30. Golden Hour

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Education never ends, Watson. It is a series of lessons, with the greatest for the last."

- Sherlock Holmes

-----

Chapter 30:
Golden Hour

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

4:10 p.m.

Four hours had passed since the last message. After Raine uploaded a chapter of her novel to her website, we had the chance to finish our homework for a major subject.

We were just halfway through when we were startled by a knock at our door.

"Ako na ang magbubukas," sambit ko kasabay ng paghawak ko sa doorknob. Pagbukas ng pinto ay naroon si Tita na may hawak-hawak na pulang sobre.

"Raine, may nagpapabigay sa iyo sa labas. Ibigay ko raw sa iyo," wika nito.

My colleague, her pen clicking continously and her foot tapping involuntarily as she mulled over her assignment, reached out and grabbed the note.

"Hindi niyo po ba binasa?" tanong nito.

"Binasa? Huwag kang mag-alala, hindi ko iyan binuksan," sagot lamang ni Tita. "Ang tagapagdala ng sulat ng tatlong lalaking nakatira diyan sa 220B ang nag-abot sa akin."

"Sige po. Salamat," sambit ni Raine sabay sirado ng pinto.

Pagbukas niya nito ay mayroong litrato nung lalaking nakamotor kanina. Nakaupo ito sa isang bench at saka para bang walang malay. Hindi pa nga namin ito nasusuri nang mag-ring ulit ang selpon ni Raine.

"Magaling, De... De Verra," wika ng panibagong boses sa selpon nito.

"Pareho bang numero sa kanina?" pabulong kong tanong dito na sinagot naman ako ng isang pagtango.

"Nakalaya n-na ang na-nauna," pautal-utal nitong sabi. Base sa kaniyang boses ay isa siyang babae – maaaring ang sinabi ni Tita na nag-abot sa kaniya ng sulat. "Ba- Bahala na kayo kung ano ang gusto niyong g-gawin sa kaniya."

"Ano ito? Bakit mo ito ginagawa?" tanong dito ni Raine.

"Sinabi k-ko naman sa iyo na nagsisimula nang muli a-ang laro," sagot naman nito.

"Alam mo bang g-gusto ko ang Se-Serafina na iyon. Ma-Maganda siya at... madaling magtiwala," dagdag pa nito.

"Anong-" Gusto na sanang kumawala ng galit at pagkabalisa sa aking isipan nang bigla akong pinatikom ni Raine.

"Huwag kang magpaparinig kung ayaw mong madamay pa ang pamilya mo rito," pabulong niyang sita sa akin. Kita ko sa mga mata nitong seryoso na siya sa mga nagaganap.

"Pwede... Pwede kang magpatulong sa pinsan mo o... o sa kung sino pa man, basta't tandaan mong s-sa atin nagmula at... sa atin d-din magtatapos," wika pa ng babae sa selpon.

"Anong ginagawa mo sa mga inosenteng taong iyan?"

"Huwag kang mag-alala," sagot pa ng babae. "H-Hindi ko naman sila i-ihuhulog kung hindi k-ka naman susuway sa usapan."

"Wala kang puso!" Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kaniyang galit gamit ang kaniyang nakakuyom na kamay. Bukod doon ay may luha ring namuong muli sa kaniyang mga mata.

"Apat na oras lang pero nahanap mo na ang unang clue," dagdag pa ng babae. "Ngayon ay bibigyan naman kita ng labindalawang oras para sa mga susunod."

Beep.

"Narinig namin ang tawag!" Pagbukas ng pinto ay naroon si Kuya George kasama ang iba pa sa kaniyang grupo.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko na lamang.

"Ikinonekta namin sa computer ang selpon ni Raine para marinig namin ang tumatawag na iyon. Nandoon lang kami sa labas ng bahay niyo kanina pa habang nakikinig at nag-iimbestiga," sagot ni Kuya George.

"As it turns out, this might be connected to the late Detective Chief," wika ni Officer Lee na dala-dala ang kaniyang laptop na agad ipinatong sa lamesa ng sala namin.

"May bago na naman pong sobre. Ito po ang lokasyon nung lalaking naunang hinostage," ani Raine kasabay ng pagbigay ng pangatlong pulang sobre.

Tiningnan ni Kuya George ang litrato at saka ito ipinakita sa kasamahan niyang bago. Wala si Officer Aguilar kaya naman isang Officer Zamora ang pumalit.

"Alam ko ang lugar na iyan — sa parke ng kabilang kalye," wika niya. Kinuha niya ang kaniyang selpon at saka tinawagan ang mga backup.

"Pupunta po muna ako roon," pagpapaalam nito.

"Sige, Sergeant. Mag-iingat kayo."

Pag-alis ng babaeng pulis na iyon ay isinirado na ni Detective Ferrer ang pintuan. May isa pang litratong sumulpot sa sobre — ang isang malaking bahay.

"Darn it! May klase pa bukas!" pasigaw kong ani sa aking sarili. Pagtingin ko sa aking telepono ay mayroong mensahe.

May sasabihin ako tungkol sa pinapahanap ko sa inyo.

Kasunod nito ay mayroong link na nakadiretso sa video call.

"Sino yan?" tanong ni Officer Lee.

"Uh, kapatid po ni Raine," sagot kong parang wala nang gana.

"Ikaw ang gusto niyang makausap. Sige na, doon kayo mag-date sa library," wika ni Raine na itinulak ako papunta sa sinasabi niyang lugar sa loob ng apartment namin.

"Parang alam ko na kung nasaan ang lugar na iyan!" ang huli kong narinig mula kay Officer Lee bago ko pa man masirado ang pinto sa silid na iyon.

Pag-upo ko sa upuan ay hindi ko na maayos na narinig ang mga pinag-uusapan nila sa labas. Pagkatapos makikonekta sa WiFi sa gusali ay binuksan ko na rin ang link.

Pagbukas ko sa website ko ay binati ako ng isang upuan sa loob ng isang opisina. Walang tao rito at pawang binuksan lang ang selpon niya.

"Hello?" Kita ko ang aking sarili sa may parteng itaas na bahagi ng screen. Maliit lamang ito kumpara sa upuang gawa sa kahoy na iyon.

"Nasaan siya?" narinig kong tanong sa akin ng kapatid ni Raine na hindi ko naman makita.

"Uh..."

"Nasaan si Raine at bakit ikaw ang nandiyan?" pag-ulit nito.

Alam kong magkaaway ang dalawa kaya naman kung ayaw kong malagot kay Raine ay hindi ko dapat sabihin ditong para bang nababalisa na ang kapatid niya dahil sa maling time management.

"Abala na po kasi siya sa pag-iimbestiga, e. Ayoko namang istorbohin siya kaya ako na lang ang nagpresentang makipag-usap sa iyo," palusot ko bago mapalunok ng aking laway.

"Ah, ganun ba? Kung ganoon ay tama pala ang desisyon kong payagan siyang kumuha ng dalawang kurso," aniya.

Napunan na ang upuan nang maupo na rito si Elizabeth. Nakasuot ito ng asul na nightgown at may maskarang ipinahid sa kaniyang mukhang nagkulay itim.

"Ganoon na nga." Pinilit ko na lang na ngumiti sa kaniyang harapan upang hindi niya mahalata ang kaba kong itinatago.

"Thirty three years old. Works as one of our agents before taking a leave because his wife gave birth to their baby a month ago," wika niya sa akin habang may pinagkakaabalahang isulat sa lamesa niya.

"Ang huling nakakita rito ay ang asawa niya noong Miyerkules, alas otso ng gabi. Sinabi niya rito na may pupuntahan siyang importante," pagsasalaysay ng kapatid ni Raine. "Kahapon lang na madaling araw ay nakita na nga siyang wala nang buhay."

"Sa may ilog siya nakita, hindi po ba? Saan po iyon?" tanong ko.

"Sa tabing-ilog ng Leveriza Street. Mga batang naglalaro ang nakakita sa kaniya," sagot nito sa akin.

"Baka nakainom lang po yun. Maraming bar sa Malate, hindi ba?" tanong ko.

Natigil ang kaniyang ginagawa at saka nabaling sa akin ang kaniyang tingin. "Buti naman at hindi nangealam ang kapatid ko sa imbestigasyon ng mga pulis," wika niya. "The police have already examined the body, and no traces of alcohol were found."

"Kung ganun ay ano po ang nangyari? Paano siya nakarating doon?"

"Hindi pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay niya. Hindi niyo na iyon problema dahil ang mga pulis na ang nag-aasikaso nun," sagot pa niya. "Ang kailangan ko lang na gawin ninyo ay kunin ang pinapakuha ko."

"Buti naman," pabulong kong wika sa aking sarili.

"Kumusta naman ngayon ay kapatid ko?" tanong pa nito. "Kumusta ang pag-aaral niya?"

"Uh, ayos... ayos naman po. Ang galing niya nga po, e," palusot ko na lamang kahit na sa totoo lang ay gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo.

"Sige, kung iyan ang sabi mo," wika nito. "Ensure that you complete the task I've assigned to you without anyone else knowing."

Pinatay na niya ang pagtawag sa wakas. "Tama nga ba ang ginagawa kong ito?" pabulong kong wika na naman sa aking sarili.

Pagbalik ko sa may sala ay naroon pa rin sila Raine at nakatingin sa dalang laptop ng batang pulis. Pagtingin ko sa selpon ay nakita ko ang oras na nagsasabing malapit nang gumabi.

4:36 p.m.

"Kanina pa po kami pabalik-balik sa siyudad," wika ni Raine.

"Sige, ako na ang bahala sa paghahanap ng iba pang makakapagkonekta sa kasong iyan. Ron, ikaw na muna ang bahala sa kanila," wika ni Kuya George.

"Sir?" tanong nito na para bang hindi inaasahan ang utos na iyon.

"Samahan mo si Raine na maghanap sa lugar na iyan ng leads. Bago ka pa lang sa trabaho mo kaya baka naman hindi ka kilala nung nagmamasid kay Raine," sagot ni Kuya George.

"Sige na. Huwag na tayong magsayang ng oras," ani Kuya Ron na sinirado ang kaniyang laptop. "Raine, tara na. Sumabay ka na lang sa sasakyan ko."

"Ano nga ulit ang pangalan ng kasama mo?" Nabaling ang atensiyon sa akin ni Kuya George.

"Isasama pa po ba si Zane?" tanong ni Raine rito.

"I guess this case is connected to him so he may come with us," sagot ni Officer Lee.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro