25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Iyak ako ng iyak dito sa kuwarto ko dahil sa hindi maliwanag na usapan namin ni Cian. Bakit ang bilis sa kaniyang bitawan ako?

Bakit gano'n siya? Anong nagawa ko? Totoo ba lahat ng sinabi niya?

"Stop crying, Pamie, for pete sake! Kanina ka pang umaga eh!" Reklamo ni Lea.

"G-Get out! G-Gusto kong mapag-isa!" Bulong ko habang nakadapa at nakatabon ng unan ang mukha.

"Pamie naman-"

"I said, get out!" Sigaw ko sa kaniya.

"Okay, okay." Sabi niya at itinaas ang dalawang kamay para sabihing sumusuko na siya.

Ni-lock ko ang pinto ng kuwarto ko at mas lalong umiyak ng umiyak, masakit na yung mata ko pero wala na akong pakialam, subra akong nasaktan, all this time ba trip lang sa kaniya lahat? Gano'n ba ako kadaling binatawan? Hindi niya ba talaga ako minahal?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumayo ako at tumingin sa salamin, kinuha ko yung jacket ko at susi ng kotse.

Mabilis akong lumabas ng bahay, hindi ko pinansin si Manang na tumawag sa akin, mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho ng mabilis, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sa ngayon gusto kong sumigaw.

Madilim na sa paligid at halos wala ng sasakyan na dumadaan, fresh na fresh pa sa akin yung nangyari kanina. Gusto long sumigaw ng sumigaw hanggang sa maubusan ako ng boses.

Hanggang sa di ko namalayan na nasa pantalan na ako kung saan lagi kaming nagkikita. Bumaba ako ng kotse ko at tumakbo sa dulo ng pantalan at sumigaw ng malakas.

Sunod-sunod na tumulo ulit ang luha sa mata ko.

"B-Bakit gano'n? What's wrong with me?" Bulong ko. Napaupo ako at napahawak sa dibdib ko, hirap na hirap na akong huminga pero gusto kong ilabas ito ngayon din.

"Pamie?!" Rinig kong sigaw ni Lea, mabilis siyang bumaba sa kotse na dala niya at nilapitan ako. "Please, stand up!" Utos niya pero umiling lang ako at umiyak ulit.

Wala siyang nagawa kundi ang umupo din at yakapin ako, umiyak ako ng umiyak sa braso niya.

"Shhh, it's okay, umiyak ka lang, iiyak mo lang lahat pero bukas wag ka ng umiyak ha." She said.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, naalala ko lahat ng ala-ala namin, lahat ng masasayang ala-ala na kasama ko siya, kung paano kami nagkakilala, kung paano magsimula ang lahat dahil sa fishball, kung paano kami mag agawan dahil sa pagkain, I miss all of those memories.

"Hey what happened?!" Napatingin ako kay Lexi ng lumapit ito sa amin, awang-awa siya sa akin, kasunod niya naman ay si Tristan at Josh.

"I'm sorry, Pamie." Rinig kong bulong ni Josh.

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko. Hindi nila dapat ako makitang umiiyak.

"Wag kana magpanggap," si Tristan.

"Gabi na, nandito pa kayo sa labas?" Tanong ni Josh.

"Sinundan ko siya." Paliwanag naman ni Lea at tinuro pa ako.

Hindi ko sila pinansin na nag-aaway doon kung bakit gabi na ay nasa labas pa rin kami, sino ba kaseng nagsabi sa kanila na pumunta sila dito?

"Tinawagan ko si Lexi at sinabi kong may problema ka, tapos sinama niya pala si Tristan tapos tinawagan din si Josh kaya nandito sila." Paliwanag ni Lea na animo'y nabasa ang nasa isip ko.

Hindi na lang ako sumagot at tumitig na lang sa dagat na natatamaan ng sinag ng buwan. Yung luha ko kanina umurong na dahil sa kanila, ang hapdi na rin ng mata ko at hindi ko na alam kung may luha pa ba akong ilalabas.

Binigyan lang nila ako ng time na tumahimik maging sila ay hindi na rin nagsalita, alam kong awang-awa na sila sa akin lahat pero wala silang magawa dahil nga kahit ako sa sarili ko hindi ko na din alam ang gagawin ko, pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon, ang sumigaw.

"Ahhhhh!!!!" Bigla kong sigaw na ikinagulat nilang lahat, sunod-sunod ulit na tumulo ang luha ko.

Para akong mababaliw sa nangyayari sa buhay ko, para akong masisiraan ng bait sa subrang sakit.

Paano ba mawala yung sakit na nararamdaman mo ng isang saglit? Yung tipong gusto mong saktan ang sarili mo kase sarili mo na yung iniisip ko, gusto kong magalit sa kaniya pero para saan pa ang galit ko?

"Umuwi na tayo." Tinulungan akong tumayo ni Lea, sumunod naman ako bago pinunasan ang mukha ko.

"Pupunta ako sa kaniya ngayong gabi, hindi pwedeng matapos ang gabi na 'to nang hindi kami nag-uusap." Matapang kong sagot at mabilis na pumasok sa kotse ko.

"Pamie, gabi na, may bukas pa naman." Pigil sa akin ni Lexi.

"Kapag pinabukas ko pa 'to mas lalo kong hindu maiintindihan kung anong nangyayari, kaya pabayaan nyo na ako, salamat na lang sa pag-aalala." Sagot ko sa kanila.

I start my engine and drive faster I could. Mabilis naman akong nakarating sa bahay nila Cian kaya agad akong kumatok. Hindi nagtagal ay bumukas yun, bumungad sa harapan ko si Cian na magulo ang buhok. Ang pogi niya pa rin.

"What are you doing here?" He ask, naka kunot pa ang noo kaya alam kong naiirata na naman siya.

Sasaraduhan niya na sana yung pinto ng bigla kong iharang ang kamay ko.

"Putangina, Pamie!" Sigaw niya ng maipit ako, tahimik akong napa-aray dahil sa sakit. Nagkunwari akong hindi nasaktan pero ang totoo, gusto ko siyang murahin.

"L-Let's talk," mahina kong sambit at medyo naiiyak na.

"Pamie, di ba sinabi ko na sa'yo, tapos na tay-"

"Putangina, bakit?! Walang rason?! Gano'n lang yun?!" Sigaw ko sa kaniya habang tumutulo ang luha sa mga mata ko, hindi siya makatingin sa akin ng deritso.

"Just go home, it's already late." Walang emosyon niyang sagot at mas lalong iniwas ang tingin sa akin.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong dahilan at bakit ka makikipag-break sa akin?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi pa malinaw sa'yo na ayaw ko na at hindi naman talaga kita minahal eh, nakakasawa ang ugali mo!" That's heat me in my heart.

That's hurt.

"B-Bakit-"

"Anong bakit?! Hindi pa ba halata na hindi talaga kita minahal-"

"Bakit kailangan mo pang patagalin ng limang buwan bago mo sinasabi sa akin?! Nasanay na ako sa'yo eh, sinanay mo na ako, pero bakit?!" Umiiyak kong sabi sa kaniya at hinampas-hampas ng dibdib niya.

"Umuwi kan-"

"S-Sinaktan mo'ko... S-Sinanay mo'ko... B-Bakit? A-Anong nagawa ko?" I cried in his chest.

Wala siyng sinasabi, hinayaan niya lang akong saktan siya habang ang ulo ko ay nakapatong sa dibdib niya habang umiiyak.

"C-Cian-"

"Umuwi kana, Pamie." Utos niya ba at pilit akong inaalis sa dibdib niya. I look at him with teary eyes, walang hinto ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

"A-Ayaw ko. Please, sabihin mo sa aking hindi totoo lahat ng sinabi mo, please, please." Pagmamaka-awa ko.

Ayaw kong umalis siya, hindi ko kaya.

"Pamie, ano ba? Sinasaktan mo lang ang sarili mo." Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya at binitawan yun, dahil hinang-hina na ako ay napa-upo ako sa sahig dahilan para lalo akong maiyak.

"J-Just... s-stay with me, please?" Utal-utal kong pakiusap.

"Pamie, ayaw ko na, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayaw ko na?! Leave me alone!" Sigaw niya sa akin na lalo kong ikinaiyak.

Ano bang nagawa ko?

Hirap na hirap na akong huminga pero malinaw na sa akin ngayon na ayaw niya na talaga.

Pinilit kong tumayo, kahit alam kong matutumba ako ulit, hinang-hina na ako, napahawak ako sa pintuan nila para suportahan ang sarili ko, pero hindi yun sapat kaya muli akong napaupo sa sahig.

"Pamie!" Rinig kong tawag sa akin ng kung sino.

"Please, hindi ko kaya." Mahina kong bulong.

"Umuwi na kayo at wag na wag na kayong babalik dito!" Sigaw ni Cian at pumasok sa loob ng bahay nila, pero bago pa siya tuluyang makapasok isang malakas na sampal ang ginawa ni Lea sa kaniya.

"Hindi ikaw yung Cian na nakilala ko. How dare you to hurt my sister like this! Pinagkatiwala ko sa'yo yung kapatid ko kase akala ko mamahalin mo ng totoo, pero pare-pareho lang kayong mga lalaki, sa una lang magaling!" Sigaw sa kaniya ni Lea na mas lalo kong ikinaiyak.

Binalikan ako ni Lea at tinulungang makatayo, nandito rin si Lexi na tinulungan si Lea.

"Hindi ka na namin kilala!" Sabi naman nu Josh. "Kahit kailan, hindi ko inisip na magagawa mo 'to sa amin!" Dagdag niya pa.

Pumasok ako sa kotse ko na malakas pa rin ang pag-iyak. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin sa akin 'to. All this time akala ko totoo yung lahat ng sinabi niya sa akin, akala ko totoo yung pagmamahal na pinapakita niya, hindi pala. Lahat pala ng yun ay kasinungalingan lang, hindi ako naiiyak dahil sa nangyari, naiiyak ako dahil ang tanga-tanga ko.

Ang tanga-tanga mo, Pamie.

"Hindi nyo naman talaga ako kilala eh." Natatawang sabi ni Cian na ikinataka naming lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro