𓆩ꨄ︎𓆪34. Memories of Yesteryear

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"I need a destraction, an escape from this mind-numbing reality."

- Project Loki

𝓘 𝓭𝓮𝓭𝓲𝓬𝓪𝓽𝓮 𝓽𝓱𝓲𝓼 𝓽𝓸 𝓶𝔂 𝓫𝓮𝓵𝓸𝓿𝓮𝓭 𝓖𝓻𝓪𝓷𝓭𝓶𝓸𝓽𝓱𝓮𝓻.

-----

Chapter 34:
Memories of Yesteryear

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Ang hindi ko lang po talaga maintindihan ay kung bakit hindi na lang siya magtrabaho para-" pagpapaliwanag ko kay Detective Cruz habang nasa labas kami ng ospital at tumayo muna sa gilid ng sasakyan ni Kuya Ron.

Walang ibang tao sa paligid at tanging ang mga dumaraan lamang na mga sasakyan ang nagdala ng ingay sa paligid.

"Let me stop you right there, Nuñez," sagot niya na hindi pa rin nagbabago ang estrikto niyang pagharap sa akin. "You are aware that Lorraine de Verra is just seventeen years old, right?"

"Seventeen? Akala ko po magkaedad lang po kami," sambit ko. "Kung ganoon ay mas matanda talaga ako sa kaniya - ng isang taon."

"Pero ikaw. Gusto mo bang mag-part time sa CSI para hindi ka rin maging kagaya niyang basta-basta na lang susulpot?" tanong niya.

Ako? Wala nga akong alam doon, e! Tinutulungan ko lang naman si Raine.

"Before you answer that, I can tell you're not as experienced as she is. However, you're quite adept at crafting descriptions based on your interview responses," pagpapatuloy niya.

"Kung sabi niyo nga po ay magaling si Raine, tatanungin niyo rin po siya ng parehong tanong?" ani ko naman.

Napatigil ito nang saglit at saka napatingin sa unahan ng sasakyan kung saan may para bang umiilaw na kung ano.

Mula roon ay nakita namin ang computer ni Kuya Ron. Bubuksan na sana ni Detective Cruz ang sasakyan nang malaman nitong nakakandado iyon.

"Hello? Hello, ikaw ba ang pinapakausap nung taong iyon?"

Ang boses na iyon! Parang doon galing sa selpon ni Raine.

Earlier, he was remarkably calm. I began to suspect that he might be the one holding the others hostage earlier.

"Ako po? Sino po ang nagsasalita?" Rinig kong tanong ni Raine.

"Ramdam kong umalis ang nagbabantay sa akin saglit kaya nandito ako para hindi na magsayang pa ng oras," wika ng lalaki.

"Kumalma lang po kayo. Baka kapag nalaman po niya ay kung ano ang gawin-" ani Raine.

"Miss Lorraine, kinukulong nila kami sa isang madilim na silid at pinapapili kami kung paano namin gustong mamatay," sagot ng babae.

"Sir, huminahon po kayo. Delikado- Huwag ka pong magsasabi ng kahit ano tungkol sa taong iyon!"

Gusto ko sanang puntahan si Raine subalit may parte sa isipan kong gustong malaman ang bawat detalye.

"Alam ko na ang mangyayari sa akin dahil pinili kong mabaril sa puso mamaya! Dalawa sila sa kuwartong ito kanina - ang taong iyon at saka ang sniper niyang naiwan para magbantay."

"Yung kidnapper..."

"Sir?" tanong ni Raine

"... napaka- amo ng boses ni-"

At doon na nga nagtapos ang pagtawag na iyon.

Para bang nagsimula na naman ang kaba sa aking dibdib. Umayos ka nga, Zane! Magpakalalaki ka nga!

As soon as I snapped back towards reality, after I fought with my self again, my eyes caught on the officers dashing towards the entrance of the hospital. St. Luke the Evangelist Hospital.

Nang dahil sa gusto ko ring malaman ang tunay na nangyari ay nakita ko na lamang ang sarili kong humahabol sa kanila.

Dumaan kami sa pasikot-sikot na daan hanggang sa nakarating kami sa isang silid na may apat na kuwartong nakapalibot sa salaming dingding.

Dumiretso pa sila papunta sa pangalawang silid na nasa pinakadulong parte na katapat naman ang dalawa pang natitira matapos ang pasilyo na diretso sa opisina ng mga nars.

Doon ay namataan namin si Ma'am Cassandra na nakahiga at may kasamang mga nars na umaalalay rito.

"Ayos lang po ba ang lahat?" kalmadong tanong ni Detective Cruz sa isang umaalalay.

Nag-usap-usap pa sila subalit sa oras na malaman kong wala roon si Raine ay may kung anong humila sa puso ko.

Sa hile-hilerang mga kama sa silid na iyon ay hinayaang kong libutin ng aking mga mata ang posibleng kinaroroonan ni Raine. Nang walang nakuha ay agad akong dumiretso sa naunang silid sa kanan na katabi lang nito.

Doon ay nakita ko si Kuya Ron na katatayo lamang sa gilid nang isang bakanteng silid. "Kuya, nasaan si-"

Napatingin na sana ito sa akin nang mayroong isang kamay na humawak sa aking likuran. "Sinasabi na nga bang naglilibot ka na naman."

Paglingon ko ay naroon si Raine. Nakangiti ito at saka hindi ko alam kung bakit para bang namutla — siguro dahil lang sa kaba niya sa nangyayari.

"Bakit nandoon si Kuya Ron? Naku, ewan ko ba kung bakit naisip ko na napaano ka na!"

Pagkabigkas ko ng mga salitang iyon ay napalitan ng pagkaseryoso ang kaniyang ekspresyon. "Because you are a nincompoop," sagot nito. "Bilisan mo na, kailangan ko ng tulong mo. Tatlong oras na lang."

Dumating naman si Detective Cruz na kasama ang tatlo niyang backup.

"Raine, tara na! Tapusin na natin ito," wika nito.

Wala na kaming sinayang na sandali nang bumalik na kami sa sasakyan ni Kuya Ron. Pumunta naman sa van nila sina Detective Cruz.

"Hello." Nanlaki ang mga mata ko nang may isang tawag na dumating mula kay Kuya Ron.

"Sino po yan?" pabulong na tanong Raine habang nagmamaneho ng dahan-dahan papunta sa kung saan si Kuya.

"Si Detective Ferrer," sagot niya.

"Bakit po? Ano ang nangyari?" tanong pa ni Raine.

"Nahanap na si Ma'am Angelica," ani Kuya Ron.

࿐ ࿔*:・゚

Pagdating namin sa gusali ay naroon nga ang sinasabi nila. Kinakausap ito ni Tita sa common room sa pasukan papunta sa hagdan na inaakyatan namin.

"Siya nga — Angelica Hernandez," wika ni Detective Cruz.

Kinuha ni Raine ang kaniyang selpon at doon ang sinulat niya ang mga salitang: Luna Residences, Kalayaan Street.

Upload.

"A-Ang nangyari doon sa... Anong-?" tanong ko na hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa namin.

"Don't expect something big, so you won't be as disappointed if it doesn't happen," sagot lamang niya.

Dumiretso na ito sa tabi nina Detective Ferrer at Detective Cruz na pinuntahan na nga ang iyak nang iyak na babae. Maayos naman ang kaniyang pananamit na para bang kaya naman niyang ayusan ang sarili. Kumpara sa isang baliw ay para bang normal naman iyon.

"Tinawagan mo ba sila?" tanong ng babae na biglang nagpaiba sa kaniyang emosyon. Maayos lamang itong tingnan noong dumating kami subalit bigla na lamang itong napuno ng takot.

"Kanina pa siya ayaw magsalita," pabulong na sambit ni Kuya George kay Detective Cruz.

"Ayos lang po, Mrs. Hernandez. Ayos lang po ang lahat," mahinahong wika ni Detective Cruz.

"Sinabihan ba niya kayong ibalik ako sa bahay na iyon?" tanong pa ng babae. "Hinding-hindi na ako babalik doon. Hindi na!"

"Ma'am, pulis po kami at mga kasama naman po namin sila," wika pa ni Detective Cruz kasabay ng pagpapakita ng kaniyang badge. Ganoon din ang ginawa ni Detective Ferrer.

Napatawa na lamang itong bigla. "Hay, buti naman!" bulalas nito.

Napatingin ako kay Raine at naghintay ng mga deduksyon niya subalit hindi lamang ito umiimik at nakatitig lamang sa babaeng iniinteroga.

I guess I spoke too soon. I guess she really has a brain disorder.

"May sinabi po sa amin ang kapatid mo na may dala ka raw na isang mahalagang bagay. Totoo ba iyon?" tanong ni Detective Cruz.

"Pinadala niya kayo?" ani na naman nito na parang takot na takot. Sa kaniyang kamay ay naroon ang kaniyang journal na inilapit niya sa kaniyang dibdib.

"Hindi po. Hindi po," pagpapaliwanag ni Detective Cruz.

Nagsimula na ngang magpumiglas ang babae hanggang sa kahit si Tita ay hindi na ito mapatigil sa pagsigaw. "Hindi niyo na ako mapapabalik! Lumayas kayo!" ani Ms. Angelica. "Alis!"

"Everyone, let's go outside!" utos ni Detective Ferrer na agad naman naming sinunod.

Isasara na sana namin ang pinto nang mabilis na kumaripas papasok si Raine. "Anong-" bulalas ni Detective Cruz. "Raine!"

"Isirado niyo po ang pinto!" utos nito na napahinto pagkapasok sa loob.

"Lumayas ka!" sigaw sa kaniya ng pilit lumalayong si Ma'am Angelica. Hawak-hawak nito sa dibdib ang dalang notebook at saka pilit na isinisiksik ang sarili sa pinakadulo ng sofa na nasa kaliwang bahagi ng silid.

"Isirado niyo po ang pinto," pagdiin nito kasabay ng pagharap sa amin.

"Alis!" sigaw ng babae bago pa man tuluyan nang isirado ang pinto ni Detective Cruz.

Nanatili lamang sila sa malapit sa may pintuan nang maalala kong mayroon pang pintuang papunta roon.

Binuksan ko ang shop ni Tita at saka ko roon nasolo ang pakikinig sa usapan ng dalawa.

"Ma'am, hindi po ako pulis at mas lalong hindi po ako pinadala ng kapatid mo para ibalik ka sa bahay na iyon," narinig kong wika rito ni Raine.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong naman ng babae.

"Ma'am, matutulungan po namin kayo. Alam ko pong may alam ka sa nangyaring sunog at handa po akong mapakinggan ka." Para bang naiiyak na ang boses ni Raine nang sambitin niya ang mga bagay na iyon.

Ano kaya ang ginagawa niya? Paano niya napatigil sa pagsisisigaw si Ma'am Angelica?

"Ma'am, inaamin ko pong hindi ako magaling sa mga ganito pero ang gusto ko lang po ay maayos na po ang kasong ito," dagdag pa niya. "May nagbayad na po ng napakalaking bagay para sa kaligtasan niyo kaya-"

"Ito ang naglalaman ng mga nalalaman ko tungkol sa sunog," wika ni Ma'am Angelica na pansin kong napatigil na sa mga emosyon nito. Para bang nabalik na ito sa katinuan nang masabi ang mga bagay na iyon. "Lahat ng nakalagay riyan ay sinulat ko matapos ang sunog na iyon."

"Ma'am, pwede na po ba kayong makausap ng mga pulis?" ani Raine na napatigil na rin sa naiiyak na tono.

"Saan naman nila ako dadalhin?" tanong ng babae.

"Huwag po kayong mag-alala. Tataguan lang po natin yung kapatid mo," wika pa ni Raine. "Mga pulis po sila at saka magaling po sila sa larong iyon."

Makalipas ang ilang minuto ay wala na akong narinig na ingay sa loob. Binuksan ko nang bahagya ang pinto at noon ko lamang nakitang wala nang tao sa loob.

Pagtingin ko sa labas ay naroon na nga sila at ipinapasok na sa loob ng van si Ma'am Angelica.

"Zane!" pagtawag sa akin ni Tita.

Lalapit na sana ako sa kaniya nang marinig kong mag-ring ang aking selpon.

Unknown Number.

"Sino iyan?" tanong ni Detective Ferrer.

"Hindi ko po kilala."

"Sige, kausapin mo. Tingnan natin," wika pa niya.

"Gusto kong kausapin si Lorraine de Verra," wika ng isang lalaking nasa selpon.

"Sino ito?"

"I stand tall and strong, reaching for the sky. At night, I catch the moon's gentle eye. By day, I'm a bustling hive, with floors and rooms that come alive. What am I?" tanong nito sa akin na sinundan ng mga beep.

·−/−·−·/·−·/−−−/···/···//−/····/·//···/−/·−·/·/·/−//·−−/····/·/·−·/·//··−·/·−··/−−−/·−−/·/·−·/···//−···/·−··/−−−/−−−/−−

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro