3. Secret Admiration

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 48:
Secret Admiration

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Recently, the articles about him mistreating his former personal assistants blew up the internet when the country heard their testimonies," pagpapaliwanag ni Ms. Garcia.

"Sino po ba itong lalaking ito?" tanong ni Raine. "Kung masama po pala siya, bakit ako pa?"

"Zephyros Elizalde, also known as the Celestial Virtuoso," sagot ni Elizabeth.

"Celestial Virtuoso, ang ganda pakinggan," wika ko. "Masama nga lang ang ugali."

"Hindi siya masama, Mr. Nuñez. Alam kong hindi niya kayang gawin ang mga bagay na sinasabi nila," ani Ms. Garcia.

"Magbigay ka po ng isa sa mga ginawa niya," sambit ni Raine.

"Pisikal at verbal na sinasaktan ang mga ito," sagot ni Ms. Garcia.

"Don't worry, li'l sis. Nandiyan naman si Zane para awatin kayo," wika ni Elizabeth na sinabayan ng isang mapaglarong ngiti.

"Awatin?" ani Raine.

"Hulaan mo na lang kung bakit," sagot lamang nito.

"Elizabeth, stop teasing your sister," sita ni Ms. Garcia na tinapik nang bahagya ang balikat ng katabi.

Nagbigay ng kaligayahan sa akin ang nakita kong iyon. Nakita ko na rin ang isa sa mga kahinaan ng matapang na kapatid ng kaibigan ko.

"Anyway," pagpapatuloy ni Elizabeth na iniayos ang kaniyang pag-upo, "you can read about the details on the internet. The scandal started seven months ago and now it's still going on. And now, he just received a blackmail."

"Ang ibig sabihin po ba nito ay naaapektuhan nito ang kompanya dahil isa siya sa mga celebrity ambassador ninyo?" tanong ni Raine.

"You're right, sweetie," ani Ms. Garcia.

"Papayag naman po ba siyang imbestigahan ang kaso niya?" tanong pa nito.

"Actually, he personally requested your presence," sagot ni Ms. Garcia.

"Gaano na po ba kasikat itong inaanak ninyo ngayon?" mahina kong sabi sa aking sarili na nagpangiti sa akin.

"Anong itinatawa-tawa mo riyan, Mr. Nuñez?" biglang tanong ni Elizabeth.

"Wala po. May naalala lang," sagot ko na lamang.

"Mayroong mga kumalat na litrato niya kamakailan na gumagamit daw ng ilegal na droga," dagdag pa ni Ms. Garcia.

"Gumagamit po ba siya? May kinalaman po ba ito sa mga nangyaring blackmail?" tanong ni Raine.

"A drug test was conducted and came back negative, yet his critics continue to spread rumours that he is likely a drug addict," pagpapaliwanag ni Elizabeth. "His house was inspected, but nothing was found. Nonetheless, they remain convinced that he is hiding something somewhere."

"Mga tao talaga ngayon," wika ko.

"Sinabi mo pa, Zane," sagot ni Raine.

"Interesado ka na ba, li'l sis?" tanong ni Elizabeth.

"Para saan?" tanong lamang nito.

Napaikot na lamang ng kaniyang kayumangging mga mata si Elizabeth.

"Wala po ito sa plano ko. Alam niyo naman pong ayoko ng pabago-bagong plano, hindi ba?" ani Raine.

"Paano kung sabihin ko sa iyong mayroon pang bagay na mas malaki kaysa sa reputasyon ni Elizalde?" tanong ni Elizabeth na napataas ng kilay.

"Reputasyon? Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Mr. Nuñez, mas mapapaaga ang suweldo mo sa akin kung mapapapayag mo ang kaibigan mong iyan," wika ni Elizabeth na nabaling sa akin ang tingin.

Kung tutuusin ay mauubos na ang binigay niya sa akin noong nakaraan nang dahil sa maraming gastusin. Bukod doon ay paubos na rin ang ibinigay sa akin na allowance ng mga magulang ko.

"Fine," sagot ni Raine na pumutol sa paglipad ng aking isipan. "Pero gagawin ko lang ito dahil si Ninang ang nagsabi. At saka dahil nakikita kong mayroon pa ngang maaaring mangyari."

Sa wakas ay kita ko na ang malawak na ngiti mula sa kaniyang mukha, interesado sa mga kaganapang narinig.

"Sigurado ka ba?" tanong ko subalit tumayo na lamang siya at sumunod ang dalawang babae sa aming unahan.

"Siguro," sagot ni Raine kasabay ng mabilis na paglingon.

"And I presume that you, Mr. Nuñez, will be accompanying her, right?" wika ni Elizabeth. "That reminds me, what is it about her that keeps you joining on her cases? Kung wala kang sinasahod mula sa akin, tutulong ka pa ba?"

Nang dahil sa tinulungan nilang matapos ang kaso ng aking ina ay mas tumaas pa ang utang na loob ko sa pamilya ng mga De Verra. Bukod doon ay nagustuhan ko na rin ang kaba sa tuwing kasa-kasama ko si Raine.

"He's daydreaming again, I suppose," rinig kong wika ni Raine. Kasabay ng pagpitik niya ng kaniyang daliri sa harapan ko ay napabalik sa kanila ang aking atensiyon.

"Oh, well. I do believe every Holmes needs their Watson," biro ni Ms. Garcia na may ngiti sa kaniyang mapulang mga labi.

Tumayo na rin ako at saka inayos ang aking sarili. "Uuwi na po ba kami?"

"You have those golden passes, don't you? He's requesting your visit today, and it's a good time since it's nearly lunchtime," sagot ni Ms. Garcia.

"Nasaan po ba ang lalaking iyon?" tanong ni Raine.

"Sa isa sa mga rest house niya rito sa Nueva Aurora. Simula noong pinagkaguluhan siya ng mga tao ay natigil ang mga proyekto niya at doon muna siya tumira upang walang makakilala," wika ni Ms. Garcia.

"May I remind you, Raine, to be more engaging with him. The deeper his trust, the more information you'll be able to obtain," ani Elizabeth na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

Something must be going on around here!

"Alright, then," sagot ni Raine na kinuha mula sa aking bulsa ang sarili kong pass.

"Raine—" ani ko na agad niyang pinutol.

"Since you've chosen me, I'll definitely handle this in my own way," sagot lamang niya at saka na inilagay sa kaniyang bulsa ang dalawa.

"Kung gusto niyo ay ipapahatid ko kaya kay Dave," wika pa ni Elizabeth.

"Dave?"

"My driver," sagot nito.

"Oh! I thought his name was Dennis," wika naman ni Raine.

"Tumigil ka nga—" Magsisimula na naman sana si Elizabeth nang matigil ito nang dahil sa nanlilisik na mga mata ni Ms. Garcia.

Kahinaan nga niya.

"May isa lang po akong kagustuhan," wika ni Raine.

"Ano iyon, sweetheart?" tanong ni Ms. Garcia. "Sabihin mo lang at—"

"Mayroon ka po bang maiinom?" tanong nito.

"Huh? Kape ba?" ani Ms. Garcia. Sa init ng panahon sa labas ay maaaring hindi iyon ang pakay niya.

"Malamig pong maiinom pero mas maganda po sana kung soda," sagot naman ni Raine.

"Hindi... Hindi ako umiinom ng ganoon. Umiiwas ako sa maraming asukal—" wika ni Ms. Garcia.

"Alam ko po, Ninang, pero nagpabili po si Ate kani-kanina lang at natatakot pa atang magbigay sa akin," sagot na lamang nito.

Nabaling ang tingin ni Ms. Garcia kay Elizabeth at saka na nga nito iniabot ang isang maliit na plastik na bote ng soda mula sa kaniyang dala-dalang handbag.

"Bumili ako ng dalawa dahil bukas ko naman iinumin ang isa," depensa ni Elizabeth.

"Kaya mas maganda nang matulungan kitang makaiwas sa diabetes, big sis," sagot ni Raine na napangiti kasabay ng pagbukas ng hawak-hawak na inumin.

"Matulungin lang po talaga itong kasama ko," sagot ko at saka ko na siya sinamahan paalis ng silid.

"Catch me if you can, big sis," ani pa ng kaibigan ko.

"Paalam po. Mauna na po kami," wika ko naman kasabay ng pagsirado ng pinto sa harapan naming dalawa.

Dumiretso na nga kami sa labasan at saka kami sinalubong ng tinawag nila kaninang Dave.

Pagpasok namin ay panay ang inom ni Raine sa soda na para bang galing pa lamang sa freezer. Noong mga nakaraang araw ay pansin ko ang pagkahilig niya rito. Ako rin naman subalit sa halip na ang inuming iyon ay mahilig ako sa tinapay.

"Paano mo naman nalamang may ganiyan ang Ate mong iyon?" pag-uumpisa ko.

"Figure it out, Zane. You seem to miss the answers because you're only aware of the obvious ones," sagot niya sa akin.

"Obvious?"

Napatigil siya sa pag-inom at saka nabaling sa akin ang kaniyang mga tingin. "It's quite obvious that it appears my sister is hiding something in her rather large bag," sagot niya na pilit itinatago ang ngiti.

Napangiti na lamang ako sa kaniyang sinabi. "Ngayon ay ano na ang plano mo," ani ko, "Ms. future CEO?"

"Pinapapunta lang naman tayo roon," sagot niya.

"Pupunta tayo roon at saka...?"

"Kukunin ang loob niya," sagot ni Raine.

"Ayon na nga ang tanong ko: Paano?"

"Like I said, my way," aniya.

Maya-maya lamang ay huminto na ang kotse sa harapan ng isang malaking bahay na mayroong dalawang palapag at kulay beige na mga pader. Simple lamang ito subalit halatang mayaman ang may-ari.

"Ito na 'yon?" tanong ko.

"Siguro," sagot ni Raine. "Tara na."

"Hindi ka na... Hindi ka na magpapatulong sa akin na magtawag ng tao?" Siguro ay malaki ang naging epekto ng pangyayari sa kaniya noon.

"Sinusubukan lang kita noon. Ngayon ay tara na," aniya. Handa na sana akong lumabas ng sasakyan nang sa halip na tumayo ay may kinuha siya mula sa ibaba ng inuupuan.

"Saan—" wika ko na agad niyang pinutol.

Mula roon ay mayroong isang briefcase na noong kaniyang binuksan ay mayroong mga gamit pang-make up.

"The first step in my deduction process for someone I don't know: act as if I'm someone else," wika niya sa akin.

"Disguise?" tanong ko na sinagot niya lang ng pagtango. "Para saan pa kung may pass naman tayo?"

Mula sa hawak-hawak ay kinuha niya ang isang pulang lipstick at saka may ngiting nagpakurba sa kaniyang mga labi. "How would you like to be Maven Ramirez?" tanong niya.

"Seryoso ka talaga?"

"Good!" dagdag pa nito. "I'll be Alessandra Valer."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro