5. Death Note

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Life is hard but how can you live can make it harder."

- SimplyZephy

----------

Chapter 5:
Death Note

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Nasaan na yung kasama mo? Sasama ba siya o hindi?" Narinig kong wika ng lalaking kasama namin sa kotse.

Pulis? Ano bang sinasabi niyang pulis? Ano ito, isang crime scene? Imposible!

"Mr. Nuñez!" tawag sa akin ni Raine. Paglipat ng atensiyon ko sa kinaroroonan ng kaniyang boses ay nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan na nakatingin sa akin at kalmado ang ekspresyon sa mukha.

"Ah! May tanong lang ako." Dali-dali akong naglakad papunta sa kaniya subalit noong ako'y nakahabol ay diretso lang siya sa pag-akyat sa hagdanan. "Nasaan ba talaga tayo?"

Hindi siya sumagot o humarap man lang sa akin hanggang sa nakarating na nga kami sa ikalawang palapag. Naroon na at naghihintay ang kasamahan namin kasama ang bagong lalaki. Kapwa na sila nakasuot ng kulay puting damit na iyon.

"Suotin niyo ito," paalala ng nakasimangot na lalaki.

Kinuha ito ni Raine at saka agad na ipinatong sa kaniyang kasuotan. Napagtanto kong ibang klase pala ang pinagkakaabalahan nitong nanunuluyan kay Tita.

Kung mayroon man siyang ilegal na ginagawa ay handa akong

Bigla ko na lamang naalala na 20 porsyento na lamang pala ang aking selpon. Kung gagamitin ko ito ay dapat masakto ko ang oras hanggang sa masabi ko ang lahat sa chat o kahit sa record lang.

Inabutan din ako ni Raine ng isa pang para naman sa akin. "Suotin mo iyan kung ayaw mong mapagbintangan," wika nito na binigyan ako ng isang ngiti na agad namang binawi kasabay ng pagbalik ng atensiyon niya sa pagsuot ng gloves at foot sacks.

"Isa at kalahating minuto lang, maliwanag?" paalala ng lalaking nagbabantay.

"Pababa nang pababa ang oras, ah," pabulong na wika ni Raine sa sarili.

Hindi pa rin kumakalma ang sarili ko habang nagbabago ng kasuotan hanggang sa binuksan na rin ng lalaking nauna sa amin kanina ang pintuan sa may kanang bahagi ng pasilyo.

Doon ay bumulantang sa akin ang isang babaeng nakaupo sa sofa at saka walang malay. "Isa at kalahating minuto!" paalalang muli ng lalaki na nagpaiwan lamang sa labas kasama ng iba pang nasa pasilyo.

Pumasok na si George sa loob kasama si Raine at sumunod na lamang ako sa kanila.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang baril na hawak-hawak nito. Sa ulo naman nito ay makikita ang isang kulay pulang bagay.

"Ano ito?" Bigla ko na lamang bulalas.

"Raine, hindi ba alam ng kasama mo?" tanong ni George.

"Akala ko ba ay alam mo na. Hindi mo ba nakita noong hinanap mo ako sa social media?" tanong naman ni Raine pagkatapos ng isang buntong hininga.

"Akala ko kung hindi iyon totoo," sagot ko na lamang na nagbalik na naman ang mabilis na pagpintig ng puso. Doon ko lamang napagtanto na si George ang batang pulis na nasa litratong iyon.

"Sige, kumalma ka lang. Kung gusto mo pwede kang lumabas na lamang muna at doon maghintay sa kotse," wika ni George sa kaniyang kalmadong boses.

"Hindi naman kayo masasamang tao, hindi ba?" I knew it was a daft question to ask, but I couldn’t help myself. Kaya naman pala ang bigat ng pakiramdam ko noong una ko siyang nakita.

Mula sa kaniyang pitaka ay may kinuhang isang itim na pitaka si George. Tumingin siya sa akin at saka binuksan ito. Doon bumulantang sa akin ang kaniyang badge.

Babasahin ko pa sana ang bawat nakasulat doon nang bigla na lamang nagising ang aking diwa nang dahil sa isang pagrereklamo.

"Pwede ba, kung mag-iingay lang kayo, doon na lang kayo sa labas?! Kayo na mismo ang nagsabing isa't kalahating minuto lang, hindi ba?" diin ni Raine. "Sinasayang niyo ang oras."

"Basahin mo na lang nang pabu–"

"Ano ba, Kuya?" pagputol kaagad ni Raine sa bulong ni George.

Nanahimik na lamang ako habang ganoon din ang kasama namin.

GANYAN BA TALAGA SIYA? Gamit ang pagbuka ng bibig ay ganoon ko na lamang siyang kinausap.

MASANAY KA NA, sagot sa akin ni Kuya na napangiti na lamang.

Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kaniya subalit nadukot ang mga mata ko ng pabalik-balik na paggalaw ni Raine. Paikot-ikot ito sa sofa at para bang iniinspeksiyon ang babae.

"Ano po ang mga detalye tungkol sa kaniya?" tanong ni Raine.

"Pwede na ba akong magsalita?" pabulong na sambit ni George.

"Sige na. Bilisan mo lang po," seryosong sagot ng babae.

"Siya si Andrea Rivera, 32 taong gulang, base sa mga nakalap naming impormasyon sa mga ID niya. Isang kapitbahay ang nakakita sa kaniya. Ayon rito, sosorpresahin daw nila sana siya sa kaarawan nito pero noong nakita nilang nakabukas ang pinto ay agad nila itong tiningnan," paglalahad ni George. "Ayon sa iba pang kapitbahay, ilang minuto lang bago pumasok sa bahay niya si Andrea tsaka may narinig na silang pagputok ng baril. Mag-iisang oras lang pagkatapos nila siyang makita."

Napatigil siya sa pag-iikot at natuon sa amin ang kaniyang mga titig. "Halatang naguguluhan ka na sa mga pangyayari, Kuya," wika nito.

"Bakit naman kasi sinasabi mong planadong pagpatay ito? Halata namang nagpakamatay silang apat, e," sagot ni George. "Sa apat na iyan, lahat sila ang may-ari ng baril na kumitil sa sarili nilang buhay. Sabi rin sa akin ng mga nasa forensics, ang fingerprints lang nila ang nakita sa baril at parehong bala mula rito ang kumitil sa kanilang buhay."

"Oo nga po, matagal ko nang tinitingnan kung ano ba talaga ang nangyari," wika ni Raine. "There must be something that could help me prove my point!"

Napakamot siya sa ulo at sa unang pagkakataon ay nabasa kong naguguluhan siya.

"Ang sulat!" sagot ko nang bumalik ang alaala ko noong nagpakita sa amin si George.

Tumaas ang dalawang kilay ni Raine at saka napanganga nang saglit. "Tama yun, uhh... Mr. Nuñez!" bulalas nito. "Ngayon, Kuya, nasaan naman ang sinasabi mo pong sulat na iyon?"

"Sa lamesa mismong iyan kung saan nakatapat ang sofa. A suicide note, apparently written by Andrea," sagot ni George sabay turo sa isang papel na nakalatag sa lamesa sa aking harapan.

"Pero... bakit naman siya mag-iiwan ng sulat kung plinano niyang patayin ang sarili niya?" tanong ko.

"'Hindi ko na kayang labanan ang konsensiya ko. Palagi na lang akong pinapatay ng aksidenteng iyon. Patawad...'" pagbasa ni Raine sa nakasulat.

"Parang totoo iyan!" bulalas kong para bang nakukuha na ang mga pangyayari.

"Hmm... Pinunit lang sa kung saan ang papel, mabilisang ginawa ang pagsusulat, maaaring sa oras ng pangamba," wika ni Raine habang tinitingnan ang hawak-hawak na niyang papel.

"Ito na ang nagpalala pa ng sitwasyon, e," sambit ni George. "Bakit naman siya nagpa-panic kung kinitil niya ang sarili niyang buhay? Desisyon niya iyon, e."

"Iyan na nga po ang tanong. May isang taong pinagplanuhan ang pagpatay kay Andrea at maaaring sa iba pang biktima para magmukha lamang itong mga suicides. Pero ang sulat na ito..." Napangiting muli si Raine na para bang may iniisip na kung ano.

"Ano ang meron sa sulat na iyan?" tanong kong naiibahan sa kilos niya. Mayroong patay subalit naroon siya at ngumingiti na lamang bigla.

"Itong sulat na ito ang nagpabagsak sa plano niya o kung ilan man sila," ngisi pa niya.

"Pagkakamali ba ito? Nagkamali ba sila?" tanong dito ni George.

"Ang maganda pa sa kasong ito ay isang nurse ang biktima," dagdag pa ni Raine na nakangiti pa rin.

"Hindi ko pa sinasabi– Hindi ko pa nasabi iyon sa iyo, a," sambit ng kapwa ko naguguluhang si George.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Madali lang, mga Kuya," wika nito. "Naaamoy niyo ba ang antiseptic sa damit niya kahit pinalitan niya ito mula sa trabaho? Yung kulay puting sapatos na nakalagay sa may ibaba ng sofa ay may pagkaluma na, senyales na madalas siyang naglalakad. May mga alikabok galing sa daan kaya maaaring naglalakad siya bago makapunta sa terminal pauwi kanina bago siya namatay."

"Okay, magaling!" bulalas ko na lamang nang dahil sa aking narinig.

"Ano naman ngayon kung nurse siya? Anong maganda roon?" tanong ni George.

"Nag-ooverthink ka kasi, Kuya, kaya marami kang hindi naoobserbahan," wika nito. "Anyway, the significance is quite considerable. Aren’t nurses trained to stay calm under pressure?"

"Tsaka bakit naman para bang... takot na takot siya doon sa sulat... Ang galing!" bulalas kong muli. "Sinasabi mo bang ang mga pangyayari ay hindi ayon sa kaniyang propesyon?"

"Tama ka riyan, Mr. Nuñez. At saka naiilang ako sa pagsasang-ayon mo sa akin," sambit niya.

"Sorry." Hindi ko alam kung bakit ganoon. Maaaring hindi lang siya sanay sa mga papuri o naiilang lang siya dahil lalaki ako at hindi pa niya gaanong kilala.

"Ang sulat-kamay? Tumugma ba sa kaniya, Kuya?" tanong pa ni Raine na nagpatuloy lang sa pag-iikot-ikot. Sa may gilid ng kabinet ay mayroong isang notebook na maaaring pagmamay-ari ng biktima. "Nang dahil sa hindi ka makasagot, ako nalang."

"Pasensiya na. Naguguluhan lang talaga ako," wika ni George rito na napakamot sa ulo.

"Bawas-bawasan mo na kasi, Kuya, ang madalas mong pagpupuyat," sambit naman ni Raine.

Napakagat ng ibabang labi si George at saka inekis ang kaniyang kamay. "Ano naman ang tungkol sa sulat?"

"Nag-match ba ang sulat niya sa sulat na nasa suicide note? Ang sagot ay..." sagot ni Raine. "Hindi."

"Hindi?!" kapwa naming diin ni George.

"You heard me right," pagpapatuloy ni Raine. "May kung sinong tao ang nagsulat ng death note na ito."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro