24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Kailan pa naging kayo? Tell me!!" Pangungulit ni Lea. Hindi kami matapos-tapos kumain, kanina pa kami dito sa hapag.

"Can you please shut up!? Kumakain tayo oh." Napasimagot naman siya pero nagpatuloy lang sa pagkain.

Isusubo ko na yung kutsara ko ng pumasok si Mommy at Daddy sa dinning.

"Ano ba yan? Kanina pa kayo kumakain hindi pa rin kayo natatapos," reklamo ni Mommy.

"Ang ingay nyo, nag-aaway na namam ba kayo?" Napairap ako dahil doon.

"Ah, hindi po Daddy, we're talking about her friend po," sagot naman ni Lea na mas lalo kong ikina-irap.

"Mabuti naman at magkasundo na kayo-"

"I'm done." Tumayo na ako at binitbit ang gamit ko.

"Pamie, may damit kana ba?" Tanong ni Mommy.

"Nothing, akyat na po ako." Paalam ko, mabilis na akong umakyat sa kuwarto ko.

Matapos kong gawin ang night routine ko aya mabilis akong umupo sa study table ko at tinawagan si Josh.

"How is he?" Tanong ko pagkasagot niya ng tawag.

["He's still sleeping, subrang lasing."] Napahawak sa ulo niya si Josh, halatang frustrated.

"Is he okay?" I ask again, worriedly.

["Yeah, sumasakit ang ulo ko sa kaniya, susuntukin ko talaga 'to hanggang sa mabasag ang mukha kapag nagising 'to."] Inis na sabi niya.

"Ang harsh mo naman, ikaw suntukin ko diyan eh." Sagot ko naman.

["Nakakainis kase, nagugutom na ako, hindi ko naman 'to pwedeng iwan."] Inilagay niya yung camera sa mukha ni Cian, mahimbing lang na natutulog ang lalaki.

"Iwan mo na, malaki na yan, kumain kana muna, bibisita na lang ako dyan bukas, tutal wala naman akong klase sa umaga." Sagot ko naman dito.

Matapos namin mag-usap ni Josh ay laking gulat ko ng mapatingin ako sa kama ko. Subrang bilis ng tibok mg puso ko dahil sa takot at kaba.

"Gusto mo bs akong patayin?!" Inis na sigaw ko kay Lea.

"I'm sorry, kanina pa kase ako tawag ng tawag sa labas di mo naman ako pinapansin, kaya pumasok na ako tapos hinintay ko lang kayong matapos mag-usap ni Josh." Mahaba niyang paliwanag.

"You're not welcome at my room, how dare you to enter in my room with my permission?!" Inis kong sabi sa kaniya at hinarap siya ng maayos, naka cross arm pa at nakataas ang isang kilay.

"Sorry na nga eh, I know hindi pa tayo ayos, I know rin na galit ka pa sa akin, but it's okay, hindi ako susuko hanggang sa matanggap mo'ko, and besides, sabi nga ni google, 'if you really love that person, make an effort to prove that you love her or him pr them', sp that's why I'm here." Inirapan ko siya dahil saga sinabi niya, ang haba-haba wala namang kwenta.

"At talagang kay google ka pa nag tanong ha." Inirapan ko siya.

"Yeah, I know bobo siya minsan pero marami akong natututunan sa kaniya, like, 'kapag ayaw sa'yo, ipilit mo', oh di ba ang ganda ng quotes haha." Napatingin ulit ako sa kaniya at tumawa.

"Paano mo pa yun mapipilit eh ayaw nga sa'yo?" Natatawa kong tanong.

"Hindi pwede yun, ipilit natin, pwede pa yan." Sagot niya naman at tumawa rin.

I didn't know na ganito ang humor niya, dati kase ang tahimik niya lang at pilit ipinagsisisiksikan ang sarili sa akin, dati nakayuko pa siya kapag kinakausap o sinisigawan ko, pero ngayon nakukuha pang tumawa, anong nakain nito?

"Tell me more about your relationship with Cian." Sabi niya bigla na ikinawala ng ngiti ko.

"Sabi ko na nga yan ang pinunta mo dito eh, wala akong sasabihin, pwede ka ng lumabas at matulog." Utos ko at tinuro pa ang pinto ng kuwarto ko.

"Ang damot eh," tumayo ako at pinilit siyang tinutulak palabas ng kuwarto. "Dali na ba, hindi ako makakatulog." Pamimilit niya.

"Wala akong pakialam," tinulak ko pa siya hanggang sa makalabas na siya ng pinto ko. "Sleep." Utos ko bago isara ang pinto at e-lock yun.

Matapos kong mag-aral ay natulog na din ako.

Kinabukasan maaga akong gumising at nagluto, kailangan kong dumaan sa hospital. Nagluto lang ako ng champurado na pwedeng kainin ni Cian sa almusal, favorite ko 'to eh, simula nung natikman ko 'to, ito na lagi kong pinapaluto kay Manang.

"Pamie pwede ba akong sumam-"

"Hindi, wag ka ngang feeling close, di pa tayo okay." Putol ko sa kaniya.

"Okay lang kahit ayaw mo ako isama, pupunta ako sa ayaw at sa gusto mo." Sabi niya sa akin at naunang bumaba ng hagdan.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nainis sa sinabi niya, there is a part of me na sarcasm lang yung sinabi niya, hindi kagaya dati na naiinis ako kahit wala pa siyang sinasabi.

Napailing na lang ako bago sumunod pababa, dala ko yung paper bag na may lamang pagkain na para kay Cian. Nakangiti akong sumakay sa driver seat ng kotse ko at laking gulat ko ng makita sa back seat si Lea.

"Let's go?" She ask before she wear her glasses.

"Di ba ang sabi ko sa'yo hindi ka pwedeng sumama?" Inirapan niya lang ako bago nagsuot ng headset.

Gusto ko siyang sambunutan ng bonggang-bongga.

Wala na akong nagawa kundi ang magmaneho na lang dahil nakasakay na siya sa kotse ko. Tahimik akong nagd-drive habang si Lea naman ay subrang daldal, nakakarindi yung boses niya.

"Pwede ba, Lea, kahit saglit lang manahimik ka." Inis kong sabi sa kaniya at nagkasalubong naman yung mga mata namin sa rear mirror.

"Oh, sorry." She said and shut her mouth. Napahinga ako ng malalim, nag focus na lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa hospital kung saan naka confined si Cian.

Nang makapark ako ng maayos sa parking lot ay bumaba na ako kasunod si Lea. Napatingin ako sa kaniya nang maglakad siya na parang pagmamay-ari niya ang hospital, she walk like a model, celebrity, CEO, basta yung matataas na uri ng tao, nagsuot pa talaga siya ng shades.

"What are you doing?" Tanong ko sa kaniya.

"Shut up, kunwari mayaman tayo," natatawa niyang bulong.

"Eh mayaman naman tayo eh, hindi mo kailangang umasta ng ganiyan." Sagot ko at napahawak sa noo.

"Oh my god, finally natanggap mo na din ako bilang pamilya mo." Sabi niya at gulat na gulat pa.

"Asa ka." Sagot ko na lang.

"Alam mo kung nasaan ang room niya?" She ask while we're walking to the entrance.

"No, we can ask the counter," sagot ko namam at tumango siya.

Naglakad kami papunta ng counter at nagtanong kung nasaan ang room ni Cian. Nang makuha namin ang room number ay agad kaming pumunta sa third floor.

Bakit ang layo pa ng room niya?

"Mauna ka ng pumasok sa loob, may kakausapin lang ako." Nakangiting sabi ni Lea at lumayo sa akin habang nasa tenga niya ang cellphone.

Tumango lang ako sa kaniya at kumatok na sa kuwarto ni Cian.

"Oh, may pagkain ka bang dala? Nagugutom na talaga ako." Reklamo kaagad ni Josh.

"Here, how is he?" Tanong ko kaagad at lumapit kay Cian.

"Hindi pa rin gumigising." Sagot naman ni Josh habang kumakain.

Pinagmasdan ko si Cian na mahimbing pa rin ang tulog.

"Wala ka ba talagang alam tungkol sa nangyayari sa kaniya?" Tanong ko kay Josh habang na kay Cian ang tingin ko. Sinuklay ko ang buhok ni Cian gamit ang kamay ko.

"Nope, hindi siya nagsasabi sa akin, kahit nga papuntahin ako sa bahay nila ayaw niya eh." Sagot niya naman.

Napahinga ako ng malalim bago umupo sa upuan malapit kay Cian at hinawakan ang kamay niya.

Sana naman paggising niya sabihin niya sa akin lahat ng nangyayari sa kaniya, sana maging maayos na kami paggising niya. I hope.

Naalala ko naman na kasama ko pala si Lea, bakit kaya ang tagal nun pumasok?

Tatayo na sana ako para tawagin si Lea pero bigla na lang gumalaw si Cian, napatingin ako sa kaniya at gano'n din si Josh na may laman pa ang bibig.

"C-Cian?"

"Aray!" Reklamo niya kaagad at napahawak sa ulo niya, mabilis akong lumapit sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong.

"N-Nasaan ako?" Tanong niya at inilibot ang paningin sa paligid, nang makita niya ang dextrose sa kamay niya ay agad siyang nagwala na parang bata. "What's the meaning of this? Bakit nandito ako sa hospital?! Sinong nagdala sa akin dito?!" Sigaw niya at pilit tinatanggal ang dextrose sa kamay niya.

Mabilis naman ang naging kilos ko at pinigilan siya, tumulong na rin si Josh para pakalmahin siya.

"Ayaw ko dito, gusto ko ng umuwi?!" Sigaw niya ulit.

"Cian!" Tawag ko ng tuluyan niyang natanggal ang dextrose at tumayo. "Cian, saan ka pupunta!" Sigaw ko at hinarangan siya.

"Shut up!" Sigaw niya at tinulak ako palayo. "We're done Pamie, please leave me alone, ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!" Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sinabi at ginawa niya. "Kayong lahat! Wag na wag na kayong magpapakita sa akin!" Sigaw niya at tinuro pa kami ni Josh. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa mata habang nakatingin sa kaniya. "Lahat kayo walang kwenta, lahat kayo iiwan rin ako! Lahat kayo!!" Sigaw niya ulit, doon ko nakita ang luhang sunod-sunod na tumulo mula sa mga mata niya.

"Cian, ano bang ginagawa mo?!" Sigaw din ni Josh at tinulugan akong tumayo. "Bakit mo ginawa kay Pamie yun?" Nagkasalubong ang mga mata namin ni Cian na puno ng luha.

"C-Cian?" Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya. Pero mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa kaniya at tinulak ulit ako paupo sa sahig.

"Oh my god!" Rinig kong sigaw ni Lea at mabilis na lumapit sa akin para tulungan akong tumayo. "How dare you to do that to my sister!" Sigaw ni Lea kay Cian.

"This is enough, Pamie makinig ka sa akin! We're over! I don't need you anymore, hindi naman talaga kita minahal eh, lahat ng yun trip ko lang, so please leave me alone at wag ka ng magpakita sa akin ulit!" Sigaw niya bago naglakad palabas mg kuwarto.

"Let's stop this!" Rinig ko pang sabi niya bago sumara ang pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro