36. Meretricious

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Meretricious... and a Happy New Year."

- Sherlock and D.I. Lestrade

-----

Chapter 36:
Meretricious

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Ma'am Elizabeth.

Any luck? I need a report before the end of the day or at least tomorrow morning.

Pagtingin ko sa aking selpon ay nakita ko ang mensaheng galing sa kapatid ni Raine.

"Ang ate mo," sagot ko sa kaniya. "Says here that a report is needed at least tomorrow morning."

"Alas-sais y medya na, Zane. Hindi pa nga tayo kumakain," pabulong na wika ni Raine habang umaakyat sa sasakyan.

"Paano kung kailangan talaga ang pinapahanap niya?"

"Ganito na lang, sumama ka na lang sa akin hanggang sa makaisip ako ng maayos na plano," wika nito sa akin na para bang pinipigilan ang kaniyang galit.

Pansin ko na para bang may nililihim siya sa akin subalit alam kong wala naman akong karapatang tanungin siya nang dahil sa hindi ko naman ito kaano-ano.

Ginawa ko na lamang ang sinabi niya at sumakay muli sa kotse ni Kuya Ron. Sa oras na iyon ay kasunod na rin namin ang kulay asul na kotse ni Kuya George.

"... ang kasalukuyang nasa comatose state..." Narinig kong wika ng isang babaeng reporter sa radyo ng sasakyan.

"Sila na ata iyon. Malamang ginawa nila para hindi makapagsalita ang mga hostage," sambit ko.

"Natalo ako sa larong iyon," sagot na lamang ni Raine na nakatulala lamang sa bintana. "Pero kung tutuusin ay natapos ko naman ang bugtong niya bago pa man matapos ang oras na ibinigay. Sinadya niyang patahimikin ang lalaki para hindi na makapagsalita pa ng tungkol sa kaniya."

"Akala ko nga kung siya na ang kidnapper, e," wika ko.

"Hindi, Zane. Mas malala pa sa kaniyang kidnapper. Pinaplano niya na ang lahat sa simula pa lamang," sagot pa niya.

As those words entered my mind, many of the puzzle pieces began to fit together. The kidnapper had planned everything, and it’s possible my arrival in Raine’s life was part of that plan.

For that matter, the kidnapper likely knows my entire life as well as Raine's!

Pagbalik ng atensiyon ko sa kaniya ay hindi pa rin mawala ang kung ano-ano pang bagay na dumarating sa aking isipan. My anxiety is striking again!

"Any suggestion of what we might do to solve your sister's case as well?" tanong ko na lamang.

"Uh... Just to remind you two, Zane isn't allowed to go inside the headquarters because of his probable connection to the kidnapper's game," wika ni Kuya Ron na parang hindi naman kami pinakikinggan nang dahil sa nakabukas na radyo.

Hindi nga ako nakapasok sa loob ng headquarters. Sa halip ay nanatili lamang ako sa loob ng kotse at hinayaan na lang alisin ang kaba ko sa pamamagitan ng pag-scroll sa social media.

Matapos ang ilang pasikot-sikot sa mundo ng internet ay nakarating na ako sa muling pagbabasa ng komiks na sinusubaybayan ko.

"Bakit naman umalis ka pa?" angal ko sa karakter na babae na bigla na lamang hiniwalayan ang kasintahan niya.

Bigla na lamang nabulantang ang aking diwa nang may bumukas ng pintuan ng sasakyan.

"Anong nangyari sa iyo?" Paglingon ko sa liwanag ay naroon si Raine na binigyan lang ako ng seryosong mukha.

Agad kong pinatay ang aking selpon at ibinalik ito sa aking bulsa. "Ah, wala. Tara na," sagot ko na lamang. "Saan pala tayo pupunta?"

Dire-diretso lamang sila sa kani-kanilang mga pwesto at saka na nagmaneho si Kuya Ron. Mula sa salamin sa unahan ay nakita ko ang van nina Detective Cruz na sumusunod sa amin.

"Raine?"

"Pabalik, Zane. May klase pa ako bukas ng umaga sa klase ni Sir Aguilar at gusto ko nang magpahinga para makapasok ng maaga bukas," sagot nito sa akin na pansin ko ang pangamba sa boses.

"Si Kuya George, nasaan?"

"Inaayos ang kaso ni John Zamora," sagot niya. "Ngayon, pakiusap, ayoko muna ng mga pandagdag na problema."

"Sorry," sagot ko na lamang.

࿐ ࿔*:・゚

Matapos ang ilang pasikot-sikot, nakarating na rin kami sa isang gusali na nasa tapat ng aming tinutuluyang apartment.

"Flora's Boarding House?"

Bago pa man pumasok ay kinuha ni Raine ang kaniyang selpon at saka binuksan muli ito.

"Hindi mo na kailangang tumingin pa, Zane," wika nito bago pa man ako makasilip sa kaniyang hawak-hawak. "Wala namang nangyari rito-"

Pagtingin niyang muli sa gusali ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Paghanap ko sa kung ano mang nakaakit sa kaniya ay nakita ko ang katabi nitong bahay na walang ilaw.

Nag-ring muli ang kaniyang selpon na agad naman niyang sinagot.

"Nandito na ako," wika rito ni Raine.

"Magaling! Ngayon ay gusto kong hanapin mo kung sino ang tunay na salarin," sagot ng lalaking kapareho ng kanina. Kagaya ng dati ay napakalmado pa rin nito.

Hindi kaya-

"Salarin? Salarin-" pabulong na tanong ko kay Raine.

"Sa dingding?" sagot naman nito.

"Huh?"

"Nalilito ako sa inyo. Nagsasabayan," pabulong na sita nito sa akin.

"Narito na tayo sa climax ng... istorya mo, De Verra!" wika nito na nagsimula na ngang magparinig ng senyales ng pangamba. "Nasa iyo ang susi kaya ikaw na ang bahala."

Ang susi?

"Tumatakbo pa rin ang oras at... dalawang minuto na lang ang natitira," dagdag pa ng lalaki.

"Anong susi? Anong ibig mong sabihin-"

Beep!

Kita ko ang pawis na namuo sa kaniyang noo na unti-unting bumabagsak kahit na malamig naman ang panahon.

"Para saan pang pinapunta niya tayo rito?!" pagdiin niya kasabay ng paghila sa kaniyang buhok.

"Raine, I might have found the answer!" Mula sa sasakyan nila ay lumabas si Detective Cruz na dala-dala ang journal na binigay ni Mrs. Angelica.

Doon ay mayroong nakapintang itim na rosas sa unang pahina. Sa palibot nito ay ang kulay pulang pinturang para bang ginamitan lamang ng mga daliri upang maipinta.

Sa sumunod na pahina ay mayroong para bang iginuhit na tao gamit ang isang itim na ballpen. Hindi mawari ang kasarian o kung sino iyon nang dahil sa hindi ito natapos at napuno lamang ng mga krayolang basta-basta na lang ikinulay sa papel.

"Ano po ito?" tanong ko.

"Mga hindi natapos na larawan," sagot ni Detective Cruz.

Marami pa nga ang mga hindi natapos na guhit doon hanggang sa lumapit si Raine sa harap ng flower shop.

Ipinagpatong-patong niya ang mga pahinang may guhit hanggang sa noong itinapat sa liwanag ay nagpakita ng isang litrato ng isang lalaki.

"Alam na po natin kung sino ang tunay na dahilan ng sunog noon," wika niya.

"Siguro ay mayroong mga record tungkol sa kaniya ang pulisya," ani Detective Cruz. Kinuha niya ang pulang notebook mula kay Raine at saka tumakbo papunta kay Kuya Ron.

࿐ ࿔*:・゚

Makalipas ang ilang segundo ng pag-iimbestiga sa loob ng van ni Detective Cruz, kasama ang tatlo nitong backup, ay alam kong patuloy lamang na nauubos ang oras.

"Dalawa sila subalit isa lang ang naaalala niyang mukha," wika ni Raine.

"May nakita kaming iba pang mga kakaibang simbolo sa libro pero hindi ko alam kung may oras pa tayo," sagot ni Detective Cruz.

"Ang isang lalaking iyon ay nagngangalang Alex Bautista. May record na siya ng homicide noon," ani Kuya Ron na gamit ang computer ay ipinakita sa amin ang nag-match sa litrato.

"Location?" tanong ni Detective Cruz na pansin ko ang pagmamadali sa kanilang mga boses.

Binuksan ni Kuya Ron ang isa pang window ng kaniyang computer nang makita namin ang mapa.

"Iyan ba yung lokasyon ng selpon na tumatawag kay Raine?" tanong ni Detective Cruz.

"Hindi ko ito inasahan pero ngayon ay nahanap na nga natin ang kinaroroonan ng kidnapper na iyon," wika ni Kuya Ron.

Pag-zoom in niya sa mapa ay nakita namin ang kinaroroonan ng pulang bilog na nasa harapan ng kinatatayuan namin.

"Got ya!" bulalas ni Kuya Ron.

"Magsuot ka ng bulletproof vest, Raine. Kaya mo bang pumunta roong mag-isa?" tanong ni Detective Cruz.

"Mag-isa? Delikado po iyon!" pagdiin ko.

"Umaandar ang oras," sagot ni Raine. "Ako ang pinupunterya ng kidnapper na iyon at hindi ko na gusto pang may magbigay pa ng buhay niya para sa kasong ito!"

Isang pulis ang nagbigay sa kaniya ng vest at saka niya ito sinuot.

Upang hindi mahalata ay nagsuot siya ng isang mahabang kulay beige na double breasted trench coat na sa pagkakaalala ko ay kanina pang suot-suot ni Detective Cruz.

"Ingatan mo iyan, a," bilin nito kay Raine.

"Sasama ako!" wika ko. Papasok na sana ako sa van upang maghanap ng vest nang hinarangan ako ni Raine.

"Zane, delikado!" sabi nito.

"Delikado pero pupunta kang mag-isa?" tanong ko.

"Hindi mo ba naaalalang kayang kumitil ng buhay ng taong iyon? Nagsabi lang ang hostage ng tungkol sa boses niya pero hindi niya ito iniligtas!" pagpapaliwanag niya.

"Pero-"

Isang pagtawag ang muling dumating sa kaniya.

"Ano pa ang gusto mo? Kailan mo gustong matapos?" tanong niya rito.

"Sampung... segundo," wika ng lalaki sa selpon.

Para bang kidlat na tumama sa aking isipan ang sinabi niyang ito.

"Sa loob ng sampung segundo ay... dapat na... mahanap mo ako," dagdag pa nito.

"Sige na, Raine!" ani Detective Cruz.

"Pero paano po kung wala naman talaga siya riyan?" tanong ko.

"Sampu!" pagsisimula ng lalaki.

"Wala na tayong pagpipilian," sagot niya kasabay ng pagtakbo niya papasok sa gusali.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro