7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Cian, nakakailan na kayo ni Miss Sungit ha," natatawang sabi sa akin ni Josh, siya kase palagi ang kasama kong kumain sa SSA dahil inaabangan yung crush niya na hindi naman niya sinasabi sa akin kung sino.

"Tsk, hindi ko nga alam kung bakit ang hilig nun makiagaw eh," sagot ko naman.

"Baka may gusto sa'yo pre? Nahihiya lang siya kaya inaaway ka na lang niya?" Natatawang pang-aasar ni Josh.

"Hindi ako yung tipo nun pre, mahalin niya na lahat 'wag lang ang mahirap na kagaya ko," sagot ko naman.

"Bakit? Palibhasa mayaman siya hindi na siya pwede magmahal ng mahirap?" Napailing na lang ako kay Josh at hindi na siya sinagot.

Maganda naman siya kaya lang ayaw ko mahulog sa mayaman, delikado.

Pagkatapos naming kumain ni Josh ay umuwi na rin kami, habang naglalakad ay napadaan ako sa play ground kung saan naglalaro na naman ng badminton yung mga batang lagi kong nakikita.

Dahil dala ko naman ang raketa ko kaya dumaan muna ako doon.

"Kuya Cian," nagtakbuhan na sila papunta sa akin para salubungin ako.

"Bakit? Na miss niyo kaagad ako?" Pabiro kong tanong sa kanila.

"Hindi, lakas din ng apog mo kuya," natatawang sagot sa akin ni Angel. Ginulo ko ang buhok niya at niyaya na sila maglaro.

Habang naglalaro kami ay tinuturuan ko sila ng tamang paghampas at pag-serve ng shuttlecock.

"Kuya, sa tingin mo po mananalo kami kapag sumali kami sa intrams ng school namin?" Tanong sa akin ni Angel ng maka-upo kami sa bench para magpahinga.

"Oo naman, basta practice lang kayo ng practice at magtiwala kayong kaya niyo," sagot ko naman.

Ilang oras pa kaming naglaro doon, hindi naman ako na boring dahil parang ako na yung coach nila, minsan pa nag-aaway sila pero agad ko rin namang naaawat.

"Si ate Pamie," sigaw ni Angel ng may dumating na kotse.

"Pamie? Sino yun?" Taka kong tanong.

"Siya yung tinutukoy ko sa'yong magandang babae na magaling din maglaro ng badminton, sa tingin ko po ngayon na kayo maglalaban," sagot niya sa akin bago siya tumakbo papunta kay Pamie kahit hindi pa naman ito nakakababa ng kotse.

Mayaman pala ang Pamie na yun, tingnan natin sa badminton. Masusi lang akong nakatingin sa kotse niya ng bumukas yun ay halos mapatalon ako sa gulat ng makita kung sino yung bumaba.

Si Miss Maldita.

Fuck, Pamie pala pangalan niya? Napangisi ako ng biglang may pumasok sa isip ko. Hindi naman masamang kalabanin ko siya 'di ba? Tutal sa SSA din naman siya nag-aaral, baka isa rin siya sa makalaban ko sa intrams.

Inayos ko yung sarili ko at tinanggal ang ngisi sa mukha ng papalapit na sila sa akin, may dala pa siyang mga pagkain para sa mga bata, tumalikod ako at inayos ang raketa ko, dapat hindi niya muna ako mamukhaan.

"Ate, siya si kuya Cian," dahan-dahan akong humarap sa kanila at kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Pamie ng makita ako.

"Nice to meet you Miss Pamie," inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya pero hindi niya yun pinansin at inirapan lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray niyang tanong.

"Maldita mo naman, nakikipaglaro ako sa mga bata, tinuturuan ko rin sila-"

"Tss, marunong ka ba talaga?" Matapang niyang tanong.

"Gusto mong subukan?" Nakangisi kong tanong. Taas noo naman niyang kinuha yung raketa sa likuran niya.

"Yehey, makikita na natin maglaro si kuya Cian at ate Pamie," sigaw ni Angel na ikinagulat ko.

"Kung sinong matalo manlilibre ng Jollibee," sigaw naman iba.

Yari, wala pa naman akong extra, ang pera ko lang dito ay sakto lang para sa pambayad ko ng contribution namin sa school, ayaw ko rin kaseng manghingi kayla Mama at Papa dahil alam ko rin namang wala din sila.

"Sige," sagot ko. Sana lang hindi ako matalo.

Nakapwesto na kami ni Pamie sa magkabilang side ng field. Unang hampas niya pa lang ay halata ng may ibubuga ang babae na 'to, kaya hindi na rin ako nag aksaya ng oras.

"Out!" Sigaw ni Angel, napangisi ako kay Pamie. Siya naman itong titira ulit. "Out ulit!"

Sa nakakailang score na ako at hindi makahabol si Pamie sa akin kaya nginingisihan ko siya, siya naman ay masama na ang tingin sa akin.

"Kaya mo pa ba Miss?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Shut up!" Sigaw niya sa akin pabalik.

Yung mga bata na nanunuod sa amin ay sigaw na ng sigaw at pangalan ko ang binabanggit dahil gusto nilang manlibre si Pamie ng Jollibee para sa kanila.

"Go kuya Cian!!"

"Kaya mo yan Kuya!!"

Natatawa ako sa itsura ni Pamie dahil hindi na mapinta yung mukha niya, nakasimangot na siya na hindi maintidihan pero still maganda pa rin siya.

Hindi ko itatanggi na maganda talaga siya, maldita nga lang. Natawa ako sa sarili kong isip habang nakatingin sa kaniya.

Maya-maya pa ay bigla na lang bumuhos ang ulan kaya nagtakbuhan yung mga bata para sumilong.

"Diyan ka lang, walang aalis," natatawang sabi Pamie sa akin.

"Umuulan na, sumilong muna tayo, baka magkasakit ka," sagot ko naman sa kaniya pero umiling siya kaya nagulat ako.

"Please? Laro muna tayo kahit saglit lang? Ako na bahala sa Jollibee niyo, kahit saglit lang?" Para siyang bata na nagmamaka-awa sa Tatay para payagan siyang maligo ng ulan.

Kaya kahit nagtataka ay pumayag ako sa gusto niya, basang-basa na kami ng ulan habang tawa siya ng tawa kahit wala namang nakakatawa, baliw ba siya? Pero halata sa mata niya na subrang saya niya.

Kaya kahit ako ay nadadala na sa tawa niya, hindi na kami naglaro ng badminton pero naligo kami ng ulan. Nagulat ako ng sumali sa amin yung mga bata.

"Hoy, bumalik kayo doon, magkakasakit kayo!" Sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.

"Gusto din po naming maligo," sagot ng isa sa kanila. Wala na akong nagawa dahil basa na rin sila.

"Taya ka ate Pamie," nagulat ako ng habulin ako ni Pamie para tayain dahil naglalaro na pala sila ng taya-tayaan sa gitna ng ulan, mabilis naman akong nakatakbo kaya hindi niya ako naabutan.

Sakit talaga ang abot namin nitong lahat, ibang-iba ang Pamie na nakikita ko ngayon, hindi mataray, hindi masungit, hindi maldita, isang Pamie na masayahin at parang walang problema sa buhay.

Dahil basa kaming lahat sa ulanan ay pinauwi na namin yung mga bata dahil baka magkasakit sila. Naiwan naman kami ni Pamie sa field, halata sa kaniya na nilalamig na siya kaya kinuha ko yung jacket sa bag ko at iniabot sa kaniya.

"Hindi kapa ba uuwi? Magkakasakit ka kung hindi ka kaagad makakapagbanlaw," sabi ko sa kaniya.

"Thank you. Uuwi na rin, ikaw ba?" Tanong niya pabalik.

"Uuwi na rin ako, mauna kana," sagot ko naman.

Nginitian niya ako bago siyang tumayo.

"Thank you, Cian, this day is a memorable for me," genuine siyang ngumiti sa akin saka ako tinalikuran at sumakay ng kotse niya.

Kumaway muna siya sa akin bago nagpaandar palayo. Naalala ko na dalawang jacket ko na yung nasa kaniya, hindi niya pa binabalik. Napailing na lang ako bago naglakad pauwi ng bahay.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, mabuti na lang at hindi ako nagkasakit dahil lamig na lamig akong umuwi ng bahay, sana lang din hindi nagkasakit yung mga bata at si Pamie. Halata pa naman na mabilis dapuan ng sakit yung maldita na yun. Sabagay mayaman naman siya, kaya niyang ipagamot ang sarili niya.

Bakit ba ako nag-aalala sa babae na yun?

Napailing ako ng dalawang beses saka sumunod kay Josh papunta sa room, balik na naman kase sa klase pero mamayang hapon ay excuse kami dahil may training pa rin kami, on going pa din, ganon talaga ka gustong manalo ng school namin kaya grabe na naman ang pagod namin.

"Pre, may bago daw tayong classmates," bulong sa akin ni Josh pagkaupo namin.

"Sino?" Tinuro niya yung babaeng papasok pa lang ng room, luminga-linga siya sa paligid at naghahanap ng bakanteng upuan.

"Miss, dito sa tabi ni Cian, bakante pa!" Sigaw ni Josh, masama kong tiningnan si Josh at malaki namang ngumiti yung babae at dahan-dahang naglakad palapit sa amin.

"Hi, I'm Lea Natividad," pakilala niya, inilahad niya pa ang kamay niya sa amin.

"Ako si Josh," sabi naman ng isa at tinanggap ang kamay ni Lea.

"Cian," nginitian ko lang siya at hindi na kinausap.

Sila lang dalawa ni Josh ang nag-uusap, pinalipat pa talaga ako ng walanghiya para si Lea daw ang nasa gitna dahil hindi rin naman ako nagsasalita, babaero talaga.

Lea Natividad, Familiar yung surname niya pero hindi ko alam kung saan ko ba narinig yun, binalewala ko na yun at nag focus na lang sa klase. Pinakilala lang saglit si Lea at nagtuloy na ulit sa klase.

Matapos ang klase ay dumiretso na ako sa field para mag practice, hindi rin naman ako nagtagal doon dahil wala naman si coach dahil may inasikaso daw, nagpasama ako kay Josh na kumain ulit ng street foods sa SSA.

"Kadami mo talagang arte, pwede naman tayo ditong kumain eh," reklamo ni Josh.

"Mas masarap kaya doon," sagot ko naman.

"Masarap ba talaga o may gusto ka lang makita?" Masama ko siyang tiningnan kaya tumigil siya sa pang-aasar.

"Wala akong gustong makita, gusto ko lang kumain," sagot ko sa kaniya.

"Lukuhin mo pa sarili mo, simula nung nakaagawan mo si Miss Maldita sa fishball lagi ka ng nandon eh," sagot niya naman. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta ng SSA.

Hindi rin naman kase kalayuan eh, siguro nasanay lang din akong maglakad ng malayo kaya ganon.

Nang makarating kami ay panay ang linga ko sa paligid nagbabakasakaling makita ko si Pamie, nag-aalala kase ako sa kaniya baka nagkasakit siya dahil sa ulan kahapon.

Nataranta ako ng makita ko siyang palabas ng gate kasama si Lexi, agad kong nasubo yung fishball na mainit pa pala.

"Oh tanga," natatawang sabi ni Josh kaya napatingin sa amin yung ibang kumakain. Masama ko siyang tiningnan bago binatukan. Siraulo talaga.

Pasimple akong tumitingin kay Pamie habang namimili ng kakainin nila, nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya.

"Hi Cian!" Bati niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya, binati niya ba ako? May iba pa bang Cian dito? Yung tiyan ko parang kinikiliti, pakiramdam ko din yung mukha pulang-pula na. Shit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro