6. Shadows of the Past

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"A secret makes a woman, woman"

-Vermouth

-----

Chapter 6:
Shadows of the Past

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Ikaw, sa tingin mo?" Muntik na akong mapanganga sa kaniyang mga sinabi nang nalipat sa akin ang kaniyang tingin. "Ano sa tingin mo?" pag-ulit niya.

"A-Ako?"

"Wala na tayong oras para sa ganiyan, Mr. Nuñez. Ilang minuto na lang ang natitira bago tayo paalisin ng mga kasamahan ni Kuya George," sagot nito. "Hindi ka naman siguro kukuha ng Science na Major kung hindi ka curious sa mga bagay-bagay, hindi ba?"

I felt a shiver down my spine. How did she figure out that college course of mine?

"Mauubos na ang oras," paalala ni George.

Tiningnan ko na lang ang babaeng nakahiga. "Ano ang palagay mo sa mga bagay-bagay?"

Ang una kong napansin ay ang luha sa kaniyang mga matang hindi ko alam kung ano ang sanhi.

"Well, anything interesting?" tanong ni George na nagpabalik sa aking atensiyon papunta sa kanila.

"May luha siya sa mga mata. Hindi ko alam kung dahil saan pero pwedeng dahil umiyak siya noong bago ito namatay. Maaari ring dahil lang ito sa body fluids na meron siya dahil sa pagbabago pressure at proseso ng pag-decompose," sagot ko.

Nakita ko ang isang pagngiting nanggaling kay George. Maaaring dahil iyon sa sinabi ko subalit hindi siya tumingin sa akin habang nagsasalita ako, sa halip ay nakatingin siya sa bangkay.

"Tapos na ang oras! Bilis, alis na!" malakas na paalala ng lalaking nagpaiwan kanina sa labas ng silid.

"Pinaalis na kami rito, Kuya, kaya good luck na lang po." Isang ngiti ang binigay ni Raine kay George na, kagaya ng ginawa niya kanina, ay agad niyang binawi kasabay ng paglakad palayo.

Paglabas ko sa pintuan ay handa na sana akong umuwi subalit naramdaman kong may humawak sa aking balikat. Pagharap ko sa aking likuran ay naroon si Kuya George. "Magaling din ang ginawa mo kanina," puri nito sabay ngiti nang bahagya.

"Wala naman po iyon, uhh... Kuya," sagot ko na lamang.

"Paano mo nakilala si Raine?" Gusto ko mang umalis upang sundan ang mabilis maglakad kong kasamang babae subalit hindi ko maialis ang sarili ko sa isang pulis na nagtatanong.

"Pareho po kami ng tinutuluyang apartment," sagot ko pa.

"So, does that mean that..." Isang misteryosong ngiti ang binigay niya sa akin at saka na ako binitiwan. "Sige. Habulin mo na ang maliksing Raine na iyon."

"Sige po." Nginitian ko na rin siya kahit na napipilitan lamang at saka na nga umalis sa bahay na iyon.

Pagdating ko sa labas ay wala na roon si Raine. Wala na rin ang kotse na naghatid sa amin kanina.

"Si Ms. De Verra ba ang hinahanap mo?" Isang babae na nakabantay sa labas ang lumapit sa akin.

"Uh... opo."

"Hinatid na siya pauwi ni Ms. Santiago," dagdag pa ng babae na base sa itsura ay nasa ika-tatlongpung taong gulang na.

"Yung babae po na nasa kotseng nakaparada riyan kanina?" Gamit ang kamay na panturo ay ipinakita ko sa kaniya kung saan nakaparada kanina ang sasakyan.

"Isa sa mga opisyal si Ms. Santiago," sagot nito. "Iyong tinuturo mong kotse, umalis na matapos kayong ihatid."

"Patay, wala akong masyadong alam pa sa lugar na ito," bulong ko sa sarili.

Babalik na sana sa pwesto niya ang babae nang naisipan kong maaari siyang makatulong sa akin. "May... May malapit po ba na terminal dito? Kahit paradahan lang po ng tricycle ayos na."

"Saan ka ba nakatira?" tanong niya.

"Sa..." Muli na namang nagloko ang plaka ng aking isipan. Hindi ko matandaan kung ano ang pangalan ng lugar ni Tita. However, there's one thing that came out of my mind - "Clara's Coffee Shop."

"Ah! Mga ilang minuto lang naman ang layo ng lugar na iyon kapag nakasakay ka. Hindi naman siguro aabutin iyon ng limang minuto kung lalakarin mo," sagot ng babae. "Kung gusto mo talagang sumakay, kailangan mo pang maglakad ng kaunti pakanan."

"Sige po, salamat," wika ko sa kaniya sabay ngiti. Handa na sana akong maglakad palayo nang hinila ako ng kaniyang mga kataga.

"Ikaw ang bagong kasama ni Ms. De Verra?" tanong nito na nakangiti sa akin.

"Opo," mahina kong sagot. Unang araw ko pa lang sa apartment subalit para bang ilang beses ko na silang nakikitang naguguluhan kagaya ko.

"Nice to meet you," sambit niya at saka na nga tumalikod sa akin upang bumalik na sa dating kinatatayuan. "Mag-iingat ka, ah."

Mag-iingat? Saan? Sa daan ba? Sa daan ba ako mag-iingat o kay Ms. De Verra?

Napakunot ang noo, naglakad na lamang ako paalis. Hindi pa nga ako nakalalayo nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking selpon. Pagkakakuha sa bulsa ay binati ako nito ng isang pag-shut down.

"Ngayon pa talagang kailangan kita, a?" wika ko sa selpon na kinakausap ko. "Alam mo bang ngayong iniwan na lang ako bigla ng kasama kong iyon, kailangan kita dahil maaaring mapanganib ang daan?"

Isang tunog ng bell ang narinig ko mula sa bahay na katapat ng aking kinatatayuan. Doon ay may nakasulat na Charging Station.

"That's what I need!"

Walang ano-ano ay pumasok na ako sa loob ng isang minimart.

Pagkatapos ng pagtunog ng bell, hinatak na ako ng charging station na nasa malapit sa pintong salamin. Nasa harap ko na ito nang makita ko ang slot para sa pera, na may nakasulat na limang piso ang kailangan upang mapagana ito.

Kinapkap ko ang aking sarili subalit walang barya o kahit na papel na pera man lang akong nadala. "Hindi na pala ako makakasakay pauwi at hindi ko rin magagamit ang selpon ko. Nakakainis naman!"

My eyes furrowed as I shoved my phone back to my slacks.

"Ako na ang magbabayad." Kinuha ng isang babae ang selpon ko at saka ito isinaksak sa port.

"Salamat." Titingnan ko na sana ang mukha ng tagapagligtas ko nang bigla na lamang nabalot ng dilim ang aking paningin.

"Ayos ka lang ba?" Naririnig ko pa rin ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid subalit sa pagtagal ng oras ay mas nagiging hindi klarado ang mga ito.

࿐ ࿔*:・゚

Isang malakas na liwanag ang nakita ko sa aking harapan na pumukaw ng aking atensiyon. Medyo mabigat pa ang talukap ng aking mga mata nang iunat ko ang mga ito upang dumilat.

"Good morning, Mr. Nuñez."

Sa aking harapan ay mayroong isang malabong anino ng isang tao. Pinikit-pikit ko ang aking mga mata upang maging malinaw ang aking paninging nasilaw.

"Pasensiya na kung kailangan ko itong gawin," dagdag nito. "And don’t be silly; of course, I know it’s evening now."

"S-Sino ka?"

Matapos ang ilang pagpikit ay nakita ko na ang kaniyang mapaglarong ngiti. Isang babaeng nakasuot ng formal na coat at trousers ang namataan kong nakaupo sa aking harapan sa isang upuang kahoy at walang mga armrest sa magkabilang gilid nito.

"Let's just say that I'm always watching," sagot nito.

Nang maibalik ko na ang aking diwa ay nabalot ako ng pangamba. Nakaupo ako sa kaniyang harapan at nang itaas ang mga kamay ay hindi naman nakatali.

"Anong pakay mo sa akin? Wala akong maibibigay sa iyo. Wala kaming pera!" Mabilis na tumibok ang aking puso subalit hindi ko maintindihan kung bakit nanatiling kalmado ang aking katawan.

"Alam kong wala kayong pera, Zane. Though it's not exactly that you have no money; it's more that you have some but are struggling financially," sagot nito.

Nakatutok sa akin ang kaniyang mga matang para bang binabasa ang buo kong kaluluwa. Iniiwasan kong makabangga ang mga iyon subalit sa tuwing titingnan ko siya ay iyon ang aking nakikita.

Natatandaan ko ang kaniyang boses - ang boses ng tumulong sa akin kanina sa pag-charge ng selpon ko. "Huwag kang mag-alala, nasa bulsa mo na ang selpon mo at may kaunti nang charge," wika nito na nakangiti pa rin.

Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga kamay at sa kanang parte ko na nakapa ang presente ng selpon.

"Kapag hindi mo sinabi kung nasaan ako, tatawag ako ng mga pulis," banta ko rito na nakahawak sa selpong nakatago sa bulsa ng aking slacks.

"Oh, I wouldn't mind," sagot niyang kalmado pa rin. "Ikaw ba ang bagong kasama ni Lorraine sa apartment?"

Lorraine?

"Lorraine Adriella de Verra?" tanong ko naman. Ngayon ko pa lang narinig ang isang taong tinawag siya sa pangalan niyang iyon.

"Siya nga," sagot ng babae na ipinaekis ang kaniyang isang paa sa isa pa.

"Ano naman kung ganoon?" matapang kong tanong.

"So, it's really official," wika nito na napalitan ng para bang naaawang ekspresyon ang kaniyang ngiti kanina. Pinutol niya ang koneksiyon ng mata sa akin at sa paligid nabaling ang atensiyon.

Ano kaya ang problema? Anong nangyayari?

"So soon after the last one," dagdag pa nito.

Ano bang sinasabi niya?

"May... May kasama na ba siya sa apartment dati?" tanong ko na lamang. Gusto ko nang umalis subalit ang tanging nasa palibot ko lamang ay loob ng isang madilim na gusaling walang tao at para bang abandonado. Kung umalis man ay baka maligaw pa ako at mas malala ang mangyari sa akin.

"May mangilan-ngilan na rin," sagot nito na iniayos na ang pag-upo at saka binalik sa akin ang titig na nambabasa.

"Anong nangyari? Nasaan na sila ngayon?" tanong ko pa.

Kung meron talagang ilegal na ginagawa ang Raine na iyon, talagang aalis na ako sa apartment. Bakit naman siya iiwan ng mga iyon? Iniwan ba siya o siya ang nagpaalis?

"Anong meron sa kaniya? Bakit napakamisteryoso niya?" sambit ko na lang na nasabi na pala ang nasa aking isipan.

Either way, Raine works with the police and they trust her. I want answers!

"Sabihin na lang natin na mga duwag sila kaya umalis na lang sila sa apartment na iyon," sagot ng babaeng sa tingin ko ay mas matanda sa kaniya o sa akin.

Duwag? May kinalaman ba ito sa ginagawa niya? Alam niya ba iyon?

"Ikaw, Mr. Zane Jamieson Nuñez?" dagdag niya. "Duwag ka rin ba?"

Napalunok na lamang ako ng laway. "Bakit- Paano mo sinasabing naging duwag sila?"

Itinaas niya ang kaniyang kamay na para bang humihingi ng kung ano sa kaniyang kanan. Hindi nga nagtagal ang may isa na namang hindi ko kilalang lalaking nakasuot ng formal ang dumating. May iniabot siyang sobre sa babae at saka naglaho sa madilim na sulok ng gusali.

Iniabot niya sa akin ang puting sobre at saka naging seryoso ang ekspresyon ng mukha. "Ano iyan?" tanong ko dito.

"Scholarship, Mr. Nuñez. Alam kong magiging masaya ang mga magulang mo para riyan," sagot niya sabay bigay ng bahagyang ngiti.

Nanlaki ang aking mata sa aking narinig. Nakailang sabak na ako sa pag-apply ng mga scholarship para sa kolehiyo subalit hindi ako pinalad. Sa mga sandaling iyon ay nakita ko na lamang na dahan-dahang inaabot ang sobre.

"Kunin mo na. Sa iyo ang unang sahod na iyan," dagdag pa nito. Nang mahawakan na ay napatigil na lamang ako.

"Anong kapalit nito? Sino ka ba?" Agad kong ibinalik malapit sa akin ang aking kanang kamay na inaabot ang bagay na iyon.

"Ang numero unong kaaway niya sa buhay," sagot nito. "Pero huwag kang mag-alala, iniisip lang niya iyon kasi ayaw niya akong makita."

"At ang kapalit ng kung ano mang nasa loob ng sobre?" tanong ko.

"Sasabihin mo lang sa akin kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya," sagot niya.

"Bakit?"

"Sinabi ko na sa iyo, ayaw niya akong makita. Kailangan ko ng impormasyon galing sa taong palagi niyang kasama," wika pa nito. "Nasa kolehiyo na ang batang iyon at ano na lang kaya ang mangyayari kung mawala lahat ng pinaghirapan niyang parangal para lang makuha ang kaniyang kagustuhan."

Hindi ko alam kung ano pa ang aking sasabihin. Bakit naman kaya siya magbibigay ng pera kung hindi importante ang pinapagawa niya sa akin? Ginawa niya rin ba ito sa mga nauna sa akin?

"Ayaw mo ba?" tanong niya.

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Kahit na maganda ang kaniyang alok ay delikado pa rin ang nagagawa ng pera.

"O sige. Pagbibigyan kitang makapag-isip-isip muna sa inaalok ko sa iyo." Tumayo na ito at saka inilagay sa bulsa ng kaniyang coat ang sobre. "Ihahatid ka ng kasama ko pabalik sa apartment ninyo."

Muling lumabas ang lalaking nag-abot sa kaniya ng pera kanina. "Tara na," sambit ng lalaki.

Hindi ko sila kilala subalit kung ano man ang mangyari ay ise-set ko na lang ang lokasyon ko para ma-track ang kinalalagyan ko ng mga pulis.

Pumasok kami sa isang kotse na agad namang umandar. Napuno ng katahimikan ang mga sulok ng sasakyan na naputol lamang nang muling mag-vibrate ang aking selpon.

Pagkakuha ko rito mula sa aking bulsa ay nakabukas na ito. Pagtingin ko sa mga aplikasyon na nabuksan ay wala namang nagalaw sa mga binuksan ko kanina.

Isang mensahe mula sa hindi ko kilalang numero ang naging sanhi ng pag-vibrate.

Si Raine ito. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ang mahabang pangalang sinabi mo kanina pero para maalala mo: L.A.V.

Matapos ko pa lang basahin ito nang dumating ulit ang isa pang mensahe.

Bilisan mo. Umuwi ka na! Importante!

Hindi nga nagtagal ay naramdaman ko na ang paghina ng andar ng kotse. Pagsilip ko sa bintana ay doon ko na nga nakitang huminto ito sa tapat ng gusali ni Tita.

Mahalaga ang bawat oras!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro