Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Ilang buwan na rin matapos mangyari ang araw na iyon—matapos maayos na rin sa wakas ang dalawang kasong nagpabago sa buhay namin ng bago kong kaibigang si Lorraine de Verra.

Sa wakas ay nasa kulungan na rin ang babaeng nagpapatay sa mga magulang niya at sa aking ina. Hindi na niya kami magagambala pa. Matapos niyang gawin ang bagay na iyon, nararapat lamang na makulong siya habangbuhay.

"Anong ginagawa mo riyan?" Tahimik lamang akong nagsusulat sa aking laptop nang bigla na lamang akong nagulat nang bumukas ang pintuan sa mga maliit naming silid-aklatan sa apartment.

"Uh... Journal," sagot ko na iniayos ang sarili.

"Bakit ka nagulat?" tanong niya. "May itinatago ka ba?" Katulad ng dati ay hindi pa rin nawala ang pagkamasiyasat niya, kagaya na lamang ng kaunti niyang kasungitan sa mga bagay-bagay.

"Itinatago? Ano ka ba naman?" pabiro kong sagot dito, pilit na itinatago ang nadamang gulat gamit ang isang ngiti.

"You're typing a lot. Nagsusulat ka ba?" tanong pa niya.

"Journal nga," pag-ulit ko. "Siyempre marami 'to."

Nanatiling nakatingin sa akin ang kaniyang mga mata na sinagot ko lamang ng isang ngiti. Naputol lamang iyon nang marinig ko ang isang pagkatok na nanggaling sa pinto ng aming tinutuluyan.

"May bago na naman?" tanong niya kasabay ng paglakad niya palayo. "Bakit ba napapadalas na ang mga ito?"

Sa muli ay ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat ng aking journal na sa totoo lang ay ang aking sikretong blog na hindi pa rin natutuklasan ni Raine. Doon ko na nga naisipang isulat ang sarili kong mga pananaw tungkol sa mga pakikipagsapalaran namin.

SEPTEMBER 8. May lumapit sa aming isang lalaki.

"Madalas na wala sa bahay ang asawa ko," wika ng lalaking iyon.

"Tinanong niyo na po ba siya kung nakikipagkita sa iba?" tanong naman ng kasama kong nagdala ng katahimikan sa loob ng common room ng gusali kung saan kami nakikipagkita sa mga naghahanap ng kasagutan.





SEPTEMBER 15. Isang babaeng nasa hayskul pa lamang at nakasuot ng magara ang dumating sa gusali namin.

"Sa tingin mo ba ay may gusto rin sa akin ang honeybunny ko?" tanong nito kay Raine. Ipinatong niya sa kaniyang kaliwang hita ang isa pa nitong nakasuot ng maiksing maong na short.

"Uh... Baka magkagusto rin sa iyo itong kasama kong ito," sagot ni Raine na binato sa akin ang kaniyang tingin habang nakaupo lang ako sa tabi niya at nagsusulat ng mga sinasabi nila, iniwasan ang mapang-akit nitong pagdating.

"Bakit naman nadamay ako riyan?"

"Ilan bang honeybunny ang kasalukuyang nakikipagkita sa iyo. Sino sa kanila?" dagdag ni Raine pagkaalis niya ng titig sa akin.

SEPTEMBER 30. Wala namang gaanong nangyari. Sa araw lamang na iyon ay opisyal nang ginawang opisina namin ang parte ng gusaling iyon.

Siyempre, hindi ayon doon ang ilang nakatira sa Luna Residence dahil maiistorbo ang puwesto nila kaya naisipan ni Tita Clara, ang landlady namin, na hatiin ang common room sa baba ng Apartment 220. Napunta sa parteng kaliwa ang tanggapan ni Raine na pinalibutan lamang namin ng ilang lamesa para magmukhang opisina kunyari.

OCTOBER 11. Dumating naman ang isang wirdo.

"Hindi ko mahanap ang puso ko," wika ng isang lalaking para bang mas matanda sa akin ng ilang taon. "Sa tingin ko ay may nagnakaw bigla, e," dagdag nito na nakatutok ang tingin kay Raine.

Binigyan siya ng isang ngiti ng kasamahan ko at inilayo ang mga kamay niyang nakalagay sa lamesang nasa pagitan ng dalawa.

"Ang swerte mo dahil buhay ka pa, Kuya. Hindi ba ang puso natin ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay? Without it, who will pump our blood, deliver our oxygen and nutrients to our tissues and remove wastes," wika ni Raine.

"Ang swerte ko nga nang dahil sa pagkawala ng bagay na iyon ay nahanap kita," dagdag pa ng lalaki.

"Ah, so, you want to really get rid of that heart of yours?" tanong ni Raine na nagpabaling muli ng kaniyang mga mata sa akin kasabay ang nakabukas niyang palad.

Sa oras na iyon ay alam ko kung ano ang nais niya. Kahit na ako ay parehong pakiramdam ang mararanasan kung ganoon ang makakasalamuha ko.

Ibinaba ko muna ang aking notebook at ballpen at saka pumunta sa may drawer sa gilid ng silid. Pagbalik ay iniabot ko sa kaniya ang isang dissecting scissor na aking itinago lang doon.

"Para saan iyan?" tanong ng lalaki.

"Para mawala na po talaga ang puso niyong iyan. Kung ganoon ang mangyayari ay magkakatotoo ang ipinunta mo rito at—" ani Raine na mabilis namang naputol nang umalis na ang lalaki.

OCTOBER 20. Matapos pumunta sa amin upang ipahanap ang nawawala nilang alagang pusa ay bumalik muli ang magkapatid matapos ang tatlong araw.

"Ito na ang alaga niyo, ladies," wika ko kasabay ng paglapag ng isang kulay itim na pusa sa mesa.

Nahanap namin ang pusang iyon noong nakaraang araw. Hindi ito masyadong binigyang pansin ni Raine subalit madali lang naman namin itong nahanap na pagalala-gala sa kalsada.

"Thank you," sagot ng dalawang babae.

"Magkano ba ang ibabayad namin sa inyo?" tanong ng nakakatanda rito.

"Kahit ilan," sagot ko na naging tagapagsalita na lamang ng mahiyain kong boss. Kumikita rin kami kahit na papaano subalit sila na ang bahala kung ilan ang ibabayad o kung magbabayad ba sila.

"Sino sa inyo ay sinubukang paalisin sa bahay ninyo ang pusang iyan?" tanong ni Raine matapos iabot sa akin ng mas nakababata sa dalawa ang isang daang piso.

"Paalisin?" sabay na bulalas ng dalawa.

"Sa tingin mo ba ay si Mama?" tanong ng nakababata.

"O si Papa? Nakita ko siyang kahina-hinala noong mga nakaraang araw," sagot ng nakatatanda sa magkapatid.

"O baka naman kayong tatlo na palihim na isinagawa ang plano habang natutulog ang isa dahil natatakot kayong rumami pa ang alaga niyo sa bahay matapos ang dalawa... hindi, tatlo pang pusang nauna rito," wika ni Raine matapos obserbahan ang dalawa.

"Paano mo nalamang may tatlo pa kaming pusa? Ang galing mo roon, a!" bulalas ng nakatatanda sa dalawa.

"Shut up. You are one of those who wanted to get rid of that cat," ani Raine.

"Ate? Totoo po ba?" tanong ng isa sa mga kliyente.

"Uh... Kasi... Naiinis ako sa pusang iyan. Madalas magbawas sa—" sagot ng isa pa.

Nagsimula na nga noon ang mga nagliliparang mga rason at depensa na bumalot sa buong silid. Mabuti na lamang at maayos naman itong naresolba ng kape ni Tita.

OCTOBER 27. At siyempre, mayroon din naman kaming mga kasong masasabi kong kakaiba.

"Mayroon kaming samahan," pagsisimula ng isang maaaring kasing-edad lamang naming babae.

"Sinasabi mo bang isasama mo rin kami sa samahang iyan?" tanong ni Raine. Handa na sana niyang ibigay sa akin ang senyales na paalisin na ang babae sa silid namin nang napahinto siya.

"Pero kagabi lang, may nagpakita sa aming multo noong pumunta kami sa isang abandonadong bahay," dagdag ng babae na pansin ko ang takot sa mga binibitawang salita.

"Saan makikita ang abandonadong bahay na iyan?" tanong ni Raine.

Maraming katatakutan ang nangyari matapos ang araw na iyon. Pero sa huli, wala namang nagpakita sa aming multo at sadyang pananakot lang ang nasaksihan namin sa lugar.

OCTOBER 30. Iyon ang araw kung kailan pauwi na kami galing sa klase at saka nakasakay kami sa minibus. Sa tabi namin ay mayroong isang maliit na bata na kalong-kalong ng kaniyang ina.

"Ano po ang nangyayari matapos mamatay ng isang tao?" tanong na lamang ng bata sa katabi niyang si Raine na abala sa pagsusulat ng blog niya sa kaniyang website.

"Uh... hello," sagot ng napahintong si Raine. Kita ko ang pilit niyang pagngiti upang itago ang kaniyang kaba.

"Ang sabi po kasi ni Mama, pupunta raw po sa langit," dagdag ng batang lalaki.

"Pupunta naman talaga tayong lahat sa langit, anak," wika ng kaniyang inang iniayos ang upo ng bata.

"Kaya dapat mabait ka para makapunta ka sa langit," wika ko upang maaliw siya.

"Sa totoo lang, bago ka pa man makapunta sa destinasyon mo, kailangan munang alisin ang lahat ng dugo sa katawan mo at saka iyon papalitan ng likido para—" sagot ni Raine na nagpalaki sa aming mga mata.

"And... huwag mo nang isipin iyon, bata," pagputol ko sa paliwanag ng kasamahan ko. "Ewan ko ba kung bakit mo naisip ang tanong na iyon. Ang bata-bata mo pa."

"Ano pong likido?" tanong pa ng bata.

Buti na lamang at huminto na ang sasakyan kaya naman ay nakaalis na kami sa tabi ng batang iyon.

"Matapos ang pagpunta natin sa isang horror house, ngayon ay mananakot ka naman ng bata?" sermon ko kay Raine pag-uwi namin sa bahay.

"Hindi naman siya takot. At saka, sinagot ko lang naman ang tanong niya scientifically," sagot lamang niya sa akin at saka na kinuha ang kaniyang librong hiniram sa library ng unibersidad.

NOVEMBER 1. Tinawag ko iyong isa na naman sa mga nakakatakot na nangyari sa amin.

Pinatawag siya ni Detective Inspector George Ferrer sa isang sementeryo. Sa oras na iyon ay hindi tipikal ang kaganapang iyon nang dahil sa hindi niya nakayanang masolusyunan ang nangyari.

Isang babaeng maaaring nasa ika-dalawampung taong gulang na ang nakitang patay sa loob ng isang abadonadong bahay—ang bahay na pinuntahan namin noong nakaraan kung saan wala naman kaming nakitang kung anong kakaiba sa loob.

Sinabayan pa ang araw na iyon ng tambak sa takdang-aralin sa dalawa niyang kursong pinagsabay kunin.

Sa wakas ay nalaman ko na ring mayroon din siyang kahinaan at napatunayan kong hindi niya kayang pagsabay-sabayin ang maraming bagay sa isang araw.

"Nagsusulat ka nga talaga!" bulalas ni Raine. Noong araw na iyon ay una niyang nakita ang sinusulat kong blog kaya naman sa kasalukuyan ay ayaw kong makita niya muli iyon. "Hindi ba iyan ang website na panay ang komento sa mga ina-upload ko o nagbago ka lang ng theme?"

"Well, gusto ko lang magsulat para hindi ko makalimutan ang mga nangyayari," sagot ko at saka isinara ang laptop.

"Ano 'yon? The Unsolved Case of Raine de Verra?" aniya.

"Wala nga iyon, matulog ka na riyan. Magsisimba pa tayo bukas sabi ni Tita," wika ko at saka na siya pinaalis sa kusina.

NOVEMBER 10. Sa kasalukuyang panahon ay umalis na nga si Raine upang tingnan kung sino ang kumatok sa pintuan namin. At siguro ay alam ko na kung sino iyon.

Bago ko siya sundan upang kausapin si Tita ay nakuha ang mga mata ko ng mga nagkalat na balita sa internet. Pagkatapos mawala ng pinagtataguan ni Raine ay malaya na rin siyang gawin ang gusto niya.

"May tao sa labas," wika ni Tita. "Nangangailangan daw ng tulong mo."

"Ang aga pa po," ani Raine.

"At sa tingin ko ay rarami pa iyan," wika ko. "May sikat na akong kaibigan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro