4. Game On

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Life is limited, that's why it's so precious. Since there's a limit, we try our best to live."

-Heiji Hattori

-----

Chapter 4:
Game On

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Paglabas namin ng bahay ay binati ako ng isang kulay asul na kotse. Dire-diretso lamang si Raine hanggang sa, noong nalapitan na niya ang sasakyan, kinatok niya ang nakasaradong bintana nito.

Nanatili akong tahimik, nagmamasid sa may tabi. Hindi ko alam kung sino o saan siya pupunta subalit ayoko naman na madawit pa si Tita kung may kalokohan man siyang ginagawa.

Noong ibinaba ng nasa loob ang salamin ay nagpakita ang isang lalaking pamilyar sa akin. Base sa kaniyang itsura, maaaring nasa ika-labinlimang taong gulang pataas pa lamang siya.

"Saan po?" tanong ni Raine.

"Noli Street," sagot ng panibago na namang misteryosong tao. "Pasok na."

"Talaga bang siya na naman ang hinanap mo?" Narinig ko ang boses ng isang babae sa loob na maaaring katabi ng lalaki.

Binuksan ni Raine ang pintuan ng kotse. Pagkapasok sa likurang bahagi at bago isara, tumingin siya sa akin at nagbigay ng senyas na pumasok na rin ako.

"Sino yan?" tanong ng lalaki sa oras na nagsimula na akong humakbang papasok.

"Kasama ko po, Kuya," sagot niya.

"Ah, talagang naghanap ka pa ng kasama mo para manggulo." Pabulong mang sinabi ng babaeng nakaupo sa harapan namin ang mga salitang iyon, narinig ko pa rin.

"Bantay lang niya po ako," sagot ko na lamang.

Mula sa salamin ay nakita kong napatingin sa akin ang babaeng may mahabang medyo kulot na buhok at mapula ang mga labi. Maayos siya kung manamit at maganda ring tingnan.

Matapos ang isang pagtingin ay inikutan niya lang ako ng mata at saka kinuha ang kaniyang earphones na inilagay sa kaniyang tenga.

Nagsimula na ngang umandar ang kotse. Narinig ko kung anong lugar ang sinabi nila subalit nang dahil sa hindi ako taga-roon ay wala pa akong alam sa mga pasikot-sikot.

"Raine, seryoso ako. Sino yan?" muling tanong ng lalaki habang nakatingin sa akin mula sa salamin.

"Kasama ko nga po, Kuya," sagot niya.

"Alam mo namang hindi ako pwedeng magsama ng kung sino-sino lang, hindi ba?" tanong nitong para bang nagpapaalala.

"Saan ba tayo kasi pupunta?" Nagsitaasan na ang mga balahibo sa aking mga kamay. Nagpupumilit na makawala ang aking mga katanungan kaya naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi malalaman ang mga bagay-bagay.

Nabaling sa akin ang atensiyon ni Raine. Tiningnan niya lamang ako at saka nanatiling seryoso ang mukha. "Sa tingin mo?" tanong niya. "Alam kong may kutob ka na."

Hindi ko pa masyadong alam kung ano ang hilig ng babaeng kagaya niya. Saan ba siya pupunta — sa club ba? Sa girls' night out?

"I'm guessing somewhere mysterious," sagot ko na lamang na pilit na napangiti sa sinabi.

"May punto ka nga riyan," sambit niya.

Matapos ang kunting katahimikan, hindi pa rin nagawang kumalma ng aking sarili.

"Tungkol sa kanina, paano mo naman nalaman na kakilala ako ni Tita?" tanong ko pa. "Alam mo bang asawa lang siya ng kapatid na lalaki ng Mama ko?"

Humarap siya sa kaniyang repleksiyon sa salamin ng sasakyan at doon ko nakita ang kanyang mapaglarong ngiti.

Nakainom ba siya ngayon? She's acting really weird.

"Coincidence lang iyon, tama ba?" dagdag ko.

"Coincidence? Hindi," sagot niya. "Nakita ko lang sa iyo."

"Nakita?"

"Nakita ko ang bata mong mukha sa litrato na naroon sa coffee shop ni Tita Clara," sagot niya.

"But still, it doesn't state that I am her nephew, right?" pagputol ko.

"Medyo iba pa ang mukha mo noon – maliit ka pa at saka iba ang ayos ng buhok. Aakalain ko na sanang baka ibang tao iyon pero...

𓇢𓆸𓇢𓆸
"O, pupunta ka rin pala rito!"

"Magmemeryenda po ako, Tita. May tinapay pa po?"
𓇢𓆸𓇢𓆸

"Tinawag mo siyang, Tita," dagdag pa niya. "But then again, it's not much of a clue to say that you're her nephew. Kahit ako ay tinatawag ko siyang Tita."

𓇢𓆸𓇢𓆸
"Anong gusto mo? Pili ka na rin ng kape."

"Ah, hindi na po ng kape. Ayos na po ako sa chocolate crinkles."
𓇢𓆸𓇢𓆸

"Kanina, nagreklamo ka agad na ang niluto kong adobo ay yung manok na pinabili ng Mama mo." Muli na naman niyang pinaalala ang mga bagay na gusto ko na sanang kalimutan.

𓇢𓆸𓇢𓆸
"Mawalang-galang na, Ate, pero niluto mo ba ang manok na pinabili ni Ate kay Tita?"

"Sa iyo ba iyon?"

"That was supposed to be mine! Alam mo bang masama ang kumuha ng hindi sa iyo? Mababayaran mo ba iyon?"
𓇢𓆸𓇢𓆸

"Ang selpon mo kanina, nakita kong may kalumaan na. Ang damit mo, medyo oversize. Probably because both of them are second-hand," dagdag pa nito. "Nakita ko na ang asul na damit na iyan sa isa sa mga naninirahan doon. Ang Ate mo, mahilig sa kulay na iyan. Maaaring sentimental sa kaniya ang damit na iyan kaya ibinigay niya sa iyo sa halip na itapon o ibigay sa iba."

𓇢𓆸𓇢𓆸
"Unang araw mo rito kaya mamili ka lang. Ililibre ka ni Tita."

"Ay, wow!"
𓇢𓆸𓇢𓆸

"Now that conversation! Ililibre ng kape at pagkain. Senyales lamang na maaaring kakilala ka nga at may koneksiyon kay Tita Clara," aniya.

"Oo, pero paano mo nasabing pamangkin?" tanong ko.

"Nabanggit kasi ni Tita Clara na may pamangkin pa siyang magkokolehiyo ngayon at ikaw nga ang isang iyon. Nang dahil sa malapit dito ang isang kilalang kolehiyo, dito ka nanuluyan. Puno na ang ibang kuwarto kaya naman kahit na lalaki ka ay pumayag na rin siyang patuluyin ka sa kapareho kong silid. Bakit? Base sa litratong sinasabi ko kanina at sa madalas na pagbanggit ni Tita tungkol sa misteryoso niyang pamangkin ay masasabi kong gusto ka niyang makasama kaya pinayagan niyang tumuloy ka pa rin. At isa pa, alam kong gusto kang panatilihing ligtas ng mga magulang mo kaya kay Tita Nuñez ka nila pinatuloy imbes na sa isang boarding house. That means you must be a country lad."

"Paano mo naman nalaman na may kapatid akong nangungupahan din doon?" tanong ko pa. "Kinakausap ka ba niya?"

"Hindi ako madalas na nakikipag-usap sa mga naroon. Madalas lang akong nasa loob," sagot niya. "Siya ang kamukha mo! Hindi man siya madalas na makipag-usap sa Tita niyo pero naroon din ang litrato niya sa shop at naalala kong nabanggit ni Tita Clara na tinanong niya ang tungkol sa kapatid niya. Kaya naman, isa na namang Nuñez."

"At tama ang narinig mo, nakita ko," dagdag pa nito.

"Okay, sige," sagot ko na lamang. Napahanga ako subalit hindi ko na ipinakita sa kaniya.

"Nandito na tayo," wika ng lalaki sa harapan ko kasabay ng dahan-dahang paghinto ng kotse.

Lumabas na sila isa-isa at sumunod na rin ako. Paglabas namin ay naroon sa aking harapan ang isang dalawang palapag na bahay. Maayos itong tingnan sa labas dahil sa mga tinanim na naroon sabayan pa ng kulay mint green na pintura sa mga pader.

"Anong ginagawa natin rito?" sagot ko habang lumalabas ng sasakyan.

Ang pumapasok sa isip ko sa mga oras na iyon ay ang para bang may bibisitahin lang siyang kaibigan. Samantala, hindi ko lang maintindihan kung bakit iba ang sinasabi ng puso ko.

Nagsimula lang ako sa paglalakad nang para bang huminto ng isang pagtibok ang aking puso noong may makita akong police tape sa may hindi kalayuan.

"Anong– Ito ang tema ng club na pupuntahan ninyo?" tanong ko sa mga kasamahang napakaseryosong tingnan habang kami ay naglalakad papasok ng bahay.

Sa may bandang pintuan ay may mangilan-ngilang taong nakasuot ng mga ginagamit na damit kapag nag-iimbestiga sa mga kaso. Madalas ko lamang iyong nakikita sa mga palabas na nakikita kong pinapanood ni Ate sa telebisyon.

"Bakit naman nandito na naman ang alaga mo, George?" tanong ng isa sa mga taong naroon sa may pintuan.

"Tinanong ko na iyon kay Kuya kaya huwag kang umasang papaalisin niya pa yan," sambit naman ng kasama naming babae na pansin kong parang ayaw na ayaw kay Raine.

"Kailangan ko lang ng magpoprowebang tama ang hinala ko kaya dinala ko siya rito," sagot ng lalaking kasama namin.

"At sino naman yung isa pa?" tanong pa ng nakabantay na lalaki.

"Kasama ko lang po," sagot ni Raine rito. "Hindi ko naman siya sinabihang sumama pero sumunod pa rin siya kaya narito kami."

"Ano, sasama ka ba sa loob o dito ka lang?" tanong sa akin ng tinatawag nilang George.

May misteryosong awra sa paligid na gusto akong hatakin palayo mula sa mga ito subalit nanirahan pa rin ang nag-aalalang ekspresyon ni Tita para sa kaniya. Randam at rinig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso habang pinagmamasdan ko ang mga nakapalibot sa amin.

"Dito ka na lang sa labas. Madali lang kami sa loob," dagdag ni Raine.

"Ay, hindi! Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo kapag nawala ka sa tingin ko. Pagagalitan pa ako ni Tita!" Narinig ko na lamang na lumabas ang mga katagang iyon mula sa aking mga labi.

Napabuntong hininga na lamang si Raine at saka na sumabay kay George sa pagpasok. Sasama na rin sana ako nang mapansin kong papaalis ang kasama nilang babaeng mataray. "Hindi ka ba papasok?"

"Bakit naman ako papasok diyan? Hindi naman ako pulis," sagot nito na patuloy lamang sa paglalakad na hindi lumilingon.

"Pulis? Anong ibig mong sabihin?" Nagsimula na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso sabayan pa ng mas bumibigat na awra ng paligid.

"Nagsabi ka nang papasok ka kaya sige na. Baka hinihintay ka na nila sa loob!" Huminto siya sa may highway at saka pumara ng taxi. "Sige ka, nalalayo na sa iyo ang binabantayan mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro