37. I Hide, You Seek

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Our success would not see the light of day, but our failures will become widely known"

- Rena Muzinashi

-----

Chapter 37:
I Hide, You Seek

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

This is the moment I have to face the harshness of reality. I may find other people as life passes by, but in the end, I am still alone — all by myself.

Sa oras na pumasok ako sa loob ay binati ako ng nakakasilaw na liwanag na galing sa mga bumbilyang nagpapailaw sa tanggapan ng boarding house na iyon.

"Kailangan ko pong umakyat. May kailangan po akong gawin." Kahit na ayaw makipag-usap sa iba ay hindi ko na ito pinansin pa.

"Boarder ka ba rito?" tanong ng lalaking nakabantay sa may counter at nakaupo lamang doon.

"Siyam!" wika ng lalaki sa aking selpon.

"Pulis kami, papasukin niyo siya." Agad namang pumasok si Detective Cruz at pinakita ang kaniyang badge.

Binigyan niya ako ng isang nanlilisik na tingin na para bang hindi niya ako pinagkakatiwalaan. "May warrant ba kayo? Anong nangyayari—"

Sa bawat segundong nasasayang ay mas bumababa pa ang kompiyansa ko sa aking sarili. Hindi ko na gusto pang makipaglaro sa taong iyon at ayoko nang may mawala pa nang dahil sa walang kuwentang bagay na ito!

"Walo!"

"Ito? Pulis ba ito?" tanong pa ng nakabantay.

"Sir, may mga nakasalalay po na mga buhay rito!" Sa aking harapan ay dumating si Zane at hinarap ang mga nanlilisik na mata ng lalaki. "Gusto niyo po bang makulong kapag may nangyaring masama ngayon?"

Sa unang pagkakataon ay nakita kong ipinakita niya sa akin ang personalidad nitong hindi ko pa nakikita noon.

Kinuha ng isa sa mga tauhan ni Detective Cruz ang susi na binigay na rin ng bantay sa wakas.

Sa mga oras na hindi ko mawari kung ano ang aking gagawin ay mayroon pa palang mga taong nariyan para tulungan at damayan ako.

"Raine, sige na!" utos ni Detective Cruz.

"Pito!"

Walang ano-ano ay umakyat ako sa hagdanan at hindi na pinansin ang iilang taong tumatambay sa mga tambayan kada-palapag.

May apat na silid na tinitirhan ng isa hanggang apat na boarders at kailangan ko silang makitang lahat.

"Sino yun?" narinig kong usapan nila.

"Ewan."

"Hi, Miss."

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at hinahayaan lamang ang sariling buksan ang mga pintuan kada-silid.

"Anim."

Pagbukas ko ng nasa dulong pintuan sa ikalawang palapag ay naroon ang apat na babae.

"Ano ba?! Nananahimik ang tao rito, e!" wika ng isa sa kanila.

Umakyat na ako sa ikatlong palapag ng gusali at hinayaan na matingnan ang mga taong naroon.

"Saan ka nakatira?"

"Naliligaw ka?"

Hindi ko na pinansin kung ano ang mga sinasabi nila nang umakyat na lamang ako sa pinakatuktok ng gusali.

"Lima!"

"Nasaan ka?!" sigaw ko na lamang.

Bumilis ang pagtibok ng aking puso at patuloy lamang ang pagtulo ng pawis mula sa aking mukha.

Walang tao sa itaas at tahimik ang paligid — napakatahimik, na nagpadagdag sa aking pangambang hindi ko naman ginusto.

Handa na akong isuko na lamang ang aking sarili nang matapat sa aking mga mata ang gusaling kitang-kita mula roon.

𓇢𓆸𓇢𓆸
Para bang humintong muli ang oras nang nagpakita sa aking harapan si Dad.

"Dad, hindi ko na po kaya." Isang luha na tumulo mula sa aking mata ang pumukaw sa aking emosyong pilit kong itinatago. Tuluyan na ngang sumunod ang iba pa.

"Alam mo bang ang swerte mo dahil kaya mo itong gawin?" tanong niya na para bang nangungulit muli.

Gusto ko man siyang lapitan subalit para ba akong ginapos ng aking damdamin na hindi ako pinagalaw sa aking puwesto.

"Dad," muli kong pagtawag.

"Tigil diyan, Raine. May kailangan ka pang gawin at hindi ka puwedeng sumuko," sita niya sa akin habang iniikutan ako.

"Gusto ko pong mamuhay ng normal pero hindi po kaya ng isip ko! Dad, natatakot po akong mawala sa katinuan kung hindi ko man iyon–"

"Raine!" Humarap siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.

"Naaalala mo ba ang mga ginamit niyang bugtong?" Mula sa aking likuran ay narinig ko ang boses ni Kuya Ron. Paglakad palayo ni Dad ay nakita ko na siya na naglakad papunta sa aking kanan.

Sa aking harapan ay may mga naisulat na salita sa ere na nasa aking sulat-kamay.

On the night the full moon will appear,
A whisper of music soon you will hear.
The scarlet shadow is now drawing near,
Who am I, to whom shall you lend an ear?

I stand tall and strong, reaching for the sky,
At night, I catch the moon's gentle eye.
By day, I'm a bustling hive,
With floors and rooms that come alive.
What am I?

Across the street where flowers bloom.

Pagbasa kong muli sa mga katagang iyon ay naging mas malinaw na sa akin ang lahat.

Flower shop.

Skyscraper.

Pagtingin ko sa langit ay naroon ang isang bilog na buwang nakatingin sa akin.

"Flower shop, tama ka na roon," sabi ni Kuya Ron.

"Skyscraper. Ayun kitang-kita sa may bandang kanan ng gusali na para bang tinuturo ang bilog na buwan," wika naman ni Dad.

Kanang bahagi tama!

Unti-unti na ngang gumaan ang aking loob kasabay ng tuluyang pagkalma ng aking puso.

Sa isang kisapmata ay binati ako ng mga taong nakita ko roon. Base sa naaalala ko ay mayroong labinlimang tao sa loob kasama na ang nasa counter.

Kanang bahagi. Probably those who live or were currently living by that side.

Lumapit ako sa kanila at tinapik ang pitong nakadestino sa kaliwang bahagi ng gusali. Agad naman silang naglaho at naiwan ang mga maaaring suspek sa aking harapan.

"Ano pa ang alam mo?" tanong ni Dad na seryoso na ang tono. "Anak kita kaya alam kong kaya mo iyan."

"Music soon you will hear!" Bumalik sa aking alaala ang musikang narinig ko sa isa sa mga silid doon.

Classical. Beethoven 9.

Sa muli ay tinapik ko ang mga hindi kasali sa mga maaaring kasagutan.

Mayroon pang apat na natira na nakatira sa ikatlong palapag ng silid. Room No. 4.

"The scarlet shadow is now drawing near," ani kong muli.

Lahat sila ay nakasuot ng shade ng kulay na iyon — dalawang babae at dalawa ring lalaki.

"Who am I, to whom shall you lend an ear?" tanong ko sa aking sarili.

Biglang pumasok sa isipan ko ang mga taong nakita kong nakatambay lang sa pasilyo. Ang isa sa mga taong naroon ay nasa loob lamang at tumutugtog ng gitara.

Ang nagsabing: Naliligaw ka?

"Bingo!"
𓇢𓆸𓇢𓆸

"Apat."

Agad kong tinakbo ang hagdanan hanggang sa marating kong muli ang silid na iyon.

"Tatlo."

Nang dahil sa kaba ay halos hindi ko na mahanap kung anong susi ang kukunin ko para sa mga silid na naroon.

"Ako na," wika ng isang babaeng nakasuot ng scarlet na damit. Kinuha niya ang mga susi mula sa akin at binuksan ang pinto.

"Dalawa."

Pagbukas ng pinto ay naroon ang nag-iisang tao sa loob ng silid na iyon. Kalmado lamang ito at saka patuloy ang pagtugtog ng kaniyang kulay berdeng gitara.

"Huli ka na!" sambit ko rito.

"Huh?" Itinigil niya ang kaniyang ginagawa at saka inilapag ang gitara. "Anong pinagsasasabi mo, Miss?"

"Huwag ka nang magsinungaling dahil tumigil na ang pagbibilang ng alaga mo!" ani ko.

Isang ngiti ang nabuo sa aking mukha subalit naroon pa rin ang aking pangamba na nais pa ring magpumiglas paalis sa akin.

"Alex, anong ibig sabihin nito?" tanong ng babaeng tumulong sa akin.

Maaaring nasa ika-tatlumpung isang taong gulang na. Left-handed. Base sa mga poster sa dingding ay isa silang banda — ang apat na taong nakatira roon.

"Nasaan na siya?" tanong ko. "Bakit mo ito ginagawa?"

Agad na dumating ang mga pulis mula sa ibaba at saka pinosasan ang lalaki.

"Ano ba ang mga pinagsasasabi niyo?" tanong nito na para bang inosenteng taong nadamay lang.

"It turns out we're right," wika ni Detective Cruz noong lumapit ito sa akin.

"Wala akong ginagawang masama," ani pa ng lalaki habang dinadala ng mga pulis pababa ng gusali.

"Alex!" tawag naman ng mga kabarkada nitong nakatambay sa pasilyo.

"Naroon pala niya nilalagay ang mga hostage niya sa abandonadong bahay sa gilid ng gusaling ito," pagpapaliwanag ni Detective.

"Nakita niyo na po ba ang hostage?" tanong ko rito.

"Naroon. Yung nagbabantay kanina, umamin na may mga nanakot sa kaniya na kung magsasabi ng totoo ay pasasabugin nung lalaking iyon ang gusali," sagot nito.

"Yung tinutukoy pong sniper?"

"Ang nagbabantay rin iyon," sagot ni Detective Cruz. "May nakaheristrong baril sa Alex na iyon at siya ang pinahawak."

"At bago ka riyan magsalita, kasama na rin siya sa isasama sa presinto para tanungin," ani Kuya Ron.

"Kailangan ding marinig ang mga testimonya ng mga taong kasamahan niya, hindi po ba?" tanong ko na lamang.

"Kasama?" wika nito.

"Sa banda po at halata naman po sa kulay ng damit nila ngayon," sagot ko. "Maya-maya lamang po ay mayroon silang gig."

"Mukhang may plano na silang magsaya pagkatapos mong matalo sa laro niya, a," pabirong pagsabat ni Zane na nanatili lang sa may hagdanan.

"Tara na. Para makatulog na kayo," wika ni Kuya Ron kasabay ng paghimas sa aking buhok.

"Ang coat ko rin, ibalik mo–"

"Ito po–" Huhubarin ko na sana ang suot-suot kong coat ni Detective Cruz nang pinigil niya ako.

"Ibalik mo kapag nalabahan mo na," sagot niya. "Baka basang-basa na iyan ng pawis mo."

And with that, we finally headed towards the police department — ready to face the truth.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro