26. Black-Letter Day

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Don't judge people from the outside. Like any rose has thorns, the more the person appears nice on the outside, the more you should doubt the inside."

- Ai Haibara

-----

Chapter 26:
Black-Letter Day

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Bakit ako, Ate? Akala ko ba mas marami po ang oras niyo kaysa sa akin?" tanong naman ni Raine na may pilit na ngiti sa kaniyang mukha.

"May mas malala pa akong inaasikaso riyan at hindi mo na gustong malaman pa kung ano iyon," sagot nito. "At isa pa ay isa ako sa mga dinidiing may kasalanan kaya nawala ang bagay na iyon."

"Ano ba ang sinasabi mo pong nawalang bagay?" tanong ko upang makaawat man lang sa kanila.

"Isang USB na mayroong mga nakalagay na plano tungkol sa ginagawang sekretong bagay laban sa mga terorista," sagot ni Elizabeth sa kaniyang seryosong tono. Naglakad siya papunta sa akin at saka hinawakan ang doorknob.

"Ayaw mo ba?" dagdag na tanong nito sa kapatid.

"Nag-aaral pa ako," sagot lamang ni Raine na kinuhang muli ang kaniyang selpon.

Napabuntong-hininga na lamang si Elizabeth at saka tuluyan na ngang lumabas sa apartment namin. "Hanggang sa muli na lang."

Paghina ng mga yabag sa labas ng pasilyo ay nanatili lamang na nakatutok sa selpon niya si Raine. "Pwede bang magtanong?" tanong ko sa kasamahan ko.

Ibinaba niya ang selpon at saka humarap sa akin. "Ano yun?"

"Pwede bang malaman kung ano ang nangyari sa inyo noon? How did you end up being–"

"Being this? My current self?" Nalipat sa akin ang aking itinapong katanungan sa kaniya. "Dahil ba kay Ate?"

"Habang tayo-tayo na lang dito at saka kagaya nga ng sabi ko kanina sa library, apat na taon tayong magsasama rito," wika ko.

Handa na akong makinig sa kaniya. Gusto kong malaman ang nangyari.

Nanatili lamang siyang tahimik at napatingin na lamang sa may kusina. "O sige, sasabihin ko pa ang mga bagay na hindi ko pa sinasabi sa iyo," pagsisimula ko, kung iyon lamang ang paraan upang makuha ang kaniyang tiwala.

"Oo, maayos nga ang buhay namin sa probinsya — normal at saka simple. Pero bago iyon ay hindi na bago sa akin ang siyudad, puno nga lang ng karahasan galing sa mga tao. Ang pinakamalaking problema lang namin ay ang pera," dagdag ko pa.

I suddenly wondered if it was alright to tell her those things. However, seeing her attention was focused, I decided to go ahead and say it.

It might be the only way to make her talk.

"Hindi ko totoong ina ang nag-aalaga sa amin ni Ate — bata pa ako noong nawala ang Mama. Pangalawa siyang asawa ni Papa pero kahit na ano pa ang gawin ko para lang maramdaman kong karapat-dapat ko rin siyang tawaging ina ay hindi ko kaya."

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Naaalala ko pa ang sinabi sa akin ni Raine na may nakakakita sa akin bilang parang babae kung gumalaw subalit wala akong magawa — hindi ko mapigilan ang aking sarili.

I’m fine with being someone who cries easily rather than reverting to my old unruly self.

"Kahit na pambabae man ang asul na t-shirt na binigay sa akin ni Ate noong una tayong nagkita ay hindi ko na iyon pinansin," wika ko pa. "I'm weird, I know, but still, I want to find myself. Hindi ko rin nga alam kung ano ba talaga ang gusto kong maging, e. Gusto kong maging doktor para hindi na maulit ang nangyari sa tunay kong ina pero gusto ko rin naman ng iba pa."

Kahit anong pigil ko sa mga luha ay hindi sila tumigil.

"There was an accident," pabulong na wika ni Raine. Pagbalik ng mga titig ko sa kaniya ay nakatingin na siya sa akin at may sa unang pagkakataon ay may mga luhang namuo sa kaniyang mga mata.

"Isang araw ay nagising na lang ako na pupunta raw kami sa America para bisitahin ang Tita ko. Habang nasa daan papuntang airport, may humabol sa aming nakaitim na lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap," pagsasalaysay niya na pinipigil ang pag-iyak sa pamamagitan ng kaniyang pagngiti. "Nahulog ang sasakyan namin — kami lang ni Ate ang nakaligtas pero nabaril din ito at nawalan ako ng malay."

"Anong nangyari matapos iyon?" tanong ko na pinapahid ang aking mga luha sa mukha.

"Sa ospital na ako nagising. Tita came back to the Philippines, and we stayed with her for three years," sagot niya. "Nagpatuloy kami sa pag-aaral sa probinsya nang dahil sa suporta niya. Pero isang araw, umalis si Tita at bumalik sa America. Napadpad na kami rito kay Tita Clara."

"Ilang... Ilang taon na kayo rito?"

"Magtatatlong taon na akong nandito. Umalis din naman si Ate matapos ang isang taon. Papalit na sana ang Ate mo pero hindi siya natuloy," sagot niya.

"Isang taon kang mag-isa?" tanong ko pa.

"Sadly, yes." Agad niyang pinunasan ang mga luhang hindi nagawang pumatak at saka binigyan na lamang ako ng isang pagngiti. "Tara na?"

"Huh? Saan?" I didn’t expect her to suddenly change the topic of our conversation.

"Kakain ng hapunan," sagot niya. "Nagpadala ang Ate ko. Hindi ko alam kung ano ang okasyon pero ayun, may pina-order siya na pagkain."

"Sige, nagugutom na rin ako," sambit ko at saka na siya sinundan papunta sa kusina.

While she was preparing the food in the paper bag, I noticed a red paper lying on top of the TV stand.

"Ano iyon? Sulat?" tanong ko, na nagpabaling sa kaniya ng kaniyang titig.

"Baka binigay ni Tita o ng kung sino. Bukas ko na titingnan pagkatapos ng half day nating klase sa Inorganic Chemistry. Maaga pa naman yun," sagot niya na kahit paano ay nagpakalma sa loob ko.

࿐ ࿔*:・゚

Kinaumagahan ay maaga ulit kaming nakapunta sa eskuwelahan. Hindi pa rin tinitingnan ni Raine o ginagalaw man lang ang sulat na iyon.

"How did the elements originate?" Narinig kong sabi ng guro namin habang nagsasalita ito sa unahan.

Samantala, hindi pa rin mawala sa akin ang mga salitang sinabi ni Aliza, kaya't patuloy pa rin itong gumugulo sa akin.

Sinabayan pa ito ng mga sinabi ni Raine sa akin, mga kinakailangan kong gawin, at mga kasong hindi pa rin nagbibigay sa akin ng maayos na pagtulog.

"Mr. Nuñez," wika ni Ma'am na nagpabalik sa akin ng atensiyon sa kasalukuyan. Nakaharap na ito sa akin at saka pati na rin ang mata ng mga kaklase ko.

"Yes po, Ma'am?" tanong ko na lamang.

"How did the elements originate?" pag-ulit nito.

Hindi nakuha ng utak ko ang mga kinukuwento niya kanina pa. Pilit kong hinanap ang mga salitang sasabihin ko subalit hindi ko alam kung tama ba. "Noong nagkaroon po ng Big Bang?"

"What process?"

"Uh..."

Sa aking tabi, napansin kong naroon ang kanina pa siguro nakataas na kamay ng katabi kong si Raine.

"Yes, Raine?" wika ng guro naming nabaling rito ang mga titig.

"The elements originated through processes like supernova explosions, nucleosynthesis, and cosmic ray interactions," sagot ni Raine.

"Very good!" bati ni Ma'am Romero.

"Hindi ka naman lasing, hindi ba?" tanong sa akin ng kasama ko noong nakaraan sa canteen. Sa muli ay kasama na naman niya si Raine kahit na hindi ko naman sila nakikitang nag-uusap. Nasa gitna nila akong dalawa nakaupo.

"Hindi, 'no," sagot ko.

"Raine, bakit hindi ka sumama kahapon?" tanong nito. "Nagkaroon ulit kami ng pag-celebrate ng kaarawan ko."

Naroon ako noong mga oras na iyon. Umalis lamang ako ng apartment noong tulog na si Raine. Sinulat ko sa isa kong website ang mga nangyari kaya baka alam na din niya ang mga kaganapan.

"Marami lang akong ginawa," sagot ni Raine na nakatuon pa rin ang pokus sa guro sa unahan.

"Uh, Jeraldine Asajar, right?" tanong ko sa babae.

"Yeah!" malugod na sagot nito. "Hindi mo pa pala ako kilala — ang pinakamaganda sa klaseng ito?"

"Nucleosynthesis. The process where new atomic nuclei are formed," sagot pa ni Raine sa guro namin.

"Magkakilala ba kayo ni Raine? Magkaklase ba kayo rati nung hayskul?" pabulong kong tanong rito.

"Kagaya mo, pareho lang tayo ng distritong tinutuluyan. Kakilala ko ang isa sa mga dating kaklase ni Raine at ang isa rin siya sa mga nakalaban ko na dati sa isang Math competition," sagot niya.

"Guys, can you please shut up for a moment? I can’t focus anymore," sita sa amin ni Raine.

"Around 13.8 billion years ago, it began shortly after the Big Bang," sagot ng isa naming kaklaseng isa sa mga magagaling sa amin.

"I suppose it was because she wanted to steal the spotlight from our brainy classmates," pabulong na wika sa akin ni Jeraldine.

Nakita ko na lang na nabaling na sa amin ang mga nanlilisik na titig ni Raine. "Sige na. Kailangan na rin naman nating makinig kasi baka magpa-quiz si Ma'am," sambit ko kay Jeraldine.

࿐ ࿔*:・゚

"Sa bahay na lang kami kakain," sambit ko kay Raine habang papababa kami sa sinakyan naming minibus pauwi.

“Bye, guys!” said Jeraldine, who was with us, though her house was still quite a distance away.

"Bye!" sagot naming dalawa rito.

Bago pa man pumasok sa gusali ay isang notipikasyon ang dumating sa selpon ni Raine.

Pagbukas niya ng kaniyang website ay nakita ko ang nakasulat na mensahe doon. Open it!

"Sino na naman iyan?" tanong ko. Walang pangalan kung kanino iyon galing.

"Baka isa lang sa mga tauhan ni Ate," sagot ni Raine na ibinalik na sa bulsa ang selpong dala-dala.

Pagdating namin sa bahay ay naroon pa rin ang sobre na iyon. "Kain na muna tayo," yaya ni Raine.

Matapos kumain ng tanghalian ay hinarap na rin namin sa wakas ang misteryosong pulang papel. "Handa ka na bang tingnan iyan?" tanong ko.

Sinuot ni Raine ang magkapares na surgical gloves na nakalagay sa ibaba ng center table. "Better to be certain," sabi niya.

"Bakit?"

"Galing siguro ito sa Ate ko. Mahirap na baka kung ano ang pakay niya," sagot nito na naglakad papunta sa balkonahe.

"Hay, naku. Hindi naman siguro iyon nagpa-prank," wika ko na sumunod sa kaniya.

Itinapat lamang niya sa liwanag ang sobre at saka ito pinagmasdan nang maigi. Nasa likod nito ang kaniyang pangalan na sulat-kamay ng nagbigay. Lorraine de Verra.

Isa na namang notipikasyon ang narinig ko na kapareho sa tunog na nanggaling sa selpon ni Raine kanina.

"Kunin mo ang selpon ko sa sofa," wika niya.

Sinunod ko naman kaagad ang utos niya. Bubuksan ko na sana ito subalit mayroong password na pumigil sa akin.

"Glass nib pen. Shimmering—journalize starwave meadow ink." Narinig kong wika ni Raine habang naglalakad ako pabalik sa balkonahe. "Maganda ang sulat niya kaysa kay Zane."

Pagbukas niya nito ay mayroong isang kulay pulang USB. "O! Iyan ba ang sinasabi ng Ate mong hahanapin natin?"

"Hindi ko alam pero kailangan ko muna itong ipakita kay Kuya George," sagot niya. "I have a strange feeling about this."

Pagbukas pa niya ng sobre ay mayroong dalawang litratong nakaimprinta sa mga photo paper at may mga timestamps.

Two photographs were shown to us featuring Raine: one of which was taken from a window of one of the flats in our building on the day the retired officer entered. The other was a picture of Raine knocking down one of Ms. Alexa's men that Monday night.

"Whoever this man is, he's probably not to be messed up with," wika niya na ramdam ko ang pagkatakot sa kaniyang tinig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro