35. Riddles in the Dark

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Just the two of us against the rest of the world."

- Sherlock

-----

Chapter 35:
Riddles in the Dark

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

Matapos ang tawag na iyon mula sa lalaki, para bang gusto nang sumabog ng aking dibdib. Kakasabi pa lamang sa akin ng kaniyang ina na iligtas ko siya, ngunit hindi ko nagawang sabihin man lang sa mga pulis.

Narinig ko ang putok ng baril bago pa man matapos ang kaniyang pagtawag. Mataas ang posibilidad na hindi siya nakaligtas... para lamang mabigyan ako ng mga impormasyon.

"Raine, anong nangyari?" tanong sa akin ni Kuya Ron.

"Ayos ka lang ba?" wika naman ni Doctor Steven.

"I..." Pinigil ko muna ang aking sarili sa mga emosyong paparating at saka sila hinarap kasama ang isang ngiti. "I'm fine. Magba-banyo lang po ako, ah."

"Sigurado ka ba riyan?" tanong muli ng doktor.

"Opo. Kailangan ko lang po talagang magbanyo," sagot ko. "Kapag nakita niyo po ang mga kasama natin, huwag niyo pong sasabihin sa kanila ang nangyari."

Dumiretso na ako sa labas ng silid na iyon at sinubukang magpakanormal lamang sa paglalakad. Nasa kalagitnaan ako ng pasilyo sa labas nito nang makabunggo ko ang isang taong nakasuot ng lab coat.

"Naku, sorry!" wika nito. Paglingon ko ay nakita ko ang aking pinsan na napakaamo ng mukha subalit noong nagtama ang mga mata namin ay napalitan ito ng galit.

"Oh, it just you," dagdag niya.

Seriously? Mabait lang siya sa ibang tao.

"Oo, ako nga," sagot ko.

"How's my freak cousin? Nabalitaan ko ngang nandito ka ulit sa ospital pero bilang isang pasyente," wika niyang halatang nang-iinis.

"Hindi ako isang pasyente. Nahimatay lang saglit," sagot ko na lamang.

"Hmm... I wonder why," sarkastiko niyang ani. "Maybe because you spent so much time with your boyfriends last night."

"Sam, hindi ngayon ang oras para sa pang-aasar mo," wika ko.

"Oh, look!" Nalipat ang kaniyang mga mata sa aking likuran kasabay ng mga yabag na narinig ko. "One of your boyfriend's here now."

"He's not my boyfriend, and I don't even have one!"

"Oh, goodie!" bulalas niya. "Then don't you dare make him one."

"Kung gusto mo ay sa iyo na lang siya!"

"Mahina ka lang kasi–"

"Tama na nga!" Upang matigil na siya ay umalis na lamang ako at bumalik sa silid upang hanapin si Zane.

Matapos magkita-kita muli, handa na kaming hanapin si Ma'am Angelica. Hindi ko man nailigtas ang sinasabi niyang anak, subalit maililigtas pa namin ang kapatid niya.

Pinipilit ko pa ring pigilin ang aking pag-iyak nang dumating ang isang pagtawag sa selpon ng nagmamahenong si Kuya Ron.

"Sino po yan?"

"Si Detective Ferrer," sagot nito. Kung ganoon pala ay nakarating na sa kaniya ang nangyayari.

"Bakit po? Ano ang nangyari?"

"Nahanap na si Ma'am Angelica," sagot ni Kuya Ron.

May koneksiyon nga ang lahat ng mga nangyayari. Kung sino man ang may pakana nito ay napakadelikado. Maaaring sila rin ang may dahilan ng pagkawala ng mga magulang ko.

"Siya nga — Angelica Hernandez," sambit ni Detective Cruz.

Kahit na malaki ang posibilidad na wala na ang pangatlo nitong hostage ay mas maganda nang magpakasiguro.

Luna Residences, Kalayaan Street.

Upload.

"A-Ang nangyari doon sa... Anong-?" tanong ni Zane na tumitingin sa selpon ko.

"Don't expect something big, so you won't be as disappointed if it doesn't happen." Walang kasiguraduhan sa nangyari at ayokong umasa ng kung ano man para hindi ako masaktan.

࿐ ࿔*:・゚

Observing Ms. Angelica Hernandez, I immediately picked up some telling details about her.

Probably forty when estimated. Five feet and about three inches. Currently unemployed.

Far-sighted. Sweet. Liar. Widowed. Size 11. Right-handed.

"Tinawagan mo ba sila?" tanong ng babae na napalitan ng takot ang ekspresyon sa mukha.

"Kanina pa siya ayaw magsalita," pabulong na wika ni Kuya George.

Borderline Personality Disorder.

"Hay, buti naman!" bulalas nito.

"May sinabi po sa amin ang kapatid mo na may dala ka raw na isang mahalagang bagay. Totoo ba iyon?" tanong ni Detective Cruz.

Hindi siya basta-basta na lang magsasalita.

"Everyone, let's go outside!" utos ni Detective Ferrer.

"Anong-" wika ni Detective Cruz na hahawakan sana ang aking braso. "Raine!"

Alam kong kahinaan ko ito subalit kailangan ko itong gawin. Matatagalan pa kapag tumawag sila ng psychologist na hanggang ngayon ay wala pa.

"Isarado niyo po ang pinto!" utos ko.

"Lumayas ka!" sigaw ni Mrs. Angelica.

Ilang oras na lang. Kailangan kong makuha ang jornal niya.

"Isirado niyo po ang pinto," pagdiin ko.

"Alis!" sigaw pa nito.

"Ma'am Angelica, tama po ba?" tanong ko habang sinusubukan siyang lapitan.

"Sino ka?" aniya.

"Pansin ko pong parang natatakot ka. Ano po ang nasa isip niyo ngayon?" tanong ko pa.

"Bakit ka naman nangingialam? Kapareho ka lang ng iba. Ikukulong niyo ako ulit at iiwang mag-isa!" sagot nito.

"Ma'am, hindi po ako pulis at mas lalong hindi po ako pinadala ng kapatid mo para ibalik ka sa bahay na iyon," pagpapaliwanag ko rito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

Gusto ko man sabihin sa kaniya ang nangyayari subalit hindi iyon puwede. Kailangan kong makahanap ng paraan upang makuha ko ang loob niya kaya naman inipon ko na lamang ang aking mga emosyon at ibinuhos iyon sa kaniya.

"Ma'am, matutulungan po namin kayo. Alam ko pong may alam ka sa nangyaring sunog at handa po akong mapakinggan ka."

Nagsimula na ngang tumulo ang luha sa aking mga mata. Buti na lamang ay natigil na ang babae sa pagsigaw.

"Ma'am, inaamin ko pong hindi ako magaling sa mga ganito pero ang gusto ko lang po ay maayos na po ang kasong ito," dagdag ko. "May nagbayad na po ng napakalaking bagay para sa kaligtasan niyo kaya-"

"Ito ang naglalaman ng mga nalalaman ko tungkol sa sunog," sagot niya na para bang nabalik na sa katinuan. "Lahat ng nakalagay riyan ay sinulat ko matapos ang sunog na iyon."

"Ma'am, pwede na po ba kayong makausap ng mga pulis?" tanong ko.

"Saan naman nila ako dadalhin?" aniya.

Napansin kong may pagkasensitibo ang kaniyang pag-uugali. Para bang may oras na para siyang bata.

"Huwag po kayong mag-alala. Tataguan lang po natin yung kapatid mo," sagot ko. "Mga pulis po sila at saka magaling po sila sa larong iyon."

Tumingin siya sa akin at saka ako binigyan ng isang matamis na ngiti. Nakuha ko na nga ang kaniyang loob.

Ibinigay niya sa akin ang kaniyang kamay at saka ko siya inalalayan palabas. Ramdam kong takot pa siya subalit mayroon din namang parte sa kaniya na may tiwala na sa akin.

"Akyat na po tayo. Bilisan po natin para hindi ka niya makita," wika ko rito habang inaalalayan na ng mga pulis na umakyat sa van.

"Zane!" Nabaling ang tingin ko sa tapat ng coffee shop nang marinig ko ang pagtawag ni Tita Nuñez sa kasamahan ko.

Lumabas siya roon na maaaring nakarinig sa mga sinabi ko kanina. Baka kung ano ang maisip niya noong para bang umiyak ako kaya naman kailangan kong magpasimple na ayos lang ang lahat.

Umilaw ang kaniyang selpon sa bulsa nito at saka niya ito kinuha. Base sa kaniyang itsura ay para bang nagulat siya.

"Sino iyan?" tanong dito ni Kuya George nanilapitamn siya.

"Hindi ko po kilala," sagot nito. Lumapit ako at saka ko nakita ang numero — kapareho ito ng tumawag sa akin.

Bakit ba isa lang ang ginagamit nilang numero? Kapag nakita ko ang selpon na iyon ay baka makita ko ang mga fingerprints nila.

"Sige, kausapin mo. Tingnan natin," utos ni Kuya George.

"Gusto kong kausapin si Lorraine de Verra," ani ng isang lalaking nasa selpon.

Mas kalmado ito kaysa sa namatay na lalaki. Hindi ko na gustong may mawala pa sa mga inosenteng taong iyon. Hindi na ako papayag!

"Sino ito?" tanong dito ni Zane.

Agad kong kinuha ang aking selpon at saka binuksan ang recorder nito.

I stand tall and strong, reaching for the sky,
At night, I catch the moon's gentle eye.
By day, I'm a bustling hive,
With floors and rooms that come alive.

"What am I?"

·−/−·−·/·−·/−−−/···/···//−/····/·//···/−/·−·/·/·/−//·−−/····/·/·−·/·//··−·/·−··/−−−/·−−/·/·−·/···//−···/·−··/−−−/−−−/−−

"Isang oras!" dagdag pa nito.

"Tara na!" utos ni Detective Cruz.

Nakapasok na ang iba sa mga sasakyan nang mapatigil si Zane sa gitna ng paglalakad papunta sa mga pulis.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang ate mo," sagot nito.

࿐ ࿔*:・゚

Matapos na maihatid sa police station si Mrs. Hernandez ay tumulong sa akin ang mga kasamahan sa grupo ng dalawang detective inspector.

35 minutes left.

"We got the answer to the riddle, and it's a skyscraper," ani Detective Cruz habang nakatayo kami sa palibot ng isang lamesa sa loob ng kanilang opisina.

"Ang morse code?" tanong ng isa sa Sergeant ni Detective Ferrer.

"Across the street where flowers bloom," sagot ni Kuya George.

"Ano ang maaaring ibig sabihin nito?" tanong pa ni Sergeant Montreal.

"Must be a flower shop," wika ni Kuya Ron na kasama pa rin namin na kinuha ang computer niya. "Searching."

"Any other leads?" tanong ni Detective Cruz.

Napuno ng kaguluhan at mga lumilipad na tanong ang buong silid.

Clues. Tracks. Maps. Identity. Location. Records.

Tumambak pa ang mga bagay-bagay nang ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Skyscraper.

Across the street where flowers bloom. Across. Street. Flowers. Bloom.

Nakita ko na lamang ang aking sarili sa harapan ng bintana sa pasilyong katapat ng apartment namin. Hinayaan kong maghanap ng mga gusali ang aking mga mata nang matapat sa isang mataas na gusali ang aking mga mata — sa taas ay mga dormitoryo subalit sa baba ay mayroong isang magkokonekta rito.

"Ang flower shop sa katapat ng apartment namin!" bulalas ko na lamang nang mapabalik na ako sa reyalidad.

"Yup, tama ka riyan at sabay pa nating nahanap," wika ni Kuya Ron.

"Sinadya ng kidnapper na matagalan ka talaga. Parang laro lang ito sa kaniya," ani Detective Cruz.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro