42. Beep

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"It's like an automated vending machine for canned juice. You'll get what you want so long as you have the money, but... You get nothing in return without it. You can't buy your way into the hearts of others."

- Ai Haibara

-----

Chapter 42:
Beep

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Bigla na lamang umalis si Raine nang hindi man lamang nagpapaalam kung saan pupunta. Habang nilalagyan ng bagong gamot na pampataas ng dugo si Mrs. Hernandez ay nakita ko na lamang itong naglakad sa pasilyo na nakatingin sa kaniyang selpon.

"Raine–" Susundan ko na sana ito nang hinarang ako ng nars kanina na nagbantay rito.

"Kaano-ano ka ng pasiyente?" tanong nito. "Kagabi pa kasi namin tinatawagan ang mga binigay ng mga pulis na kaanak niya pero ang iba ay hindi sumasagot. Ang iba naman ay nasa ibang bansa. Ang asawa naman niya, paralisado, pero darating na maya-maya."

"Hindi ko po siya kaano-ano, e," sagot ko na lamang.

Nalipat ang mga mata ko sa paparating na isang lalaking nakasakay sa wheel chair at saka nakasuot ng face mask. Ang tumutulak sa kaniya ay ang pabalik nang si Raine at nasa unahan naman si Detective Cruz.

"Narito na po ata ang hinahantay ninyo," ani ko.

"Dalawang bantay lang ang puwede rito e. Pero kung sabagay naman ay visiting hours pa," wika ng nars at saka na nalipat ang atensiyon sa mga kararating pa lamang.

"Kami na lang ang magpapaiwan ni Mr. Hernandez mamaya," sabi ni Detective Cruz.

Medyo malaki-laki ang puwesto para kay Mrs. Hernandez. Maayos naman ang agwat sa pagitan niya at ng tatlo pang nasa silid.

Muli na namang naunang lumabas si Raine na agad ko na ngang sinundan. "Anong problema? Saan ka pupunta? Bakit pabalik-balik ka lang diyan?" tanong ko habang dahan-dahan kaming naglakad sa pasilyo.

Hindi siya umimik at saka nanatili lamang sa pagpindot ng kaniyang selpon.

"Uuwi na ba tayo? Clearly, you are the one who caught Mrs. Cassandra's comfort and not Detective Cruz," dagdag ko pa.

"Nandoon naman sila, Zane," sagot niya.

"Visiting hours pa naman kaya ayos lang na nandoon ka muna para samahan sila," pagpapaliwanag ko na siya namang ikinahinto ng paglalakad niya. Pinatay niya ang kaniyang selpon at saka ibinalik ito sa bulsa.

"Zane, hindi na siya tatagal," ang bigla niyang sambit. Sa muli ay naramdaman ko ang kakaibang lamig na bumalot sa aking buong katawan.

"Tumigil ka nga! Nakita mo naman kaninang masigla si Mrs. Hernandez, hindi ba?" tanong ko na lamang.

"Nakita mo naman na naabutan siya ng umaga sa ospital. Muntik na siyang atakihin sa puso kahapon, Zane, at ngayon ay nagbabadya na naman ito," sagot niya. "Kaya huwag na huwag mong ipapaalam muna sa kaniya hanggang hindi pa gumagaling ang nangyari sa anak niya!"

"Hindi ko sasabihin pero paano si Detective Cruz?"

Napabuntong-hininga na lamang siya at saka nagsimula muling maglakad pabalik. "Talaga naman–"

Pagdating namin doon ay napahinto muli kami nang dahil sa binati kami ng mara-raming nars na nasa loob na ng silid. Naroon malapit sa labasan si Detective Cruz na kasa-kasama pa rin ang asawa ni Mrs. Hernandez.

"Ate, ano po ang nangyayari?" tanong dito ni Raine.

"Bumaba na sa 40 ang B.P. niya. Wala nang over," sagot nito.

Delikado na nga talaga. Sana ay maging maayos pa siya. Gusto ko pang makitang magkasama muli sila ng kapatid niya.

"Ang sabi ng mga doktor ay kailangan na raw siyang pasukan ng tubo para ma-revive siya," ani Detective Cruz na pansin ko ang pagpigil sa pagpatak ng mga namumuong luha sa kaniyang mga mata. "Ang kaso nga lang ang sabi ni Sir Hernandez ay huwag na raw. Napagdesisyunan naman daw kasi nila iyon bago pa man mangyari ang ganito."

"At isa pa, hindi ko naman kaya ang pag-pump sa kaniya dahil nga sa hindi ko maigalaw ang katawan ko," dagdag ni Mr. Hernandez na may mga luha nang tumutulo sa kaniyang pisngi. "Ayoko ring mangyari sa kaniya ang nakita ko sa panganay na anak namin."

Abala na ang mga nars sa pag-aasikaso kay Mrs. Hernandez subalit sa paglipat ng aking mga mata sa kasama ko ay pansin ko ang pagbalik ng kaniyang kakaibang awra. Nakatayo lamang siya habang nakatingin sa pangyayari na para bang walang kung ano mang nararamdaman.

"Pwede naman pong kaming dalawa ni Raine ang mag-pump, hindi po ba?" tanong ko sa dalawang mas nakatatanda sa amin.

"Ma'am?" rinig kong pagtawag ng mga nars sa loob. "Ma'am?"

"Mr. Nuñez, beinte kuwatrong oras kang kailangang nakatayo roon at may bilang pa iyon," pagputol ni Detective Cruz.

"Raine." Napatingin akong muli sa kaniya upang manghingi ng payo subalit nanatili lamang siya sa pagiging kalmado. "Raine, kaya naman natin, hindi ba? Raine, sabihin mong kaya naman–"

"Ma'am, ayos ka lang po ba?"

"Huwag na, Hijo," pagputol naman ng asawa nito. "Respetuhin natin kung ano ang hiniling niya sa akin."

Beep...

Isa na ngang mahabang beep galing sa patient's monitor ang humuli sa aming mga atensiyon.

"Ma'ams, sirs, sa ngayon po ay huminto po ang pagtibok ng puso niya." Isang babaeng doktor ang bumuwag nang saglit mula sa kaniyang mga kasamahan at saka hinarap kami. Nakasuot siya ng face mask kaya naman ay hindi ko mawari ang mas malalim pa niyang emosyon.

Nagsimula na ngang tumulo ang aking mga luha nang makipagsabayan ito kina Detective Cruz at sa asawa ni Mrs. Hernandez. Alam kong hindi ko naman ito kakilala subalit alam ko ang pakiramdam na mapunta sa sitwasyon na iyon.

"Dahil hindi niyo na po pinalagyan si Ma'am ng tubo, medyo nabawasan po ng posibilidad na makaligtas siya," ang malumanay pa nitong dagdag sa kaniyang mga sinasabi. "Susubukan po naming i-revive siya. Payag po ba kayong i-CPR si Ma'am?"

"Sir?" tanong ni Detective Cruz kasabay ng pagbaling ng mga tingin namin sa asawa ng pasiyente.

"Sige po," sagot ng lalaki na panay pa rin ang paghikbi.

Walang ano-ano ay pumila na nga ang mga nars na pumalibot sa kaniyang asawa. Salit-salit nilang idiniin ang kanilang mga palad sa dibdib ng babae at may isa namang nag-aasikaso ng mga nakikita sa patient's monitor.

Beep.

Beep.

"Diyos ko po, kayo na po ang bahala sa mahal ko," ang sabi na lamang ng asawa nito. Malakas ang kutob ko na kung kaya niya lamang makatayo at makalakad ay yinakap na niya nang mahigpit ang kaniyang minamahal.

Sa aking paligid ay naglaro ang mga eksena ng mga umiiyak na pasiyente sa kaparehong silid na iyon. Paglipat ko naman muli kay Raine ay wala pa rin siyang kibo.

"Excuse me po." Dalawang lalaking nakasuot din ang pang-nars ang dumating na may dala-dalang pantabing.

Sa oras na iyon ay hinayaan na lamang naming ang mga sarili namin ang mag-interpreta kung ano ang mga posibleng kaganapan doon.

"Clear!" Tanging boses na lamang ng doktor ang narinig namin sabayan pa ng kitang mga anino ng mga nars na nakapalibot doon.

Beep.

Nawalan na ako ng ina rati. Kung ganito rin ang sitwasyong makikita ko bago siya nawala ay baka hindi ko na nga nakayanan. Dito pa lamang nga sa taong hindi ko naman kaano-ano ay hindi ko na napigilang lumuha.

"Clear!"

Matapos ang ilan pang mga pagsasalita ay nabalot na ang silid ng nakabibinging katahimikan.

Maya-maya lamang ay hinawi na nga ang puting kurtinang pinantakip sa kanila. Pagbukas ay binati kami ng mga luhaang nars na nababalot na rin ng pawis ang kani-kanilang mga mukha.

"Ma'ams, sirs, ginawa naman po namin ang lahat pero hindi na po kinaya ni Ma'am Hernandez," malumanay na wika ng doktor. "We're so sorry for your loss po."

Kinuha na nga nila ang kumot na ginamit ni Mrs. Hernandez at itinalukbong na ito sa kaniya.

"Time of death: 2:35 p.m.," ang pagdeklara ng doktor.

Isa-isa na ngang lumapit sa amin ang mga nars na nagsitulong sa pagsagip kay Mrs. Hernandez. "Salamat po," wika ng asawa nito na mas lumakas pa ang pagbuhos ng mga luha mula sa kaniyang mga matang nakita mismo ang pagkawala ng mahal niya sa buhay. "Salamat po."

Ang salamat na iyon ay alam kong pagpapasalamat niya nang dahil sa mahirap din ang ginawa ng mga nars at ng doktor. Kahit na ganoon ay ginawa pa rin nila ang lahat para sa kanilang pasiyente.

"Condolence po," ang wika nila at saka na lumapit ang nars na naabutan naming nagbabantay rito kanina. Pilit niyang pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mukha, subalit tuloy pa rin ang pagtulo ng mga ito.

"C- Condolence po, sir," ani niya kay Mr. Hernandez.

Wiping her tears with the handkerchief she held, Detective Cruz glanced at us, her resolve hardening once more.

"Nuñez, De Verra, kami na ang bahalang mag-asikaso rito," aniya. "Maya-maya lang ay darating na ang mga pulis para matulungan si Mr. Hernandez sa mga gagawin niya."

Nang dahil sa hindi ko naman alam kung ano pa ang mga gagawin ay alam kong gusto ko na lamang umuwi. Alam kong sapat na ang nakita kong kasawian sa araw na iyon.

"Sige po," sagot ko. Handa na akong umalis nang mapansin kong wala na si Raine sa kinatatayuan niya kani-kanina pa lamang.

Nasaan na naman kaya siya nagpunta?

Naglakad na lamang ako sa pasilyo at plinanong lumabas na lamang ng ospital sa pag-asang naroon lamang ito.

"Raine?"

Tumakbo lamang ako hanggang sa nakalabas na rin sa wakas. Hinayaan kong libutin ng aking mga mata ang paligid upang hanapin ang kasama ko subalit wala ito roon.

"Raine, naku naman."

Isang pagtunog ng isang notipikasyon sa aking selpon ang kumuha sa aking atensiyon. Doon ko na nga nakita ang mensaheng galing sa kaniya.

Mauna ka na sa apartment. May bibisitahin lang ako saglit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro