43. Tick Tock

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"I'm sorry. I'm about to lose you because I'm about to drive into a tunnel in a canyon on an airplane while hanging up the phone."

- Dr. House, MD

-----

Chapter 43:
Tick Tock

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

Kahit na nahuli na namin ang misteryosong lalaking iyon ay hindi pa rin mapakali ang aking isipan. Para bang mayroon pang kakaibang awra na gumagala sa paligid at tahimik lamang akong pinagmamasdan.

Isa sa mga mambabasa ko ang gumagawa ng mga ito. Sa tatlong nauna nang naipakulong ay hindi ko naman alam kung nagbabasa ba sila ng mga blog at istorya ko o hindi naman.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagsusulat ng mga nangyayari. Upang manatiling hindi detalyado at maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga nakasamang karakter ay iniba ko nang bahagya ang mga sitwasyon at pangalan roon. Alam ko naman iyon sa simula pa lamang.

Habang nasa ospital ay alam kong hindi na nga talaga kaya pang magpatuloy pa sa buhay si Mrs. Hernandez. Mahina na ito at saka kung ipagpapatuloy lamang ang buhay ay maaaring mas mahirapan pa.

Handa na sana akong umalis nang pinabalik ako ng pangongonsensiya ni Zane. Pagbalik namin sa silid ay binati ako ng hindi ko ginustong makita na senaryo.

I just stood there, my emotions numb. Noong namatay sina Mom at Dad ay hindi ako pinayagang makita sila sa ospital. Bangkay na lamang sila noong binurol sa punerarya.

I saw something I wasn't supposed to see.

"Clear!"

Nanigas lamang sa isang puwesto ang aking katawan na hindi maigalaw ang katawan nang dahil sa hindi malamang pakiramdam na dumadaloy sa akin.

Pilit kong hinahabol ang aking hininga nang mapansin ko ang pag-ilaw ng aking selpon. Sa muli ay naroon na naman ang mensaheng nanggaling sa numerong nanggulo sa amin kahapon.

You know where to find me. Innovation.

Hindi ko na nga hinantay pang atakihin akong muli ng trauma at pangamba ko. Inalis ko mula sa pagkakatali sa mga kadena ng pagkatakot ang aking katawan at saka na nga inilabas ang aking sarili mula sa ospital.

Kung ganoon ay hindi pa rin tapos ang laro nitong taong ito.

Naglakad ako papunta sa paradahan ng traysikel at saka sinabi sa drayber ang lugar na alam kong tugma sa sinasabi nito. "Sa Innotech po," ani ko.

Habang papunta roon ay nanaig na nga ang pagkainterasado kong malaman kung ano ang kinalaman ng lugar na iyon.

Kinuha ko ang aking selpon at saka hinayaang buksang muli ang aking malawak na Memory Palace.

𓇢𓆸𓇢𓆸
"Innotech," wika ko habang nilalakbay ang mundo ng internet.

Sa aking unahan ay sumulpot ang mga namamahala nito na sina Jerick de Viejo at Loraine Garcia. Nakasuot ang dalawa ng kanilang pormal na kasuotan na angkop sa negosyo nila.

"Itinatag ang kompanyang ito ng magulang ko at kasama ng matalik nitong kaibigan na ama ni Mr. De Viejo," pagpapaliwanag ni Ms. Loraine. Nakasuot ito ng itim na high heels at saka nakakulay puting cotton na damit na pinatungan ng kulay itim niyang trench coat.

"Ang ginagawa namin ay gumagawa kami ng mga appliances at devices na gawang Pinoy at maganda ang kalidad!" dagdag ni Mr. Jerick.

"Pero kailan nga po ba ito naitatag?" tanong ko.

"Five years ago, we established the building after purchasing the land," sagot ni Ms. Loraine. "This site was formerly home to a renowned dressmaking fac–"

"Wait lang po!" I stretched out my hand, signaling her to stop. Instantly, she and everything around her froze. With a swift swipe of my hand to the left, time rewound slightly.

"This site was formerly home to a renowned dressmaking factory," pag-ulit ng kaniyang sinabi. "However, after it burned down, the owner decided to sell it."

"Kung ganoon pala ay nasira na ang mga maaaring ebidensiya roon dahil pinatayuan agad ng bago," ani ko. "Alam siguro ito ni Dad at ng kahit isa sa mga may-ari ng kompanyang Innotech."

"Innotech has 8 floors and a rooftop–"

"But there's a probability that there's a basement there," pagputol ko rito.

"– where some helicopters for shipping can land," pagpapatuloy ni Sir Jerick.

"Malakas ang posibilidad na mayroon silang basement sa lugar na iyon," wika ko pa. "At saka paradahan ng mga sasakyan sa ilalim ng gusali."

"Nagmamarunong na naman ang pinsan ko." Mula sa aking likuran ay narinig ko ang boses ni Samantha na hindi ko na lang pinansin. "Palibhasa kasi may sira sa utak!"

Agad kong ipinikit ang aking mata at saka ito muling idinilat na nagbalik sa akin sa presenteng panahon.
𓇢𓆸𓇢𓆸

Pagbalik ko sa reyalidad ay binati ako ng tanawin ng mataas at malawak na gusaling kita sa sinakyan kong traysikel.

Pagbaba ko ay dumiretso na ako sa paradahan ng mga sasakyan. Karamihan doon ay ang mga produkto nilang handa nang ipadala sa iba't ibang branches nila sa maraming panig ng mundo.

Doon, sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Para bang walang tao sa paligid sa mga oras na iyon, kahit na napakaraming sasakyan ang nakaparada.

Marami ang tao ngayon sa gusali pero ang malaking tanong ay kung nasaan na sila.

"Hello po?" tanong ko na umalingawngaw ang boses sa napakalawak na bakanteng lugar.

Mula sa dala kong bag na galing pa sa klase ko kay Professor Aguilar ay kinuha ko ang damit na nakalagay sa karton — ang binigay sa amin ni Mrs. Nuñez.

Nararamdaman ko ang presensiya ng isang kakaibang tao sa paligid. Hindi ko muna nilabas ang dart gun ko na alam kong may isang bala na lang na nakakasa dahil sa ginamit ni Zane kanina.

Alam kong mayroong mga nakatutok sa aking CCTV dahil maaaring mas prinotektahan pa ni Sir Jerick ang kompanya matapos ang nangyari noong nakaraang mga araw. Subalit, mayroon pa rin na nagsasabi sa aking isip na may nanonood na iba pa sa mga galaw ko.

"Ano kaya itong dala-dala kong ito?" wika ko na lamang na parang may kinakausap na hindi nakikita sa aking harapan habang naglalakad. "Hmm... Maybe a big clue for a recent 'm' thing. Or could be the only evidence left!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng hindi kalayuang pressure sensitive automatic door.

Isang pagngiti ang namalagi sa aking mga labi hanggang sa marinig ko ang mga yabag na umalingangaw palapit sa hinintuan kong puwesto.

Agad namang napawi ang ngiting iyon nang marinig ko ang mga salitang binitawan ng misteryosong taong iyon.

"Hi, Raine."

Ang boses na iyon, alam na alam ko kung kanino nagmula. Ang medyo mababang timbre ng kaniyang boses at ang bilis ng paglalakad niya ang nagpabaling ng aking tingin sa likuran ko.

"Ano naman ang ginagawa mo rito sa lugar na ito?" tanong nito.

A turn-up. Paano niya nalaman ang lokasyon ko? Nilapitan niya ba si Kuya Ron para i-track ang selpon ko?

"Zane?"

Para bang unti-unting nanigas ang aking mga paa sa aking nakita. Hindi ko gusto ang dumadamping pangamba sa aking buong katawan — nakakapangilabot at nakakapanindig-balahibo.

"Anong—"

"Nasurpresa ba kita?" tanong ni Zane na binigyan ako ng isang matipid na ngiti. "Masaya ka bang nakita mo ako–"

Isang baril ang nakita ko mula sa kaniyang kanang kamay na nanginginig habang itinataas niya ito papunta sa kaniyang dibdib.

"Zane, tumigil ka–"

"Masaya ka bang nakita mo ako bago pa man mahuli ang lahat?" dagdag pa niya. Walang takot na mababakas sa kaniyang mukha o luha man lamang na namumuo sa kaniyang mga mata.

"Anong kalokohan ba iyan, Mr. Nuñez?" Gusto ko man siyang lapitan subalit may nagsasabi sa aking hindi maaari.

"Siya nga pala, sinabi niya sa akin na masaya siyang–"

Siya? Sinong siya? Ano ba ang nangyayari?

"T- Tumigil ka nga, Nuñez!"

"Masaya raw siyang nakalaro ka," pagpapatuloy ni Zane.

"Sino iyang sinasabi mo? Magsalita ka!"

Isa na namang misteryosong ngiti ang pinakawalan niya papunta sa akin — ang ngiting para bang unti-unting lumalamon sa aking gulung-gulong isip.

Inayos niya ang hawak sa baril at saka itinapat ito papunta sa direksiyon ko na may hindi kalayuan mula sa kaniya.

Dahan-dahan kong ibinaba ang dala-dala kong karton, handang kunin ang dart gun ko kung kakailanganin.

"Sige, Raine," wika nito. "Ibaba mo na iyang dala mo para makapag-usap tayong dalawa nang maayos."

Ginawa ko kung ano ang sinabi niya subalit hindi ko pa rin inalis ang pangingiramdam ko sa bawat paggalaw niya.

Hinayaan ko lamang na manatili sa may bandang gilid ko ang karton na may lamang mga damit ng kaniyang ina. Palihim kong hinulbot mula sa loob ng bag ko ang dart gun at saka ito inilagay sa aking bulsa na pinailaliman ko ng medyo mahaba kong puting polo na naka-tuck in sa aking slacks.

"Limang taon na ang nakararaan... noong naganap dito ang... sunog," pagsasalaysay nito. "Wala naman kasing kuwenta ang Dad mo, e..."

Paano niya nasasabi ang mga ito? Siya ba talaga ang nasa harapan ko?

"... hindi niya naman inayos ang kasong ito dahil nalulong siya sa pagmamahal sa inyong mga anak niya!" tuloy pa ni Zane na para bang natural lamang sa kaniya ang mga sinasabi.

Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"The Fall of Detective Chief Superintendent De Verra," ani pa nito. "Oo, Raine. Hindi mo na ba naaalala na isa iyon sa mga naging ulo ng balita noong taong iyon?"

"Wala naman akong—"

"Ha! Ang sinasabing matalino ng mga tao ay gungong din pala," pagtawa niya. "Sa sobrang takot mo, kinalimutan mo na ang mga gusto mong kalimutan!"

Napalunok na lamang ako ng laway habang pinakikiramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso.

"Sumama ka na sa walang kuwenta mong ama, Lorraine De Verra." Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at saka inihawak din ito sa baril.

Hindi ko inakalang nagtiwala ako agad sa taong hindi ko naman kilala. Katapusan ko na nga ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro