25. All Two Well

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"It's the frailty of genius, John. It needs an audience."

-Sherlock Holmes , BBC

-----

Chapter 25:
All Two Well

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"What do you mean?" tanong ko.

"I'm currently taking my course in forensic science. The classes already started two months ago," sagot niya. "Nauna akong iyo kanina kasi dumaan pa ako sa isa ko pang natitirang klase sa campus."

"Hold on a minute! Sinasabi mo ba na dala-dalawa ang kinukuha mong kurso ngayon? Hindi ka ba natatakot sa time management?" dagdag ko pa.

"Huwag mo akong tatanungin ng tungkol diyan kasi iyan dapat ang sinasabi mo sa sarili mo." Naglakad siya papunta sa sala at saka umupo sa mahabang sofa. Sumunod naman ako at umupo sa aking puwesto.

"Baka naman isa sa mga kurso mo ay hindi mo mapasahan. Sana naman ay hindi pareho," sagot ko. "The point is that you are being in these cases, plus you're taking two courses at a time."

"Halos magkapareho lang ang mga subjects kaya naman medyo maluwag ang klase ko. Plus, I’ve already planned the schedules, so I suppose it will go smoothly," wika pa niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Alam ba ng Ate mo?"

"Sa tingin mo ba ay papayag siya? Siya ang may gustong ibang kurso ang kunin ko kaya pareho na lang ng sa'yo ang kinuha ko," sambit niya.

Wala na lamang akong nagawa kung hindi ay hayaan na lang lumamig ang kaniyang ulo.

Pagbukas ko ng aking selpon ay nakita ko ang mensahe mula sa mga kaklase namin sa group chat. "Sasama ka ba sa mga kaklase natin? Kakain daw sa labas para magkakila-kilala," tanong ko rito.

"Marami pa akong gagawin," sagot niya. "At saka ngayon lang sila nagsabi — ora-orada. Nakakainis kapag ganun."

"Sige."

"Saan ka pupunta?" tanong niya pagtayo ko sa aking inuupuan.

"Sa labas. Sasama sa kanila pagkatapos kong magbihis," sagot ko. "At saka kung marami ka pang gagawin, bakit kaya hindi ka na magsimula ngayon para matapos mo agad?"

"Nagsisimula na ako kanina pa. Ikaw itong nang-iistorbo na lang bigla," wika nito.

"Well, sorry."

Dumiretso na muna ako sa kuwarto upang magpalit ng damit. Base sa mga narinig ko kanina sa klase ay mahilig uminom ang karamihan sa labing walo naming kaklase. Makakatulong sila sa akin para maaliw man lang ang sarili ko matapos ng mga masasakit na nangyari sa buhay ko kamakailan lang.

࿐ ࿔*:・゚

"... Happy birthday to you," we sang to one of our classmates.

"Thank you, guys!" bulalas ng presidente naming si Valerie.

"Isa pang shot para sa birthday girl!" wika ni Brylle na itinaas ang baso niyang may lamang juice na may halong soju. Sumunod naman kami at saka ito ininom.

Nang dahil sa malayo sa kanila ang lugar ay sampu lang kaming nakapunta sa isang canteen malapit sa siyudad. Alas-sais na kaya nauna nang umuwi sa amin ang dalawang nakatira sa boarding house na may curfew.

Masaya silang kausap subalit ramdam kong kailangan ko pa ng ilan pang araw bago ko sila maging mga matatalik na kaibigan.

"Nasaan si Raine?" tanong sa akin ng isa sa mga kaklase naming kasa-kasama ito kanina sa klase.

"Sabi niya may gagawin pa siya, e," sagot ko sa babae.

"Sayang naman," sambit niya. "Gusto mo pa?"

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong sinabi ko kay Raine na bawal kaming uminom para makaiwas sa panganib sa apartment. Noon pa lamang sumagi sa isip ko na nakadalawang basong maliit na ako.

"Naku, kailangan ko nang umalis," wika ko.

"Hindi pa nga dumarating ang dessert, e," ani Valerie.

"Naalala kong naiwan ko pa lang nakabukas ang internet sa apartment. Sige, aalis na ako."

࿐ ࿔*:・゚

Hindi naman matapang ang soju subalit kinabahan pa rin ako kung ano ang magiging reaksiyon ni Raine kapag nalaman niya — lalo na ata si Tita.

"Ah! Sasabihin ko na lang kay Raine para alam niya at saka kukulungin ko ang sarili ko sa kuwarto," wika ko sa sarili habang naglalakad paakyat ng hagdanan. "O kung hindi siya pumayag ay sa common room na lang ako matutulog."

Pagkuha ko ng susi sa aking bulsa ay may kakaibang awra na nagparamdam na naman sa akin. May kakaibang amoy na nanatili sa hangin — mabango at alam kong walang ganoon sa gusali namin.

Pagpihit ko ng doorknob ay hindi nakakandado ang pinto. Bigla na lamang bumalik sa aking isipan ang nangyari noong Sabado na sinabayan ng unti-unting pagbilis ng pagtibok ng aking puso.

"Raine!" Sa oras na nabuksan ko na nga ang pinto ay bumulaga sa akin ang isang eksenang hindi ko inasahan.

"Zane?" Sa aking kanang bahagi ay naroon si Raine at nakaupo sa maliit na sofa na nakaharap sa kusina. May kasama siyang ibang tao sa silid na nakaupo sa upuan ko.

As the person turned, it was her sibling who gave me a quick smile before turning back to Raine.

"Akala ko ba naman ay kung ano na ang nangyari sa iyong bata ka! Bakit hindi mo kinandado ang pinto?" sermon ko rito.

"Akala ko nakalimutan mo na naman ang susi kaya iniwan ko lang na bukas iyon," sagot nito sa kaniyang kalmadong tono.

"Ikaw talaga!"

"Ate, bakit mo sa akin sinasabi ang bagay na iyon?" tanong ni Raine sa kapatid. Hawak-hawak niya ang kaniyang selpon at para bang may binabasa rito.

"Dahil alam ko ang ginawa mong kalokohan," sagot nito.

"Paano mo naman nalaman? Naglagay ka ba ng mga camera rito? Nilagyan mo ba ng microphone ang kasama ko sa tuwing kakausapin ko siya?" tanong pa niya.

"May iba't iba akong paraan," sagot nito. "Kagaya na lang ng pag-track sa mga records mo."

"Kumusta naman ang MGA trabaho mo, Ate? Nakakaya mo pa ba?" wika ni Raine na para bang nang-aasar sa kapatid.

"Mas marami ang oras ko kaysa sa iyo," dagdag ni Elizabeth. "Ako kaya ko, lalo na't suwerte ako pagdating sa pagkuha ng posisyon sa pinagtatrabahuhan ko. Well, you know a lot, but you're not really good at any of it."

"Masarap ba ang soju na ininom mo, Zane?" tanong ni Raine na nagbigay sa akin ng kaunting pagtingin bago bumalik na naman sa pagbabasa sa selpon niya.

I suppose she did that intentionally because she wanted to change the topic.

"Nakadalawa pa siya, Rainie. He had been carried away," wika ni Elizabeth na napatingin din sa akin.

Isa pang mabilis na sulyap ang sumunod mula kay Raine. "Tama ka nga, Ate."

I couldn't tell if they were arguing or just teasing me. I had no choice but to just listen to the two of them.

"Paano niyo nalaman?" tanong ko na napaupo na lang sa mahabang sofa. "Hindi bale na, ikakandado ko na lang ang kuwarto ko—"

"Marami-rami na rin ang nakakakilala sa iyo, big sis. Ang iba nga ay pinagkakatiwalaan ka na kahit ang totoo ay hindi ka naman kagalingan," ani Elizabeth sa kapatid. "Sige, pinapayagan na kitang kunin ang kursong iyon."

"Kung ganoon ay aalis ka na sa Education?" tanong ko na lamang.

"Hindi, sayang naman. Sabi ko naman kanina sa iyo ay ayos lang ang lahat dahil planado ko na iyon," sagot ni Raine.

"Kumusta naman ang mga bagay na nangyari sa buhay mo simula noong nakarating ka na rito, Zane?" wika naman sa akin ng kapatid niya.

I still don’t know what answer my mind is searching for. I also don’t know how to repay their kindness.

"Zane?" pag-ulit nito na nagpabalik sa atensiyon ko sa kanila. "Huwag mong sabihing lasing ka na? Ang bilis mo namang matamaan."

"Actually, I'm doing alright — terrified, but just fine," sagot ko na lamang.

"Mabuti naman," sagot nito.

"Ano ba talaga ang pakay mo rito, Ate? Nag-aaral ako ngayon," tanong ni Raine.

"John Zamora," wika ni Elizabeth na may ipinakita sa kapatid sa kaniyang tablet. "Kanina lang habang nasa eskuwelahan kayo ay natagpuan ang katawan niyang nasa ilog."

Tumayo ito saka ipinakita rin sa akin ang kaniyang dala-dalang device na mayroong litrato ng isang lalaking nasa tatlongpung taong gulang na.

"Do you want us to solve the case?" tanong ko.

"Naroon na ang mga pulis at marami na rin ang nag-iimbestiga roon. Hindi ko gustong mapatawag na naman ng mas nakakataas sa akin dahil sa mga pangingialam mo, Lorraine," sagot nito.

"Ano naman po ang gagawin namin, Ate Elizabeth?" tanong naman ni Raine na sa wakas ay natigil na sa pagtingin sa kaniyang selpon.

"Anong namin? Huwag mo ngang basta-basta na lang idadamay ang isang ordinaryong taong gusto lang mabuhay ng normal?" wika nito.

Isang pagngiti na sana ang namuo sa aking mga labi nang nahinto ito noong nakita ko si Raine — iniwasan ang aking titig.

"Kasama rin ba si Kuya George?" tanong nito.

"Basta lang may makasama ka talaga, a," pabirong sambit ni Elizabeth.

"Sasamahan ko siya!"

"Sigurado ka ba riyan, Mr. Nuñez? Alam mo bang hindi naman iyan ang pinapatrabaho ko sa iyo?" tanong pa nito.

"Ako ang guardian niya. Besides, I already told her earlier that I'll be her knight in shining armor," sagot ko.

Ito na ang pagkakataon ko upang makatulong muli nang hindi na nila sinusuklian.

Binigyan ako ni Elizabeth ng isang ngiti at saka napatango. "Kung iyon ang gusto mo," sagot niya. "Suit yourself, Mr. Nuñez. But just be careful."

"So, what exactly do we need to do?" tanong ni Raine sa kapatid. "Hindi ka naman siguro pupunta rito kung hindi importante, hindi ba?"

"Mayroon kasing nawawalang bagay sa isang organisasyong pang-internasyonal at siya ang tinuturing naming isa sa mga suspek. Ang kaso nga lang ay namatay na siya kanina lang at hindi pa namin natutukoy kung saan niya itinago ang bagay na iyon o kung ano ba ang dahilan ng pagkamatay nito," pagsisimula ni Elizabeth.

"Bakit ako? May mga kasamahan ka naman, hindi ba?" tanong ni Raine.

"Top secret, Rainie. Alam kong mapagkakatiwalaan ka, at siguraduhin mo ring pati yang dinamay mong guwardiya mo," sagot nito. "Marami pa rin ang mga traydor sa paligid kaya kailangan kong lumapit sa iyo. Kailangang walang ibang makaalam ng tungkol sa hinahanap niyo!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro