21. The Fourth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"By looking at what's blocking our way, with an open mind, a wall can be turned into a wide-open door."

- Shinichi Kudo

-----

Chapter 21:
The Fourth

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Raine just walked past us, reaching for the door. It was unlocked and there she entered.

"Papasok na rin ba tayo?" tanong ko kay Aliza.

"Ano ang nasa tingin mo?" balik naman sa akin nito. "I mean, is this what you normally do when on a case - waiting first?"

"Sa totoo lang, hin-" Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko nang bumukas ulit ang pinto kasabay ng boses ni Raine sa loob.

"Kanina pa po sila riyan at hindi man lang kumatok para mapansin mo," wika nito na nasa likuran ni Manong na siyang nagbukas ng pintuan.

Pagkalapag ng mga titig ni Manong sa kasamahan ko ay kaagad itong lumabas upang batiin ng matamis na yakap si Aliza.

"Tito!" Malugod naman itong tinanggap ni Aliza.

"Ang laki mo na, Liza! Ang ganda-ganda mo!" bulalas nito. Sa oras na nakita't narinig ko ang pag-uusap ng dalawa ay hindi ko napigilang maalala ang araw kung kailan una akong makarating sa apartment ko. Alam ko ang pakiramdam nilang dalawa.

"Happy birthday po," bati ni Ali sa tiyuhin.

"Tara, pasok kayo sa loob!"

Pagpasok namin sa loob ng restaurant ay wala nang ibang tao sa loob - tanging tugtog lang ng violin na galing sa isang radyo ang naroon.

"Uh, nasaan po ang mga bisita niyo?" pagputol ko sa katahimikan. "Akala ko po kasi mayroong party para sa kaarawan mo."

"Pero ito ang party ko - kayong mga malalapit sa loob ko, ang tahimik na paligid, at ang paborito kong mga tugtugin.

Iba nga ata ang interpretasyon ng pagdiriwang ni Manong sa aming mga nakababata sa kaniya.

Mula sa may counter ay mayroon doong mga nakahain nang pagkain na maaaring mga tira niya sa pagtitinda kanina. Kumuha siya ng pinggan at isa-isa kaming binigyan.

"Tito, may itatanong po ako sa inyo," wika ni Ali.

"Sige, Liza," sagot nito. "Maupo muna tayo."

Hawak-hawak ang kaniya-kaniya naming pinggan na may nakahaing menudo, kanin, pancit, at prinitong manok ay sinamahan niya kami sa isa sa mga upuan sa may parteng likuran. Mahaba ang magkabilaang kahoy na upuan na nakaharap sa isang parihabang lamesa.

"Tito, may alam ka po ba na pwedeng puntahan ni Papa?" tanong ni Ali. "Ni Tito Jerico po?"

"Bakit? Anong nangyari?" ani Manong na para bang walang alam sa naganap.

"Magdadalawang araw na pong nawawala si Tito Jerico. Ang sabi po nitong dalawang kakilala niyo ay umalis na lang daw po siya sa opisina niya," pagpapaliwanag ni Ali. "Si Papa naman po, biglang nawala habang nasa kalagitnaan ng klase niya sa amin. Pero bago po iyon, may kausap siya sa telepono niya."

"Baka naman may pinuntahan lang sila. Baka nagkita-kita pero hindi man lang ako sinabihan," sagot ni Tito na kumain na rin ng kaniyang munting handa kasama naming tatlo.

"Noong sinabi mong panganay si Manong sa apat na magkakapatid," pagsingit ni Raine, "pwede bang pakilinaw kasi tatlo pa lang na lalaki ang binabanggit mo - Jerico, Richard, tsaka si Manong."

"Ang totoo niyan, tatlo kaming lalaki sa pamilya at may isa pang babae. Yung babae at ang bunso sa amin, si Alexa Tan, bigla na lang siyang naglayas isang araw nang dahil sa hindi ko pa alam na dahilan," pagpapaliwanag ni Manong. "Maayos naman ang relasyon namin sa isa't isa, kaming apat, pero wala sa aming nakakaalam kung bakit siya naglayas at hindi na makontak pagkatapos nun."

"May litrato ka po ba niya?" tanong pa ni Raine.

"Naroon sa may counter, nakaharap sa inuupuan ko sa gilid ng cash register," sagot ni Manong na itinuro ang medyo may kalayuang lugar na tinutukoy.

Tumayo si Raine at saka ito pumunta sa counter. Pinagmasdan ko lamang siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa pa naming kasama.

"Zhane, bilisan mo riyan dahil baka lumamig ang pagkain mo!" wika ko rito na sa totoo lamang ay hindi ko gustong umalis ito dahil siya ay may alam ng gagawin.

"Mabilis lang ako, Raine," sagot nito bago pa man pumasok sa may maliit na pintuang papasok sa cash register.

"Pero isang araw, may tumawag sa akin," wika ni Manong na nagpalingon sa akin pabalik sa kanila.

"Sino po?" tanong ni Ali.

"Ang Tita Alexa mo," pagpapatuloy nito. "Kahit na hindi ko alam ang numerong iyon, kilala ko pa rin ang boses niya at alam kong siya iyon."

"Ano po ang sinabi niya?" tanong ko naman.

"Sinabi niyang: Bibilang ako ng tatlo - pangatlo, pangalawa, tsaka una. Upang makabalik sila, kailangang may magpaubaya. Kukunin ko ang nararapat na para sa akin at para kay Mama," sagot ni Manong sa seryoso nitong ekspresyon.

"Uh, Manong, nakita mo na ba ang sulat na ito?" Paglingon ko ay naroon si Raine na may ipinakita sa aming litratong naka-frame at mayroong nakapatong na isa na namang sticky note na may nakasulat na panibagong simbolo.

"I think I know what these symbols mean now. Nag-research ako tungkol sa Baybayin at doon ko nalamang mga numero ang mga iyon," sambit pa niya na inilapag na ang hawak-hawak. "Kay Sir Jerico, ang Baybayin para sa numerong tatlo. Kay Sir Richard naman, ang numerong dalawa. Panghuli, kay Manong ay narito ang numerong... isa."

"Does that mean that you are next, Tito?" Nanlaki ang mga mata ni Ali nang marinig niya ang mga salitang binanggit ni Raine. Kapareho ko rin ng ekspresyong hindi inakala ang mga iyon ang ipinakita ni Manong Daniel.

"May nangyari po bang problema sa pamilya niyo? Baka iyon po ang naging dahilan kung bakit naglayas po si Alexa," tanong ni Raine.

"Ang tanging alam ko lang ay siya ang dating nag-aalaga sa may sakit naming Papa bago pa man siya nawala. Ang kaso nga lang ay mas pabor ang ama namin sa aming mga lalaki na kahit ang asawa niya ay para bang hindi niya ginagalang noong buhay pa ang aming ina," pagkuwento ni Manong.

"Tsaka isang araw, nagpasya siyang gumawa na ng Last Will of Testament. Napunta sa aming mga lalaki ang malaking bahagi ng mansiyon, ang pinakamalaki ay sa akin niya gustong ipamana samantalang ang pinakamaliit naman ay kay Alexa kahit na ito pa ang nagpapakahirap sa pag-aalaga rito."

"Bakit hindi na lang po kayo naghati-hati?" tanong ni Ali.

"Nalaman lang namin ang sistema ng paghahati-hati noong umalis na si Alexa. Gusto ko sana siyang kausapin para mabigyan man lang siya ng kahit na kalahati ng lupang ipapamana sa akin kaso hindi ko na siya makontak," pagpapatuloy ni Manong. "Sinubukan kong sabihin iyon sa kaniya noong tumawag ito kaso matapos magsalita ay pinatay niya na iyon. Tinawagan ko ulit ang numero pero naka-block na ako."

"Nasaan na po si Lolo ngayon? Simula pa po noong nabuhay ako sa mundong ito, hindi ko pa po siya nakikita," tanong ni Ali.

"Nasa ospital siya ngayon, nagpapagaling nang dahil sa nagkalagnat noong mga nakaraang araw," sagot ni Manong.

Handa ko na sanang isubo ang huling piraso ng baboy sa menudo nang bigla na lamang nabalot ng dilim ang buong paligid.

"Naku, power interruption!" diin ko. "Mukhang napapadalas ito rito, a."

Binuksan ko ang ilaw ng aking selpon at hindi nagtagal ay nahagip ko ang isang kakaibang pigura kasabay ng pagbukas-sara ng pintuan. Hindi ko ito nakita nang maayos nang dahil sa mahina ang ilaw ang aking selpon.

Pagbukas ko ng flashlight ay doon ko nakitang wala namang ibang tao sa loob at sa labas ng gusali.

Mabili na tumibok ang aking puso hanggang sa nakarinig na lamang ako ng mga kakaibang tunog na sinundan ng pagsigaw ni Aliza.

"Raine!"

Ihaharap ko na sana rito ang ilaw ko nang bigla na lamang mas nandilim pa ang lahat kasabay ng nakabibinging katahimikan.

࿐ ࿔*:・゚

Pagdilat ng aking mga mata ay sa wakas nakakita na rin ako ng liwanag. Medyo malabo lamang ito kaya naman ay kinailangan ko pang kurap-kurapin ang aking mga mata.

"It's nice to finally meet a daughter of a former reknowned detective inspector," rinig kong wika ng isang boses sa may hindi kalayuan.

Medyo masakit ang aking ulo na para bang nabagok kung saan. Paglingon ko sa aking kaliwang bahagi ay naroon si Aliza na may busal sa kaniyang bibig.

Bigla na lamang nagising muli ang diwa ko na para bang humila sa akin sa kadiliman ng pangambang mas malala pa sa naramdaman ko dati. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay subalit kagaya ni Aliza ay nakatali rin ito sa likod ng isang kahoy na upuan.

Kita ko ang luha sa mga mata ni Aliza na para bang humihingi sa akin ng tulong.

"Ali... Aliza." Maging sa pagsasalita ay para bang halos wala nang lumalabas na boses sa aking bibig.

"Mabuti naman at gising ka na," pagpapatuloy ng boses. Paglingon ng aking mga medyo malabo-labo pang titig ay namataan ko ang isang babaeng nakasuot ng shades at saka nakasuot ng sedang kulay pula. "Raine de Verra."

"Hi- Hindi ako s- si... Hindi ako si Raine. Hindi rin ako isang De Verra," pagsagot ko rito.

Isang pagngiti mula sa kaniyang mga mapupulang labi ang isinagot niya sa akin. Sa kaniyang kamay ay hawak niya ang regalong ibinigay sa akin kanina ng tunay na Raine.

"Pasensiya na pero hindi ako naniniwala sa iyo," sagot nito. "Hindi ba't sinabi ko na nagmamasid lang ako sa inyo?"

Hindi na napigilan ng aking isipan na magkaroon na naman ng mga katanungan nais na makalabas mula sa akin.

"Ang hawak mong regalo kanina, may nakasulat na pangalang Raine de Verra. Pagpasok mo sa apartment na tinutuluyan ni Jerico Tan, ang pangalan na sinabi mo sa kasama mong babae ay Raine de Verra," sagot nito. "Doon sa isang kompanyang pinasukan niyo, ang sinabi mong pangalan ay Raine de Verra. Kanina, sa restawran kung saan kayo nag-uusap-usap nina Daniel Tan, tinawag ka ng mga kasamahan mong Raine."

"Naiintindihan ko kung bakit niyo ako napagkamalang si Raine pero hindi ba't pambabae po ang pangalan na iyon?" tanong ko.

Ibinaba ng babae ang dala-dalang regalo at saka binuksan ang kaniyang selpon. Matapos mag-type ay may ipinakita ito sa akin mula sa screen nito.

Gender-neutral name.

Matapos ang ilang segundo ay ibinalik niya ito sa kaniyang bulsa at saka ito pinalitan ng isang baril na itinutok nito sa aking ulo.

Para bang nawala bigla ang kaluluwa ko sa aking katawan nang masaksihan ko nang malapitan ang dala nitong baril.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata habang dinig ko ang pilit na pakikipag-usap ni Aliza gamit ang kaniyang pagsigaw.

"Nasaan ka, Raine?" bulong ko sa aking sarili sa aking nanginginig na boses. Unti-unti na ngang namuo ang mga luha sa aking mga matang sinasariwa pa ang hangin bago ito mawalan ng saysay maya-maya lamang.

Ramdam ko na ang aking katapusan nang bigla ko na lamang naramdamang nawala na sa pagkatutok sa akin ang baril.

"Nagawa ko na ang utos mo. Ngayon ay ikaw na ang bahala sa kaniya," wika ng babae na para bang nanginginig at umiiyak habang nagsasalita. "Hayaan mo na akong gawin ang dapat naman talagang ginagawa ko lang. Hindi ako mamamatay-tao, gusto ko lang ng hustisya!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro