2. Aether Rose

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 47:
Aether Rose

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Nagpatuloy kami sa pagtahak ng daan nang walang kibuan sa isa't isa. Dire-diretso lamang ang drayber, hanggang sa hindi kalayuan ay nakita kong muli ang mataas na gusali ng sikat na sikat na kompanyang tinawag na Innotech.

Ano na naman kaya ang gagawin namin dito?

Pagtigil ng sasakyan ay hindi na ito gumalaw, marahil ay nagtampo dahil sa ginawa naming pagtakas noon sa kaniya. Naalala ko pa na mayroon kaming misyon ni Raine noon at kinuha siya ng kaniyang kapatid na ipagmaneho ako para makapanayam ang mga posibleng suspek sa nangyaring pagpatay. Sinundan ko lamang si Raine noon at wala akong kinalaman sa nangyari.

Bumaba na lamang ako at saka sa muli ay hinarap ang mga alaalang nakuha ko sa gusali.

"Kapag ipinutok mo iyang hawak mo, may darating sa iyong mas malala, hindi ba, Zane?" Rinig ko pa rin ang boses ng babaeng ipinakulong namin noon habang nakatayo kami sa parehong lugar na kinatatayuan ko.

"Ano po ang balak niyo?" tanong dito ni Raine noon.

"Hindi ba halata?" dagdag ng babaeng iyon na hindi ko na nalaman kung ano ang pangalan. "Pinakita ko lang naman sa iyo ang ilan sa mga pinagkakaabalahan ko sa miserableng mundong ito. Actually, it's just a teensy bit."

Pagdating ko sa reception area ay iba na ang nagbabantay roon—hindi na ang babaeng nilito ni Raine ng kaniyang pangalan noon.

"Raine de Verra lang. Ang haba naman ng sinasabi mong iyon." Sa muli ay naalala ko ang sinabi ni Raine sa akin sa mismong pwestong iyon.

"So... that's it? Yun lang ang sasabihin ko?" tanong ko noon sa kaniya.

"At kung tanungin ka naman kung ano ang gagawin natin, sabihin mo lang ang mga salitang: Pinatawag kami ni Mr. Jerick. Importante raw," ang dagdag pa nito.

"Good morning, sir. Ano po'ng sadya ninyo?" tanong nito.

"Uh..." Didiretso na sana ako ng elevator nang hinatak ako ng pagtatanong nito palapit sa kaniya. Nakasuot siya ng shades at saka nakapormal na kasuotan.

May papel siyang kinuha mula sa kaniyang lamesa at saka may kung anong inabot sa akin. "Zane Nuñez, hindi ba?" tanong nito.

Pagtingin ko sa aking palad ay may isang kulay gintong card na binigay siya sa akin na may nakasulat na Aether Rose at may logo na mayroong rosas.

"Para saan po ito?" tanong ko.

"Please proceed to 8th floor, Office of the CEO," sagot niya.

"CEO? Nice! Magiging parte na ako ng kompanyang ito," biro ko.

"Raine de Verra's waiting for you there, sir," aniya.

Dumiretso na lang ako sa elevator at saka pinuntahan ang lugar na sinabi niya. Bago pa man magsara ang pinto ay hindi ko na ito nakita pa sa puwestong iyon. Tila ba may kung anong nangyayari sa paligid na nagbigay sa akin ng paghihinala.

Pagbukas ng pinto ay binati ako ng mga ilaw na nanggaling sa salaming tinatamaan ng araw na kasalukuyang tumataas sa mga oras na iyon. Dumiretso lamang ako sa paghahanap hanggang sa makita ko na rin sa wakas ang lugar na nasa sentro ng lugar.

Loraine Garcia. CEO.

Binati ako ng isang kandado sa pintuan na kailangan ng isang card na ii-scan. Naalala ko ang binigay sa akin ng babae sa lobby at saka ito sinubukan.

Open.

Pagbukas nito ay binati ako ng isang malawak na silid na napapalibutan ng kulay puting pintura na hinaluan ng mga pananim na nagkalat sa lugar upang magsilbing palamuti.

"Hello?"

Pag-apak ng aking mga mata sa loob ay sinalubong ako ng kasamahan kong nakaupo sa isang swivel chair sa unahan at napaharap sa akin.

"So, what's up?" tanong ko na lang dito na pilit pang iniisip ang mga pangyayari. "Ikaw na ang bagong CEO?"

"I would be, if only they could bear to persuade me a bit more," seryoso niyang sagot na nagbigay ng kiliti sa aking damdamin. Hindi nagtagal ay sabay kaming napatawa, kapwa natauhan sa aming pinaggagagawa.

Naupo ako sa isang malambot na mahabang sofa sa may gilid ng silid at saka nilibot ng aking mga mata ang paligid. Doon ay napakaraming nakasabit na obra sa pader at saka marami rin ang mga papeles sa paligid.

"Nasaan ang mga tao rito? Tayong dalawa lang? Buti at pinagkatiwalaan tayong pumasok sa lugar na ito. Ang rami pa namang komiks doon sa bookshelf."

Napatawa lang si Raine na pinaikot ang inuupuan niya.

"Pero ano ba talaga ang ginagawa natin dito?" tanong ko. "Seryoso, ano? Hindi ba, may hinawakan kang kaso kani-kanina pa lang?"

"Hindi ko alam," sagot niya.

"Gustong makipag-usap sa iyo ng CEO para sa isang plano? Modeling?"

Bumukas ang pinto na nagpatigil sa amin. "Kung may modeling man, hindi ko na kailangang mag-audition," pabirong sagot ni Raine na kumiliting muli sa akin.

"Mga bata talagang umasta," wika ng isang boses na nagpaharap sa akin sa may pintuan. Naroon ang kaniyang nakatatandang kapatid na matatawag kong boss ko.

Binigyan niya ako ng scholarship noon kapalit ng pagbabantay ko sa makulit niyang kapatid. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagsuporta niya sa aking pamilya sa probinsiya.

"Raine just turned eighteen, and although I'll be nineteen soon, we could still be considered kids in other countries," pabiro kong wika sa kaniya na pilit pinipigilan ang pagtawa.

"And yet, you're out there solving crimes. How I wish I could still tolerate what the chief of police keeps saying to me," wika ng kaniyang kapatid na si Elizabeth sa seryoso nitong tono.

Napatayo si Raine at saka naalis na rin ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Naglakad siya papunta sa kapatid at hinarap ito. Kasabay noon ang dahan-dahan ring pagkawala ng aking mga pagngiti.

"Kaya ba pinatigil mo ang pag-iimbestiga sa kasong hinahawakan namin?" tanong nito kasabay ng pagtama ng kanilang mga tingin sa isa't isa.

"Alam ko na ang tungkol sa nangyari at kahit alam ko pa kung ano ang naganap, hindi ako magmamarunong kagaya mo," sagot ni Elizabeth.

"Oh, for heaven's sake. Why do you keep insisting we're not good enough? Is it because we're mere children?" wika ni Raine na may sarkastikong ngiting namuo sa kaniyang mga labi. "You wanted to use your talent for the greater good, but when no one listened, you turned out like this. And let's not forget Enola, shall we?"

Napakunot na lamang ng noo ang kaniyang kapatid. "What about her?"

"Enola Holmes was fourteen in the original books and sixteen in the films. Nancy Drew is sixteen. Shinichi Kudo is seventeen. Is any of this ringing a bell, or shall I draw you a map?" tanong pa ni Raine.

Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila sa isa't isa pero bahala na sila roon.

"They're fictional. You, however, are in the real world. Welcome to reality, li'l sis. I figured that out ages ago, and soon you'll have to as well," sagot naman ng kapatid niya na nagpatikom kay Raine.

Sinenyasan niya itong umupo sa tabi ko subalit sa halip ay sa katapat kong upuan ito pumunta.

"Umayos ka, Raine. Sikat na kompanya ito at pasalamat ka at nakakapunta ka rito kung gusto mo," sermon nito.

"Bakit ba kasi ako nandito?" tanong ni Raine na nanatiling nakatayo.

"Dahil sa isang kliyente," sagot ni Elizabeth kasabay ng muling pagbukas ng pinto.

"Kliyente? Para saan?" ani Raine.

"August," sagot ng bagong mukhang pumasok sa silid. "Other terms? Esteemed, distinguished, illustrious, celebrated, prestigious."

Sa aking harapan ay dumating ang sikat na CEO ng kompanya. Agad kong inaayos ang aking sarili at saka tumayo sa harapan niya.

Kaya pala sinabi sa akin kanina na mag-ayos dapat ako.

"Other details? I'm afraid I can't disclose them, as they must remain confidential," dagdag pa ni Ms. Garcia. Lumapit ito kay Elizabeth at saka iniabot ang kamay rito. "Ms. Elizabeth."

"Ms. Loraine," sagot nito.

"Pagpasensiyahan niyo na po ang pag-uugali ng kapatid ko," ani pa ni Elizabeth.

"Maraming pinagkakaabalahan, tama ba?" tanong ni Ms. Garcia na nabaling ang tingin kay Raine na nagbigay ng pilit na ngiti.

"And this must be Zane Nuñez. I've read quite a lot about you. You never mentioned that you are a volunteer rescuer at your school," aniya na napatingin sa akin at nakipagkamay.

Voluntee rescuer? Pero kaming dalawa pa lang ni Raine ang nakakaalam ng pagsali ko sa organisasyong iyon kamakailan lang.

"Nice to meet you po."

"Nabasa ko sa ang pinagkakaabalahan ninyong mga blog. Alam niyo bang napakahilig basahin iyon ng isa sa mga empleyado ko?" aniya.

"Sino pong empleyado?" tanong ko.

"Ang pinakakinagigiliwan niya raw ay iyong nagpunta kayo sa isang abandonadong bahay," dagdag pa niya. "Kung naaalala ko, ang titulo ng blog na iyon ay 'The GHOSTly Encounter.'"

Sinabi niya ang tungkol sa title na pinangalan ko roon sa blog ko. Does that also mean that she read mine? Hindi naman ganoon ang ipinangalan ni Raine roon, e.

Naalis na ang kaniyang tingin sa akin at nabaling namang muli kay Raine na kaniyang nilapitan. Umupo ako at saka nanahimik na lamang.

"At siyempre, ang inaanak kong ipinangalan sa akin ng mga matalik kong kaibigan," aniya. "Hindi kagaya ng ibang batang nakikita ko ngayon, hindi ka mahilig mag-ayos."

"Ayoko pong masira ang mukha ko dahil sa make-up. Nagpapakatotoo lang po," sagot nito na bagama't malumanay ay para bang sarkastiko. "Now, excuse me po." Pagkamano ay isang pilit na pagngiti na naman ang kaniyang ibinigay rito.

Naglakad si Raine papunta sa kapatid at saka lumapit sa may pintuan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Elizabeth na kaagad na hinawakan ang kaniyang kamay pabalik sa amin.

"Isang hindi kilalang kliyente? Now that everything's been sorted, it's only right that I take a well-deserved rest, don't you think?" wika ni Raine sa kapatid.

"Says the one who was busy solving a case just before I brought them here," sagot ni Elizabeth.

"Hindi ko kasalanan kung bakit lapit sila nang lapit sa akin. Kuya Ron said if I don't give in, they might cause even more trouble," ani Raine. "Oh, and by the way, the forensics course I mentioned before is a sham. Ang sinabi kong pagtuturo sa akin ni Mr. Aguilar ay isang pribadong tutoring lang na binabayaran ko gamit ang perang pinapadala mo sa akin, Big Sis."

What the heck? Buti naman at hindi iyon totoo. Mahirap ang dala-dalawang kurso ang kinukuha. Mahirap na nga ang Education ay muntik pa niyang kunin ang isa pa.

"Alam ko, kaya pinayagan kita roon," wika ni Elizabeth. "Ngayon ay umayos ka na dahil importanteng bagay ang nakasalalay rito! Umayos ka naman!"

"Girls. Tama na!" sita ni Ms. Garcia.

Napabuntong-hininga si Raine at saka iniekis ang kamay sa kaniyang harapan. "Sino po ang kliyente ko, Ninang?" tanong niya.

"Tingnan mo na lang ang mga nasa paligid. Kilalang mga tao ang naririto kaya kahit ngayon lang, Raine, ayusin mo ang ugali mo!" sermon pa ni Elizabeth.

Napabuntong hininga na lamang si Raine at napaupo sa aking tabi. Kita ko pa rin ang pilit niyang itinatagong inis at may kung ano pa rin na kahalo nito.

Something is amiss. Iba ang sinasabi ng isipan ko sa mga pangyayari.

"Buti naman at nakikinig ka pa rin," ani Elizabeth na sinamahan sa pag-upo sa upuang nakatapat sa amin si Ms. Garcia.

"Ikaw na tuloy ang naging ina niya ngayon," wika ni Ms. Garcia.

"Ayon nga po ang nangyari pero hindi pa po siya karapat-dapat na maging nanay," sagot ni Raine na napatawa na lamang.

"Anyway, don't test my patience, you two. I'm still your godmother, for heaven's sake," sitang muli ni Ms. Garcia. "May problema kasi ang isa sa mga empleyado ko."

"Sa wakas ay may mapagkakaabalahan ka na rin, Li'l Sis. Magagamit mo na nang maayos ang nakakapikon mong utak," wika ni Elizabeth na napadekuwatro ang paa.

"Bakit naman po sa akin? Nandiyan naman ang mga pulis," ani Raine. "Pwede namang mga tauhan mo ang humarap ng kung ano mang problema iyon, Ate."

"Kagaya ng nangyari sa USB, kailangan muli ng mapagkakatiwalaan dito, Rainie," pagpapaliwanag ni Ms. Garcia. "Dinala rin namin dito ang kaibigan mo dahil alam kong ayaw mong mag-isa at halata namang mas gusto mong may kasama."

"At alam niyo po naman 'di bang ayaw ko pong makilala pa ng ibang tao?" tanong ni Raine.

"I can see that you might still be single," wika ni Ms. Garcia.

"Nandiyan naman po si Elizabeth, hindi ba? Sinabi niya naman pong mas marami siyang bakanteng oras kaysa kay Raine," pagsabat ko.

"At naniwala ka naman doon, Nuñez?" tanong ni Elizabeth.

Mga litrato mula sa tablet ni Elizabeth ang humarap sa amin — litrato ng ngayon ay sikat na artista ang tanyag sa buong Pilipinas.

"Ano ang alam mo sa lalaking iyan?" tanong ni Elizabeth sa kapatid.

"Hindi ko siya kilala at wala akong pakialam," sagot nito.

Kung sabagay nga naman ay puro na lamang anime, cartoons, at iba't-iba pang palabas ang napapanood namin sa telebisyon.

"Then you should know him even more," ani Elizabeth. Pag-swipe niya ng naunang tatlong litrato ay binulaga kami ng isang litrato mula sa isang selpon na nagsasabing 'Ibabagsak kita.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro