6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Oh? Anyare diyan sa damit mo?" Tanong ni Lexi na makapasok ako ng kotse niya.

"Nabuhusan ko ng shake," sagot ko naman ay hinubad ang jacket ni Cian.

"Saan naman galing ang jacket mo? Wala ka namang suot na jacket kanina nung pumunta tayo dito eh," lahat na lang talaga napapansin niya.

"Kay Mr. Sungit," sagot ko na lang, tinaasan niya ako ng kilay ng hindi niya makilala kung sino ang tinutukoy ko. "Hayaan mo na nga lang, umuwi na tayo."

Hindi na rin naman siya nagtanong at nagmaneho na lang pauwi, hinatid niya muna ako sa bahay, pagdating ko ay ganon pa rin, wala pa rin si Mommy kaya umakyat na ako sa kwarto ko.

Inilapag ko sa tray ng labahan yung jacket at panyo ni Cian, kung hindi ko lang talaga ito kailangan hinding-hindi ko ito hihiramin sa kaniya, kaya lang nakakahiya naman kung maglalakad ako na subrang dumi ng damit ko noh.

Pumunta muna ako sa study table ko at inayos ang mga gamit ko, handa na para matulog, nang hihiga na ako sa kama ko ay may kumatok sa kwarto ko.

"Pam, are still awake?" Dahan-dahang binuksan ni Mommy yung pinto ng kuwarto ko.

"Yup, why?" I ask.

"May gustong magpakilala sa'yo," napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.

"Who?" Gabing-gabi na ah, gusto ko ng matulog.

"Let's go downstairs and you see," gusto ko mang hindi siya sundin ay hindi pwede, baka mawalan ako ng respeto sa kung sino man ang gustong magpakilala sa akin.

Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay kilala ko na kung sino yung lalaking naka-upo sa coach namin. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko na mabilis ko ring pinunasan ng tuluyan na akong makababa.

Hindi dapat nila ako nakikitang mahina, dapat malakas ako.

Taas noo akong humarap sa kaniya.

"A-Anak-"

"Who are you?" Matapang kong tanong, napatingin ako sa babaeng kasama niya na dahan-dahang tumayo at ngumiti sa akin.

"Pamie, this is Lea, your siste-"

"I don't have a sister you fucking bitch-" isang malutong na sampal ang sinalo ng kaliwa kong pisnge, napasinghap si Lea ng mapatingin ako sa kaniya. This is the first my mom's hand land on my face. Subrang sakit.

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko, masama kong tiningnan si Daddy at si Mommy bago ako tumakbo pabalik sa kuwarto ko, tinawag pa nila ako pero hindi ko na sila pinansin.

I locked myself in my room, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiiyak, paano nila nagawa 'to sa akin? Iniwan na kami ni Daddy tapos tatanggapin lang siya ni Mommy na ganon-ganon lang at may kasama pang anak sa labas? Paano niya napatawad ng ganon kadali?

Samantalang ako hanggang ngayon hirap na hirap pa ring tanggapin na pinagpalit kami ni Daddy sa kabit niya. Tapos babalik siya na parang walang nangyari? May dala pa talagang sabit.

Kinabukasan maaga akong gumising, nag-asikaso kaagad ako para hindi ko sila maabutan, kinuha ko yung susi sa driver namin at sinabing ako na ang magmamaneho, hindi na rin ako nag abala pang mag almusal dahil ayaw ko silang makita.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Lea na naka pajama, malamang na dito sila pinatulog ni Mommy.

"Hi Pam, good mor-"

"Walang maganda sa umaga!" Putol ko sa kaniya at inirapan siya. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na papunta ng garahe.

Nagmaneho na ako papunta ng school, dahil may nadaanan din naman akong café ay huminto muna ako para magkape. Habang nagkakape ay nag text sa akin si coach.

Mabuti na lang talaga dahil nasa kotse yung raketa ko, kung hindi babalik talaga ako ng bahay ng wala sa oras.

"Girl, bakit kase hindi ka na lang kumuha ng condo malapit dito sa school? At least kahit papaano hindi mo na sila makikita," sabi ni Lexi habang nags-stretching kami.

"I want to, but my mom told me that I'm not safe kapag nasa condo ako," sagot ko naman.

"Ede sasamahan kita," napatingin ako sa kaniya na may malapad na ngiti saka umiling. Baka kase ma-home sick lang ako kapag umalis ako ng bahay.

Nagsimula na kami sa practice, kalaban ko si Lexi na hindi naman sene-seryuso yung training namin. Tawa lang siya ng tawa habang inaasar ako.

"Masiyado ka ng magaling kaya 'di mo na kailangan ng practice," natatawa niyang sabi bago pinalo ang shuttlecock.

"Sira ka, ede nayari tayo kay coach," sagot ko naman at pinalo pabalik ang bala.

Nang mapagod kami pareho ay nagpahinga muna kami habang pinapanuod ang iba naming kasama na naglalaro din, wala ni isa sa amin ang nagseryuso sa practice dahil wala si coach. Panigurado kung nandito yung wala kang maririnig na tawa dahil nga seryuso ang mga nagpa-practice.

"Gusto ko kumain ng kikiam," nakanguso kong sabi kay Lexi.

"Kain tayo mamaya?"

"Pero libre mo, hindi natuloy nakaraan eh," sagot ko kaagad.

"Oo na." napipilitan pa ata siya.

Kagaya ng plano ay dumiretso kami sa harap ng school para kumain, mabuti na lang at wala masiyadong tao dahil hindi pa uwian. Pagkadating namin sa stool ay kumuha kaagad ako ng stick at lalagyan para sa kwek-kwek.

"Easy ka lang Pam, hindi ka mauubusan," natatawang sabi ni Lexi at kumuha na rin ng kaniya.

May ilan-ilang kumakain din dito, nakakita pa ako ng uniform ng taga Supreme Academy kaya napairap ako, naalala ko yung jacket ni Cian at panyo, nandon lang naman yun sa kotse ko, nalabhan ko na rin naman yun, ready ng ibalik.

Nang matapos ko kainin yung isang kwek-kwek ay tumusok pa ako ng isa kaya lang may tumusok din dito, na naman? Inis kong tiningnan yung tumusok nung kwek-kwek ko.

"Ikaw na naman?" Galit kong tanong kay Cian.

"Lahat na lang ba aagawin mo sa akin?" Inis niya ring tanong sa akin.

"Aba, ako pa itong nang-aagaw, nauna akong tumusok dito ha," pinanlakihan ko pa siya ng mata.

"Talaga ba? Ede sana ikaw ang unang nakakuha kong ikaw pala ang nauna," ganti niya naman.

"Ang hilig mo talaga akong agawan, baka pati boyfriend ko agawin mo rin sa akin," sigaw ko.

"Ang tanong, may boyfriend ka ba?" Natatawa niyang tanong, napasinghap naman ako at inis na tinanggal ang stick ko sa kwek-kwek.

"M-Meron... B-Bakit tingin mo sa aki panget?" Inis kong sagot sa kaniya.

"Ikaw nagsabi niyan, hindi ako," napapadyak ako sa subrang inis at kumuha na lang ng kikiam.

Nagulat ako ng mapatingin ako sa paligid, halos lahat pala ng kumakain ay nakatingin na sa amin. Puro na lang talaga kahihiyan ang binibigay sa akin ng lalaki na 'to, sumpa ata siya sa buhay ko eh. Kainis.

Habang kumakain siya ay natatawa siya, kausap niya kase yung nga kaibigan niya at tumitingin pa talaga sa akin bago tatawa, kaya tuwing nagkakasalubong kami ng tingin ay iniirapan ko siya.

Malapit na nga matanggal ang eye ball ko dahil sa kaiirap, gusto kong ibuhos sa kaniya itong maanghang kong sauce, bwisit siya.

"May boyfriend ka, Pamie?" Gulat na tanong sa akin ni Lexi.

"Wala, sinagot ko lang yun para hindi ako mapahiya," bulong ko sa kaniya kaya napangiwi siya.

This time, fish ball at siomai naman ang kinain ko, hindi ko na alam kung ilan na yung nakain ko, bigyan ko na lang mamaya ng cash si Ate.

"150 na Pamie ang nakakain mo, grabe ka, magkakasakit ka niyan eh," saway sa akin ni Lexi.

"Hayaan mo na, gusto ko na din namang mamatay eh," natatawa kong sagot sa kaniya kaya nabatukan niya ako.

Napahawak naman ako sa ulo ko at napanguso sa kaniya, last na 'to, tapos uwi na tayo," sagot ko sa kaniya. Napailing na lang siya at uminom ng juice.

Kumuha din ako ng juice at binayaran na ni Lexi lahat ng kinain namin, hindi niya na kinuha yung barya sa one thousand at umalis na kami doon. Pagdating namin sa parking lot ay naghiwalay na kami ni Lexi, pagpasok ko ng kotse ko ay nakita ko yung paper bag na ang laman ay jacket at panyo ni Cian.

Agad ko yung kinuha at bumalik sa street foods stool para i-abot sa kaniya itong gamit niya na pinahiram sa akin. May sama pa ata ng loob bago ako pahiramin eh.

Pagdating ko doon ay wala na akong nakitang uniform ng Supreme Academy kaya napasimangot ako. Bumalik na lang ako sa kotse ko at nagmaneho na para umuwi, next time ko na lang ibabalik kapag nagkaroon na ulit ng pagkakataon.

Baka isipin niya na kinalimutan ko ng ibalik, batukan ko siya eh, kapal ng mukha niyang agawan ako sa lahat. Napahiya pa tuloy akong may boyfriend kanina, kainis.

Nagmaneho lang ako pero hindi daan papunta sa bahay, ayaw ko pang umuwi dahil maaga pa, baka madatnan ko pa sila Mommy sa bahay kasama yung cheater kong tatay at step sister kong hilaw.

Gustong-gusto ko silang sigawan ng paulit-ulit para ipamukha sa kanila na hinding-hindi ko sila matatanggap sa buhay ko. Matapos kaming iwan ni Daddy ganon-ganon na lang siya babalik at may kasama pang anak? Never ko silang mapapatawad lahat.

Maging si Mommy desapointed ako sa kaniya, paano niya natanggao ng ganon kabilis si Daddy? Bakit hindi muna siya nagtanong sa akin bago siya nagpasya?

Nakakainis na itong buhay ko, gusto ko na talagang maglaho na parang bula.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro