaniya ang pangalan ko."

"Bakit ako pa?" pag-ulit ko.

"Nahihiya ako, e," sagot niya na para bang totoo naman base sa kaniyang ekspresyon sa mukha.

"Yung buo ba?" muli kong tanong.

"Raine de Verra lang. Ang haba naman ng sinasabi mong iyon," sagot niya.

"So... that's it? Yun lang ang sasabihin ko?" tanong ko pa.

"At kung tanungin ka naman kung ano ang gagawin natin, sabihin mo lang ang mga salitang: Pinatawag kami ni Mr. Jerick. Importante raw," sagot niya.

"Mr. Jerick? Sino yun?"

"Sige na. Makikita mo naman siya mamaya." Kinuha niya ang dala-dala ko at itinulak ako palapit sa babaeng nabaling agad sa akin ang tingin.

Kung hindi lang dahil sa kinuha niya ang dala-dala ko at nilibre niya ako ng pamasahe papunta rito ay mas gugustuhin kong umuwi na lang at humiga sa kama.

"Sabihin mo na," pasimpleng bulong ni Raine sa akin.

"Yes, Ma'am, Sir? How can I help you?" tanong ng babae, na nakapang-business attire rin, sa akin.

"Uh... Raine de Verra," wika ko sa kaniya.

"Raine de Verra? What would you like me to do for you, dear?" tanong pa niya.

"Pinatawag kami ni Mr. Erick–"

"Jerick," agad na pagputol sa aking sinabi ni Raine. Pasimple lamang siyang tumayo sa tabi ko at nakangiti habang nakatingin sa babaeng nasa harapan namin.

"Pinatawag kami ni Mr. Jerick," muli kong banggit. "Importante raw... po."

"7th floor. 3rd room," sagot ng babae sa akin na nakaturo sa may elevator.

"Thank you po." Nagsimula nang maglakad si Raine at sumunod naman ako. Naglakad siya hanggang sa pasukan ng elevator na agad namang bumukas.

"Sosyal," sambit ko sa aking sariling ngayon pa lang makararanas ng bagay na iyon.

Maya-maya lamang ay nagsimula na ngang magparamdam sa akin ang pagkahilo at para bang paglipad ng aking katawan. "O, para may kayakap ka at maibsan ang takot mo." Sa pangatlong pagkakataon, ako na naman ang may dala ng mabigat na pinamili namin.

We arrived at the location mentioned by the woman, where a man dressed in a tuxedo and an expensive watch greeted us in a rather large room.

"Raine!" bulalas nito.

"Hello, Sir Jerick," kalmadong sagot ni Raine na nakipagkamay rito.

Sa loob ng silid ay mayroong mga cubicles kung saan naroon ang mga taong nagta-type sa kanila-kanilang mga computer. Iba-iba ang posisyon nila subalit kita kong kahit na ganoon ang trabaho ay mukhang nakakatulog naman sila nang maayos.

"Buti naman at nakarating ka," wika pa ng lalaking tinatawag na Jerick. "Sino naman itong kasama mong ito?"

"Kasama ko lang po," sagot niya. "Bakit niyo po ako ipinatawag?"

Nagsimula kaming maglakad muli, na nagbigay daan sa akin upang mas makita ang mga ginagawa ng mga tao sa loob ng silid na iyon.

"May ipapakita lang ako sa iyo," wika nito habang naglalakad kami.

Huminto kami sa isang upuan sa tabi ng mga nakahilerang mga cubicle, at doon namin nakita ang isang kakaibang simbolo na nakalagay sa isang papel na nakadikit sa computer screen.

"Nasaan po ang may-ari ng cubicle na ito?" tanong ni Raine. "Alam niya po ba ang tungkol dito?"

"Umalis na lang siya bigla nang makita niya iyan," sagot ng lalaki sa seryoso nitong boses.

Humarap sa akin si Raine at binigyan ako ng kaniyang misteryosong ngiti. "Gusto mong sumama ulit?"

"Sumama saan?"

"Nung una nasa climax na ang kaganapan. Ngayon, nagsisimula pa lang ang laro," wika nito.

"Saan nga kasi? Linawin mo, hindi yung sasagutin mo ako na parang makata," sagot ko sa kanya.

Tiningnan niya lamang ako at tinaasan ng kilay.

"Ano na ang gagawin?" tanong ko subalit tinalikuran niya lang ako at nauna na siya maglakad.

"Uy! Sagutin mo ako hindi yung tinataasan mo lang ako ng kilay. Raine!" sagot ko habang humahabol sa kanya.

"Susunod ka rin naman pala, e," sagot nito na nagpatahimik sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro