22. Do or Die

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Amber, don't hold the gun if you can't pull the trigger. You decided to start those things so you have to finish it. There's no point in holding that gun if your purpose is just to hold. Learn to fire a shot and then you can decide after that shot."

-Ryu Vander Morisson (From the Detective Files)

-----

Chapter 22:
Do or Die

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Habang nagkaroon ng pagkakataon upang matingnan ko man lamang ang paligid ay napansin kong para bang isang abandonadong eskinita ang aming kinatatayuan.

Madilim at ang tanging mahinang liwanag ng buwan ang nagbigay ng liwanag sa amin.

Maliban sa hindi ko maintindihang mga salitang nanggagaling sa selpon ng babae sa aking harapan at sa kaniyang boses ay rinig ko ang pag-ihip ng malakas na hangin na sinabayan ng busina ng mga sasakyan sa may kalayuan.

"Aliza." Pilit kong inalis sa pagkatali ang aking mga kamay subalit sa bawat paggalaw ay mas sumisikip lamang ito.

Pagtingin ng aking mga tingin sa mga bahay sa kaliwang parte na nakatapat sa isang mataas na pader ay nakita ko ang tatlong taong nakaupo at nakabusal din ang mga bibig.

Nalipat doon ang atensiyon ni Aliza na sumigaw sa kanila ng tulong. Ang isa sa mga lalaki ay napaluha na lamang habang sumisigaw rin pabalik sa dalaga.

"Very well," wika ng babae kasabay ng pagpahid nito ng mga luha niya. Sa muli ay humarap ito sa akin at sa pangalawang pagkakataon ay itinutok muli sa akin ang kaniyang baril.

"Naisahan niyo ako! Ngayon, nasaan ang tunay na Raine de Verra?" tanong nito na dala kaniyang luhaang mga mata kahit pilit itong itinago gamit ang seryoso niyang tono.

Kahit na alam kong kahit na paano ay maililigtas ko na ang aking sarili ay hindi ko pa rin maaaring sabihin kung nasaan man si Raine.

Gabayan sana ako ng aking ina sa anumang maaaring mangyari.

"Ayaw mong sabihin?" Walang ano-ano ay itinutok niya sa kay Aliza ang baril na hawak-hawak.

Rinig ko ang pagsigaw ng mga tao sa aking paligid, para bang nagmamakaawa para tigilan na ang ginagawa nitong kasamaan.

"Sinasabi nilang wala akong silbi dahil babae lang ako. Sa buong buhay ko, hindi ko naranasang mahalin ng pamilya ko. Tanging ang aking ina lang ang nakakaunawa sa akin pero anong ginawa nila? Sila ang dahilan kung bakit siya namatay!" wika nito. "Ngayon, anong mas mahalaga sa iyo — buhay mo o buhay ng babaeng ito?"

"H-Hindi nga ako si Raine. Pakiusap huwag mo na siyang idamay. Pakiusap, ayoko pang mamatay," sambit ko na lamang sa aking nanginginig na boses. "Pakawalan niyo na po kami. Pakawalan niyo na po kaming lahat. Pakiusap."

Napakagat sa kaniyang ibabang labi ang babae na para bang naguguluhan at kagaya namin ay natatakot din.

"Kahit na ganoon man ang gusto ko, hindi maaari," pabulong nitong wika, ang kaniyang kamay na may hawak ng baril ay nanginginig sa takot. "Kung hindi ko siya mahahanap, papatayin niya kami! Papatayin niya kami isa-isa."

"Hindi ako si Raine de Verra!"

"Tumigil ka! Sabihin mo kung nasaan siya!" sigaw nito. She was about to pull the gun's trigger when a distant voice echoed on the area.

"Bakit mo naman ako hinahanap?"

Mabilis na nag-ikot ang aking mga mata at doon ko nakitang wala na ang tatlong lalaki sa itaas.

Sa muli ay may mga kakaibang tunog na nanggaling sa selpon ng babae. "Raine de Verra," sambit nito matapos ang mga tunog na iyon.

"Huy, baliw! Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang dahil sa kalokohan mo ay napasok ako sa pangyayaring ito?" Hindi ko na nga napigilang mailabas ang mga salitang naimbak sa aking isipan.

Inalis ng babae ang kaniyang baril sa harapan namin at napatingin sa kaniyang likuran. "Well done for choosing a location that’s empty because of the concert by their favorite band in the city," pagsisimula ni Raine na hindi ko pa rin gaanong makita nang dahil sa dilim.

"Iputok mo iyan kung gusto mong magising ang ilang taong natitira sa baryong ito. And trust me, you'll not like it - being filmed in social media and your face being broadcast live all over the world."

Muli naman sana akong magsasalita nang may mga aninong nagsidatingan sa may bandang likuran namin ni Aliza. Lilingon na sana ako nang makita ko ang mga lalaki at nakasuot ng face mask na itim.

"Bantayan niyo ang mga bihag!" utos ng babae sa mga ito. Napatingin ito sa itaas na bahagi subalit nanatiling nakatutok ang baril kay Raine.

"Magbabayad ka! Pinatakas mo ang tatlo kong kapatid?" sigaw nito na natapos na rin sa pag-iyak.

Mula sa madilim na parte ay nagsidatingan ang ilang mga yabag. Paglapit ng mga ito ay naroon ang tatlong lalaking bihag na kasama si Raine.

"Aliza!" sigaw ng isa sa mga ito sa kasamahan ko. Lalapit pa sana ito nang natutok dito ang baril ng babae.

"Anak mo?" tanong nito.

"Sige, iputok mo iyan, Alexa. Kung ano man ang nangyari sa pamilya natin dahil kay Papa, hindi namin yun ginusto," wika nito. "Hindi man kami nanirahan kasama ng Mama at hindi man namin alam kung ano ang hirap na naranasan niyo pero itinuring ka pa rin naming ang pinakaiingatan naming prinsesa."

Kung ganoon ay siya pala ang bunsong kapatid ng mga nawawala!

"Alexa, bakit mo ito ginawa? Dahil ba sa mga ipapamana ni Papa?" tanong ni Manong na naroon at kabilang sa tatlo.

"Ang gusto ko lang naman ay ang malaman niyong matapang din ako. Gusto ko lang naman sanang iparanas kay Papa kung ano ang pakiramdam na mawalan ng minamahal niya — kayamanan, mga anak niyang lalaking mahal na mahal niya," pagpapaliwanag ng babae.

"Pero hindi mo naman sila gustong patayin dahil mahal mo rin sila," sambit ni Raine. "Gusto mo lang po sanang takutin siya."

Pinatay nito ang umiilaw na telepono at ibinaba ang hawak-hawak na baril. "Tulungan niyo ako," wika nito na bigla na lamang bumuhos ang mga luha.

"Maaayos pa naman ito, tara na," wika ng isa pa sa mga lalaki.

"Huli na ang lahat," sagot nito. "Kailangang may buhay na mawala ngayon kapalit ng kalayaan ng iba. Mga Kuya, sinaway ko ang utos niya."

"Utos? Utos nino?" tanong ni Manong.

Nagsimulang sumugod ang mga kalalakihan sa aking likuran papunta sa unahan. Suntok at sipa ang nakita kong eksena na tinakpan na lamang bigla ng babaeng tumakbo papunta sa amin.

Agad nitong inalis ang busal sa bibig ni Aliza at saka ang mga tali sa aming mga kamay. "Sana ay maramdaman mo ang pagmamahal ng mundong nagpapakitang mahalaga ka," bulong nito na sinundan ng ilan pang lalaking sumugod sa amin.

Naramdaman ko na lamang ang isang panyong nagpasikip sa aking paghinga. I almost lost consciousness when I felt it vanish along with the sound of a loud punch.

Pagtingin ko sa aking unahan ay natagpuan kong nanggaling iyon sa babaeng kumidnap sa amin na binigyan ako ng isang ngiti. Susuklian ko na sana iyon ng mga salita nang napatigil ang lahat nang dahil sa putok ng isang baril kasabay ng pagbagsak ng babae.

"Alexa!!!" sigaw ng mga lalaking pilit nilalabanan ang mga lalaking nakaitim.

Mula sa may kabilang ibayo ng mataas na pader ay may nakitang may parang gumalaw na pigura at tumakbo palayo.

"Aliza!" Agad kong ibinaling ang atensiyon ko kay Ali na tuloy-tuloy pa rin sa paghikbi. "Magiging ayos lang ang lahat." Binigyan ko siya ng pagyakap, nagbabakasakaling kahit na paano ay maibsan nito ang takot niya.

"Freeze! Hands where I can see them!" Mula sa may parteng likuran namin ay umalingawngaw ang boses ng isa na namang pamilyar na boses.

Nagsihinto ang mga lalaking nakaitim at saka nila itinaas ang kanilang mga kamay sa ere. Mayroong mga nagsidatingan na mga nakasuot ng pampulis at saka isa-isang pinusasan ang mga lalaking iyon.

May lumapit sa aming dalawang tao na nakasuot ng pang-mediko. "Ayos lang po ba kayong dalawa?" tanong nito.

"Ayos lang po ako. Si Aliza po, takot na takot siya," sagot ko.

Kinuha nila ang mga braso ni Aliza at saka ito inalalayan papunta sa isang ambulansya sa may hindi kalayuan.

࿐ ࿔*:・゚

Lumipas ang mga segundo nang hindi ko man lamang namamalayan nang dahil sa hindi pa rin maalis-alis ang takot na nadama ko sa mga oras na iyon.

"Baliw? Tama ba ang narinig ko kanina?" Sa aking harapan ay naroon si Raine na dala-dala ang regalong ibinigay niya sa akin kanina.

"Tigilan mo nga ako," sita ko. "Matapos mong gawin ang mga bagay na iyon!"

Nagsimula kaming maglakad papunta sa labasan ng eskinitang iyon. "I didn’t know we’d be accused of such things. Pasensiya na."

Hindi man niya ipahalata ay pansin kong totoo ang sinasabi niya. Hindi naman siguro niya ako babalikan kung wala akong silbi para sa kaniya.

"Saan tayo sasakay? Alam mo ba kung nasaan tayo?" tanong ko.

"Sino kaya ang baliw sa ating dalawa?"

"Sinong baliw? Pareho kayo!" Sa aming harapan ay mayroong isa pang babaeng nagpakita. Bumalik ang pangamba ko nang makita ko ang pagmumukha ng babaeng nagpakita sa akin noon — ang nag-alok sa akin ng scholarship.

"Raine, siya ang taong kumuha sa akin noon," pabulong kong babala kay Raine. "Sa tingin mo ba ay may kinalaman siya rito?"

"Ano kaya ang mangyayari sa dalawang ito kung mas kumalat pa ang mga bagay tungkol sa mga nangyari sa kanila?" tanong pa ng babae.

"Anong ginagawa mo rito?" wika ni Raine.

Masama ang kutob ko sa mga kaganapan. "Sinabi ko naman na palagi lang kitang pinagmamasdan. At saka hindi ko nagugustuhan ang mga pinaggagagawa mo," sagot nito.

"Oo nga pala, kasama ka nila," sambit ni Raine.

"Matapos mong gawin ito sa dati nating tinitirhang lugar, hindi ka pa nadala sa mga taong maaaring makakilala sa iyo?" tanong pa ng babae. "Kaya nga kita inilipat dito para walang makakilala sa iyo. Pero ngayon, nagsisimula ka na namang magpakilala?"

"Ngayon alam mo nang mahirap itong taguan," depensa ni Raine.

"Kung hindi ko lang sana sinusunod ang huling mga utos nila Mom at Dad, malamang baka ipinakulong na kita para hindi ka na makilala–"

"Sandali lang po. Mom? Dad?" tanong ko.

"Ang Mom at Dad namin," wika ng babae.

"Siya nga pala ang kapatid ko," wika ni Raine. "Elizabeth de Verra. Kasapi ng NBI at mga bagay na hindi ko na puwedeng sabihin sa iyo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro