31. Fool Me Twice

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Select the correct equation for your problem to find the ideal solution."

- lorainejd 𓆩ᥫ᭡𓆪

-----

Chapter 31:
Fool Me Twice

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

On the night the full moon will appear,
A whisper of music soon you will hear.
The scarlet shadow is now drawing near,
Who am I, to whom shall you lend an ear?

"...lend an ear?" wika ni Raine matapos sabihin ang nakasulat sa isang pirasong papel na binigay sa akin.

"Kanino ito galing?" tanong ko habang nasa loob kami ng sasakyan ni Officer Lee.

The paper had the same scent as the previous envelope. It's likely that the same person sent both.

"It's likely the work of that stalker who's been involving others. But now, they've upped their game," sagot ni Raine na nakaupo sa likod namin ni Officer Lee.

"What do you mean?"

"Ngayon ay nagpadala na siya sa post office. Ang postman na may dala ng sulat na iyan ang pinuntirya niya," sagot pa niya. "Siguro ay hindi na gumana ang nauna niyang estratehiya."

"Sino ang lalaking ito? Bakit niya dinadamay ang dati nang wala?"

"Sa tingin mo ba ay karugtong ito nung nauna niyong ginawa?" tanong ni Officer Lee.

"Hindi ko po alam pero ganoon po ang kutob ko," sagot ko na lamang.

"May I ask what happened to your mother? I recall hearing something about it from Inspector, but as I'm still quite new, I haven't yet learned the full details," wika sa akin ni Officer Lee habang nagmamaneho ito ng maliit niyang itim na kotse.

"Limang taon na po ang nakakaraan noong nasunog ang pinagtatrabahuhan niyang pagawaan ng damit," sagot ko. "Isa po siya sa mga napuruhan doon dahil nag-malfunction ang isang equipment doon."

"It's an accident, right?" tanong ni Raine.

Sa pagkakaalala ko ay sinabi sa akin ni Papa na dahil daw iyon doon. "Oo," sagot ko.

"When you said five years ago, is there a suspect involved?" tanong pa ni Raine.

"Pinakulong yung may-ari," sagot ko na lamang.

"What if–" bulalas na lamang niya bigla.

"What if what?"

"Nandito na tayo," wika ni Officer Lee kasabay ng paghinto ng sinasakyan namin.

We arrived at our destination, the house from the photograph, though it now appeared quite aged.

"What now?" tanong ko. "Wala pa po kaming pahinga simula noong nagsimula ito."

"Baka may alam ang nakatira sa bahay na iyan," wika ni Officer Lee kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng kaniyang sasakyan.

Doon sana ako bababa nang isinara naman niya agad ito.

"Anong problema?" tanong ni Raine na nakalabas na rin.

"Paano ba nabubuksan ito?" Kung wala lang sanang problema sa oras ay baka hindi ko iyon sinabi sa kanila para hindi nakakahiya.

Umikot si Officer Lee sa unahan ng kotse at saka pinagbuksan ako ng pinto.

"Tara na."

Paglabas ko ay binati kami ng malakas na hangin at ingay ng mga kalapati sa paligid. May kalakihan ang lote at saka napapalibutan ito ng pader na ngayon ay nababalot na ng mga gumagapang na tinanim.

"Dito lang kayo sa likod ko," wika ni Officer Lee habang naglalakad kami sa patyo papunta sa kulay asul na pintuan. "Raine, dala mo ang binigay ko sa iyo?"

"Opo," sagot naman ng kasama ko. Habang nagpalitan sila ng pagtingin ay hindi ko mawari kung ano ba ang ibig sabihin nila. Tumahimik na lamang ako at saka sumunod.

"Tao–," wika ni Officer Lee na naputol nang dahil sa isang babaeng umiiyak na nagbukas ng pinto.

"Tulungan niyo ako! Nawawala ang kapatid ko!" pagmamakaawa nito.

"Paano naman niya nalamang pupunta tayo rito?" pabulong na sabi sa akin ni Raine na parang hindi kumbinsido sa mga pangyayari.

"Tumawag na po kayo sa mga pulis?" tanong ni Officer Lee.

"Hindi ko siya mahanap! Hindi ko mahanap ang kapatid ko!" sagot lamang nito na para bang nababalisa kasabay ng paghila niya kay Officer Lee papasok sa bahay nila.

Sumunod na lamang si Raine na sinundan ko naman. Kalmado lamang siya subalit pansin kong may hinala siyang kakaiba at ayaw niya lamang sabihin sa akin.

"Huminahon lang po kayo, Ma'am. Magiging ayos lang po ang lahat," pagpapaliwanag dito ni Officer Lee.

"Ipinadala ka ba nila?" tanong nito rito.

"Tumawag na po ba kayo sa pulisya? May–" sagot ni Officer Lee.

"Tatawag pa lang sana ako. Buti naman at ang bilis niyong rumisponde," wika nito na patuloy pa rin sa pagluha.

"Uh, opo," wika ng kasama namin. Pagkaalis ng hawak sa braso niya ng babae ay humarap ito sa amin at saka bumulong. "Pwede bang pakalmahin niyo muna si Ma'am? Kailangan ko itong i-report sa mga kasamahan ko."

"Sige po," sabay naming sabi.

"Teka lang po, ah. Tatawag lang po ako ng mga pulis," kalmadong sambit ni Officer Lee sa babae.

"S-Sino naman ito? Kayo ba ang kumuha sa kapatid ko?" Paglipat sa amin ng mga mata ng babae ay agad itong lumapit. "Lumayas kayo sa pamamahay na ito, mga bata kayo!"

"Hindi po. Hindi po kami ang kumuha," sagot ni Raine at saka may bumuhos na luha sa kaniyang mga mata.

Anong nangyari?

"E bakit kayo sumama sa pulis?" tanong pa ng babae. "Hindi namin gusto ng mga tsitmosa't tsismoso."

"Mabait pong kapitbahay ang kapatid niyo," dagdag pa nito.

"Kilala mo?" pabulong kong tanong rito subalit nakatuon pa rin ang pansin niya sa babaeng umiiyak.

"Ngayon pa lang kita nakita sa kalyeng ito, a," wika ng babae na sa wakas ay tumatahan na rin at saka ibinaba na ang kaniyang tono.

"Hindi ko po... Hindi ko po inaasahang ganito ang mangyayari. Masayahin naman po siya at saka mapagbigay," sambit ni Raine na pinapahid ang kaniyang mga luha sa mata.

"Masayahin? Mapagbigay?" tanong nito. "Pero may sira ang utak niya."

"Baliw?" pabulong kong sambit sa aking sarili.

"Ikaw, sino ka naman?" Nabaling sa akin ang kaniyang atensiyon na para bang kakain ng tao.

"Sige po. Aalis na kami," wika ni Raine na natigil na sa pag-iyak. Nagsimula siya sa paglalakad at saka kami lumabas ng bahay.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Officer Lee sa kasamahan ko kasabay ng pagbaba niya ng kaniyang walkie-talkie. Kapareho lamang niya ang ekspresyong nadama ko.

"Para po kaming kakainin nung babae, e. Kaya naman po ginawan ko na lang ng paraan," sagot ni Raine na pinunasan pa ang natitirang luha sa kaniyang mga mata.

"Opo, galit sa amin yung maybahay," wika ko naman. "Pero napakalma naman po namin siya."

"At saka hindi naman po siya nakatira rito. Ngayon lang po siya bumisita sa sinasabi niyang 'baliw' na kapatid," pabulong na dagdag pa ni Raine.

"Baliw na kapatid? Sinabi niya iyon?" tanong pa ng pulis.

"Opo, Kuya. And while her tears and fear seems genuine, I had a different instinct about them," wika pa niya.

"Sige, doon lang kayo sa sasakyan. Ako na ang bahala sa kaniya," wika sa amin ni Officer Lee. "Darating na rin ang mga backup."

Habang naglalakad palayo sa bahay na iyon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Bakit?" tanong niya sa nag-iisip pang sarili. "Bakit nakatingin ka?"

"Alam mo na kung ano ang sasabihin ko sa iyo," sagot ko.

"Alam ko?" tanong pa niya.

"Yep. Alam mo," sagot ko.

"Kung ganoon ay sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi sa iyo ni Ate Liz," sagot nito na nagpakunot sa aking noo.

"Iyon? At saka saan tayo pupunta?" Napansin kong lumihis lamang siya sa itim na kotse ni Officer Lee na nakaparada sa gilid ng kalye.

"Bidens alba," sagot niya na dire-diretso lang sa paglalakad sa tahimik na kalsadang iyon.

"Anong meron doon?"

"Spanish needle is commonly found in disturbed areas like roadsides, fields, and gardens," wika niya at saka huminto sa katabing lote na hindi ko makita ang itsura nang dahil sa mataas na pader.

Para bang huminto sa pagtibok aking puso kasabay ng pakiramdam na may humihila sa akin papunta roon.

Naglakad ako papunta sa kaniya kung saan ko nakita ang isang bakanteng lote na mayroong maraming tinanim.

Para bang tinamaan ako ng kidlat nang nalipat ang mga mata ko sa mga naroong mga spanish needle.

Her phone buzzed with a notification, vibrating in her hand. "Is that the person?"

"Ang pinasa kong ipapasuri kay Sir Aguilar," sagot nito sa kaniyang seryosong tono. Nabaling ang kaniyang tingin pabalik sa mga damo.

"Ito ba ang nakita natin kanina sa laboratory?" tanong ko.

"Limang taon na ang nakararaan noong sa kapareho nitong lugar nagpunta ang Mama mo," wika pa niya.

"Lumabas na ang resulta? Si Mama ba talaga ang may suot ng damit na iyon?" tanong ko, hindi na makapaghintay na malaman ang mga kasagutan doon. "Masasabi ba nila kung bakit mayroong dumi roon? Bakit hindi man lang naalis matapos ang limang taon?"

"Kinonpirma nga nila ang nakuha ko kanina sa ospital na resulta. Nag-match nga ang nakita kong buhok doon sa damit — sa Mama at sa Papa mo," sagot niya.

"Tanungin na natin si Papa?"

"Sila na ang bahala. Binigay ko na sa kanila iyon," sagot niya.

"Paano mo na naman–"

"Hindi mo na naman inintindi ang selpon mo kanina habang nasa kotse. Muntik na ngang mahulog, e," sagot pa nito. "Hindi mo pa rin pinapalitan ang password mo."

Pagtingin ko sa aking bulsa ay nakabalik na nga ang selpon ko roon, marahil pagkatapos niyang gamitin. Napangiti na lamang ako kahit gulong-gulo na ang aking isipan subalit agad naman itong naputol dahil sa isang pagtawag.

"Ito na ang hinihintay mo," pabiro niyang wika bago buksan ang kaniyang selpon.

"Ang bagal mong gumalaw. Pa- Pasalamat ka at... hindi kita paaabutin hanggang sa... sa klase mo bukas," ani ng babaeng nasa selpon. "Alam ko... Alam ko namang hindi ka na makakaabot doon."

"Nasagot ko na ba ang bugtong mo?" tanong dito ni Raine.

"Nasa paligid mo lang ang... sinasabi niyang baliw," wika nito. "Bilisan mo naman kung hindi ay pa-pabibilisin ko ang oras ng... ng... ng pagkamatay ng ba-babaeng ito."

"Tigilan mo–"

Beep!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro